Chapter 13:

2842 Words
"TAKE IT OFF b***h!" Hiyawan ng mga gago sa babaeng nasa harapan. Tsk, agad namang tinanggal ng babae ang damit nito at winagayway pa ito sa ere. Ibang klase. tapos humihingi ng respeto ang mga ganitong babae, hindi nga nila mismo magalang ang sarili niya. Walang manyak na lalaki, kung walang nagpapamanyak na babae. Napainom na lang ako sa inis sa nangyayareng realidad ngayon "Sigurado ka ba sa binabalak mo Bro?" Napalingon naman ako sa nagsalita. Kung may listahan ang mga tangang lalaki, pangalan ni Dexter ang pinakauna sa listahan. Paano ba naman, nagpapakagago sa isang babae. Isa na sa mga nakasex ko ang kasintahan nito, ngunit sadyang wala talaga 'tong utak kaya hanggang ngayon patay na patay pa rin siya sa makati niyang nobya. Napalagok ulit ako ng alak. Kaya masasabi ko, 'di lahat ng lalaki manloloko at 'di din lahat ng babae masasabing matino. "Of course. Bakit ba?!" simpleng sagot ko sa walang kwenta niyang tanong. "Paiibigin mo siya? Paaasahin mo? Tapos iiwan mo?" Napalingon naman ako sa mukha niya na parang hindi sumasang-ayon sa plano ko. Tangina, kalahi pala 'to ni Lolo ko. "Ano pa nga ba? Nararapat lang 'yon sa malanding babae na iyon. 'Yon ang ginagawa sa mga nilalang na mas hayop pa sa hayop at mas madumi pa sa basura." Napahigpit ang hawak ko sa baso, at nilingon ang babaeng nasa harapan ngayon na hubo't hubad at pinagpyepyestahan ng mga gago. "Sinisiguro ko na mas nakakasuka pa siya sa babaeng pinagsawaan na. Makikita niya kung sino ang kinalaban niya," pangising sambit ko at inubos ang alak na nasa baso ko. Apat na P lang naman ang plano ko, pakikiligin, paiibigin, papaasahin, at ang huli sa lahat. Papatayin sa sakit na mararamdaman niya. NGAYONG araw na 'to, dito na titira si pangit. Tsk, sumasang-ayon ang lahat sa plano ko. Sinadya kong magboxer lang ang saplot, para maakit siya. Sigurado naman tutulo agad ang laway n'on. Alam ko namang hindi ako mabibigo sa laro na ito, halatang-halata na ako ang mananalo. Nang may narinig akong kumatok, agad naman akong napangisi. Tsk, sigurado si palaka na 'to, kaya dali-dali akong pumunta sa pintuan, ngunit bago ko muna buksan. Nag-posing pa ako na pang-model para lalong mabasa ang kaniyang b****a. Tsk, sino ba namang babae ang hindi mamamasa kapag isang Dylan Rivas na nakahubad ang bumungad sa kanila? Siguradong itutulak na ako ng pangit na babaeng iyon sa kama at walang kahirap-hirap kong makukuha ang p********e nito. Napapatawa na lamang ako sa mga naiisip kong mangyayari ngayon. Wasak na ang mukha nito, wasak pa ang kaselanan. Kawawang pangit. Hindi na ako nag-atubili pa at unti-unti ko ng binuksan ang pintuan, "Susmaryosep. Diyos ko!" Agad na sigaw ng isang matandang babae at mabilis pa itong nag-sign of the cross. Dali-dali ko namang kinuha ang tuwalya at mabilis na tinakip ito sa katawan ko. Sinamaan ko naman agad ng tingin ang babaeng biglang humalakhak na parang demonyo. f**k! "Posing pa! Mukha ka tuloy tanga!" Tawang-tawa na ani niya at agad naman itong napatigil sa paghalakhak nang wala na akong kurap na tinitingnan siya. "Alam mo ba na hindi maganda kapag sobrang saya, may kapalit iyan na kapahamakan," pagbabanta ko rito. