Revelations Sa mga sumunod na araw ay mas naging alerto ako. Matapos marinig ang mga nalaman mula kay Fleur at makita ang mga pangitain ko sa panaginip, hindi na ako mapalagay. Kulay pilak na mata. Tanging si Makheus lang ang kilala kong nagmamay-ari no'n pati na rin si Dmitri. Ngunit si Makheus ay matagal ng patay gaya ng sinabi ni Dustin. At si Dmitri, wala akong maisip na dahilan para magalit siya sa akin kung siya man ang itinuturo ng mga pangitain. Or else, may iba pang darating na nagmamay-ari ng gano'n na pares ng mata. Mabuti na lamang ay parating na ang semestral break ng mga estudyante, isang linggo na lamang. At sila Gabril ay mas maaga kaya ngayon pa lang ay wala na silang klase. Ngayon ay mas panatag ako dahil nasa bahay lamang siya. Ligtas siya roon dahil kaya siyang pro

