CHAPTER 3

2651 Words
ISANG lingo ang matuling lumipas matapos ang insidenteng 'yon at kagaya ng nangyari sa akin nang huli ay halos araw-araw na nalalagay ang buhay ko sa piligro, dahil hindi pa rin ako tinatantanan ng demonyong nambastos sa akin. Kagaya na lamang kanina habang naglalakad ako patawid ng kalsada galing sa bahay nina Shirley. Alam kong sadya ang nangyari at nais ng nasa loob ng sasakyan na sagasaan ako. Mabuti na lang at naging alerto ako at mabilis na nakailag, kung hindi ay baka nasa hospital na ako ngayon. Napailing ako sa isiping iyon. Hindi na ako nag-abalang sabihin sa aking mga magulang ang nangyayaring pagbabanta sa aking buhay dahil ayoko na silang bigyan pa ng alalahanin at ayoko rin silang mag-alala pa. Kaagad akong umakyat sa aking kuwarto pagdating ko sa aming bahay. Pagkatapos kong naligo ay agad ko nang inumpisahan ang aking mga takdang-aralin. Halos isang oras na akong nagsasagot nang maramdaman ko ang paglapit ng aking ate sa akin. "Hindi ka pa ba tapos diyan?" Napalingon ako. "Patapos na, Ate. Kakain na?" nakangiting tanong ko sa kaniya. "Oo, kaya bilisan mo na riyan, ikaw din uubusin namin ang ulam, ang sarap pa naman ng ulam." "Anong ulam, Ate?" "Tinolang Manok, paborito mo." "Wow! Talaga, Ate? Yes!" "Oo nga, kaya bumaba ka agad." "Basta akin 'yong puwet ng Manok, Ate, ha?" "Pag-iisipan ko muna." Sa sinabi niyang iyon ay agad akong tumayo at naunang lumabas ng aking kuwarto. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago ako nito hinabol. Magkasabay kaming bumaba at nang nakarating kami sa kusina ay agad na kaming umupo. "Rhianne, hindi ka pa nagdadasal, sumubo ka na naman kaagad," sermon sa akin ni mommy. "Sorry po, My. Nagutom ako bigla nang makita ko ang ulam." "Lead the prayer." "Opo." "Salamat po, Papa God, Amen." "Tapos na?" tanong ng mommy ko na halatang hindi makapangiwala. "Opo," nakangising sagot ko. "Angeline.." "Po?" "Napapansin ko paiksi na nang paiksi ang panalangin mo." "Sorry na, Mom. Huwag ka na pong magalit, dadami ang wrinkles mo." "Hmm.. siya, kumain na tayo." Mabilis akong sumandok ng tinola at agad sumubo nang sunod-sunod. Maganang- magana akong kumakain nang magsalita si daddy. "Angelie, kumusta ang paghahanap mo ng trabaho, Anak?" umpisa nitong tanong. Napatingin ako sa aking ate nang hindi ito sumagot kay daddy. Tila hindi nito naririnig ang aming ama at kay lalim ng iniisip nito. "Angelie, narinig mo ba ang sinabi ko?" muling tanong nito. Itinigil ko ang pagsubo at nang akmang kakalabitin ko na sana siya ay saka naman nagsalita si mommy. "Anak, kinakausap ka ng daddy mo," ang sabi ni mommy na nagpabalik sa lumilipad nitong diwa. "Po? Sorry po, Daddy, hindi ko po narinig, ano po ba 'yon?" ang baling nitong tanong sa aming daddy na seryosong nakatingin sa aking ate. "Tinatanong ko kung kumusta ang paghahanap mo ng trabaho, Anak," ang malumanay na sagot ni daddy. Nagyuko ng ulo ang aking ate at ibinaba ang mga kubyertos na hawak nito sa aming lamesa. Hindi ito umimik ng matagal at tila ba iniisip nito ang isasagot sa aming ama. Ilang saglit lang ay nag-angat din ito ng ulo, bago itoo nagsalita. "K-kasi po, wala pa po akong nahahanap na trabaho, Daddy," nahihiyang sagot nito sa aking ama. "Anak, ayaw mo bang magtrabaho na lang sa kumpanya natin?" ang tanong ni daddy kay ate. Napatingin si ate kay daddy at alanganin itong napangiti. "Dad, gustong-gusto ko po sana. Kung related lang po sana ang natapos ko sa business po niyo, why not? Daddy, I'm so sorry," ang malungkot nitong sagot kay daddy. Nagyuko ito ng ulo pagkatapos nitong magsalita. "It's okay, Anak, naiintindihan ko. Kung sabagay, sayang nga naman ang pinag-aralan at pinaghirapan mo kung hindi mo iya-apply ang tinapos mo," ang malumanay na sabi ni daddy. Napaangat naman kaagad ang ulo ni ate at sinalubong ang mga mata ng aming ama. Ngumiti ito sa kaniya na punong-puno ng pang-unawa. "Thank you, Daddy, ang totoo po niyan balak ko na pong bumalik ng France ngayong darating na lunes sa dati pong kumpanya na pinagtrabahuhan ko," mahinang sabi ng ate ko na nakapagpatigil sa akma sanang pagsubo ni daddy. Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinitigan siya nito. Lumarawan ang lungkot sa mga mata ni dad, halatang hindi ito sang-ayon sa gustong mangyari ni ate. Nagkatitigan kami ni mommy, kagaya ko ay wala rin itong imik at nakikinig lang sa usapan nina daddy at ate. "Anak, huwag ka na sanang umalis. Tama na ang walong taon na malayo ka sa amin ng mommy at kapatid mo. Matanda na kami ng mommy niyo, Anak." "Pero, Dad.." "Anak, kung ang inaalala mo ay wala kang magiging trabaho rito, hindi naman iyon problema dahil kaya ko naman kayong buhayin, sapat naman ang perang kinikita ko sa kumpanya natin, Anak." "Dad, I'm already twenty-six. Ako po dapat ang bumubuhay sa inyo ni mommy. Ayaw ko pong maging palamunin at tambay habang kayo ay nagpapakapagod sa pagtatrabaho." Hindi nakaimik si daddy. Ilang minuto ang namayani bago nagsalita si mommy. "Anak, matanda na kami ng daddy mo, ilang araw ka pa lang dito, bakit gusto mo na agad bumalik ng France? May nagawa ba kami? May hindi ka ba nagustuhan?" ang sunod-sunod na tanong ni mommy kay ate. "Wala po, Mommy." "Kung gano'n, bakit biglaan naman yata ang desisyon mong pagbalik sa France? Bakit sa lunes na agad? Anak naman," ang naiiyak na sabi ni mommy. Bigla akong nakaramdam ng awa sa mga magulang ko. Biglang tumayo mula sa pagkakaupo si daddy. Napatingin kaming lahat sa kaniya. "Tapos na akong kumain, huwag niyo muna akong kausapin," seryosong sabi nito. Walang imik na nasundan namin siya ng tingin. Nang mawala ito sa aming paningin ay napatingin ako sa ate ko, nakatingin ito sa pagkain ng daddy namin sa lamesa, halos hindi kasi nito nabawasan at nagalaw iyon. Alam kong sinusundot ng konsensya ang ate ko dahil makikita iyon sa kaniyang mukha. "Anak, hindi na ba talaga namin mababago ang desisyon mo? Itutuloy mo pa rin ba ang plano mong pag-alis ng Pilipinas?" ang malungkot na tanong ng aming mommy. "I'm sorry, Mommy." "I understand kung buo na ang desisyon mo, Anak. Tapusin niyo na ang mga pagkain niyo para makapagpahinga na kayo." Kung kanina ay gutom na gutom ako, ngayon ay parang biglang nawalan ako ng gana. Halos hindi rin nagalaw ang pagkain nina ate at mommy ang pagkain nila kagaya ni daddy. Nang tumayo si mommy ay agad na rin akong tumayo at sinundan siya. Hindi ko na nagawang lingunin si ate dahil alam kong nakatingin ito sa amin. Alam naman na siguro niyang masama ang loob namin sa biglaang desisyon niya. Kinaumagahan nga ay agad akong nagpaalam sa mga magulang ko na aalis at pupunta sa bahay ng kaibigan kong si Shirley at hindi na kumain ng almusal. Ayaw ko pa kasing kausapin si ate dahil masama pa ang loob ko sa kaniya. Nang nakauwi ako kinahapunan galing sa bahay nina Shirley ay naabutan ko si ate sa sala. Todo ang iwas kong magtama ang aming mga mata kaya mabilis ang ginawa kong paglakad. Nagkulong ako sa aking kuwarto at inabala ang aking sarili sa pagtapos sa mga ipapasang project. Saka lang ako bumaba nang tinawag ako ni mommy para kumain ng hapunan. Hindi ko nilingon si ate nang umupo ako sa tabi niya. Walang gustong magsalita habang kumakain kami. Ayaw ko ring sulyapan si ate at ayaw ko rin siyang kausapin kahit na nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang malungkot niyang mukha. Nang natapos kaming kumain ng hapunan ay tahimik na tumayo ang aming daddy. Nasundan namin siya ng tingin nang dumiretso ito sa aming sala. Tahimik na tumayo si mommy at sinundan nito agad si daddy. Nang tumayo si ate ay tumayo na rin ako at sinundan silang lahat sa aming sala. Naunang umupo ang ate ko at saka ito nag-umpisang magsalita. "Dad, Mom, bukas na po ang flight ko. Hindi niyo po ba talaga ako kakausapin?" ang malungkot na tanong ni ate. "Mag-ingat ka roon, alagaan mo ang sarili mo. Huwag mo kaming isipin ng mommy mo, kaya namin ang mga sarili namin dito." "Dad, huwag naman po kayong ganiyan oh." "Wala na akong sasabihin, matanda ka na at may sariling isip ka, kaya hindi na kami makikialam pa sa desisyon mo. Matutulog na kami ng mommy mo, matulog ka na rin dahil maaga pa ang flight mo, ikaw din Angeline." Tumayo na si daddy pagkatapos nitong sabihin iyon. Walang imik na tumayo na rin si mommy at sinundan agad nito si daddy. Blangko ang mga mata ko nang magtama ang aming mga ng ate ko. Agad na rin akong tumayo nang nakita ko ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. "Rhianne.." Hindi ko siya nilingon. Tuloy-tuloy ang ginawa kong paglakad paakyat sa aming hagdan. Kahit ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa amin ay hindi ko siya nagawang lingunin. Pagpasok ko sa aking kuwarto ay hindi ko napigilan ang sarili kong maiyak. Kinaumagahan ay maaga akong nagising, nagkagulatan pa nga kami ni daddy sa pagpunta ko sa kusina dahil maging ito ay gising na rin at bihis na bihis na. "Dad, umiyak din po ba kayo?" "Don't ask," maikling sagot nito. "Sorry po, Dad." "I have to go to the office, sasabay ka ba?" "Hindi niyo na po ba hihintayin si ate na magising, Daddy?" "No. Sasabay ka ba sa akin?" Umiling ako. "Maaga pa po, Dad. Mauna na lang po kayo." "Okay, tatawagan ko na lang ang mommy mo na nauna na akong umalis." "Sige po, Dad. Ingat po kayo." Tumango lang ito at tumalikod na. Nasundan ko na lang siya ng tingin habang palabas ito ng aming bahay. Nasa gano'n akong akto nang marinig ko ang mga yabag na pababa ng aming hagdan. Agad kong dinampot ang aking bag na nasa upuan at may pagmamadaling lumabas sa pinto sa likuran. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatayo sa likod ng pinto, napadiretso ako ng tayo at idinikit ang aking tenga sa dahon ng pinto nang narinig kong magsalita ang aking kapatid. "Mommy..." malungkot na tawag ng ate ko. Bahagya kong binukas ang pinto at sumilip sa loob ng aming bahay. Lumingon ito at malungkot itong tumingin kay ate. Halatang umiyak din ito kagabi, dahil kagaya ko at ni ate ay namumugto rin ang mga mata nito. Tumakbo ito palapit kay mommy at mahigpit siyang niyakap. Hindi na napigilan pa ni ate ang kaniyang emosyon nang nagsimulang umiyak si mommy. "Anak, mag-iingat ka roon, ha?" dinig kong sabi ni mommy sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. "Mom please don't cry," ang hirap na sabi ng ate ko habang umiiyak na rin. "Pagpasensyahan mo na ang daddy mo, hindi ka na niya hinintay, maaga siyang umalis kasama ng kapatid mo. Intindihin mo na lang sila Anak, ha? Ayaw ka nilang makitang umalis kaya unawain mo na lang sila, lalo na ang daddy mo." "I'm sorry, Mommy." "Sshh... tahan na, it's okay, Anak. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo tandaan mo 'yan. Sige na, baka mahuli ka sa flight mo," ang umiiyak at malungkot na sabi ni mommy pagkatapos nitong kumalas sa pagkakayakap kay ate. Pinahid ni mommy ang mga luha sa kaniyang pisngi bago nito hinalikan si ate sa kaniyang noo. Sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang niyakap ni mommy ng mahigpit bago siya nito tuluyang pinakawalan at lumabas sa aming bahay. Palihim ko siyang sinundan. Nakita ko ang isang sasakyang nakaparada sa tapat ng aming gate. Dahan-dahang bumaba ang bintana niyon kaya ko nakita ang mga tao sa loob ng sasakyan. Ang mga kaibigan ng ate ko, sina ate Kristel at ate Glecel. Naintindihan ko na agad na sila ang maghahatid kay ate sa airport. Mabilis akong nagtago nang nakita kong kumakaway ang mga ito sa aking mommy. Nakita ko pa ang malungkot na mukha ni ate bago ito tuluyang sumakay ng sasakyan. Kumaway ito kay mommy bago nito tuluyang isinara ang salamin ng bintana. Halos isang oras akong umiyak at napakalma ang