Papa Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang lahat. Huminga ako nang malalim at pinagmasdan siya. He looks worried when he saw tears coming out from my eyes. Ang maliliit niyang kamay ay inabot ang aking mukha at agad na pinahid ang mga luha. "Bakit iyak, Momma? Am I the one who made you cry? Sorry, sorry po.." mabilis niya akong niyakap at hinaplos-haplos ang likod ko gaya ng ginagawa ko sa kaniya kapag siya ang umiiyak. Lalo akong napaiyak sa kainosentehan niya. "Oh, Gabril..anak," I cried and hugged him even more. Natahimik siya at nagpatuloy sa marahan na paghaplos sa aking likod. My son is so innocent. His intentions are just so pure. Siya pa ang humingi ng tawad sa bagay na kasalanan ko naman, kasalanan namin ng kaniyang ama. At nakararamdam ako ng galit sa sarili. I

