MAINGAT kong itinulak pabukas ang pinto at isinara din iyon kaagad nang tuluyan na akong nakapasok ng aming bahay.
"Mom, Dad, nandito na po ak— ay sorry po, may bisita po pala tayo," nahihiyang sabi ko at nag-peace sign. Agad akong lumapit kay mommy at hinalikan siya sa kanyang pisngi.
"Sino po ang guwapong lalaking 'yan, Mommy?" halos pabulong na tanong ko.
"Kasama ng ate mong umuwi ng Pilipinas."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
"Po? Tama ba ang pagkakarinig ko, Mom? Umuwi na si ate? Nandito na siya sa Pilipinas?" hindi makapangiwalang tanong ko.
"Oo."
"Talaga po? Nasaan po siya, Mommy?" masayang tanong ko.
"Sa taas, Anak, sa kuwarto mo, natutulog. Napagod siguro sa byahe."
"Mommy, aakyat na po ako," excited na sabi ko sa kanya.
"Hayaan mo munang makapagpahinga ang ate mo, Anak, mamaya ka na umakyat."
"Gusto ko lang po siyang makita, Mommy. Promise hindi ko po siya gigisingin."
Tumango siya. Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit.
"Yehey! Thank you, Mommy."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay patakbong umakyat na ako ng hagdan at dumiretso kaagad sa aking kuwarto.
Mabilis kong pinihit ang pinto, at nang tuluyang nakita ko ang aking ate na nakahiga sa aking kama ay patakbo akong nilapitan siya.
"Ate!" malakas kong tawag sa kaniya.
"Hmm.."
Dahan-dahan itong gumalaw hanggang sa tuluyan na itong nalimpungatan. Pagmulat nito sa kanyang mga mata ay agad ko syang sinugod nang mahigpit na yakap.
"Ate!" masayang sabi ko.
"Na-miss mo ba ako, pangit?" ang nakangiting tanong nito sa akin nang naghiwalay kami.
"Oo naman, Ate. May chokolate ba?" nakangising tanong ko.
Hindi ko inaasahan ang susunod nitong gagawin, pinisil nito ang aking mga pisngi at pinanggigilan iyon na parang marshmallows.
"Aray Ate, masakit!" hindi maipinta ang mukhang reklamo ko.
"Ah gano'n.. so 'yong chocolate lang talaga ang inaalala at gusto mo?" ang nakataas kilay nitong tanong sa akin.
"Biro lang naman, Ate eh. Ah.. siya nga pala Ate, may itatanong ako, sino 'yong kausap ni daddy na guwapong amerikano sa baba?" nakangiting tanong ko.
"French 'yon, hindi amerikano."
"Ah, akala ko amerikano, pero sino siya, Ate?"
"Fiancée ko, bakit?" nakangiti niyang sagot sa akin.
"Talaga, Ate? Eh, paano na si kuya Angelo?" malungkot na tanong ko at itinuro ang mga larawang nakadikit sa pader ng aking kuwarto.
"Sino ba kasi ang nagdikit ng mga larawan niya riyan?" magkasalubong ang mga kilay na tanong niya.
"Ako, Ate, hehe.."
"Bakit mo dinikit?"
"Ang sabi kasi ni mommy, ako na ang bahalang magdikit sa mga larawan ni kuya Angelo, para kapag umuwi ka, sasaya ka raw kapag nakita mo."
"Ano? Sinabi ni mommy 'yan?"
"Opo, Ate. Kahit itanong mo pa kay mommy."
Nabigla ako nang tumayo ito at nanlaki ang mga mata ko nang pinagtatanggal nito ang lahat ng mga larawan ni kuya Angelo na nakadikit sa pader.
"Matagal na kaming tapos, dapat sa mga 'to tinatapon na," ang nakasimangot na sabi nito sa akin.
"Pero alam mo, Ate, para sa akin, mas lamang at mas guwapo pa rin si kuya Angelo kaysa roon sa fiance mo na french," nakalabing sabi ko.
"Ewan ko sa 'yo, may asawa na 'yon at saka may fiance na rin ako kaya huwag mo na siyang babanggitin sa akin," seryosong sabi ng ate ko, pagkatapos ay tumalikod na ito sa akin at lumabas na ng kuwarto dala ang mga larawan ni kuya Angelo na tinanggal niya mula sa pader.
Nagkibit-balikat na lang ako at dumiretso sa banyo. Pagkatapos kong naligo ay bumaba na rin ako at dumiretso sa kusina.
"Mommy, si ate po, nakita niyo?"
"Nasa likod ng bahay."
"Ano pong ginagawa niya roon?"
"Hindi ko alam, kasama niya si Paul David."
"Mommy, curious lang po ako, ayaw niyo na po ba kay kuya Angelo? Si kuya Paul na po ang gusto niyo para kay ate?"
"Hinaan mo nga ang boses mo at baka marinig ka ng ate mo. Huwag ka nang magtanong, basta kung saan masaya ang ate mo susuportahan ko siya. Tulungan mo na ako rito."
"Opo, Mommy."
Agad akong tumulong na iniayos ang mga pagkain sa lamesa, sakto naman ang pagdating nina ate at kuya Paul.
"Rhianne, Anak, tawagin mo na ang daddy mo sa sala, sabihin mo handa na ang hapunan."
"Sige po, Mommy."
"Angelie, Paul, let's eat." Dinig kong sabi ni mommy nang tuluyan na akong tumalikod.
"Dad, kakain na raw po ng hapunan sabi ni mommy."
"Susunod na ako kamo, tatapusin ko lang 'tong balita."
"Sige po, Daddy.
Agad na akong bumalik sa kusina at lumapit sa lamesa.
"Asan ang daddy mo, Anak?"
"Susunod daw po siya, tatapusin niya lang daw po 'yong balita, Mommy."
Lumapit ako sa aking ate at umupo sa kanyang tabi.
"Kumusta naman ang pag-aaral mo?"
"Okay lang, Ate."
"Baka may bf ka na, ha?"
"Wala ah! Ate talaga, wala nga akong crush sa school."
"Sus, ikaw pa."
"Wala talaga, promise. Si Lee Min Ho lang sapat na sa akin," kinikilig kong sagot sa kanya.
"Sinong Lee Min Ho? BF mo?"
Napalingon kaming lahat kay daddy. Natawa kaming dalawa ng aking ate dahil sa sinabi nito.
"Opo, Dad, your future son-in-law," pabirong sagot ko.
Naging seryoso ang mukha nito. Tawa naman nang tawa ang ate ko.
"Biro lang po, Daddy, artista 'yon na korean," natatawa na ring sabi ko.
"Masyado ka pang bata, Anak, para makipag-boyfriend."
"Wala pa naman po akong bf eh, at saka wala rin po akong crush."
"Mabuti naman kung gano'n, ang pag-aaral mo muna ang unahin at atupagin mo, kapag nasa tamang edad ka na, puwede na."
"Opo, Dad. Don't worry."
"Good. Kain na tayo."
"Ang sarap naman ng ulam!" masayang sabi ko at nang akmang kukuha na ako ng ulam ay agad pinalo ni mommy ang kamay ko.
"Ouch! Mommy, naman."
"Hindi pa tayo nagdadasal," mahinang sabi nito at pinanlakihan ako nito ng mga mata.
"Ay, opo nga pala, hehe.."
"Lead the prayer."
"Ate, lead the prayer daw sabi ni mommy."
"Ikaw ang sinabi ko, hindi ang ate mo."
"Mommy, naman, bakit ako? Hindi ko alam ang sasabihin ko," halos pabulong na sabi ko.
Sa totoo lang, kung gaano kagaling magdasal si mommy, ay siya namang kabaliktaran ko. Walang araw na kumain kaming hindi nagdadasal at ito ang kauna-unahang pagkakataon na inutusan ako ni mommy na magdasal.
"Simula ngayong araw, ikaw na ang magdadasal kapag kakain tayo."