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang sunod-sunod nitong paglunok. Napangisi na lamang ako nang may nakita akong gumuhit na takot sa mga mata niya. Ito na nga ang simula ng kalbaryo ng buhay nito. "ITO ang utos ng Lolo mo, sumusunod lang ako." Tangina, tinapunan ko naman siya ng masamang tingin. "Anong tingin niyo sa akin? f*****g child? At kailangan pa ng yayang gurang na, at isang palakang babae para bantayan ako?!" Lolo is acting like damn paranoid. Yes, Malaki ang respeto ko sa kaniya, dahil malaki nga ang utang na loob ko sa kaniya but hell, nasasakal na ako. Kinokontrol niya ng kinokontrol ang buhay ko, damn. I know isa lang naman ang rason niya kung bakit niya ginagawa 'to, gusto niyang magbago ang tingin ko sa babae. 'Yon lang naman ang pinuputok ng butsi niya eh, tsk. Pero akala niya, dahil sa ginagawa niya. Magbabago ang paniniwala ko sa mga putanginang babae. Sa tingin niya, tutulad ako sa kaniya?. Mapapagod lang siya. Dahil sa inis ko, agad kong sinipa ng marahas ang maleta ng dalawang babaeng 'to na mukhang mga basura. "Leave now," seryosong saad ko sa kanila at mataman silang tinitigan. "Hindi kami aalis, at saka 'wag ka ngang bastos. Hindi ikaw ang boss namin para ikaw ang masusunod." Agad naman na sigaw ng malanding babae at hinawakan pa ng mahigpit ang maletang hawak niya. Tangina, pinapainit talaga ang dugo ko ng babaeng 'to. " 'Wag ka namang ganiyan umasta iho----" Napatayo naman ako agad, at nilapitan ang matandang mukhang madaming pinagdaanan. "Hoy tanda. 'Wag na 'wag mo 'kong pangungunahan ah?!" bulyaw ko sa kaniya at dinuduro duro ko pa ito. Wala akong sinasanto. Kahit matanda pa iyan, basta isa ito sa mga babaeng tinuturing kong walang kuwenta. "Iho---" Nagulat naman ako nsng marahas na tinabig ni panget ang kamay ko. Napakalakas naman talaga ng loob nito. "Pati matanda pinapatulan mo? Gan'yan ka na ba kasamang tao?!" Sisinghalan at pagbubuhatan ko na sana ito ng kamay nang bigla ako nitong tinitigan ng masama. "Sige, subukan mo. Tatawagan ko ang Lolo mo at sasabihin ko 'to. Tingnan natin kung anong p'wede niyang gawin kapag malaman niya 'tong kabastusan na ginagawa mo," may pagbabanta sa boses nito. Napaurong naman ang kamay ko na isasapak ko na sana sa pagmumukha niya. Napapamura na lang ako sa utak ko. "Tinatakot mo ba ako?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. Awtomatiko namang gumuhit ang nakakalokong ngiti nito sa kaniyang labi na ikinakunot-noo ko. "May dahilan ka ba para hindi matakot? Sa ayaw o sa gusto mo, dito kami titira. 'Yon ang utos ng lolo mo, at saka 'di ba ako ang BOSS mo? Kaya dapat sumunod ka sa 'kin," madiin na sabi niya. Nginitian ko na lang ito na abot hanggang tainga dahil sa inis na nararamdaman ko. "Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para kumalaban sa akin?" gigil na gigil na sabi ko habang walang kurap ko itong tinitingnan. Hindi ko naman inalis ang matamis na ngiti ko sa kaniya na 'di niya alam pinapatay ko na siya sa utak ko. "Saan ako kumukuha ng lakas? Well, hindi mo na kailangan tanungin 'yan. Kasi ang tanging sagot lang diyan, dahil babae ako at hindi na ako papayag na api-apihin ng isang katulad mo. At pinapaalala ko lang, ang puso nasa taas iyan, nasa bandang dibdib, hindi sa baba o sa gitna tumitibok. Maging tao ka naman kahit minsan," walang kagatol-gatol na saad nito. Pagkatapos niyang magsalita ay agad nitong hinawakan ang matanda at pawang umaktong sarili nitong pamamahay ang condo ko sapagkat nagtuloy-tuloy lang ito ng lakad hanggang sa makarating na ito sa isang bakanteng k'warto. Nagtaka naman ako kung paanong nalaman nito ngunit na-realize ko naman agad na kasama ito ni Lolo ko no'ng isang araw. Nang nakatalikod na ito sa p'westo ko ay agad kong tinaas ang middle finger sign ko sa kaniya. "May oras ka rin sa akin!" madiin na bulong ko. Biglang napalingon naman ito. "Anong sabi mo?" mataray na tanong nito. Agad naman akong napangisi nang may naisip naman agad akong kapilyuhan, "I said." I used my husky tone na talagang ikinalalaglag ng panty ng mga malalandi. Agad naman akong lumapit sa direksyon niya at marahas kong dinikit ang katawan niya sa 'kin, dahil dakilang pabebe to. Nagpupumiglas ulit pero lalo ko naman siyang hinihila ng marahas para mas malapat ang katawan niya sa 'kin. At nilapit ko ang labi ko sa tainga nita, "Dylan! Ano ba! Bitawan mo 'ko!" sigaw niya ngunit naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo niya nang binugahan ko ng hininga ang tainga nito. "Welcome to hell," sarkastikong sambit ko ngunit bigla akong napahiga sa sakit nang walang senyales niyang tinuhod ang aking nananahimik na alaga. "Ako ang dapat magsasabi ng katagang iyan, hindi ikaw. Welcome to my world of Hell, Dylannito Rivas Jr," pangising sambit niya, at binilatan pa ako. Hindi naman ako makatayo sa sakit. f**k, ito ba lagi ang puntirya niya? Makakaganti rin ako. I will make sure, shewill see what damn hell look's like. NAPAHAWAK ako ng mahigpit sa bote at tinitigan ito ng mataman, gagana na ba 'to? Hindi ito gayuma, hindi naman na kailangan ng gayuma para makuha ang babaeng iyon. Dakilang pakipot lang kasi at nag-iinarte. Gan'yan naman ang mga babae eh. Kunwari pa ayaw-ayaw, 'yon pala naiihi na sa kilig. Nasa loob ang mga kulo. "Pero boss mga palpak talaga mga damoves mo?!" Biglang pumasok sa isip ko ang mga salitang sinamit ng mga tauhan ko at mga tawanan nila kung kaya't napakamot ako sa ulo ko nang marahas nang maalala ko lahat ng katangahan na ginawa ko ngayon. Tinapon ko ng marahas ang alarm clock at napainat ako at agad na sumilay ang malademonyong ngiti sa aking labi. "Ngayong araw na to, magsisimula na ang laro ko. Humanda ka pangit, lalo kang magiging pangit. Nakakasiguro ako na iiyak siya ng dugo sa mga plano ko," nakapangsing sambit ko, at agad sinuntok ang unan. Let's start the f*****g game b***h. Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ko, agad na may naaamoy akong nagluluto. Shet, pawang hinahabol ng ilong ko ang amoy dahil sa sobrang bango kaya't dali-dali akong pumunta sa kusina. Binabawi ko na pala, isang panis at namamahong daga ang naaamoy ko. Napangisi naman ako nang makita ko ang palakang nakatalikod ngayon at nagluluto ng wala kak'wenta-kuwentang pagkain. Agad naman akong lumapit sa kaniya at walang sabi-sabi kong pinulupot ang kamay ko sa baywang nito. "Ay palakang manyakis!" sigaw niya at napatili pa sa pagkagulat. Napakunot naman ang noo ko sa naging reaction niya, "Hoy tinutukoy mo ang sarili mo!" sigaw ko naman sa tainga niya at dahil do'n agad siyang pumipiglas. "Ano ba Dylan! Alisin mo nga 'yang kamay mo!" pilit niyang inaalis ang kamay ko, ngunit mas lalo ko namang hinihigpitan ang paghawak ko rito. "Paano kung ayaw ko? May gagawa ka?" pabalang na saad ko naman sa kaniya. Inaamoy amoy ko naman ang buhok niya kaya lalo siyang pumipiglas, "P'wede ba Dylan tigilan mo ako! ano ba kasing trip mo ha?!" sigaw siya nang sigaw ngunit 'di ko talaga mahanap ang pake ko kaya lalo kong pinagpatuloy ang ginagawa ko at 'di naman siya tumitigil sa pagwala. Agad ko namang hinawi ang buhok niya na nakatabing sa leeg niya, " 'Wag ka na ngang mag-inarte. Alam ko rin naman na gustong-gusto mo rin to." At hinalik-halikan ko ang leeg nito, kaya agad siyang napapasigaw at ramdam kong galit na galit na ito. "Kapag hindi mo pa 'to tinigil, makikita mo 'di mo magugustuhan ang gagawin ko!" sigaw niya, pero wala akong naririnig at patuloy ko pa ring hinahalikan ang leeg niya at kinagat ko pa ito. Nag-iwan pa ako ng marka. "Really? I'm so scared," pawang natatakot pang saad ko at pagkatapos ay humalakhak ako nang malakas. Maya maya tumigil naman ito sa pagwawala. Sabi na eh, hindi ako nagkakamali na nag-iinarte at umaakto lang itong ayaw ngunit gustong-gusto naman. Agad akong napatigil nang may naramdaman akong mainit sa kamay ko, "It's f*****g hot!" malakas na sigaw ko at napabitaw ako agad sa kanya at winasiwas ang kamay kong tinapunan lang naman nito ng mantika. "f**k why the hell did you do that? How dare you!" galit na galit na sigaw ko, hindi ko naman siya masapak dahil napaso nga ang kamay ko. " 'Di ba winarningan na kita? Pero wala kang pakialam? Kaya 'yan, 'yan ang napala mo. Kasalanan ko pa? 'Di bale, demonyo ka naman eh. 'Di ka mapapaso niyan. Sanay ka sa impyerno eh," mapang-asar na ani nito. "Sino ka para---" "Kainin mo 'yan, mabubusog ka pa," sabi niya pagkatapos niya akong pasakan ng pagkain sa bunganga at agad na umalis sa harapan ko. Dali-dali ko namang niluwa ang walang kasarap-sarap na pagkain at agad akong napasuntok sa pader. "Hindi ko ito palalagpasin, may araw ka rin sa akin," nanggagalaiti na bulong ko habang pinapatay ko ito sa utak ko. DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pintuan at gumuhit naman ang malademonyong ngiti sa aking labi nang marinig ko siyang nagsalita. "Manang ikaw ba 'yan? Naayos ko na po 'yong gamit niyo," sambit nito., "Manang nakakainis talaga 'yang si Dylan. Nakakabanas. Dikit ng dikit sa 'kin, alam ko naman na may binabalak 'yong demonyong iyon.Hindi ko nga alam kung paano ko nagustuhan 'yon noon eh. Nagsisisi talaga ako. Tsk, na-realize ko pa 'di naman talaga siya g'wapo eh. Nakakainis ang mukha niya." Awtomatiko namang sumalubong ang kilay ko sa mga narinig kong pinagsasabi ng babaeng 'to at dahil na sasabog na 'ko sa sobrang inis, 'di na ako nakapagpigil at itinulak ko na ito ng malakas sa kama at agad akong pumatong sa kaniya. Napasigaw naman siya at pilit kumakawala sa akin. "Dylan ano bang ginagawa mo?!" malakas na sigaw niya at malakas ang p'wersa niyang tinutulak ako palayo sa kaniya ngunit ano pang laban nito sa lakas na mayroon ako. "Wow ah! Hindi na ako guwapo sa paningin mo? Nahiya naman ako sa mukha mong 'di na uso sa mga tao," walang emosyong sabi ko, ngunit patuloy pa rin ito sa pagsigaw ng malakas. Napangisi naman ako sa katangahan na ginagawa nito dahil kahit napakalakas man ng sigaw ng bunganga nito, ginawa kong soundproof ang lahat ng k'warto rito kung kaya't walang kahit sinong makakarinig sa kaniya. "Mapuputulan ka lang ng ugat sa leeg kakasigaw mo, wala pa ring makakarinig diyan sa atungal mo. At puwede ba 'wag ka na ngang umasta na hindi mo 'to gusto, sigurado naman na matagal mo na 'tong pangarap," pangising sambit ko at