Papa "Momma, hindi ba pwede na h'wag ka na work?" Naluluha na tanong ni Gabril. I stared at my son's face and my heart clenched painfully even more. May mga ganitong araw kung saan nahihirapan akong umalis para sa trabaho. Ayaw niya akong pakawalan at gusto na lamang dumikit sa akin magdamag. "Hindi pwede anak. Kelangan ko magwork para may makain tayo. Para matustusan ang mga pangangailangan natin," saad ko. Humikbi siya muli at kinusot ang mata. Punong-puno na ng luha ang kaniyang mukha. Lalong namula ang kaniyang matabang pisngi pati ang tungki ng ilong. Gulo-gulo na rin ang kaniyang buhok. "E'di work din ako!" Nakasimangot niyang saad. "Bata ka pa, hindi pa pwede. Sa ngayon ay ako lang ang makagagawa nito," paliwanag ko at hinaplos-haplos ang likod niya. Lalong humigpit ang hawak n

