Ang tahimik na pagtitig lang sa mga mata niya ang sagot nito. “Na gustong mamuhay bilang straight?” patuloy na tanong ni Therese. “Para kay Dad.” “At ginamit mo ako?” “Minahal kita, Therese,” diin nito. “Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Hindi kita babalikan kung hindi ka mahalaga sa akin.” “Pero ibang pagmamahal?” balik niya, mas naiintindihan na niya ngayon si Raphael. Nang mga sandaling iyon lang din naging malinaw sa kanya ang dahilan ng mga eksenang noon ay hinahayaan lang niyang lumipas. Mas expressive siya pagdating sa damdamin. Si Raphael ay nagpapaubaya at tumatanggap lang. Katahimikan ang sagot ni Raphael. Mayamaya ay, “Gusto kitang pakasalan. Gusto kitang makasama sa pamilyang bubuuin natin. Hindi ko