sinimulan ko ng halikan ang leeg nito. Dahil sa ginawa kong iyon ay lalong lumakas ang sigaw nito kaya halos mapatakip ako sa aking tainga dahil sa nakakabinging atungal nito. "Nakakarindi ang sigaw mo! Kailan ka ba tatahimik?!"malakas na bulyaw ko sa kaniya. "Hindi mo ako mapapatahimik hangga't hindi mo ako tinitigilan kaya umalis ka---" Para mapatikom ko ang bibig nito ay agad ko na itong siniil ng malalim na halik. Tulad ng inaasahan ay nagpupumiglas ito ngunit marahas ko pa ring pinasok ang dila ko sa bunganga niya at inikot-ikot ito sa loob at marahan ko ring kinakagat at sinisipsip ang ibabang labi nito. Napatigil naman ako nang naramdaman kong bigla siyang tumugon at ang ganti ng halik nito ay mas mapusok pa ito sa paraan ng paghalik ko sa kanya. Hindi na ako nagulat sa ginawa nitong pagtulak nito sa akin at pagpalit ng aming puwesto. Ako na ang pumailalim at siya na ang pumaibabaw sa 'kin. Ang kilos nito'y walang pinagkaiba sa mga babaeng pinagsawaan na. Patuloy na nag-eespadahan ang mga dila namin, at sinasabunutan niya ako para lalong mapalalim ang mapusok na halik na pinagsasalohan namin. Agad ko namang pinisil nang madiin ang puwetan nito kung kaya't napabitaw siya sa paghalik sa akin at hinampas ang kamay ko na nakahawak sa pisngi ng kaniyang puwetan. "Dylan don't do that," malanding sambit niya at mapupungay pa ang mga mata nito nakatitig sa akin habang marahan nitong kinakagat ang ibabang labi niya. Fuck! Nakakakilabot ang pagmumukha nito. "You're f*****g hot Dylan." Sinasabi niya ang mga salitang iyon habang hinahaplos ang abs ko. Madiin ang pagkakahaplos niya at ang palad nito ay napakainit sa pakiramdam. "Pleasure me, slut," pawang walang galang na saad ko sa kaniya. Hindi naman siya kumibo sa sinabi ko bagkos ay ngumiti ito na pawang 'di ko nagustuhan ang gustong ipahiwatig ng ngiting iyon. Hindi ko na lang namalayan na pinasadahan ng dila nito ang pusod ko pataas hanggang sa makarating na ito sa leeg ko. Napakalamig ng dila nito na naghatid sa akin ng kakaibang sensasyon. Damn! Kusang diniin ko naman ang ulo niya sa leeg ko sapagkat naramdaman ko ang marahang pagsipsip nito sa balat ko. "f**k! s**t!" Napasigaw ako hindi dahil sa sarap kun'di dahil sa matinding sakit na aking naramdaman kung kaya't agad kong hinihila ng marahas ang buhok niya dahil naramdaman kong bumaon ng malalim ang ngipin niya sa leeg ko. Agad naman siyang tumigil at nakangisi pa siyang nakatitig sa akin at kitang-kita ko ang pagpunas pa nito sa gilid ng kaniyang labi na may dugo. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!" galit na galit na sigaw ko sa kaniya at napahawak ako sa leeg ko na kinagat nito. Shit, halos mapapikit pa ako nang mariin nang maramdaman ko ang pagkirot nito at matinding hapdi. "Bakit? Wala naman akong ginagawa ha?" mamaang-maangan pa niyang sabi. "May lahi ka bang aswang o bampira para mangagat ka?" nanggigigil na tanong ko at sinamaan ko siya nang tingin ngunit pawang 'di naman ito natatakot sa paraan ng titig ko sa kaniya sapagkat nakangiti lang ito na halatang tuwang-tuwa pa sa nangyari. "Tatawanan mo pa talaga ako? Gusto mo talagang mamatay---" "Wala akong lahing aswang pero may rabies ako, kaya dapat iyan ang itanong ko sa'yo. Handa ka na bang mamatay?" Sa isang iglap ay bigla akong napatulala sa sinambit nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD