PROLOGUE
RHIANNE ANGELINE'S POV
I'VE never been in love, and I didn't have any idea what love was all about not until I met Jake Russell Fuentabella.
Simula nang makita ko siya sa mansyon ng asawa ng ate ko ay natutong umibig at magmahal ang bata kong puso.
Nangarap ang bata kong puso. Pinangarap kong mapasaakin siya at maging asawa. Sa isang iglap, dininig ng Diyos ang panalangin ko, ang mapasaakin siya.
Nahuli kaming magkatabing natutulog sa iisang kama ng mga magulang ni Russell dahil sa aking kalasingan. Kahit anong pagpapaliwanag ni Russell na wala itong ginawa sa akin ay ayaw iyong tanggapin ng aking ama.
Sa huli, wala kaming nagawa kung hindi pumayag na magpakasal dahil na rin sa kagustuhan ng aming mga magulang, kahit na alam naming pareho na walang nangyari sa aming pagitan.
Ang akala ko, kapag nagpakasal kami ay matutunan niya rin akong mahalin, ngunit nagkamali ako, dahil kung gaano ito kasungit at kamalamig sa pakikitungo sa akin noong una ay mas lalo itong naging malala.
"Kahit na kasal na tayo, hindi tayo puwedeng matulog sa iisang kuwarto. Bawal kang magsuot ng sando, maiksing shorts na pakalat-kalat sa mansyon ko, do you understand!?" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at iniwan ako.
Hindi ako nakaimik at nasundan ko na lang siya ng tingin habang naglalakad papalayo sa akin.
Isang idea agad ang pumasok sa isip ko, ang paibigin siya at mahumaling sa akin.