Madness Naging palaisipan sa akin kung kanino ako itinatago ng bracelet na 'yon. At ano ang dahilan ng matanda na 'yon para ibigay sa akin 'yon? Ngayon ay nasisiguro ko na ang sinasabi ni Gabril na matanda at tinatawag na Nana pati na rin ang nagbigay sa akin ng bracelet ay iisa. What is her reason? Minabuti kong hubarin 'yon at iwan sa aking jewelry box. Hindi ko alam kung magiging maganda ang epekto noon sa akin o masama kaya mas mabuting hindi ko na lamang iyon susuotin. Nang buong araw na 'yon ay wala naman kakaibang nangyari. Narito na naman ang kaba sa akin dahil pakiramdam ko ay hinahabol na naman ako ng nakaraan ko na pilit ko ng nilalayuan. Nais ko na talaga magkaroon ng normal na buhay lalo na at may anak na ako. Ayokong mahirapan si Gabril at mapasok sa gulo. Nang matapos an

