Entiny Emerald's P.O.V. I playfully looked at him and smile annoyingly. "Parang kanina lang alive na alive ka. Tapos ngayon ay parang pinagsukluban ka ng langit at lupa," utas ko. Sinamahan niya ako ng tingin. "What's your relationship with Druew?" bagkus ay tanong niya. Itinaas ko ang kamay ko at tila ba inaamoy ang paligid. "What kind of smell is this?" Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop ang sa kanya sa akin. "Answer me, Entiny." Oh, he is serious. He called me by my name. I snickered at him. "He is just my crush when we were in college. Hindi ko na siya crush ngayon. May iba na akong gusto," sagot ko. Napakagat siya sa labi niya at tinitigan ako. Dumating na ang waiter kaya naman hindi na muna siya nagsalita. Pinanood lang naming dalawa na ilagay nito ang order namin