"Po? But, Mom!"
"Rhianne Angeline, follow what your mom said."
"Opo, Dad, sabi ko nga po."
Pumikit ako. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan dahil sa sobrang kaba.
"S-salamat po sa pagkain papa Jesus, Amen."
Binukas ko agad ang aking mga mata at nagtatakang napatingin ako kina mommy at daddy, ate at kuya Paul na nakapikit pa rin.
"Dad, Mom, Ate, Kuya, tapos na po akong magdasal."
"Ha? Tapos na?" tila hindi makapaniwalang tanong ng ate ko.
Sunod-sunod akong tumango at mabilis dinambot ang serving spoon.
"Kainan na!" masayang sabi ko. Nilagyan ko ng pagkain ang aking plato at agad sumubo.
"Don't be shy, Paul," ang sabi ng aking daddy.
Kumuha ako ulit ng ulam at sumubo nang sumubo.
"Rhianne, magdahan-dahan ka nga sa pagnguya mo, para kang mauubusan."
"Sorry, Mommy, ang sarap kasi eh. Brrpp."
Napatingin silang lahat sa akin at napatigil sa pagsubo dahil sa malakas na pagdighay ko. Ngumiti ako at nag-peace sign sa kanila.
Matapos kaming kumain ay agad nang nagpaalam sina ate at kuya Paul na aakyat na sa kanilang mga kuwarto.
"Dad, Mom, Good night po, aakyat na rin po ako sa taas," magalang na paalam ko sa kanila nang matapos kong tulungang maghugas ng plato ang aming katulong.
"Sleep well, Anak, don't forget to pray."
"Opo, Mom."
Agad na akong umakyat sa aking kwarto at tumabi sa aking ate na tulog na tulog na. Pagpikit ng aking mga mata ay agad na rin akong nakatulog.
Kinaumagahan, ang mahinang pagyugyog sa aking balikat ang nagpagising sa akin.
"Angeline, wake up."
"Hmm.. just one more minute, Mom, please."
"Bahala ka kung male-late ka, ha. Hindi na ulit kita gigisingin."
Tuluyan na akong nagmulat ng mga mata at tinatamad na bumangon.
"Maliligo lang po ako, Mom, baba po ako agad pagkatapos."
"Sige, bilisan mo at baka tapos nang magluto si yaya Nora."
"Opo, Mommy."
Kaagad akong tumungo sa banyo at mabilis na naligo. Wala pa yatang sampung minuto ay tapos na ako. Pagkatapos kong nagbihis ay bumaba na ako.
Papunta na ako ng kusina nang marinig ko ang pag-uusap ng aking mommy at ate.
"Opo! Namiss ko po kasing ulamin iyan, kaya nagluto rin po ako niyan. Ayan na pala si pangit, kain na po tayo."
"Si Ate talaga, palagi na lang akong tinatawag na pangit, ang ganda-ganda ko kaya."
"Moche," ang sabi nito sabay dila nito sa akin.
"Daddy oh, moche raw ako."
"Ano ba ang ibig sabihin ng moche, Anak?" ang nagtatakang tanong ng mommy namin kay ate.
"Pangit po, Mommy!" ang nakasimangot na singit ko.
Mas lalo akong napasimangot nang sabay-sabay na natawa ang aming mga magulang at kuya David na tahimik na nakikinig.
"David, if you don't want the torta and the fried rice, just let me know, okay? Don't force yourself," ang sabi ng ate ko sa kanyang fiance.
"No, I want to try," nakangiting sagot naman ni kuya Paul David.
"Are you sure?" alanganing tanong ng ate ko.
"Oui."
"Ate, ano 'yong 'oui'?" curious kong tanong.
"Oui, means yes," ang natatawang sagot nito.
"Angeline, lead the prayer," utos ng daddy namin ng makaupo kaming lahat.
"Opo, Dad."
Tahimik akong sumunod. Matapos akong manalangin nang napakaikli ay agad na kaming kumain.
