Chapter Eight

1804 Words
    "Ang sarap netong cookies Lucy," sabay kagat ulit sa cookies na dinala niya. Nasa hapag-kainan kami, kasama ko si mie, Jann at si Lucy. Inimbitahan ko na sila na sumama sa akin sa bahay para naman makita sila ni nanay. "Talaga Kristin? Wag kang mag-alala, papadalhan kita niyan sa apartment mo para pangsnack mo na rin," tuwang saad niya sa akin na nasa tapat ko lang. I smiled. "Marunong ka na rin palang magluto iha?" Tanong ni mie kay Lucy. "Yes po tita. Nung nasa Britain kasi ako halos wala akong libangan. Kaya po pag wala akong magawa, nagbi-bake ako." Parang nabunutan ako ng tinik sa pag-aalala na hindi na kami magiging okay ni Lucy. Mukhang maayos na ang lahat sa amin. Hindi kami nauubusan ng kwento habang kumakain at kahit nung natapos na kami. Nahuhuli ko minsan na nagtitinginan sina Jann at Lucy at biglang maiilang si Jann na iiwas ng tingin. Hindi lingid sa kaalaman ko ang pagiging awkward nilang dalawa. Hindi ko na iyon pinansin. Pinagkibit-balikat ko ang lahat. "Jann, akin na ang kamay mo," inilahad ko ang palad. Lumingon muna siya sa nakaabang kong kamay at hindi bumitaw sa manibela. Nagda-drive sya ngayon kaya maiintindihan ko kung gusto nyang mag-ingat. Akala ko magmamaktol na naman siya na tinawag ko siyang Jann pero sinunod niya naman ang sinabi ko. May kinuha ako sa bag na nakapatong sa binti ko at saka isinuot sa kanya. Alam kong hindi siya mahilig magsuot ng relo. Pero wala na akong ibang maisip na ibigay sa kanya. Lahat na yata meron siya. Nakangiti niyang binawi ang kamay niya at tumingin saglit sa relo saka bumaling sa daan. "Nagustuhan mo ba?" Kinakabahan kong tanong, baka hindi niya nga iyon gamitin madalas. "Oo naman loves. Thank you." I smiled at his remarks. I unbuckled my seatbelt and leaned closer to give him a peck on the cheek. Nagpahinga muna ako nang makauwi sa apartment at napagdesisyunang lumabas para magpunta ng simbahan. Pagkatapos kong magdasal, lumabas din agad ako at nagtungo sa kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Hindi ko namalayan ang oras. Napansin ko nalang na palubog na ang araw. Napadpad ako sa tulay. Humawak ako sa bakal nito at naramdaman ko ang paghalik ng sikat ng araw sa mukha ko. Saglit akong napalingon, natulala, at napaisip. Ang swerte ng araw. Kahit lumubog ito, lagi siyang natututong bumangon para matanaw ng lahat ang pagsikat niyang muli. Nagitla ako sa harurot ng jeep na nanggagaling sa likod ko. Hindi nakawala sa paningin ko ang lakas ng pagkabangga nito sa tulay na nagdulot pa ng pagyanig sa hinahawakan kong bakal. Pigil ko ang hininga sa nasaksihan. Sa kabilang dako ay isang binata na halos kasing-edad ko lang. Napabuga ako sa paghinga nang walang pakundangan itong tumalon. Kita ng madami ang pagpupumiglas nito nang lumubog sa tubig hanggang sa unti-unting pagkitil ng kanyang buhay. Para akong nabingi sa ingay ng mga nakapaligid sa akin. I'm down on my knees. All I can hear now is that sound of a life support machine in a hospital when someone just died. I covered my mouth and closed my eyes. These are just ones of those hundred scenarios I've seen. This too will soon be over. Nagising ako sa narinig na sunod-sunod na pagkatok sa pinto. "Ma'am, pinapabigay po sa inyo ni ma'am Lucy. Cookies po saka grapes para sa inyo," si manang ang bumungad nang buksan ko ang pinto. Hanggang ngayon pala ay kay Lucy pa rin siya nagtatrabaho. "Salamat ho. Pasok po muna kayo," mas nilawakan ko ang awang sa pinto. "Ay naku, hindi na. Madami pa kong gagawin. Pinag-utos lang sa akin ni Lucy na ibigay sa iyo yan." "Sige po. Kayo pong bahala. Salamat." Natakam ako bigla kaya nilantak ko agad ang cookies. Hindi mapagkakaila ang sarap ng pagkakaluto niya. Pwede na nga siyang mag-asawa. Natawa ako sa sarili kong naiisip. Nagpagpag ako ng kama dahil sa nagkalat na mga piraso ng kinain ko at saka kinuha ang phone. 10:05 am na pala. Napasobra ang tulog ko. Tinipa ko ang contacts app at tinawagan si Jann. "Good morning loves!" Maingay sa lugar niya ngayon, alam ko na kung asan siya. "Loves! Good morning. Andito ako sa restaurant ngayon. May mga dadating kasing investors, may appointment ako ngayon sa kanila." Alam ko na iyon dahil nakwento na niya sa akin ang tungkol dun. "Kelangan mo ng moral support? Pupunta ako dyan." "Talaga? I'd love that," agad niyang saad na ikinatuwa ko naman. Nang matapos kaming mag-usap, naligo na ako at nagbihis. "Loves!" Bati niya sa akin pagkapasok ko sa restaurant niya. Hinapit niya ako sa bewang at inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "Ang ikli ng suot mo. Wala ka bang pants na dala?" Napalingon ako sa kanya at saka sa palda na suot ko. Above the knees siya pero hindi ko naman naisip na masyado itong maiksing tingnan. "Sorry. Wala eh. Maganda naman diba?" Ngiti kong sagot sa kanya pero tumango lang siya at sa harap nakatingin. Madami syang customers ngayon pero maingay dahil sa preparations na ginagawa ng mga empleyado niya. Hinila niya ang silya sa isang table at pinaupo ako. Pumwesto naman siya sa tapat ko. "Kumain ka na?" Tumango ako. "May pinadalang cookies si Lucy kaya yun na din ang kinain ko." Nag-iba ang expression ng mukha niya. "Dapat kumain ka nang maayos," tinaas niya ang kanang kamay at dumating agad ang waiter. Nagpaluto siya ng pananghalian namin at sabay na daw kaming kumain. "Anong oras dadating ang ka-meeting mo loves?" Kinuha ko ang baso at tinungga ang laman nito. Medyo natatakam na kong kumain dahil sa amoy na nalalanghap ko sa resto niya. "2 pm pa loves kaya kumain na muna tayo," nagtaka ako nang nanlaki ang mga mata niya at biglang tumayo. Tumalikod ako para makita ang nakaagaw sa atensyon niya. "Mom, dad, anong ginagawa nyo dito?" Agad silang lumapit sa table namin. Nagbeso silang tatlo. Tumayo naman ako para batiin sila. Ang pagkakaalam ko, out of the country ang mom at dad ni Jann. Nagbakasyon sa iba-ibang bansa. Kaya siguro nagulat si Jann dahil ngayon lang ulit sila nagkita. "H-hello po," yumuko ako bilang paggalang. Ngayon ko lang sila makikilala. Hindi pa nila ako kilala. "Oh Michael, who's this?" Napaangat ako ng mukha at ngumiti. "Ako po ang g---" "Kaibigan ko dad. Tinutulungan nya ko ngayon sa resto. May meeting kasi ako sa prospective investors ko," unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Tinitigan ko siya pero tingin lang din ang sinagot niya sa akin. "Ah o-opo. Tumutulong lang po ako sa kanya. Kailangan niya din po kasi ng katulong sa pag-aasikaso ng resto," untag ko nang makabawi sa mga sinabi niya. Napansin kong nakatitig na siya sa akin nang matagal pero di ko na iyon nilingon. "Tita!" Nagulat ako nang makita ang paparating na si Lucy. "Lucila!" Nagyakap sila ng mom ni Jann at nakipagbeso naman kay tito. "Tita, please Lucy nalang po. Ang bantot po ng Lucila." Natawa sila sa sagot niya. I feel like I'm getting out of the picture. Naa-out of place na ko sa kanila. "A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Jann. Wala pala siyang ideya na dadating si Lucy. Ibig sabihin... "Ako na tumawag sa kanya Michael. Syempre gusto na din namin siyang makita. Oh ano na iha? Kayo na ba nitong anak ko?" Sumikip ang dibdib ko sa sinabi ng dad niya. Yumuko akong napakagat-labi. Nakatingin na din sa akin si Jann at maging si Lucy. "Tito.." bago pa niya ipagpatuloy ang sasabihin, pinulot ko na ang bag sa silya ko. "E-excuse me po. I'll go to the kitchen where I'm needed." I bowed my head once again and rushed to the kitchen. Narinig ko pang tinawag ni Jann ang pangalan ko. "Miss? San dito ang exit?" Tanong ko sa chef sa kusina at tinuro nya naman agad. I need to leave. Alas-sais na nang makabalik ako sa apartment ko. Binuksan ko ang ref at kinuha ang grapes na bigay ni Lucy. Kinuha ko na din ang manok sa freezer. Mag-aadobo na lang ako. Tapos na din ako magsaing. Ramdam ko agad ang gutom nang umuwi ako, ni hindi nga ako nakakain sa resto ni Jann. In-off ko ang phone dahil ilang beses iyon nagring nang papauwi ako at inis na inis sa akin ang mga pasaherong nakasabay ko. Tahimik akong kumain. I cleared my mind too. Ayoko nang mag-isip na muna nang kung ano. 1:55 am. Napabalikwas ako ng bangon nang makaramdam bigla ng uhaw. Binuksan ko ang ref at kinuha ang pitsel. Kumuha ako ng baso saka nagsalin ng tubig. Kalahati pa lang ang natutungga ko nang mapabitaw ako sa hawak na baso. Bumagsak ito at naiwang bubog sa sahig. Hawak-hawak ko ang dibdib na nagmamadaling bumalik sa kwarto papunta sa mesa sa gilid ng kama. Hinablot ko ang bag saka dinukot ang phone at binuksan ito agad. Ang sakit ng ulo at dibdib ko. Hindi. Bakit ngayon? Bakit ganito? Hapong-hapo ako na ni-dial ang number ni mie. "Hello nak?" Naramdaman ko nalang ang pagpatak ng luha ko sa pisngi. Agad ko iyong pinunasan gamit ang kamay. Does it really have to end this way? Michael Jann "Boss, okay na po. Na-lock ko na lahat," tumango ako at kinuha ang susi. Kinuha ko ang phone at tumingin sa home screen. Sh*t! 2:30 am na. Ang dami kasing inasikaso sa resto kaya hindi ako nakauwi agad. Ngayon ko nga lang din nahawakan ang phone. Gusto ko sanang tawagan agad si Tin pero alam kong natutulog na yun ngayon. Binuksan ko na ang kotse at pumasok sa loob. "Hello? Tita?" Nakakunot ang noo ko nang sagutin ang tawag. Nagtataka ako na nagawa pa akong tawagan ng nanay ni Tin sa ganitong oras. Nagkasalubong ang kilay ko nang marinig ang malakas na pag-iyak niya. "Tita? Okay lang po ba kayo? Ano pong nangyayari?" Sunod-sunod kong tanong. Nakaramdam na ko ng kaba at pag-alala pero mas pinili kong kumalma. "Iho. Tumawag si Kristin kanina. Naghahabilin siya iho," umiyak ulit siya sa kabilang linya. Mas bumilis ang t***k ng puso ko. Hinigpitan ko ang hawak sa manibela. No. It can't be. Nag-uusap pa lang kami kanina. Hindi pa kami nagkakaayos. I'm just dreaming. "Tumawag na ko sa landlord ng apartment niya. Dinala siya sa hospital. Puntahan mo iho, hindi agad ako makakapunta dahil ang layo ko mula sa inyo." Nang mabanggit ni tita ang address ng hospital, agad kong tinapos ang call at pinaharurot ang kotse. Nandilim ang paningin ko. I feel so lost. Ni hindi ko maisip ang pwede mangyari. "f**k!!" I screamed in agony. "Come on Kristin! Please tell me it's not true." I step on the pedal forcefully and I am going full speed. Wala na kong pakialam kung mamatay pa ko. I need to get to the hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD