Walang awa kong tinulak ang babaeng higad. Ayaw ko sa lahat ang dinudumihan ako. "Wag ka ngang kumakapit kapit sa akin. Kinakalat mo ang virus mo. Nakakadiri ka." Walang emosyong singhal ko sa kanya, at maglalakad na sana ngunit agad nitong hinawakan ang paa kahit na maraming nakatingin sa kanya. Mga babaeng paawa, namamalimos ng atensyon. Mga walang kwenta. "Dylan, kaya kitang ipagpalit sa boyfriend ko. Kaya ko siyang iwan para sayo. Kaya kong gawin lahat kung gugustuhin mo." Maiyak iyak na sambit nito. Nanggalaiti ako sa ngitngit sa sinambit ng higad na to. The f**k. Yung mga babaeng kayang saktan ang boyfriend nila para lang sa mas gwapo, para lang sa mas masarap, para lang sa mga mas mayaman. Mga tawag dito, breezy girls. Hindi pagiging praktikal ang ginagawa, kundi pagiging sakim at a

