Pagkarating ko sa bahay, agad akong napaupo sa sofa. Damn. Napahawak ako sa sakit ng ulo ko. f**k. Kasalanan to ng panget na yun. Teka speaking of bruha. Nasan kaya yun? Umuwi kaya siya? The heck. Ano bang pakialam ko? Bahala siya sa buhay niya. Ang landi niya. Magsama sila ng Dexter na gago. Urgh. Napakamot nalang ako sa batok ko ng tumayo ako upang tignan siya sa kwarto nito. Don’t get me wrong. Marami pa akong plano sa kanya. Kaya dapat di maudlot iyon. Kinatok ko ng malakas ang pintuan nito, tangina. Wala akong pakialam kung natutulog man ito. “Hoy, b***h. Buksan mo!” Malakas na sigaw ko, ngunit wala namang sumasagot. Aba, tulog mantika talaga ang bruhang to. Ang kapal ng mukha, nakikitira na nga sa bahay, hindi man lang marunong mag ayos. Di man lang ako nilutuan ng pagkain. Tangina.

