Huminto muna si Jann sa Mcdonald's drive thru. "Loves, anong gusto mong kainin?" Napakagat-labi akong nag-isip. "Ah! Longgadesal at saka mcfloat," ani ko. Diniinan ko pa ang mcfloat dahil sa natatakam na akong uminom nun. Dismayado kong kinuha ang inorder niya pero walang kasamang mcfloat. "Yung mcfloat ko Jann?" Nakasimangot kong tanong. "Maaga pa loves, hindi magandang mcfloat agad ang laman ng tiyan mo. Hihinto nalang tayo sa drug store. Bibilhan kita ng mineral water." Sinimangutan ko siya at binuksan na ang paper bag.
"Loves, teka..." Nagtataka akong lumingon sa kanya. Nakalabas na ako ng kotse at nagpaalam na. Lumapit si Jann na magkasalubong ang kilay na mas pinagtaka ko. Hinila niya ang dulo ng pencil cut ko para mas bumaba ito. "Masyadong maikli itong saya mo. Kitang-kita ang hita mo." Napaawang lang ang labi ko, di alam ang sasabihin. Ngumiti siya at dumapo ang kamay niya sa likod ng ulo ko saka ako hinalikan sa noo. "Sige na loves. See you."
Pumasok akong sinusuri ang damit at baka kita din ang dibdib ko. "Don't mind your boyrfriend, Kristin. You look great. Bagay yang damit mo sa'yo." Nagulat ako nang makasalubong si Alex na naka-cross arms pa. Mukhang nakita niya pa kami ni Jann kanina. "T-thank you." Sabay na kaming tumungo sa elevator at hinintay na bumaba ito. Si Alex ay katrabaho ko. Tingin ko nga siya ang pinakamalapit sa akin sa lahat ng mga katrabaho ko sa kompanya. Napalingon ako sa gawi niya. Hindi mapagkakaila ang lakas ng dating niya, magaling din siyang pumili ng susuotin niya dahil halos lahat na yata ng damit na nasuot niya ay bumabagay sa kanya. Kumaway siya sa dalawang babaeng bumati sa kanya na tila kinikilig pa ang mga ito sa ginawa ni Alex. Alam ko na din na may pagka-badboy ito at pagkahilig sa chicks. Isa siguro sa mga bagay na ayaw ko sa kanya. Kaya kahit mapalapit kami sa isa't-isa ay mas pinipili kong dumistansiya pa rin.
5:30 pm. Ayos. Nagawa kong tapusin ang trabaho nang mas maaga. Sakto lang para makapunta ako sa address na nitext ni Lucy ilang sandali palang ang nakakalipas. Hindi na ko mag-aalala sa sasakyan dahil susunduin naman ako ni Jann. Tumingala ako at sandaling pumikit. "Taking a rest already?" Bumungad ang mukha ni Alex nang maidilat ko ang mga mata. Ngumiti siya at itinaas ang mga folders na hawak nito. Umayos ako ng upo at napatingin sa mga folders na nilapag niya sa desk ko. "Sorry to break it to you Kristin. Pero need ni boss yan ngayon kaya dapat ngayon mo din daw matapos at mapasa." Napanganga ako sa sinabi niya. "Utos ni boss. So we need to overtime today," nasapo ko ang noo sa sinabi niya. Hays. Wala akong magagawa, itetext ko nalang si Jann. Kinuha ko ang phone na nakapatong sa desk.
Michael Jann.
Sige loves. Susunduin pa rin kita mamaya. :)
Nisend ko na kay Tin ang mensahe at siya namang pagdating ni Lucy. Andito kami ngayon sa coffee shop. Naupo siya sa tapat na silya at malapad na ngumiti. Kinuha ko ang kapeng inorder para sa kanya at saka ipinatong sa tapat niya. "Thank you. Sayang, busy si Kristin ngayon," malaki na talaga ang pinagbago ni Lucy. Pero alam kong walang nagbago sa pagkakaibigan naming tatlo ni Tin. "Madami pang araw Lucy. You'll keep in touch soon," may pagkapilya ang ngiti niya at mas lumapit sa mesa. "Eh kamusta ka na ba? Na-miss din kitang kakulitan ah?" Ngumuso pa siya kaya natawa ako. "Ikaw kaya itong nawala. I'm doing great, Lucy. So far, maganda ang lakad ng business ko. At soon after, baka hindi ko na rin kelangan magwork. I'll focus on my business." "Wow, hindi ka na pala maabot," natawa ako sa sinabi niya. "All thanks to Tin. She helps me with everything. She keeps me motivated," I smiled at the thought. Hindi ko alam kung namalik-mata lang ako pero parang saglit na sumama ang timpla niya sa sinabi ko. But I guess, it's just me. One glance and she was smiling, "I'm so glad for the both of you."
"Ako ito, pinagpatuloy ko na ang medicine. About 4 years, magiging doktor na din ako," she happily exclaimed. "Oh and when that happens at may hospital ka na, sana libre kami," I joked. "Sure! No problem with that," kumindat pa siya. Alam kong may pagkapilya talaga si Lucy. Matagal ko na siyang kaibigan kaya alam kong normal na lang sa kanyang gawin iyon. "Good. Pag nagkaanak kami ni Tin, doon ko siya iko-confine," my statement just makes my heart skipped a beat. Hindi na ko makapaghintay na ikasal kami. Saglit na nagkasalubong ang kilay niya pero agad niya itong binawi at ngumiti. Umabot ng halos dalawang oras ang kwentuhan namin hanggang sa nagpagpasyahang umalis na ng cafe at gumala. Kung saan-saan lang kami umikot nang matanggap ko ang text ni Tin na masusundo ko na siya.
Okay loves. Be there in 15 minutes. I love you. :)
Kristin.
"Sabay na tayong bumaba Kristin," saad ni Alex nang makasalubong akong naghihintay sa elevator. Tumango lang ako. "Hindi mo sinabi sa akin na may hot chick pala ang boyfriend mo," sinundan ko ang tingin niya. Sa labas ay kitang masayang nag-uusap sina Lucy at Jann. May pagkakataon pang nilalapit ni Lucy ang mukha nito sa tenga ni Jann at tatawa-tawa sabay hampas sa balikat nito. Nakangiti lang din si Jann na nakikinig sa kanya hanggang sa makita niya kami ni Alex. Sabay kaming lumabas at kumaway pa sa akin si Lucy na tinugon ko naman. "Too bad you can't come Kristin. Ang dami naming napag-usapan ni Michael." Napansin ko ang madilim na tingin ni Jann kay Alex at walang expression ang mukha. "Sino pala yang kasama mo?" Natauhan ako sa pagmamasid kay Jann nang magtanong si Lucy. "Alex, si Lucy at si Jann. Jann, Lucy, si Alex." Nagshake hands sila ni Lucy. Nang ilahad ni Alex ang kamay niya kay Jann, hindi ito gumalaw at nakipagtitigan lang. "O-kay. I guess I have to go. Nice to meet you, Lucy. See you tomorrow, Kristin," kumindat pa ito kaya mas nanlisik ang mga mata ng boyfriend ko.
Nagpaalam na din sa amin si Lucy dahil may dala naman siyang kotse. Tumikhim ako at lumingon sa katabi pero hindi sya natinag. Diretso lang siya sa pagmamaneho at hindi man lang ako dinapuan ng tingin. Alam ko na ito. Nagseselos na naman siya. Madalas mangyari ito. Basta may lalaki akong nakakasama, mabilis siyang magselos dahil hindi niya daw gustong may nakakausap akong iba maliban sa kanya.
Sumandal ako at tumingin sa labas. Paano ko na naman pahuhupain ang galit nito? "Katrabaho ko lang si Alex," tiningnan ko siya, walang epekto. Bumuntong-hininga ako bago magsalita ulit. "Inaya niya akong magdinner bukas." Hindi ako gumalaw pero napansin ko ang agad niyang paglingon sa akin. Napangisi ako. Gotcha. Napahawak ako sa harapan ng bigla niyang ihinto ang kotse. Ginilid nya ang kotse. "What did you say?" Pagalit niyang tanong. Mas hindi na maipinta ang mukha niya. Magkasalubong na ang tingin namin at walang tumangtangkang umiwas. "Anong sinagot mo Tin!?" I flinched. Ngayon ko lang siya narinig na sumigaw. Sanay akong kalmado siya kahit ilang beses na siyang nagselos noon. "N-nagbibiro lang ako. W-walang sinabing ganun si Alex." Dinig ko ang lakas ng paghingal niya at magkasalubong pa rin ang kilay. Unti-unti siyang huminahon, nakatingin pa rin kami sa isa't-isa. Humarap na siya sa daan at saka pinaandar ang kotse.
Mahina kong isinara ang pinto ng kotse at naglakad na ko sa gate. Humarurot na siya paalis. Hindi siya umimik sa buong byahe. Below the belt nga siguro ang ginawa ko. Kahit na pagod na pagod na ako, pinilit ko pa ring magluto ng makakain. Lagi ko naman itong ginagawa kahit matamlay ako pero ngayon, nakakawalang-gana. Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan at magsipilyo, naghilamos na muna ako ng mukha at saka humiga sa kama. Nakapagpalit na din ako ng pantulog. Kinuha ko ang phone sa mesa at ni-dial ang number niya. Wala pang limang segundo nang sagutin niya ang tawag. Walang hi, walang hello. Tanging paghinga nya lang sa kabilang linya ang naririnig ko. "Uminom ka?" Mahinahon kong tanong pero hindi siya sumagot. Hindi naman niya kelangang sagutin yun, alam kong uminom siya dahil dinig ko sa paghinga niya. Kabisado ko na si Jann. Minsan lang siya uminom kaya pag nagkakatampuhan kami at ganito siya, ibig sabihin seryoso ang away namin. Yumuko ako at nakiramdam. "Loves," sumikip ang dibdib ko sa naiisip na itsura nya ngayon. Ayokong ganito siya. "Sorry na," nakagat ko pa ang ibabang labi. "Sinabi ko lang naman yun kasi hindi mo ko pinapansin." "Ano pa?" Nakahinga ako ng maluwag nang magsalita siya. "Ha?"
"Ano pang gusto mong sabihin?" Gusto ko lang naman na magkaayos kami. "Gusto ko lang talaga magsorry." Hindi ko mawari ang gusto niyang marinig nang bumuntong-hininga siya sa sinagot ko. "Wrong answer," I pouted. Ano bang gusto niyang sabihin ko? Umawang ang bibig ko pero bago pa makapagsalita biglang nagshutdown ang phone. Tinipa-tipa ko pa ang phone pero patay na. Nasapo ko ang noo. Ano nang iisipin ni Jann neto? Baka mas magtampo sa akin yun. Sumalampak ako sa kama. Hindi ko alam kung anong oras na ko nakatulog.
Loves. Di kita mahahatid ngayon sa work mo ah? May lakad kasi ako.
7:00 am. Nacharge ko na ang phone at text ni Jann ang una kong nabasa. Agad ko siyang nireplayan nang mabasa iyon.
Okay loves. :) Sorry nadead bat ako kagabi.
Pumara na ako ng bus at sumakay. Mukhang madadaanan pa nitong bus ang hospital kung saan nagta-trabaho si Lucy. Sumilip ako sa bintana. Ang sarap ng simoy ng hangin. Unti-unting napawi ang ngiti ko nang makita ko sila. Si Jann at Lucy. Ito ba ang lakad na sinasabi ni Jann? Mas nabigla ako sa sunod na nasaksihan. Lumapit si Lucy kay Jann at hinalikan ito sa labi. Isa, dalawa, tatlo, apat na segundo pero hindi pa rin sila lumalayo sa isa't-isa. Hanggang sa makaalis na ang bus at hindi ko na sila makita, parang bumagal pa ang takbo nito para lang masaksihan ko ang nangyari. Mariin akong pumikit na sinandal ang likod sa seat.
"Kristin. Pinapatawag ka ni boss sa office niya. Maghanda ka lang. Mukhang galit eh," nag-aalalang bilin ni Jessica. Tumango ako at nagpasalamat. Dalawang katok at narinig ko agad siya, "Pasok." Buo at malinaw ang inis sa tono ng boses. Isinasara ko palang ang pinto nang biglang hinampas sa mukha ko ang folder ng files na siyang kinagulat ko. "M-ma'am?" Nanginginig ako kaya pinaghawak ang dalawang kamay habang nakayuko. Hindi ko siya matingnan dahil baka bumigay ako. "What the hell Kristin!? You call that a report? Binasa mo ba yan nang maayos!?" Akala ko hindi na ko makakapagsalita pero nagawa ko pa rin. "S-sorry po."
"Pulutin mo yung files," utos niya sa pagitan ng mga hininga na may halong ngitngit. Agad ko siyang sinunod. Niluhod ko ang kanang paa at isa-isang pinulot ang nagkalat na papel. "Sige, basahin mo. Basahin mo!" nagwawala ang boses niya, hindi magawang ikalma. "See? Mali-mali ang dates! Halatang kinopy-paste! Kokopyahin mo na nga lang, di mo pa magawa nang tama!" Naihilamos niya ang kamay sa mukha. "Sige, labas! Ayusin mo yan Kristin. Go back to your desk and do your job PROPERLY!" Dahan-dahan akong yumuko, hindi inaalis ang tingin sa sahig. "Yes ma'am, sorry po," magalang kong tugon at umalis ng office niya.
Pinagtitinginan ako ng workmates ko nang makalabas ako ng office. Hindi ko nalang sila pinansin at tumungo na sa pwesto ko. "Hey, you okay?" saad ni Alex na katabi lang ng work station ko. Kagat-labi akong tumango sa kanya. Mukhang gagabihin na naman ako ngayon.
Time check. 8:45 pm. Lumabas na ako ng elevator at hindi pa ako nakakalabas ay tanaw ko na si Jann na nasa tabi ng kotse niya. Halos patakbo na akong lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ako kumalas kaagad. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa likod ko. "Okay ka lang loves?" Bumitaw na ako at humarap sa kanya saka tumango. I felt a pang of pain in my chest and my head. Napako ang mga mata ko sa kabilang kalsada sa tapat. Yung bata. Tinitigan ko lang siya. Hindi lumaon, madami nang nagwawala sa paligid namin. Nabangga siya ng truck. Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Jann. Pumunta siya sa harap. Tinitigan ko siya. Nakaguhit sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. I cupped his left cheek and showed him the brightest smile I can wear. "Uwi na tayo."