“BAKIT parang ako lang ang tuwang-tuwa sa free breakfast, Lolo Dolf?” si Therese habang naghihintay sa mesa. Naglalakad palapit ang matanda kasunod ang dalawang katulong nito sa kusina, babae at lalaki na halos kaedad lang niya. Noong unang nag-alok ng free dinner si Lolo Dolf, nalaman ni Therese na ito mismo ang personal na naghahanda ng mga pagkain ng guest. Ayon rin sa babaeng kinatok siya noong unang araw niya sa guesthouse para siguraduhin na wala na siyang ibang kailangan, parang pamilya kung alagaan ni Lolo Dolf ang mga guest nito. Hindi rin daw basta tumatanggap ang matanda ng kung sino lang. Pumipili raw ito ng patutuluyin sa guesthouse. At ang lahat ng mga tumutuloy sa guest house ay nagiging kaibigan nito. Alam na ni Therese kung bakit. Napakabait ni Lolo Dolf sa m