"Dad, Mom, Ate, Kuya Paul, una na po ako, nasa labas na raw po ang mga kaibigan ko."
"Mag-iingat ka, Anak."
"Opo, Mommy."
Nang tuluyan na akong nakalabas ng aming bahay ay agad na akong sumakay sa sasakyan na pagmamay-ari ng mga magulang ng aking kaibigang bakla, si Andres a.k.a Andy.
Pagbaba namin sa sasakyan ay mabilis na kami nitong hinawakan sa aming braso ni Shirley at hinila.
"Saan tayo pupunta?" takang-tanong ko.
"Sa canteen."
"Anong gagawin natin doon?"
"Kakain."
"Kakakain ko lang, busog pa ako."
"Ako rin," singit namang sabi ng kaibigan naming si Shirley.
"Hmm.. mukhang hindi naman talaga pagkain ang sadya mo roon, umamin ka Andres, boylet na naman 'no?"
"Ano ba naman 'yan, Rhianne, 'di ba sabi ko call me Andy? Ayoko ng Andres," nakasimangot na sabi nito.
"Oo na."
Kakaupo pa lang namin ay agad itong napatayo. Nasundan namin ang tinitignan nito. Tanging likod na lang nito ang nakita namin dahil sa mabilis itong maglakad.
"Oemgeee!! Grabe! Ang guwapo!" ang sabi nito sa amin nang ito ay nakaupo na. Hawak pa nito ang ulo na tila mahihimatay na.
Napailing-iling na lang kami ni Shirley. Hindi na bago sa amin na halos araw-araw ay may bago itong crush.
"Let's go, sundan natin!"
"Ano?"
Wala na kaming nagawa ni Shirley kung hindi ang magpatianod.
"Rhianne! Shirley! Tignan niyo 'yon oh, ang guwapo rin!" Kinikilig na sabi na naman nito.
"Nasaan?" tanong naman ni Shirley na nakilingon na rin.
"Wala na, ang tagal niyo naman kasing tignan."
"Pinagloloko mo na naman ako 'no?" ang sabi ni Shirley.
"Hindi ah! Pumasok siya sa faculty office. Ano kayang gagawin niya roon?"
"Malay namin, lahat naman sa 'yo guwpo eh, pumasok na nga tayo," sagot nito.
"Hindi ka interesado?" tanong nito kay Shirley.
"Hindi."
"Ikaw, Rhianne, hindi ka interesado?"
"Hindi rin."
Nang malapit na kami sa aming classroom ay agad na binitawan ni Andy ang aming mga braso ni Shirley at nauna na itong pumasok sa loob.
"Hi, girls," bati nito sa mga kababaihan naming mga kaklase. Nagsitilian naman ang mga ito, dahil majority ay crush siya. Guwapo kasi ito at mayaman. Sayang nga lang dahil ang puso niya ay pambabae.
Natatawang napailing na lang kami ni Shirley dahil ang buong akala ng mga kaklase namin ay lalaking-lalaki siya.
"Nakita mo ba 'yong bagong teacher ng math?" dinig kong sabi ng isa sa aming mga kaklase.
"Hindi pa, bakit nanganak na ba si ma'am Tioco?" tanong naman ng isa.
"Oo raw, kagabi."
"Hoy, grabe ang guwapo ng bago nating teacher!"
"Talaga?" masayang tanong ng mga kaklase namin.
"Oo, kaya lang bad news."
"Huwag mong sabihing may asawa na?"
"Hindi!"
"Eh ano?"
"Bakla raw eh."
"Ay, sayang naman."
Napatingin kami ni Shirley sa kaibigan naming si Andy, para itong natalo sa lotto dahil sa narinig.
Halos sabay kaming tumayo ni Shirley. Dinambot namin ang aming mga libro at agad lumabas.
"Bhe, uuwi ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"Oo eh, hindi ka uuwi?" tanong nito.
"Hindi, sa canteen na lang ako kakain."
"Sige, mauna na ako, bhe, paki sabi na lang kay Andy na umuwi ako."
"Sure bhe, ingat ka."
