CHAPTER 4

2001 Words
HABANG nasa hapagkainan kasalo ng aking mga magulang at ng aking nakatatandang kapatid ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa aking ate. Ang tahimik kasi nito at hindi maitago nito sa kaniyang mukha ang pagiging matamlay niya sa pagkain. Halos hindi rin nito nabawasan iyon. Tuluyan na akong napatigil sa pagkain nang bigla itong tumayo. Akmang magsasalita ito ngunit naunahan ito ni daddy. "Anak, we have something to tell you. Huwag ka sanang magagalit sa amin ng mommy mo. This is for your own good and for your future." Naguguluhang napatingin ang ate ko kay daddy. "What are you trying to say, Dad?" kunot-noong tanong nito sa kaniya. "Anak, I'm sorry to tell you this.. but, I and your mom already talked about this matter. We are sorry, kung pinangunahan ka namin," ang malungkot na sagot nito. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. "Ano po ba ang ibig niyong sabihin, Daddy?" "Pumayag na kami sa offer ni Edward. He wants to marry you, kapalit ng kumpanya natin." Napatayo ang ate pagkarinig sa sinabi ni daddy. "Dad what do you mean? Are you serious? Why do I need to marry Mr. Cheng? May iba pa naman po sigurong paraan para mabawi ang kumpanya sa kaniya, hindi po ba?" ang sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. Ramdam ko ang hinanakit sa tinig ng ate ko. Kitang-kita ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa ate ko, ngunit wala akong magawa. Napatingin ako kay daddy, seryoso ang mukha nito. Muli akong napatingin kay ate nang biglang tumayo si daddy. Tuluyan nang bumagsak ang kaniyang mga luha at napaiyak nang tumalikod si daddy at dire-diretsong umakyat ng hagdan. Agad ding tumayo si mommy at may pagmamadaling sinundan nito si daddy. Halata ang panlulumo ng ate ko. Pabagsak itong naupo kasabay ng paghagulgol ng iyak nito. Mabilis akong tumayo at agad siyang nilapitan. Naaawang hinaplos ko ang kaniyang likod at buhok. "Tahan na, Ate," ang naaawa at naiiyak kong sabi sa kaniya. Lumingon ito sa akin at niyakap ako nito ng mahigpit. Mas lalo itong napaiyak nang yakapin ko siya pabalik. "Ayaw kong mangyari sa akin ang masakal este makasal din sa taong hindi ko gusto at mahal, Ate, kaya ngayon palang uunahan ko na sina mommy at daddy. Sasabihin ko sa kanilang magmamadre ako." Napakalas ito ng yakap sa akin at napatigil ito sa pag-iyak. "Seryoso ka?" natatawa nitong tanong. "Oo nga, Ate. Mukha ba akong nagbibiro?" Tuluyan na siyang napatawa sa aking sagot. "Baka mamaya mas pangit pa ang ipakasal sa akin kaysa ang mapapangasawa mo kaya mas mabuting magmadre na lang ako, Ate." Mahina ako nitong binatukan. "Puro ka kalokohan." "Seryoso talaga ate. Sige na, magpahinga ka na, pupunta muna ako sa kuwarto nina mommy at daddy." "Sasabihin mo talaga 'yon?" Tumango lang ako. "Loka ka, baka atikihin si daddy." "Hindi 'yan. Kung ako sa 'yo, Ate, si kuya Angelo na lang ang pakakasalan ko." Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Tumawa lang ako. "Good night, Ate." "Good night," malungkot na sabi nito. "Huwag ka nang malungkot, Ate. Sabihin mo na lang na buntis ka at si kuya Angelo ang ama para hindi ka na ipakasal nina daddy sa intsik na 'yon." "Ayoko nga, ayokong suwayin si daddy, alam mo namang bawal sa kaniya ang ma-stress 'di ba?" "Bahala ka, Ate, basta ako, magmamadre." "Magmamadre pala ha? Baka kainin mo 'yang sinabi mo." "Hindi ah, promise." "Let's see." Tumalikod na siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Kinaumagahan ay halos mahulog ako sa aking kama dahil sa lakas ng tunog ng alarm. Pinatay ko iyon at nakapikit pang dumiretso sa aking banyo. Pagkatapos maligo at magbihis ay agad na akong tumuloy sa kusina. "Good morning po, Mommy, Daddy." "Good morning too, Anak. Umupo ka na," nakangiting sabi sa akin ni mommy. "Si ate po, nasaan?" "Maagang pumasok ang ate mo, Anak." "Gano'n po ba." "Kumain ka na, anong oras na, baka ma-late ka sa pagpasok." "Opo, Mommy." "Dahan-dahan, baka mabulunan ka." "Opo." "Angeline," tawag ng daddy ko sa akin. Napatigil ako sa pagkain at kabado akong napatingin sa aking daddy. "Bakit po, Dad?" "May sasabihin—" Agad kong pinutol iyon at mabilis siyang inunahan sa pagsasalita. "Dad, kung ipapakasal niyo rin po ako, I'm sorry, pero nakapagdesisyon na po akong magmamadre. Aalis na po ako. Bye Mommy, Daddy. Love you both." Pagkatapos kong sabihin iyon ay agad ko nang dinampot ang aking bag at patakbong lumabas ng kusina. *** ISANG Linggo ang matuling lumipas. Pauwi na kami nang hapong iyon sakay gamit ang pampamilyang sasakyan nina Andy at masayang nagkukwentuhan ng biglang makarinig kami ng malakas na busina sa aming harapan at sa aming tagiliran. Nanlaki ang mga mata ko paglingon ko sa aking kanan, dahil may malaking sasakyang paparating. Bago pa ako makasigaw ay bumangga na sa amin ang malaking sasakyan, kung saan ako nakapuwesto. Narinig ko pa ang malakas na pagtili ni Andy sa harapan. Naramdaman ko ang malakas ng pagtama ng aking ulo sa bakal ng sasakyan, kasabay ng pagtama sa akin ng mga basag na salamin ng bintana at ang malakas na pagtilapon ng aming sinasakyan sa kabilang kalsada. Sunod-sunod ang pagtawag ni Andy sa aking pangalan, ngunit hindi ko na maigalaw ang aking mga labi upang sagutin siya, maging ang aking mga mata ay hindi ko rin magawang maimulat hanggang sa unti-unti na akong nawalan ng malay. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nawalan ng malay. Nagising lang ako nang marinig ko ang boses ng aking ate. "Mommy, kumusta po si Angeline?" dinig kong tanong ng aking ate sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. Hindi sumagot ang aking mommy ngunit narinig ko ang paghagulgol nito. Gusto kong igalaw ang aking kamay, ngunit hindi ko magawa. Maging ang mga mata ko ay hindi ko rin maibukas, dahil pakiramdam ko ay may harang ang mga iyon na tela. "Magiging okay lang siya, hindi po ba, Mommy? Gagaling ang kapatid ko, hindi po ba?" ang muling tanong nito kay mommy habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Kasunod niyon ay ang pagbukas at pagsara niyon at ang paglapit ng mga yabag sa amin. "Hello po," dinig kong bati ng boses ng lalaki sa aking pamilya. Naramdaman ko ang pag lapit nito sa akin at pag-check nito sa aking katawan. Ilang saglit lang ay tumigil na ito. "Doc, kumusta po ang kalagayan ng anak namin?" dinig kong tanong ng mommy ko sa doktor na tumingin sa akin. "Nurse, please give me the medical records." "Yes, Doc." "Inside of this medical records are the patient's examination and treatment that includes her clinical and physical findings, the latest results of her diagnostic test results, her medications and her therapeutic procedures. Please read it," seryosong sabi nito. "Ako na po ang magbabasa," dinig kong sabi ng ate ko. "Ako na, Anak." "Sige, Mom." Narinig ko ang malakas na pagsinghap ng mommy ko at tila ba tinakpan pa nito ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang kamay. "Ano pong nakasulat, Mommy?" Hindi sumagot si mommy. Ilang sandali lang ay narinig ko rin ang pagsinghap ng ate ko at ang paghikbi nito. "D-Doc, hindi po mabubulag at malulumpo ang kapatid ko, hindi po ba? Please po, parang-awa niyo na, gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo, Doc. Hindi po matatanggap ng kapatid ko kapag nabulag o nalumpo siya. Marami pa po siyang pangarap sa buhay," ang dinig kong sabi ng ate ko habang umiiyak at nakikiusap sa aking doktor. Namalayan ko na lang ang pagtulo ng aking mga luha matapos kong marinig iyon. "We will do our best Hija, but I'm sorry to inform you that the patient needs to be operated on as soon as possible. May mga bubog sa mga mata niya na kailangan tanggalin dahil kapag hindi iyon natanggal ay baka maging mitsa iyon ng tuluyan niyang pagkabulag. Excuse me, I need to see my other patients," ang mahabang sabi nito at nagpaalam na ito sa aking pamilya. Matagal nang nakaalis ang doctor na tumingin sa akin ngunit tulala pa rin ako sa aking narinig, maging ang mga magulang ko ay nawalan rin ng sasabihin. Hindi ko akalaing gano'n kalaking pinsala ang nangyari sa aking mga mata. "Hon, please.. ibenta na lang natin ang bahay natin sa probinsya, pandagdag natin sa pagpapaopera ng bunso natin. Hindi ko siya kayang makita na nahihirapan balang araw, mas mahalaga ang anak natin kaysa ang mga materyal na bagay," ang umiiyak na sabi ni mommy sa aking daddy na walang imik. Gusto kong magsalita at pigilan si mommy sa kaniyang balak dahil alam kong mahalaga sa kanila iyon at maraming ala-ala ang bahay na 'yon sa kanila, ngunit hindi ko magawang ibuka ang aking mga bibig. Ilang sandali pa'y ang ate ko naman ang nagsalita. "S-sige na po, Daddy, pumayag na po kayo. Ako na po ang bahalang maghahanap ng taong puwedeng pagbentahan ng bahay natin doon," ang nakikiusap na sabi nito sa aming daddy. "S-Sige, Anak, para sa kapatid mo." "Salamat po, Dad. Dito po muna kayo at bibili ako ng pagkain natin." "Sige, Anak." Narinig ko ang papalayong yabag at ang pagbukas at pagsara ng pinto. Ilang minuto lang ay muli kong narinig ang boses ng ate ko. "Kain na po tayo, Dad, Mom." "Salamat, Anak," dinig kong sabi ni mommy kay ate. "Dad, halos hindi nagalaw ang binili kong pagkain para sa inyo. Kailangan niyo pong kumain dahil may iniinom po kayong gamot." "Hindi ako nagugutom. Ikaw dapat ang kumain." "Hindi rin po ako nagugutom, Dad." "Hon, kailangan mong kumain." "Huwag niyo akong intindihin, kakain ako pag nagutom ako." "Dad, Mom, umuwi na po muna kayo para makapagpahinga, ako na po muna ang bahala at magbabantay kay Angeline. Baka magkasakit din po kayo kapag wala kayong sapat na pahinga, lalo na po kayo, Daddy." Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni daddy. Tila labag sa kalooban nitong iwan ako. "Salamat, Anak." "You're welcome, Mom. Sige na po, uwi na kayo, gabi na. Ako na ang bahala kay Yan-yan." Bago sila umalis ang aming mga magulang ay nilapitan pa ako ng mga ito at kinausap. Naramdaman ko ang paghawak nila sa aking magkabilang kamay. "Anak, lumaban ka, ha? Magpagaling ka para sa amin ng daddy at ate mo, kailangan ka namin, Anak ko. Lalo na si mommy, Anak. Mababaliw si mommy kapag nawala ka, Anak," ang madamdaming sabi ni mommy na lalong nagpatulo ng aking mga luha. Ramdam kong pinipigilan nitong umiyak habang kausap ako. Maingat ako nitong hinalikan sa aking noo bago ito tumayo. "Rhianne, Anak," garalgal ang tinig na simula ng daddy ko. Naramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay at ang marahang pagpisil nito. "Mahal na mahal ka namin ng mommy mo, Anak. Alam kong matapang ka, huwag kang mag-alala, gagawin namin lahat para gumaling ka." Matapos nitong sabihin iyon ay maingat din ako nitong hinalikan sa aking noo bago nito binitawan ang aking kamay. "Ikaw na ang bahala sa kapatid mo, Angelie." "Opo, Dad, don't worry." "Aalis na kami." "Mag-iingat po kayo, Dad, Mom." "Salamat, Anak." Narinig ko ang papalayong mga yabag, kasabay ng pagbukas at pagsara ng pinto. Naramdaman ko ang pag-upo ng ate ko at ang paghawak nito sa aking kamay habang marahan iyong hinahaplos. "Rhianne, naririnig mo ba ako? Lumaban ka, ha? Hindi namin kakayanin kapag sinukuan mo kami. Lumaban ka para kina mommy at daddy, please? Magmamadre ka pa hindi ba? Magiging maid of honour pa kita sa kasal ko. Promise ni ate sa 'yo, gagawin ko lahat kahit gaano pa kalaki ang perang gagastusin para hindi ka lang mabulag at malumpo, mahal na mahal ka ni ate," umiiyak na sabi nito. Sinubukan kong muling igalaw ang aking kamay ngunit hindi ko talaga magawa. At mas lalong nanakit ang aking ulo nang pilitin kong ibukas ang aking mga mata. "A-a.. te.." mahinang usul ko. "Rhianne? Rhianne? Doc! Doc! Nurse! Doc! Nurse! Ang kapatid ko! Gising na ang kapatid ko!" malakas na sigaw ng ate ko bago ako muling nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD