MOMMY ANGEL'S POV
NAPALINGON ako sa aking asawa na seryosong nagmamaneho. Mula pa kagabi ay hindi na ito umiimik.
Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magsalita ngunit pinigilan ko ang aking sarili at muling itinuon na lang ang aking atensyon sa kalsada.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa Saint Dianne Medical Hospital, kung saan naka-confined ang aming bunso.
Naunang bumaba ng sasakyan ang aking asawa at mabilis na pinagbuksan ako nito ng pinto. Magkahawak kamay kaming pumasok sa hospital at dumiretso sa kuwarto kung saan naroon ang aming mga anak.
Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at naabutan namin ang aming panganay na seryosong kausap sa cellphone ang kaniyang employer kung kaya't hindi kaagad kami nito napansin ng kaniyang ama.
"Sir, I'm sorry, nakalimutan ko pa lang tumawag. Nawala sa isip ko, magpapaalam sana muna ako sa inyo na kung maaari hindi muna ako papasok ngayong araw."
"Anak, pumasok ka na, kami na ang bahala sa kapatid mo," agaw ko sa kaniyang atensyon.
Napalingon ito sa amin at agad namang tumango saka muli nitong kinausap ang kaniyang boss.
"Sige po, Sir, papasok na po ako," magalang nitong sabi sa kaniyang kausap.
Humarap ito sa amin at lumakad palapit sa amin. Matapos itong yumakap at humalik ay kaagad kong iniabot sa kaniya ang dala kong paper bag.
"May kinuha akong mga damit mo, Anak. Maligo ka na."
Ngumiti ito sa akin at kinuha iyon.
"Thank you, Mommy. Maliligo na po muna ako."
"Sige, Anak. Pagkatapos mong maligo saka ka kumain, may dinala kaming pagkain ng daddy mo para sa 'yo."
"Sa office na lang po ako kakain, Mom."
"Oh siya, maligo ka na."
Pagkatapos nitong maligo at makapagbihis ay agad na itong nagpaalam sa amin. Ngunit bago ito umalis ay lumapit pa ito sa kaniyang kapatid at nagpaalam din sa kaniya.
Buong maghapong wala kaming ginawa ng aking asawa kung hindi ang magpabalik-balik sa chapel at magpalakad-lakad sa loob ng kuwarto ng aming bunso.
Saktong paupo ako sa tabi nito at hahawakan sana ang kamay nito ng biglang tumunog ang cardiac monitor ng aking anak. Naalarma ako at biglang napatayo. Kaagad akong lumabas ng kuwarto at tumawag ng tulong nang makita kong naging flat-line ang heart beat ng aking bunso sa electrocardiogram.
"Nurse! Nurse! Nurse! Tulong! Ang anak ko!" hysterical kong tawag sa mga staff ng hospital.
Sunod-sunod namang napatakbo sa loob ng kuwarto ng aking anak ang mga medical staff at patakbong inilipat ang aming anak sa intensive care unit o ICU. Papasok din sana kami ng aking asawa ngunit agad kaming pinigilan ng isang nurse.
"Ma'am, pasensya na po pero bawal na po kayong pumasok sa loob. Hanggang dito na lang po kayo sa labas."
Napilitan akong umatras at sumilip na lang sa bilog na clear glass sa pinto ng aking anak.
Natutop ko ang aking bibig habang pinapanood ang ginagawa ng medical staff sa aking anak. They started engaging cardiopulmonary resuscitation to my daughter while they inject vasopressin.
"Ma'am, sorry, but you are not allowed to watch," hinging paumanhin sa akin ng isang nurse bago ito pumasok sa loob at isinara nito ang puting kurtina.
Hinila ako ng aking asawa at niyakap. Napalingon kami ng aking asawa nang lumabas ang isang nurse.
"Nurse, kumusta ang anak ko?"
"Ma'am, you have to calm, the doctors are trying their best to save your daughter."
"Thank you, Nurse."
Pag-alis nito ay saka ko kinuha ang aking cellphone sa loob ng aking bag at agad i-dinialled ang numero ng aking panganay na anak.
"Hello, Anak, nasaan ka na?"
"Hello, Mommy.. papunta na po ako riyan, bakit po?" ang nag-aalalang tanong nito sa kabilang linya.
"A-anak, a-ang kapatid mo, ipinasok namin siya sa ICU, nag-aagaw buhay siya. Kailangan na niyang maoperahan ngayon, Anak! Kailangan na natin ng pera!" ang umiiyak na sagot ko sa kaniya.
Narinig ko ang malakas na paghagulgol nito sa kabilang linya.
"O-opo, Mommy, pangako, gagawa po ako ng paraan ngayon din po, para madagdagan ang perang nalikom natin. Huwag po kayong mag-alala hahanap po ako ng paraan. Binilisan ko po, I love you mommy, magpakatatag po tayo. Sige na po.. mabilis lang po ito, pupunta na po ako riyan agad," ang sagot nito habang umiiyak sa kabilang linya.
"Maraming salamat, Anak."
Nanginginig at nanghihinang napahawak ako sa aking asawa na tulala sa aking tabi. Napalingon siya sa akin, kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mga mata, maging ang kaniyang ilong at mga tainga.
Hinila niya ako at mahigpit na niyakap. Niyakap ko rin siya ng mas mahigpit. Mas lalo akong napahagulgol.
Lumipas ang mahigit kalahating oras nang dumating ang aking panganay. Namumugto ang mga mata nito kagaya ko. Yumakap ito at humalik sa amin.
"May nahanap ka bang pera, Anak?"
Hinila kami nito ng kaniyang ama paupo sa may hallway at masayang tumango.
"Opo, Mommy."
"K-kanino ka humiram?"
"Kay Angelo po, Mommy."
"H-ha? Nasaan siya, Anak?"
Napalingon ako sa aking asawa na tila nagulat din kagaya ko. Binalik ko ang tingin ko sa aking panganay.
"Nasa baba po, pero susunod po siya rito mamaya may inaasikaso lang po."
"Mabuti naman at sumama siya, Anak, gusto kong magpasalamat sa kaniya."
"Mommy, Daddy, may sasabihin po ako."
"Ano 'yon, Anak?"
"Kasi po, balak po ni Angelo na ilipat si Angeline sa America."
"Ha? Pero Anak, baka hindi natin siya kayang bayaran. Mapapamahal tayo kung doon pa natin ipapagamot ang kapatid mo."
"Mom, huwag niyo na pong isipin ang gastos, ako na po ang bahala at gagawa ng paraan para mabayaran natin si Angelo, sa ngayon po, si Rhianne muna ang isipin natin. Mas mabuti po kung sa America natin siya ipagamot at ipaopera, Mommy, Daddy."
Napabuntong-hininga ako.
"Hon, anong desisyon mo?" untag kong tanong sa aking asawa.
"Kung ano ang mas magiging mabuti para sa bunso natin, hon."
"Payag na po ba kayo, Daddy, Mommy?"
"Oo, Anak, salamat."
"Tito, Tita.. good evening po."
Lumapit sa amin si Angelo pagkatapos kami nitong tawagin at pagkatapos ay nagmano. Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang tumango. Lumapit ito kay Angelie at tumabi ito sa kaniya.
Ilang minuto lang ay muli itong lumapit sa amin, tatayo sana ako upang paupuin siya ngunit pinigilan ako nito.
"Tito, Tita, aalis na po muna ako, may kailangan lang po akong asikasuhin. Naayos ko na po lahat ng mga babayarin niyo rito, kaya wala na po kayong dapat na ipag-alala. Babalik po ako, mamayang eksaktong alas-otso po darating dito ang mga piloto ko at iyon din po ang oras ng flight natin patungong America."
Tumayo ang asawa ko at tinapik nito ng marahan ang balikat ni Angelo.
"Maraming salamat, Hijo. Hindi namin alam kung papaano ka namin mababayaran sa pagtulong mo sa amin, lalo na sa aming anak."
"Walang anuman po, Tito, masaya po akong nakatulong, lalo na po at hindi naman po kayo iba sa akin," ang magalang nitong sagot sa aking asawa.
"Thank you ulit Hijo, mababayaran ka rin namin," nakangiting sabi ko nang makatayo ako at makalapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahang pinisil iyon.
Ngumiti ito sa akin bago ito muling nagsalita. "Hindi niyo po ako kailangang bayaran, Tita, aalis na po muna ako. Tito, aalis na po ako."
"Mag-iingat ka, Hijo." Sabay naming sabi ng aking asawa.
"Salamat po, Tito, Tita."
Tumalikod na ito sa amin pagkatapos nitong sabihin iyon at agad dumiretso sa pinakamalapit na elevator.
"Mom, Dad, ihahatid ko lang po muna si Angelo sa labas."
"Sige lang, Anak."
Pagbalik nito ay agad na kaming naghanda sa aming pag-alis. Sabay-sabay kaming umakyat sa rooftop kasama ng medical team ng hospital na maga-assist sa aking bunso na ni-request ni Angelo sa aming paglipad patungong America.
Nagtulungan ang buong medical team sa pagpasok sa aming anak na nakahiga sa stretcher hawak ang maraming apparatus. Nang masigurong nasa maayos na at nakaupo na ang lahat ay saka mabilis na umandar pataas ang private chopper ni Angelo.
Saglit lang itong nasa ere at lumapag din ito agad sa pinakamalapit na paliparan na pagmamay-ari ng isa sa kaibigan ni Angelo kung saan nakalapag ang private plane nito.
Mabilis ang ginawang pagkilos ng buong medical team, pinasok ng mabilis ngunit may pag-iingat ng mga ito ang aking bunso sa loob ng private airplane. Ang ginamit naming private chopper ni Angelo kanina ay iniwan na namin doon. Ilang minuto lang ay muli na kaming nasa himpapawid.
Naalimpungatan kami ng aking asawa nang magsalita ang isa sa mga piloto ni Angelo na lalapag na ang eroplano.
Paglapag na paglapag ng eroplano ay kaagad nang may nakaantabay na medical team sa baba at kasama ang isang ambulansya.
Sa pagtutulungan ng dalawang team ay nadala namin ng maayos ang aking bunso sa hospital na special para lang sa mga may malalang kondisyon.
Diniretso agad nila ito sa CT scan room. Lumapit sa amin si Angelo at nagpaalam ito sa amin na ihahatid ang mga medical team na galing sa Pinas pasakay sa kaniyang eroplano pabalik ng Pilipinas.
Mabilis kaming lumapit sa doktor nang lumabas ito mula CT scan room.
"If I'm not mistaken, you're the relatives of the patient?"
"Yes, Doc," magalang na sagot ko sa doktor.
"I just want to inform you that according to the results of the patient's MRI, we found out there was a blood clot and deep wound near her brain, these factors could possibly cause her death if left untreated."
"W-What do you mean, Doc?" halatang kabadong tanong ng aking asawa.
"My team and I decided that we will prioritize to remove the blood clot near her brain and after a week or two, we will proceed to perform her full cornea transplants, but there are twenty percent risk of rejection; so we want you to ready yourselves for any results. But don't you worry, I and my surgical team will do our best for the operation to be successful. For now, help us through prayer. Pray for a good outcome and successful operation," seryosong sagot ng doktor.
Pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba ako dahil sa narinig ko mula sa doktor ng aking bunso na walang kasiguraduhang makakakita ito pagkatapos ng kaniyang operasyon. Naramdaman ko ang paghawak ng mahigpit ni Angelie sa aking kamay.
Muling nagpatuloy ang doktor sa pagsasalita.
"Once the patient have had a successful operation, she will be under the care of an expert team until she fully recovered, " dagdag pang sabi nito.
"Thank you, Doc, please do your best to save our daughter," ang pakiusap na sabi ko sa doktor.
"We will," magalang na sagot nito sa akin bago ito muling pumasok sa loob ng CT scan room.
Ilang minuto lang ay muling lumabas ang mga ito kasama ang aking bunso na nakahiga sa stretcher papunta sa operating room.
Habang nasa operating room ang aking anak ay patuloy lang ako sa pagdasal habang ang aking panganay naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak at pagdadasal nito sa gilid. Hindi nakatiis si Angelo at nilapitan niya ito, gano'n din ang ginawa ng aking asawa. Niyakap niya ako at marahang hinagod ang aking likod.
"Everything will be alright, hon, gagaling ang anak natin, she is a fighter, remember?"
Umangat ang aking ulo mula sa pagkakadikit sa kaniyang dibdib at pinakatitigan siya sa kaniyang mga mata.
"W-what if.. What if she goes completely blind? Paano natin sasabihin sa anak mo na hindi na siya makakakita?"
"Hon, don't think negatively. Huwag mo munang isipin iyan. Let's just pray for her, ipagdasal natin ang kaligtasan niya na sana maging successful ang pagtanggal sa namuong dugo malapit sa kaniyang utak. I want our daughter to be safe."
"I'm sorry, hon, hindi ko lang maiwasang panghinaan ng loob. Ako ang sobrang nahihirapan at nasasaktan sa kalagayan ng ating bunso. Kung puwede nga lang sanang makipagpalit ng pwesto... makikipagpalit ako," umiiyak na sabi ko sa aking asawa.
"Please don't say that, hon. Let's just pray for our daughter. You have to calm down and you must be strong."
"I'm sorry, you are supposed to be resting now, dahil bawal ang ma-stress sa 'yo. I'm really sorry hon, imbes na nagpapahinga ka, nandito ka at sinasamahan ako."
"You don't have to apologize, hon. Anak natin ang nasa piligro. "
Tumango lang ako at muli siyang niyakap.
"Mom, Dad," mahinang tawag ng aming panganay sa amin. Kumalas ako sa pagkakayakap sa aking asawa at hinarap ito.
"Anak.."
"Mom, magpahinga po muna kayo, alam kong pagod po kayo ni daddy sa byahe. May rest house po sina Angelo rito, ang sabi po niya sa akin ay doon muna tayo tumuloy habang ginagamot si Rhianne."
"Hindi ba masyado nang nakakahiya sa kaniya, Anak? Napakarami na niyang naitulong sa atin, lalo na sa kapatid mo."
"Nahihiya rin po ako, Mommy, pero wala po tayong choice kung hindi tanggapin ang alok niya."
Marahan akong tumango.
"Siya raw po muna ang magbabantay kay Rhianne, sasamahan ko po kayo sa rest house nila. Ang sabi niya rin po, nasa rest house na nila ang mga gamit natin."
"Gano'n ba, Anak?"
"Opo, Mommy."
"Gusto kong personal na magpasalamat sa kaniya," sumisinghot na sabi ko at muling hinarap ang aking asawa. "Hon, tara, samahan mo akong magpasalamat kay Angelo."
"Sige, hon."
Lumapit kami sa kinauupuan ni Angelo.
"Hijo.."
Agad itong napatayo at bahagyang yumuko sa aming mag-asawa.
"Hello po, Tito, Tita," magalang na bati nito sa amin.
"Hijo, taos-puso kaming nagpapasalamat ng aking asawa sa lahat ng kabutihan mo at tulong sa amin."
"Walang anuman po 'yon, Tita. Magpahinga po muna kayo sa rest house, ako na lang po muna ang bahalang magbantay kay Angeline."
"Mamaya na lang, Hijo, hihintayin muna naming matapos ang operasyon ni Rhianne bago kami magpahinga sa rest house mo. Salamat ulit."
"Sige po, Tita," nakangiting pagsang-ayon na nito.
Isa at kalahating oras ang matuling lumipas nang simulan ang operasyon ng aming bunso upang matanggal ang namuong dugo malapit sa kaniyang utak ngunit hanggang ngayon nga ay hindi pa rin lumalabas ang mga espesyalista na siyang umasikaso sa kaniya.
"Hon, magdadalawang-oras na sila sa loob pero bakit hindi pa rin lumalabas ang mga doktor. Natatakot ako, baka.. baka kung ano na ang nangyayari sa anak natin."
"Hon, huwag kang mag-isip ng ganyan, stop crying please. Halika, maupo muna tayo habang naghihintay ng resulta," tila hirap ang kaloobang sagot nito sa akin.
Nagpatianod na lang ako nang hilahin ako nito sa mga upuan sa hallway ng hospital.
"Dad, Mom.. tapos na po ang operasyon ni Rhianne."
Sabay kaming napaangat ng ulo ng aking asawa. Agad kaming tumayo at may pagmamadaling lumapit sa mga doktor.
"How's our daughter, Doc? Is she alright?" ang nag-aalalang tanong ko sa doctor.
Matagal bago nagsalita ang isa sa kanila. Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Ngunit ilang saglit lang ay unti-unting sumilay ang ngiti ng mga ito sa kani-kanilang mga labi at tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang mga ito.
"Congratulations Mr. and Mrs. Gonzales, your daughter's operation is successful. Thank you for trusting us and for helping us through your unstoppable prayers. Maybe next week, we can consider to continue her cornea transplant," ang masayang sabi ng surgeon sa amin na ikinatuwa ko.
"Thank you so much, Doc."
"You're welcome Mrs. Gonzalez."
Kinamayan kami ng mga ito habang nakangiti bago sila tuluyang nagpaalam.
"Tito, Tita, magpahinga po muna kayo. Ako na po muna ang bahalang magbantay. Sasamahan po kayo ni Juneth, nasa labas na po ang mga tauhan ko, naghihintay po sila sa inyo, sila po ang maghahatid sa inyo sa rest house po namin."
"Maraming salamat talaga sa pagtulong mo sa amin, Hijo," ang nahihiyang sabi ko sa kaniya.
Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Ngumiti siya sa akin pabalik.
"Walang anuman po, Tita."
"Thank you, Hijo," ang sabi naman ng aking asawa na nasa aking tabi.
"Wala po 'yon, Tito. Dito na lang din po kayo magpa-check-up, and please don't stress yourself too much po, masama po sa inyo."
"Thank you ulit," ang nahihiyang sabi ng aking panganay nang mapatingin ito kay Angelo.
"Samahan mo muna sila tito at tita sa rest house namin, I'll be fine here. Just call me when you need something," nakangiting sabi ni Angelo sa aking anak.
"Angelo, mauna na kami. Maraming salamat ulit sa 'yo."
"Don't mention it po, Tita."
"Basta, maraming salamat pa rin."
Tumango at ngumiti lang ito sa akin.