aking sarili bago ako napagpasyahang pumasok sa paaralan. Buong araw akong tahimik sa klase, wala rin akong ganang maghanap ng bagong insekto para maging alaga ko na lalong ipinagtaka ng aking mga kaibigan. Alam kong nanibago sila sa pagiging tahimik ko buong maghapon kaya ilang beses din akong kinulit ng mga ito, ngunit wala silang napala. "Ihatid ka na namin," dinig kong sabi ni Andy. "Huwag na." "Wala kang magagawa, madilim na. Ihahatid ka namin sa ayaw at sa gusto mo," pinal na sabi nito. Tumango na lang at nagpatianod nang hilahin ako ng mga ito sa aking braso. Agad akong nagpasalamat sa aking mga kaibigan pagbaba ko ng sasakyan. Pumasok ako sa aming bahay at didiretso na sana sa aking kuwarto nang bigla akong napatigil sa paglalakad dahil napansin kong wala si mommy. "Manang Nora, si mommy po?" magalang na tanong ko sa aming katulong na nagtutupi ng mga damit sa aming sala. "Dumating ka na pala." "Opo, Manang, medyo na-late ako ng uwi dahil nag-practice kami sa school. Si mommy po nasaan?" "Hindi ba siya tumawag sa 'yo?" "Hindi ko po napansin, Manang, naka-silent mode kasi ang cellphone ko. May pinuntahan ba siya?" "Nasa hospital—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita nang narinig ko ang hospital. Sinalakay agad ako ng takot lalo pa at wala ang aking mommy sa aming bahay. "P-po? Sinong na-hospital, Manang? Anong nangyari kay mommy? Okay lang po ba siya?" sunod-sunod at kabadong tanong ko sa kaniya. "Hindi ang mommy mo ang tinakbo sa hospital kung hindi ang daddy mo." "Bakit po? Anong nangyari kay daddy? Nasaang hospital po sila, Manang?" May dinukot ito sa kaniyang bulsa. "Ito kunin mo, sinulat ko rito ang lugar at pangalan ng hospital." Kaagad akong lumapit sa kaniya at inabot iyon. "Salamat po, Manang Nora, pupunta na po ako sa hospital." "Mag-iingat ka." "Opo, Manang. Salamat po." Agad kong pinara ang taxi paglabas ko at nagpahatid sa hospital na sinulat ni manang. Patakbong pumasok ako ng hospital at dumiretso sa kwarto kung nasaan aking mga magulang matapos kong maipakita ang aking school ID. Dahan-dahan kong pinihit ang saradura ng pinto at nagulat nang makita ang ate ko. "Hon, salamat sa Diyos at gising ka na," ang masayang sabi ng mommy ko na kakabangon lang sa pagkakahiga. Bumaba ito at mabilis na ginagap nito ang palad ng daddy ko. Hinalikan nito iyon at pagkatapos ay idinikit nito iyon sa kaniyang pisngi. Mababakas sa mukha ng aking ina ang labis na saya. Dahan-dahang umupo sa bakanteng upuan ang ate ko at masayang pinagmasdan nito ang aming mga magulang. "Dad, Mom, Ate." Sabay-sabay silang napalingon sa akin. Tumakbo ako at agad niyakap si daddy. "What happened to you, Daddy? Are you okay? Are you hurt?" naluluhang sunod-sunod na tanong ko. Ngumiti ito sa akin matapos itong kumalas sa pagkakayakap ko sa kaniya. Ginulo nito ang buhok ko bago ito nagsalita. "I'm okay now, Anak." "Thank God, you're safe, Dad." Muli ko siyang niyakap pagkatapos kong sabihin iyon. Lumingon ako kay ate nang kumalas ako sa pagkakayakap kay daddy. "Ate, anong ginagawa mo rito? Akala ko flight mo ngayon?" "Hindi na ako aalis kaya sana huwag ka nang magtampo kay ate." "Promise?" "Promise. Hindi ko na kayo iiwan." Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit, napangiti ako nang naramdaman ko ang pagyakap nito pabalik sa akin. Makalipas ang tatlong araw na pamamalagi ng daddy namin sa hospital at pag-monitor sa kaniya ay sa wakas nailabas na rin namin siya. Naging normal na kasi ang lahat ng mga laboratory tests nito at maayos na rin ang kalagayan nito kung kaya't pumayag na ang doktor nito na puwede na siyang iuwi. Ang bilin lang sa amin ng doktor na tumitingin sa aming daddy ay iwasan naming bigyan ito ng stress, bigyan ng pagkaing maaalat at mamantika. Kailangan din daw nito ang weekly check-ups upang ma-monitor nila ang kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD