HALOS sabay na napalingon ang mga magulang ko nang pababa na ako ng hagdan.
"Good morning, Mommy and Daddy!"
"Himala yatang maaga kang nagising ngayon?"
"Ang ingay po kasi nina Chlorox at Perla, Mommy, kaya nagising po ako. May LQ po ata sila."
"Ha? Sinong Chlorox at Perla?"
"Iyong bago ko pong alagang mga butiki, Mommy," nakangiting sabi ko.
"Pambihira kang bata ka, magse-seventeen ka na naglalaro ka pa rin? Dalaga ka na, Anak. Ang ate mo noong nasa edad mo dalagang-dalaga na kung umasta. Ikaw naman parang hindi ka pa rin guma-graduate sa elementary."
"Kayo na nga po ang nagsabi na bata pa po ako, Mommy."
"Hay, ewan ko sa 'yo, Anak. Hon, pagsabihan mo nga 'tong anak mo."
"Hayaan mo na ang anak natin, Hon."
"Mag-ama nga kayo. Siya, gisingin mo na ang ate mo at nang sa gano'n ay makakain na tayo, Rhianne."
"Opo, Mommy."
Kaagad akong umakyat at dumiretso sa kwarto ni ate kung saan inukupahan dati ni kuya Paul David. Magkakasunod na katok ang aking pinakawalan nang nasa tapat na ako ng pinto nito.
"Ate! Ate! Gising ka na ba?" malakas na tanong kong sigaw.
Ilang saglit lang ay bumukas na iyon.
"Bakit?" ang nakataas-kilay na tanong nito sa akin.
"Pinapatawag ka nina mommy at daddy, kakain na raw tayo, Ate."
"Pakisabi, susunod na kamo ako," ang pagtataboy nitong sabi sa akin.
Tumango lang ako at agad nang tumalikod.
"Ang ate mo?"
"Susunod na raw po, Mommy."
"Ikaw ulit ang magdadasal."
"Opo, Mommy," labag ang kaloobang sagot ko.
"Good morning, Dad, Mom."
Sabay-sabay kaming napatingin sa aking ate nang batiin nito ang aming mga magulang.
"Good morning too, Anak. Tumawag nga pala kanina si Paul David," ang sabi ng mommy namin pagkaupo ng ate ko. Napasulyap ito kay mommy.
"Ano pong sinabi?"
"Uuwi na raw siya ng France ngayon, nabigla nga ako. Nag-away ba kayo, Anak?"
"Hindi po, Mommy. Nabigla nga rin po ako nang tumawag siya sa akin kagabi at sinabi niyang uuwi na nga raw po siya. Ayaw niyo naman pong sabihin sa akin kung ano ang dahilan niya."
"Baka may malalim siyang dahilan, Anak. O siya, kumain na tayo."
"Mom, Dad, Ate, papasok na po ako."
"Mag-ingat ka, Anak."
"Opo, Mommy, don't worry."
Matapos ko silang halikan sa kanilang mga pisngi ay agad na akong umalis.
Pagbungad ko palang sa gate ng aming paaralan ay agad akong napatigil nang tambangan ako ng ilang mga kalalakihang studyante.
"Umalis nga kayo sa daraanan ko! Tsupe!"
"Aba, matapang! Mga katulad mong babae talaga ang gusto ko eh," nakangising sabi nito at humakbang ito palapit sa akin.
"Sorry ka na lang, pero hindi kita type kahit pa maligo ka ng sampung beses!"
"Aba't nakakainsulto ka ah!"
"Huwag mong susubukang lumapit kung ayaw mong masuntok at matadyakan sa mukha. Hindi ako natatakot sa 'yo, demonyo!"
Tumawa lang ito, maging ang kanyang mga kasama. Muli, humakbang ito palapit sa akin. Bago pa nito nahawakan ang braso ko ay nasipa ko na siya sa kaniyang tiyan at sa kaniyang hinaharap. Napaluhod ito habang hawak nito sa isang kamay ang kaniyang tiyan at ang isa naman ay sa kaniyang itlog. Hindi maipinta ang mukha nito sa labis na pamimilipit sa sakit.
"F-uck! H-how dare you kicked my—"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita.
"Dapat ka pa ngang magpasalamat at hindi 'yang pangit mong mukha ang sinipa ko, kung hindi, manghihiram ka talaga ng mukha sa aso, demonyo!"
"Anong tinatanga niyo riyan mga gago!? Hulihin niyo sya!" pagalit na sigaw nito sa kaniyang mga kasama.
"Ano!? Gusto niyo rin bang magaya sa leader niyong weak? Subukan niyong lumapit sa akin! Mas lalong mabubura ang mga ilong niyong pango!"
Nang akmang sisipain ko ang isa ay agad itong tumakbo kasunod ng iba pa.
"Mga takot naman pala kayo eh hahaha.."
"What's happening here, Ms. Gonzales? Mr. Santos?"
Natigilan ako at nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang boses ni Mr. Lopez na nasa aking likuran. Dahan-dahan akong lumingon at alanganing ngumiti sa kaniya.
"G-good morning po, Sir Lopez, kayo po pala."
"Anong nangyari kay Mr. Santos? Bakit siya nakaluhod, Ms. Gonzales?"
Ibubuka ko pa lang sana ang aking bibig upang magsalita ay naunahan na ako ng herodes na manyak.
"S-sir, sinipa po niya ang alaga ko at ang guwapo kong mukha, gusto ko lang naman pong makipagkaibigan sa kaniya. At hindi lang po 'yan, maging ang mga iba ko pa pong kaibigan sinipa at sinuntok niya rin po sa mukha, Sir."
"Sir, maniwala po kayo sa akin, hindi po lahat ng mga sinabi ng manyak na 'yan ay totoo. Saksi ang kalangitan, mga puno, mga bulaklak, mga langgam, mga paru-paro, mga uod, mga ibon, mga lamok at mga nuno sa punso, self-defence po ang nangyari at isa lang po ang totoo sa sinabi niya, Sir."
"Both of you follow me to the guidance office now," seryosong sabi nito at agad nang tumalikod sa amin.
"Sir, hindi ko po kayang maglakad."
Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa amin.
"Tulungan mo siyang tumayo, Rhianne."
"Sir naman, eww! Ayoko pong magdikit ang mga katawan namin baka may covid siya eh."
"Narinig mo si Sir? Buhatin mo raw ako, amasona."
"Sinong amasona? Ano ang akala mo sa sarili mo, styrofoam? Cotton candy? Haler! Ang kapal-kapal naman ng face mo na magpabuhat sa akin, demonyo! Sapakin pa kita riyan eh."
"Mananahimik kayong dalawa o gusto niyong masuspinde ng isang buwan?"
"Sabi ko nga po Sir, tatahimik na, ito kasing demonyo na 'to eh, pahamak," labag sa kaloobang sagot ko.
"Tulungan mo siyang makatayo at alalayan mo siyang maglakad, Ms. Gonzales."
"O-opo."
Muli na itong naglakad at naiwan na lang kaming dalawa.
"Anong nginingiti-ngiti mo?" masungit kong tanong sa kaniya.
"Ang ganda mo pala sa malapitan," ang sabi nito at nang akmang hahalikan ako nito ay hindi ko napigilan ang sarili kong suntukin ang kaniyang mukha.
"Ouch! What the f-uck!"
"You deserved it! Sa tagal kong naga-aral dito, ikaw palang ang bumabastos sa akin."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay iniwan ko na siya at dumiretso sa guidance office.
"Oh, Ms. Gonzales, nasaan si Mr. Santos?" tanong ng guidance counselor sa akin.
"Iniwan ko po roon sa may gate, sorry po, Ma'am."
"I already talked to your adviser. I want you to bring your parents here tomorrow morning."
Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi sa narinig.
"O-opo, Ma'am."
Saktong pagkatapos kong sumagot ay siya namang pagdating ng lalaking bumastos sa akin.
"What happened to your face, Mr. Santos?"
"She did it, Ma'am," sagot nito sabay turo nito sa akin.
"Ma'am, binastos po niya kasi ako kaya ko po siya sinuntok! Self-defence po ang nangyari."
"Apologize to him, Ms. Gonzales."
"I'm sorry Ma'am, but I will never apologize to him. Aalis na po ako."
"I'm not yet done talking to you, Ms. Gonzales."
Hindi ko na sila nilingon. Mabuti na lang at wala si Sir Lopez sa guidance office. Bahala si batman kung ano ang mangyayari, bahala na kung masuspinde ako ng isang buwan.
Dumiretso na ako agad sa aming classroom. Agad tumayo ang kaibigan kong si Shirley at sinalubong ako nang makita ako nito sa pinto.
"Bhe, anong meron? Bakit parang malungkot ka ngayon? Wala ka bang nahuling insekto?" pabirong tanong nito.
Umiling ako.
"May problema ako, bhe," malungkot na sagot ko sa kaniya.
"Anong problema mo?"
"May nakaaway kasi akong lalaki. Ngayon, gusto ng guidance counselor na papuntahin ko rito bukas ang mga magulang ko. Anong gagawin ko, bhe? Madi-disappoint ko sila, baka magalit pa sila sa akin."
"Ha? Bakit? Ano bang nangyari? Bakit ka na-guidance?"
"May nakaaway nga ako, bhe."
"Sabihin mo na lang sa kanila ang totoo, maiintindihan ka nila, sigurado ako."
"Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin, bhe. Paano kung hindi nila ako maintindihan? Paano kung—"
Naputol ang sasabihin ko nang may biglang tumawag sa aking pangalan mula sa labas.
"Angeline! Angeline!"
Napalingon ako, hindi ko kilala ang pangalan nito, ngunit pamilyar ang mukha nito sa akin. Isa ito sa mga kasama ng lalaking tumambang sa gate sa akin kanina. Lumakad ito palapit sa akin at iniabot nito ang isang white small envelope.
"Ika na naman? At ano 'yan?" nakataas ang isang kilay na tanong ko sa kaniya.
"Card, pinapamigay ng leader namin."
"Para saan?" kunot-noong tanong ko. Ito kasi ang unang beses na makatanggap ako ng card.
"Basta basahin mo na lang."
"Kanino galing? Sa leader mong weak?"
"Hindi weak ang leader namin!"
"Ibalik mo 'to sa kaniya! Hindi kamo ako interisadong basahin kung anuman ang nilalaman ng card na 'yan."
"Basahin mo muna, bago ko ibalik sa kaniya."
"Fine!"
"Naks, may hindi ba ako alam? Mukhang magkakaroon ka na ng Prince charming, bhe! Pabasa ako!" singit ng kaibigan ko sabay agaw nito sa card na hawak ko at tumakbo ito palayo sa akin.
Mabilis ko siyang hinabol ngunit mas binilisan pa nito ang pagtakbo.
"Hoy! Ibalik mo nga sa akin 'yan!"
"Ayoko nga, habulin mo ako."
"Akin na sabi!"
"Habulin mo muna ako."
Habol ang aking hininga nang sa wakas ay tumigil na rin ito sa pagtakbo. Namumutla ang mukha nito pagharap nito sa akin.
"Bakit ganyan ang hitsura mo, bhe?" takang-tanong ko sa kaniya habang humihingal.
Wala itong imik ngunit kitang-kita ko ang takot at panginginig ng katawan nito nang iabot nito sa akin ang sulat. Agad kong kinuha iyon sa kaniya at tahimik na binasa ang nilalaman. Nanlaki ang mga mata ko.
"Red card? Ano 'to? Meteor Garden? Anong akala niya sa sarili niya, si Dao Ming Si? Ang kapal naman, buti sana kung maganda ang sulat, ang pangit naman. Ang akala niya siguro masisindak niya ako. Puwes, nagkakamali siya kung inaakala niyang matatakot niya ako sa pagbabanta niya."
"Bhe, kailangan natin 'tong i-report sa principal's office para mai-report nila sa mga pulis, baka may mangyaring masama sa 'yo."
Nilamukos ko ang card at naglakad pabalik sa kasamahan ng herodes na manyak.
"Bhe, saan ka pupunta?"
Hindi ko na siya sinagot at mas binilisan ko pa ang paglakad palapit sa lalaking nagbigay ng card.
"Sabihin mo sa leader mong manyak, hindi kamo ako si Sanchai! At huwag siya kamong magpiling Dao Ming Si! Ang pangit kamo ng sulat niya, parang pang-grade one. Sabihin mo rin na hindi ako natatakot sa pagbabanta niya! Layas!" nanlilisik ang mga matang pagtataboy ko sa lalaki.
"Bhe, okay ka lang?"
"Oo, bhe, pero tumaas ang dugo ko. Kapag talaga ako naatake, mumultuhin ko sila."
"Ano ba kasi 'yang napasukan mong 'yan, bakit may nagbabanta sa 'yo?"
"Long story, bhe. Tara na, pasok na tayo sa loob ng classroom."
"Mabuti pa nga, bhe. Wala pala si Andy, may sakit."
"Paano mo nalaman?"
"Nag-chat kaya siya sa GC natin, hindi ka naman nag-seen paano mo malalaman."
"Gano'n ba, hindi pa kasi ako nagbubukas ng f-acebook ko bhe."
Hinila niya ako paupo at pabulong na nagtanong.
"Bhe, wala ka ba talagang balak ipaalam sa mga teacher natin ang tungkol sa natanggap mong card?"
"Prank lang siguro 'yon, bhe."
"Ano!? Hindi ka ba natatakot? Paano kung totohanin niya 'yon?"
"Hindi naman siguro," maiksi kong sapgot sa kaniya.
"P-pero pinagbantaan ka niya, Angeline!"
"Kalimutan na lang natin 'yon, bhe. Huwag mo nang isipin 'yon."
"Ano ba kasing nangyari? B-bakit may death threat ka?"
Napatitig ako sa aking kaibigan.
"Paano kasi tinambangan nila ako at binastos sa gate, sa inis ko sinuntok at sinipa ko siya para magtanda. Ang kaso, kung kailan nakaluhod 'yong demonyong 'yon, siya namang dating ni Sir Lopez, parang ako lang tuloy ang masama. Self-defence lang naman ang ginawa ko."
"A-ano!? Kaya ka ba pinatawag sa guidance office kaninang umaga?"
Tumango ako.
"Bakit hindi mo sinabing self-defence ang ginawa mo?"
"Sinabi ko, bhe, pero hindi sila naniniwala eh."
"Kailangan nating i-report 'to sa mga pulis, maging sa mga guro natin, bhe."
"Huwag na."
"Pero, bhe.."
"Don't worry, walang mangyayari sa akin."
"Sa ngayon. Paano sa susunod na mga araw? May death threat ka, Yan-yan!"
"Hinaan mo nga 'yang boses mo. Maiba tayo, uuwi ka ba mamayang tanghali?"
"Oo, bhe. Gusto mo sumama?"
"Sa susunod na lang siguro, bhe."
"Sige, bhe."
Alas-singko na ng hapon nang naghiwalay kami ng aking kaibigang si Shirley. Pagbaba ko ng jeep ay dire-diretso na akong naglakad pauwi. Isang kanto pa kasi ang lalakarin bago makarating sa aming bahay. Pakendeng-kendeng pa akong naglalakad nang napansin kong tila may sumusunod sa aking likuran.
Napalingon ako at halos lumuwa ang mga mata ko nang makilala ko ang mukha nito. Isa ito sa mga lalaking tumambang sa akin kanina at may hawak itong patalim. Kaagad na naging alerto ang utak ko, mabilis akong tumakbo at umakyat sa puno na parang Unggoy.
Nakita ko pa itong tumatakbo at paikot-ikot na hinahanap ako kaya mahigit kalahating oras akong nasa taas ng puno at tiniis ang kagat ng mga lintik na mga insekto, hindi ko sigurado kung mga langgam ba ang kumakagat sa akin o pukyutan.
Gusto kong sumigaw dahil pati ang nguso ko ay hindi rin tinantanan ng mga insekto, pakiramdam ko ay namanhid na nga iyon, ngunit pinigilan ko ang sarili ko dahil baka marinig ako at makita ng lalaking naghahanap sa akin.
Nang matiyak kong wala na ito ay saka ako tumalon sa baba at patakbong umuwi sa aming bahay. Habol ang aking hininga nang nakapasok ako sa loob ng aming bahay.
"Anak, nandiyan ka na pala," ang sabi ng mommy ko na pababa sa aming hagdan.
"Opo, kararating ko lang, Mommy."
"Anong nangyari sa 'yo, Anak? Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong nito nang makalapit ako sa kaniya.
"Bakit po, Mommy? Anong nangyari sa mukha ko?" kabadong tanong ko at kinapa-kapa ang aking mukha.
"Tignan mo ang sarili mo sa salamin."
Tumakbo ako paakyat sa aking kuwarto at agad nanalamin. Nanlaki ang aking mga mata nang nakita ko ang aking mukha. Lumaki ang aking nguso ko maging ang isa kong mata. Halos hindi ko na tuloy makilala ang hitsura ko dahil marami ring pula ang mukha ko na tila dinaanan ng higad.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kuwarto. Nakita ko ang bakas ng awa sa mukha ng mommy ko ngunit halatang pinipigilan din nitong matawa dahil sa hitsura ko.
"Siguro umakyat ka na naman ng puno at kung anu-anong mga insekto na naman ang kinuha mo kaya 'yan ang napala mo," hindi na napigilan nito ang pagtawa pagkatapos nitong sabihin iyon.
"Hindi po. Mommy naman eh, pinagtawanan pa ako."
"Sorry, Anak, ikaw kasi eh."
"Hindi po ako sasabay na kakain sa inyo, Mommy. Ayoko pong makita ako nina daddy at ate na ganito ang hitsura."
"Ang daddy mo at ako lang naman ang makakasabay mo, Anak. May pupuntahan ang ate mo, engagement party ni ate mo Glecel."
"Basta, Mommy, bababa na lang po ako kapag nagutom ako."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito.
"Oh, Sige. Bababa na ako, maligo ka na para malagyan mo ng cream 'yan."
"Opo, Mommy."
Nang tumalikod na ito ay kaagad na akong naligo. Hindi na ako bumaba para kumain dahil hindi naman ako gutom at itinulog ko na lang. Hindi ko na rin sinabi sa mga magulang ko na pinapatawag sila sa school.
Masama ang pakiramdam ko paggising ko kinaumagahan. Naramdaman ko ang pagyugyog ng mommy ko sa aking balikat ngunit hindi ko magawang maimulat ang aking mga mata.
"Anak, ang init mo, mukhang may lagnat ka," ang sabi ng mommy ko na nag-aalala.
Pinilit kong ibukas ang aking mga mata at hinawakan ang kamay nito.
"Ayoko pong pumasok, Mommy."
Tumayo ito at kinuha sa drawer ko ang thermometer.
"May lagnat ka nga, hayaan mo tatawag ako sa school niyo at sasabihing may sakit ka."
"Thank you, Mom."
"Bababa lang ako at kukuha ng gamot."
"Ayoko pong uminom ng gamot, Mommy."
"Hanggang ngayon, takot ka pa ring uminom ng gamot?"
"Ayoko po ng lasa, Mommy."
"Sige na, matulog ka na ulit, magluluto lang ako ng sopas para iyon ang kainin mo, gigisingin na lang kita mamaya."
"Mom, huwag niyo na pong sabihin kina ate at daddy na may sakit ako, please."
Bumuntong-hininga ito.
"Fine. Take a rest."
Pumikit na ulit ako nang lumabas na ang mommy ko sa aking kuwarto.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog, nagising lang ako nang naramdaman ko ang maligamgam na tubig na galing sa bimpo na pinupunas ng mommy ko sa aking noo.
"Mom.."
"How are you feeling, Anak?" tanong nito.
"I'm still not feeling good, Mom."
"Paano ka gagaling, Anak.. ayaw mong uminom ng gamot, ayaw mo ring kumain."
"Mom.."
"Kain ka muna, Anak, kahit konti lang."
Umiling ako. Hindi ako gutom at ang gusto ko lang ay matulog.
"Ayokong kumain, Mommy. Si ate po?"
"Lumabas, Anak, maghahanap raw ng trabaho."
"Si Daddy po?"
"Nag-aalala ka bang sinabi ko na may sakit ka?"
Tumango ako.
"Sinabi ko na nasa camping ka. Kinausap pala ako ng teacher mo, bakit hindi mo sinabi sa akin na pinapatawag kami sa school niyo?"
"Sorry, Mom. Mahaba pong kwento at ayoko na pong mag-alala kayo."
"Siya, magpahinga ka na. Pumunta na pala ako sa school niyo kanina at nakiusap. Iiwan ko ang pagkain mo rito, Anak, kumain ka kapag nagutom ka."
"Opo, salamat, Mommy."
Hinalikan ako nito sa aking noo bago ito tuluyang lumabas sa aking kuwarto.