Chapter 5: Jealous

2089 Words
Entiny Emerald's P.O.V. "What?" tila hindi makapaniwala niyang tanong sa akin. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Binuksan ko na ang mga mata ko at tumingin ng diretso sa kanya. "Do you have a girlfriend?" I asked. Seryoso ang tono ko at gustong gustong malaman ang magiging sagot niya. Lumalim ang tingin niya sa akin. Inilig niya pa ng kaunti ang kanyang mukha para mas matignan ako ng maayos. "Answer me," I demanded. Napakatahimik niya kasi at mukhang wala pa siyang balak na sagutin ang tanong ko. He sighed and looked at the steering wheel. "When you said that you have a boyfriend to your Dad, I feel so frustrated. I am not happy with that though," bumaling siya sa akin. "And now you're feeling it. Nakakasira ng ulo hindi ba?" Napakagat ako sa labi ko at tumango ng mabagal. Totoo ang sinasabi niya. Nakakasira ng pag iisip iyon. Hinawakan niya ako sa mukha at hinaplos ako gamit ang hinlalaki niya. "Don't worry. I may be a playboy but I am not a cheater," mahinahon niyang sambit sa akin. "I don't have a girlfriend when we did that. Magkakaroon lang ako ng girlfriend kung papayagan ako ng isang babae diyan," lumapat ang daliri niya sa aking labi. Sino naman ang babaeng sinasabi niya? Kainis naman. "E'di sino 'yung Userrete? Siya ba 'yung babaeng sinasabi mo?" mataray kong tanong. Nasa may labi ko pa rin ang kanyang hinlalaki. He chuckled at what I said. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman. "Oh... do I smell something? Jealousy perhaps?" Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Ako? Magseselos? Bakit naman?" laban ko sa kanya. Mas natawa siya dahil doon. "I did not say anything. Ikaw lang naman ang nag conclude niyan." Napatakip ako sa aking mukha at napahilamos. Oh gosh, Entiny. Napaka obvious mo naman. Wala nga naman siyang sinabi na ikaw ang nagseselos. "You did not answer my question," mataray ko pa ring sambit para maitago ang kahihiyan. Pumiling siya at kinintilan ako ng halik sa aking labi. "Userrete is just one of my supermarket's managers." Napanguso ako at napatango. Nagnakaw na naman siya ng halik kaya naman pinalo ko siya ng mahina. "Chansing ka!" Dahil doon ay umuwi ako ng may ngiti sa labi. Kung kanina ay wala ako sa mood ngayon naman ay parang nasobrahan yata ako sa pagka mood. Hindi na kasi mabura ang ngiti sa aking labi. Daig ko pa ang clown sa mga birthday party. Naghilamos na ako at humiga sa may kama. Sakto naman ay tumawag sa akin si Ingrid. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng camera ko ay pinaningkitan na niya ako. "Wow ha. Todo smile? New boylet?" she asked. Sanay naman kasi siya na iba iba ang boyfriend o kalandian ko. Pumiling lang ako at patuloy pa rin sa pag ngiti. "Duh. I know you, Entiny. Your eyes are sparkling! Seryoso na ba?" kinikilig niyang tanong. "I hope so," bulong ko. Ni wala pa ngang malinaw na relasyon sa pagitan naming dalawa ni Rykier. Mag fling ba kami? Or magkatrabaho lang? "Gurl, kapag seryoso ka na talaga diyan sabihin mo na name sa akin ha? I want to know him. I want to know kung bakit napapakintab at napapasaya niya ng ganyan ang mga mata mo," she exxageratedly said. Tumango na lamang ako sa kanya bilang sagot. Tinitigan ko siya at doon ko lang napansin ang pagod sa kanyang mukha. "Are you doing fine there, Ingrid?" I asked. Malungkot siyang ngumiti sa akin at napanguso. "Of course. I need to. Para sa pangarap ko ito. Saka na ho-homesick lang ako kaya medyo malungkot ako. But I can handle this," matapang niyang sambit. Tumango ako sa kanya. I am so proud of her. Nakaya niyang mabuhay mag isa sa ibang bansa. Nakaya niyang malayo sa Daddy niya. Well, all the four of us are really strong, I guess. Kaya nga nagkalapit lapit kami eh. Dahil na rin siguro parehas ang mga pinagdaanan at pinagdadaanan namin sa buhay. "Don't look at me like that, Entiny. I'm strong and I can handle this. Kaunti na lang ay maabot ko na ang pangarap ko," saka siya ngumiti ng malaki. "I'm rooting for you, Grid. Kapag umuwi ka ay sabihan mo ako. We should spend time with each other. Miss na miss na kita." Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras na pag uusap namin ay nag paalam na siya. Natulog na rin ako dahil maaga pa akong gigising. Magtatrabaho pa ako. Kinabukasan nga ay inuna kong inasikaso iyong bahay ng engage couple. Inabot ko na sa kanila ang final product. Inadjust ko na iyong mga pinapabago nila. "This is great," pumalakpak ng isang beses si Miss Leria. Gustong gusto ang final touch. Malambing naman na tumingin sa kanya si Mr. Tian. In love na in love talaga. Ayos lang naman na dalawa ang hawak kong project ngayon. Kapag ginagawa na ang bahay ay pabisita bisita lang ako at mabilis naman ang aloted time rito. Iyong sa supermarket naman ay sa susunod na buwan pa mag uumpisa. Iyon ang sinusunod na schedule. Isa pa ay mag uusap pa kami ni Jas about dito. Tapos ay i-cocontact pa ang mga construction worker. Mahaba haba pang proseso ang gagawin. Pagkatapos sa kanila ay bumalik na ako sa firm. May kinuha lang akong file at nagtungo na sa may cafe malapit sa building. Magkikita pa kami roon ni Jas para pag usapan na ang magiging plano. Pagkarating doon ay nakita ko na nga siya. Naroon din si Rykier. Hindi na ako nabigla dahil expect ko naman na iyon. Siya ang nagpapagawa kaya mas magandang nandito siya para masuri niya ang gagawin namin. At kapag may ayaw siya ay agad niyang masasabi. "Mr. Hidalgo," bati ko at nakipag hand shake sa kanya. Diniinan niya ang pagkakasakmal sa kamay ko at tinaasan ako ng isang kilay. Napa ubo ako ng peke nang makitang nakatingin sa amin Jas. Baka makahalata pa siya kaya naman agad kong binawi ang kamay ko mula sa lalaki. Umupo na ako at nakita kong may naka ready ng cold americano. Tumingin ako kay Rykier at mabilis siyang kumindat sa akin. Mabilis ring namula ang mukha ko. "Ehem," ubo ni Jas at binuksan ang kanyang laptop. Mas lalo yatang namula ang mukha ko dahil doon. Hindi naman niya siguro nakita iyong pag kindat ni Rykier sa akin 'no? Kinuha ko ang drinks ko at ininom iyon. "Shall we start?" Jas asked. Tumango kaming dalawa ni Rykier at nagsimula na nga kami sa pag did-iscuss. Bukas ay magsisimula na akong gumawa ng blueprint nito ayon na rin sa kagustuhan niya. Natapos ang meeting namin pagkatapos nang isa't kalahating oras. Tumayo na si Jas at nag paalam. Nauna na siyang umalis sa amin. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at ipinasok na iyon sa bag. After that, I stand up and faced him. "I will go now, Mr. Hidalgo," paalam ko sa kanya. Patalikod na sana ako nang hawakan niya ang aking siko kaya naman napatigil ako. Humarap ako sa kanya at tumingin sa mga mata niya. "Why?" I asked. "Let's eat dinner together," saad niya. Hindi iyon patanong. Napakurap ako. "Ha? May gagawin pa kasi ako mamayang gabi eh," utas ko. Sa totoo ay wala naman talaga. It just that ayaw ko lang sanayin ang sarili ko na lagi siyang kasama. Oo nga at pinapayagan ko na ang sarili ko na magkagusto sa kanya. Pero syempre natatakot pa rin ako na baka sobrang mahulog at masanay sa kanya. Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Really?" mapanghamon niyang tanong. Nag iwas ako ng tingin at tumango ng maliit. I heard him chuckled. "So you're playing the avoiding game again. From what I remembered we are still sweet towards each other before the meeting started." "What? Hindi naman kita iniiwasan ha," I defended. Tumango siya na kunwari naniniwala sa akin pero sa totoo naman ay hindi. "If you are not really avoiding me then have dinner with me." "Busy nga kasi ako mamayang gabi," pagsisinungaling ko na naman. "Really? Why do I feel like you are lying?" I sighed and pouted at him. "Fine. You got me," sumusuko kong sambit. Napangisi siya. "I will fetch you at front of the firm," he said. "How about my car?" "Just leave it there. Ipapahatid ko na lang sa parking ng condo mo," saad niya. Tumango na ako at nagpaalam na aalis na talaga. Pagkarating sa firm ay sinalubong ako ni Jeff. Sa istilo pa lang ng pag ngiti niya ay mukhang aasarin niya ako. At hindi nga ako nagkamali. "So kumusta? Fafa talaga 'no?" kinikilig niyang sambit. I snickered at him and glared. "Hala! Selos agad?" pang aasar niya pa rin sa akin. Kinurot ko siya sa may tagiliran kaya napa sigaw siya nang malandi. "Tantanan mo ako ha. Bumalik ka na nga sa trabaho mo," utas ko. "Entiny naman eh. Share ka lang naman. May picture ka ba niya?" itinaas baba niya pa ang kanyang kilay. "Wala. Alis ka na," pagtataboy ko sa kanya. Sa wakas ay tinigilan niya rin ako ng tawagin siya ni Kiko na crush na crush niya. Naging busy ako buong araw. Nagsisimula na rin kasi akong mag sketch-sketch sa blue print kahit na bukas pa talaga ang nakasaad kong schedule rito. Para na rin hindi ako magahol sa oras. Pagkatapos ng lunch ay bumalik na ako sa desk ko. Binuksan ko ang laptop at nag research about sa Kira. Iyon ang pangalan ng supermarket ni Rykier. Bakit kaya Kira? Hindi nag tagal ay dumating na ang time ng out ko. Nakita ko rin ang message ni Rykier na papunta na siya rito. Inayos ko na ang gamit ko at nagtungo muna sa comfort room para mag retouch. Powder at lipbalm lang ang iniligay ko. After that, nagpaalam na ako sa mga kasama ko at bumaba na. Pagkalabas ko nga ay nakita ko na siya. Nakasandal siya sa may pintuan ng kotse niya at pinapanood akong lumapit sa kanya. "Where's your key?" he asked. Kinuha ko na iyon at inabot sa kanya. Pagkatapos ay may lumapit na lalaki sa amin. "Yoshi, ikaw na bahala," saad niya rito. Tumingin lang ito saglit at tumango sa akin. Kaya naman tumango na rin ako. "Don't worry. Hindi naman niya itatakas ang sasakyan mo," Rykier joked. Tapos ay nagtawanan silang dalawa. "Ingat," saad no'ng Yoshi at nag salute sa aming dalawa. Pinagbukas na ako ng pintuan ni Rykier at pinasakay na. Umikot na rin siya para makapasok na. "Who's that? Your friend?" I asked. Bumaling siya sa akin at pinaningkitan ako ng mga mata. "What?" I defensively said. "Duh. He is handsome but not my type 'no," mabilis ko pang saad. Natawa siya ng mahina. "You're so defensive, Baby. I didn't say anything tho," pang aasar niya sa akin. Pinaikot ko ang mga eyeballs ko. "Paano pala maibabalik sa akin ang susi?" pag iiba ko sa usapan. Tumango siya ng maliit na tila ba inaasar pa rin ako. "Yoshi will give the key to me," he answered. "Ha? Paano naman maibabalik sa akin. Wala akong sasakyan bukas niyan," utas ko at napanguso. Mabilis niyang pinitik ang nguso ko at bumalik din naman agad sa pagmamaneho. "Ouch." "I will fetch you tomorrow. Ihahatid kita sa trabaho mo tapos ay ibibigay ko sa'yo ang susi. Sususnduin din kita kapag out mo na para may masakyan ka pa uwi," litanya niya. Mabagal akong napatango at pasimpleng bumaling sa may bintana. Bumakas ang ngiti sa aking labi. Kinikilig ako! Tumigil kami sa isang famous restaurant dito sa Clark. Maraming tao ang nasa loob. Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Pagkatapos ay inalalayan niya akong makababa. "Good evening," ngumiti sa amin ang waiter at iginiya na kami sa isang table. Umupo na kaming dalawa at pumili na ng order. Habang hinihintay ang order ay namataan ko si Druew na papalapit sa amin. "Hey. Glad to see you here," pansin nito sa akin at matamis pang ngumiti. Rykier faked a cough kaya naman napabaling sa kanya ang isa. "Rykier?" nagtataka pa nitong tanong. Pagkatapos ay nagpabalikbalik ang tingin niya sa aming dalawa. "You're on a date?" hindi pa makapaniwalang tanong nito. Sasagot na sana ako pero naunahan ako ng lalaki sa harapan ko. "Yup. If you'll excuse us," seryoso niyang sambit. Napatango ng mabagal si Druew at nagpaalam na. "Ang sungit mo naman sa kanya. Hindi ba't magkaibigan kayo?" pagtatanong ko. "No," masungit niya pa ring sambit. Anong nangyari sa kanya. Biglang nawala sa mood ha. Is it possible that he is... ahm... Jealous?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD