“Sigurado ka na ba, Makie?” Tumango ako kay Manong Rey. “Oo, Manong. Kapag may nangyari, itawag mo agad sa akin. Bilinan mo na rin si Kapitan na magparonda doon sa atin tuwing gabi kahit isang linggo lang. Siguro naman kapag nasabi ko na kay Flame ang lahat, makakagawa siya ng paraan para matiyak ang kaligtasan ninyo.” Yumakap ako sa kanya at kina Tatang at Inang. “Maraming salamat po sa lahat ng tulong at pagmamahal na ibinigay n’yo sa aming mag-ina. Utang na loob po namin sa inyo ang lahat at tatanawin namin iyon hanggang kami ay nabubuhay. Ipinapangako ko pong papasiyalan namin kayo lagi.” Hinalikan ko sila sa pisngi. “Mag-iingat kayo ni Mac-mac. Wag mo na kaming masyadong alalahanin, anak. May awa ang Diyos. Hindi Niya kami pababayaan.” Pinunasan ni Inang ang basang pisngi ko. I hav

