Hindi na bumalik sa kisame ang mga mata ni Therese, si Benj na ang kanyang pinanood. May kung ano sa kanya na parang hinahaplos ng tunog ng gitara. Ang magulo at hindi payapa niyang pakiramdam ay unti-unting humupa. Mayamaya ay tumigil si Benj, iba na ang kantang binubuo nito sa gitara nang mga sumunod na sandali. “Mayro’ng lungkot sa `yong mga mata…” simulang kanta nito. Hindi dapat kikilos si Therese. Gusto lang niyang panoorin ang lalaki at makinig sa likha nitong musika pero mayamaya, natagpuan niya ang sariling humahakbang palapit kay Benj. Dalawang hakbang ang layo niya sa lalaki, tumigil ito sa pagtugtog at nag-angat ng tingin sa kanya. “Okay lang bang makinig?” Maikling tango lang ang sagot ni Benj. Ibinalik sa gitara ang buong