"Thanks, bhe."
Malayo na ito nang lumabas sa classroom si Andy.
"Si Shirley, nasaan?"
"Umuwi. Tara, kain na tayo sa canteen at pagkatapos may pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Basta."
Nang nakarating kami sa canteen ay agad kaming nag-order ng pagkain.
"Tapos ka na?" hindi makapaniwalang tanong ni Andy nang makita nito ang plato ko.
"Yup."
"Babae ka ba talaga? Daig mo pa ang lalaki kung kumain, ang bilis mo. My gosh!"
"Gutom ako eh. Bilisan mo na riyan, may pupuntahan pa tayo."
"Ito na nga, binibilisan na."
"Hindi mo naman nababawasan eh, tara na nga, tama na 'yan."
Tumayo ako at hinila siya sa kanyang braso.
"Sandali, Rhianne, saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta sumunod ka na lang sa akin."
"Hoy ha, huwag mo akong pagsamantalahan, hindi tayo talo, Rhianne!"
"Baliw, kahit guwapo ka, hindi kita type! Yucks!"
"Mabuti naman kung gano'n. Saan ba kasi tayo pupunta talaga at kanina pa tayo naglalakad? Wala nang mga tao rito oh, saka hindi ka ba natatakot? Parang abandunado itong parte na 'to ng school, bka may multo rito!"
"Ano ka ba, walang multo sa tanghali. Nandito na tayo."
"Ano ba kasing gagawin natin dito?" takot na tanong nito at inilibot nito ang paningin sa paligid.
"Huwag kang maingay, mabubulabog sila."
"Ha? Sinong sila?"
Humawak ito sa braso ko. Tinanggal ko iyon at kinuha ang dalawang garapon sa loob ng aking bag.
"Anong gagawin mo sa mga garapon."
"Watch and learn," nakangising sabi ko at naglakad papasok sa loob ng abandunadong classroom.
"Hoy, Rhianne! Anong gagawin mo sa loob ng classroom? Huwag mong sabihing iiwan mo akong mag-isa rito sa labas!" takot na takot nitong sigaw.
"Huwag kang maingay, saglit lang ako."
"No, sasama ako sa 'yo."
"Huwag na, baka wala akong makuha."
"Fine, basta bilisan mo, ha?"
"Oo, hintayin mo ako riyan."
Halos kalahating oras ako sa loob ng abandunadong classroom, paglabas ko ay nakasimangot na mukha ng kaibigan ko ang bumungad sa akin.
"Ano ang mga 'yan?" kunot-noong tanong niya sa hawak ko.
"Oh, tignan mo."
Tinaas ko ang mga garapon at tinapat iyon sa kaniyang mukha.
"Omgee! Is that an ipis and butiki?"
"Oo."
Mabilis itong tumakbo palayo sa akin. Tawa ako nang tawa dahil takot na takot ito.
"Hoy, Andy! Hintayin mo ako."
Tumakbo ako at hinabol siya.
"No way! Over my sexy and beautiful body! Itapon mo muna ang mga 'yan! Huwag kang lalapit sa akin," naiiyak nang sabi nito.
"Hindi ka naman nila aanuhin, mababait naman sila at saka, nakalagay na nga sila sa garapon eh."
"Ah, basta! Ayoko!"
"Huwag kang atras nang atras, baka mamaya makaapak ka ng tae. Halika, ipapakilala ko sila sa 'yo."
"Ayoko nga! Ewww! Huwag mong sabihing binigyan mo pa sila ng pangalan?"
"Ang galing! Paano mo alam?"
"Seriously, Rhianne!?"
"Oo nga, itong magdyowa na mga ipis ay sina Mang Tomas at Ketsup. Ito namang magdyowa na butiki, sina Chlorox at Perla."
"What?! Paano mo nalamang magdyowa ang mga 'yan, aber?"
"Nakita ko silang naghahalikan eh, alangan namang makabit at fling lang sila."
"Eh 'di wow! Sana all, sila na ang may dyowa at tayong mga tao ang wala."
"Ang dami mong sinasabi. Halika na kasi, hawakan mo, harmless sila."
"Ah! Never! Never! Never!"
"Sandali, huwag kang aatras, may malaking tae sa likod m—"
Huli na, hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pag-atras nito ay naapakatan na nito nang tuluyan ang malaking tae.
"Ah! Oh my gosh! Tae ng tao! Bwisit! Eww! So gross! My shoes! My Louis Vuitton shoes! No! Ang baho! It's so yucky! Rhianne, help me please!" naiiyak na sabi nito.
"Pfftt hahaha ayan, atras pa!" hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahagalpak ng tawa.
Nanghihinang napahawak ako sa aking tiyan dahil sa katatawa sa aking kaibigan na halos maglupisay na.
"Kasalan mo 'to, Rhianne Angeline! Masasabunutan kita, bruha ka! Huwag ka talagang magpapahuli sa akin!"
Napatakbo ako nang habulin ako nito. Tawa pa rin ako nang tawa hanggang sa nakarating kami sa loob ng aming classroom.
"Sino 'yong amoy tae?"
"Si Rhianne!" sagot ng kaibigan kong si Andy sabay tawa.
"Hoy, Andres, huwag mo nga akong ituro, ikaw nga 'tong nakaapak ng tae eh."
"What's happening here?"
Nagsitayuan kaming lahat nang pumasok ang aming guro.
"Good afternoon, Sir Lopez."
"Good afternoon—Ano 'yong naaamoy ko? Sino 'yong amoy tae? May nakatae ba sa inyo?"
"Sir, si Rhianne daw po," sagot ng mga kaklase ko.
Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako.
"Sir, hindi po ako nakatae, promise!"
"Maghugas ka muna sa CR, Angeline. Don't worry, you are excused in my class."
"Pero, Sir, hindi po talaga ako ang nakatae. Si Andres po ang nakaapak ng tae, kahit i-check niyo pa ang sapatos niya. Hoy, Andres! Umamin ka na kasi."
Dinilaan lang ako nito.
"Umamin ka na kasi, Rhianne."
Bwisit ka, baklita! Masasabunutan talaga kita mamaya!
"Lumabas ka na muna Ms. Gonzales, parang-awa mo na."
Wala akong nagawa kung hindi lumabas na ng aming classroom. Kung bakit naman kasi hindi na pumasok si Shirley, eh 'di sana may kasama ako ngayon.
Nakakahiya! Akala talaga nila nakatae ako, bwisit! Mabuti na lang, wala akong crush sa classroom kapag nagkataong meron, naku po.. ayoko nang pumasok.
"Saan naman kaya ako tatambay?" wala sa sariling tanong ko sa kawalan.
Natagpuaan ko na lang ang aking sarili na nasa hardin na may mga upuan at bilog na lamesa. Umupo ako roon at inilabas sa aking bag ang dalawang garapon.
Binuksan ko ang takip ng garapon nina Chlorox at Perla. Kinuha ko sila at kinulong sa aking mga palad.
"Ikaw, Chlorox, huwag mong lolokohin si Perla, naiintindihan mo? Kung ayaw mong putulin ko ang buntot mo, sagot!"
Napakamot ako sa aking ulo.
"Ay oo nga pala, hindi kayo nakakapagsalita."
Binalik ko na ulit sila sa loob ng garapon at tumayo mula sa pagkakaupo nang may makita akong tutubi sa ibabaw ng bulaklak. Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makuha ko iyon. Tuwang-tuwa ako nang hindi ito nagpumiglas.
"Hello, simula ngayon, ang magiging pangalan mo ay Floorwax. Huwag kang mag-alala, hahanapan kita ng jowa para hindi ka malungkot, hihi.."
Kinuha ko ang ekstrang garapon sa aking bag at inilagay si Floorwax sa loob. Matapos kong maiayos ang mga garapon sa loob ay umupo ulit ako at hinintay na matapos ang klase ni Mr. Lopez bago ako bumalik sa aming classroom.