“WEIRD call,” ulit ni Therese matapos siyang sulyapan ni Benj. Nasa biyahe na sila. Ang nasa listahan ni Benj ay isang farm, isang private resort, at isang community na dinarayo ng turista dahil sa kakaibang creations—mula sa simpleng bracelets hanggang sa mga bags at damit. Lahat ng produkto ay gawa sa native materials mula sa Corazon. Sa pagsisimula pa lang ng biyahe ay nagkukuwento na si Benj tungkol sa Corazon—myth and legends na mula raw kay Lolo Dolf. Magaling rin na listener ang lalaki, iyon ang natuklasan ni Therese nang siya na ang nagkukuwento. Hindi man niya gusto, si Raphael na naman ang naisip ni Therese. Isa sa mga nagustuhan niya sa nag-run away na groom ay natututo siya sa pakikinig lang dito. Agad niyang itinaboy ang naisip tungkol kay Raphael. Gu

