Nanggigigil akong nakahawak ng mahigpit sa manibela. f**k!
Punong-puno na ako sa babaeng 'to.
"Dylannito! Ano ba! Bagal-bagalan mo nga ang pag-drive! May babae tayong kasama rito oh. Mag-ingat ka naman!" sigaw agad ni Lolo.
Napahawak naman ako sa batok ko sa sobrang inis. At napatingin ako sa front mirror at sumalubong ang tingin namin ng babaeng pangit.
Matalim ang pinukol kong tingin sa kaniya at lalo akong nakaramdam ng gigil sapagkat tinapunan ako nito ng nakakalokong ngiti.
Hindi ko naman na makayanang tingnan pa ang pagmumukha nito kung kaya't nagpokus na lamang ako sa daan.
Tsk, ewan ko kung anong pumasok sa utak ng lolo ko, at niyaya yaya pa 'tong palakang 'to. Sign of apology daw, daming alam.
Nag-sorry na nga ako
Awtomatikong napahampas ako sa manibela nang maalala ko ang paghingi ng tawad ko sa walang kuwentang babae.
Agad namang natigil ang k'wentuhan ng dalawa. "Ano ba 'yan Dylannito?!" gulat na reaction ni Lolo.
"Never mind. Can you please stop calling me Dylannito Lolo?" naiinis ko namang sambit sa kaniya.
"What's wrong of that? 'Yan naman ang tunay mong pangalan."
Fuck, agad namang napatawa sa likuran 'yong bruha kaya agad ko rin siyang tiningnan ng masama. Kaya napatigil naman ito.
"Pa Dylan Dylan pang nalalaman, Dylannito lang pala ang pangalan," bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko na nagpakulo ng dugo ko.
"What the f**k did you just say?!" malakas na sigaw ko, kaya nagulat sila lalo na si Lolo. The hell.
"Why is that? Sinisigawan mo ang babae? Wala ka na---"
Hindi ko na pinatapos pa si Lolo at tinigil ko na bigla ang sasakyan.
"Lo, wala akong kasalanan. 'Yang b***h na 'yan sinasagad ang pasensya ko tang---"
"Enough!" Napatigil naman ako sa mas malakas na pagsigaw ni Lolo.
"b***h? Gan'yan na ba talaga mga tingin mo sa babae Dylan? How dare you! Dapat matuto ka naman rumispeto at gumalang sa mga babae. Mahiya ka naman sa Lola mo," seryosong sambit ni Lolo. Damn, tinawag niya na akong Dylan. Kaya agad akong napayuko.
"I'm sorry Lo," mahinang sabi ko, " 'Wag kang magsorry sa 'kin, kay Thalia ka dapat magsorry."
Alam na pala niya pangalan ni pangit tsk.
"Pero Lo--"
"Do it now!" sigaw niya. Kaya agad naman akong napatingin sa front mirror, at tiningnan nang malalim si pangit.
"I'm sorry. I didn't mean to say that."
At napangiti naman siya na parang tanga to be exact nang-aasar 'to.
"Huwag mo ng isipin 'yon, hindi naman ako nagulat dahil gano'n naman talaga ang ugaling mayro'n ka."
Napakuyom naman ang palad ko sa salitang sinaad niya.
"Makakaganti rin ako sa 'yo f*****g witch," paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko.
"TALAGA po Sir, scholar din po kayo?"
'"Oo iha, simula high school. Teka 'wag mo na akong tawaging, "Sir" Just call me Lolo."
" 'Wag na po nakakahiya naman po..."
"Ano ba, 'wag ka ng mahiya."
"Weg nemen pe nekekeheye nemen pe."
Fuck! Sarap bigwasan itong babaeng bruha na 'to.
Nagkukwentuhan na naman sila ni Lolo. Walang kasawaan. Kaya nag-earphone na lang ako, para kunwari wala akong naririnig sa mga walang k'wenta nilang pinagsasasabi.
"Hey grandson, kumusta pag-aaral mo?"
Narinig kong sabi ni Lolo, pero nagkunwari akong wala akong narinig kaya't naramdaman ko na kinalabit ako nito kaya naman ay tinanggal ko agad ang ear phone.
"What lo? Sorry, 'di ko narinig," walang emosyong sambit ko. Napailing-iling naman si lolo bago magsalita.
"Tanong ko, how's your study? Graduating ka na ba?" tanong niya ulit.
"Yeah, of course ako pa," pagmamayabang naman na sagot ko at binalik ko ulit sa tainga ko ang earphone.
"Hindi ka ba nagloloko?" Dahil nga nagkukunwari akong walang akong naririnig, kaya 'di na ako sumagot pa.
"Sa school din po ako ni Dylan pumapasok." Narinig ko namang pagsingit naman ni pangit. Tangina, kahit kailan talaga pa-epal ito.
"Oh really iha? anong course mo?" nagagalak namang tanong ni Lolo.
"Accountancy po," sagot naman agad ni pangit.
Oh, mukhang may utak ang isang to. Kaso nga wala namang mukha.
"Wow, talino mo pala iha. So lagi mong nakikita si Dylannito sa school?"
Tsk, kahit kailan si Lolo, mausisa talaga.
"Opo, lagi nga pong may kasamang babae."
Umismid pa siya habang nagsasalita. The f**k.
"Ano---"
Inunahan ko na agad si Lolo sa pagsalita at agad-agad na akong sumabat, "Hindi totoo 'yan, sinungaling kang pangit ka!" sigaw ko agad sa kaniya.
"Oh akala ko ba wala kang naririnig?'' gulat kunwaring sambit niya at napangisi pa ito.
Tangina. Nananadya ba 'tong babaeng 'to.
HABANG nasa counter si Lolo, at may kinakausap siyang kakilala niya. Pa-simple kong tinabihan si pangit na patuloy pa rin sa paglamon, hindi na nahiya. Mga babae nga naman, hindi importante ang ego nila. Walang iniingatan na image, nakakahiya ang mga ganitong klaseng babae.
Pagkatabi ko agad sa kaniya, agad kong pinisil ang legs nito kaya nabigla ito at muntik ng mabilaukan. Tanga talaga.
"Hoy, alam mo ba ang ginagawa mo?" bulong ko sa tainga niya at dali-dali naman siyang umusog palayo sa 'kin.
"Wala akong panahon makipag---"
Agad ko naman siyang hinila ng marahas papalapit sa 'kin at hinawakan ko ng mahigpit ang baywang niya.
"Hindi mo alam kung sino ang binabangga mo," may pagkamalambing na pagkakasabi ko sa kaniya at binaba ko ang kamay ko sa palda niya.
" 'Di mo alam kung anong ginagawa ko sa mga papansin na katulad mo." Mga salitang binubulong ko sa tainga niya at sinadya ko pang ilabas ang dila ko at ilapat ito sa likod ng kaniyang tainga.
Naramdaman ko naman siyang nanginig.
"Dylan ti..gi..lan mo...'ko, " kinakabahan na sambit niya na nagpangisi sa 'kin at agad siyang kumakawala sa mahigpit na paghawak ko sa kaniya.
" 'Wag na 'wag mo kong pipikunin, kapag napuno ako sa 'yo. Hindi mo magugustuhan ang magagawa ko sa'yo." At tiningnan ko siya sa paraan na alam kong matatakot siya at nanng napansin kong parating na si Lolo, agad na akong bumalik sa upuan ko at nakipaglabanan sa matalim na titig niya.
'Wag na 'wag niya akong hahamonin, I'm f*****g Dylan Rivas. The cold-hearted one, f*****g damn great player.
NARAMDAMAN ko ang bawat pag-agos ng tubig sa katawan ko.
"Magsisimula na ang plano ko, humanda ang palakang 'yon."
Napapikit pa ako, sa tusong pinaplano ko.
Natigil lang ako sa pagligo nang biglang may nadama akong babaeng nasa labas ng shower. Tangina. P
Pinatay ko naman agad ang shower, at lumabas.
"Sino 'yan?!" sigaw ko. Ngunit walang sumagot, kaya napakamot na lang ako sa ulo at babalik na sana ako sa pagligo nang biglang nasa shower na ang isang babaeng may mahabang buhok at damit.
Nakakatakot ang mukha niya. f**k!
Agad naman akong napaatras ngunit palapit siya nang palapit sa akin at tumatawa nang malakas.
"Gaganti ka sa 'kin?! Uunahan na kita!"
Nakakatakot ang boses niya kaya halos mapalunok ako nang maraming beses.
" 'Wag na 'wag kang lalapit sa akin! Diyan ka lang!" sigaw ko ng malakas. Ngunit tumawa lang siya na parang halimaw at patuloy pa rin akong nilalapitan.
"Oh crap!"
Napasigaw ako nang wala na akong maatrasan.
"Bakit ka tumatakbo? Natatakot ka na ba? ha?!"
Napapamura na lang ako nang lumapit pa lalo ang nakakahindik at nakakakilabot nitong pagmumukha sa akin.
Pinikit ko na lamang nang mariin ang mata ko at napasigaw ng tuluyan nang maramdaman ko ang mabahong paghinga nito sa harapan ko.
"Tangina, please lumayo ka sa 'kin! Pangit!" sigaw ko at bigla-biglang napabangon.
Fuck! It's a f*****g nightmare.
"Apo ayos ka lang?" mukhang gulat na gulat na sabi ni Lolo at agad pang nilapitan ako. Agad naman akong nagtalukbong ng kumot.
"What the. What are you doing here Lo?" nagtatakang tanong ko naman sa kaniya.
Paano siya nakapasok dito? f**k, oo nga pala. He is lolo emir, marami siyang paraan.
"I'm here para bisitahin ka at tingnan kung ano ng itsura ng condo mo," sagot naman niya sa tanong ko at naglibot pa ito ng tingin sa kabuuan ng kwarto ko.
"But Lo, it's damn early para pumunta---"
"Anong early?! It's 11 am for pete's sake Dylannito! Tapos hindi ka pa bumabangon diyan para pumasok. Ganito ba ang buhay mo dito ha? Kung ibalik na kaya talaga kita sa America?"
Agad naman akong napatayo sa sinabi niya.
"Lo, I'm tired. Anong oras kaya tayo umuwi kagabi 'di ba?" Pinagdiinan ko talaga ang salitang iyon upang ma-realize nito na dahil sa pangit na iyon kaya anong oras na kami nakauwi kagabi.
Napakuyom naman ang kamay ko nang maalala ko 'yong babaeng 'yon.
"Tingnan mo nga wala ka pang damit. Paano 'pag may kumatok na babae sa'yo rito tapos gan'yan ang---"
"Lo, wala naman akong pinapapunta na babae rito eh," pawang naiinis na ambit ko naman at napahawak pa 'ko sa batok ko. Puro na lang babae ang matandang 'to.
"Pero apo, ngayon may makakasama ka na sa condo mo kaya dapat umayos----"
Hindi ko na natapos pa ang pagsasalita ni Lolo at agad na akong sumabat.
"What? What are you saying?!" sigaw ko.
"May itatalaga akong magbabantay at magmomonitor sa 'yo rito at sa lahat ng kilos at galaw mo," nakangiting sambit ni Lolo na ikinakunot ng noo ko.
"What for? Lo, matanda na ako----"
" 'Wag ka ng magreklamo, 'yan ang gusto ko," maawtoridad na sambit ni Lolo.
Ito talaga ang ayaw ko sa matandang 'to. Ang hilig mangialam sa buhay na mayroon ako at bukod doon ay gusto pa nitong kontrolin ako.
"Iha, lumabas ka riyan," dagdag pa na saad niya at agad namang nagpakita sa may pinto ang isang... palakang babae.
Tangina.
"From now on Dylannito, she is your boss."
Agad naman akong napasinghal, "But Lo, are you out of your mind?!" sigaw ko at nang susubukan niyang magsalita ulit ay pinagpatuloy ko na ang pagsabat ko.
"Lo, Hindi na ako batang paslit na kailangan pang may bantay. I'm f*****g 25 years old. Kaya ko na ang sarili ko!'' sigaw ko ulit, at nang bubuka na ulit ang bunganga niya.
"Damn Lo, tapos ito pang pangit na palaka na ito ang magbabantay sa 'kin? Tangina. Tingnan mo nga itsura niya. Napakapangit. Baka nakawin pa niya mga gamit ko rito eh. Look at her, mukha siyang kawatan---"
"Hoy excu--"
Fuck! Sasabat pa 'tong panget na 'to.
"Lo naman, hindi ka ba nag-alala sa apo mo? Bukod sa mukhang kawatan 'yang babaeng 'yan. Mukha pa siyang rapist. Paano nalang kapag ginahasa ako ng babaeng 'yan? Lo, wala akong kalaban laban diyan. Sa itsura pa lang, mukha ng mangkukulam. Paano kapag ginayuma ako niyan---"
"Ang kapal naman ng mukha mo. For your information wala na akong interes sa 'yo 'no!" sigaw naman agad ng bruha kaya lalong uminit naman ang ulo ko.
"You heard it right Lo?! Wala ng interes! Wala na! So ibig sabihin may interes 'yang babaeng 'yan sa akin. Nagkukunwari lang na wala na para mapalapit na naman ako sa kaniya at magawa niya ang pinaplano niya sa akin. Alam ko naman na isa 'yan sa mga babaeng malalandi na patay na patay sa 'kin kaya mag-aagaw buhay ako niyan kapag iyan ang kasama ko!" pangising sambit ko na at tinaliman ko ang pagtitig sa mata ng malanding babae at patuloy naman itong sumasabat sa mga sinabi ko.
"Ang kapal din talaga ng mukha mo ano? At oo! Sige panalo ka na sa part na nagkagusto nga ako sa'yo! Pero sa tingin mo talaga sa mga pinapakita mo sa akin ngayon, magugustuhan ko pa ang katulad mo? Mag-stay pa rin 'yong paghanga ko sa'yo? Masyado naman na 'atang lumalampas sa ulap iyang tingin mo sa sarili mo. Hindi porket nagustuhan kita, gugustuhin na kita sa habang panahon. Kasi ang tulad mo ng klase ng tao, nakakapangsisi na magustuhan kasi wala naman talagang kagusto-gusto sa'yo. Walang tama sa'yo kun'di puro masama!" singhal naman nito sa akin at bakas sa boses nito ang labis na panginginig sa galit.
Halos maningkit naman ang mata ko sa mga salitang narinig ko mula sa kaniya kung kaya't handa na sana akong ibuka ang bibig ko para isagot ito.
"Shut up both of you!"
Biglang sigaw ni Lolo, kaya agad naman kaming natahimik.
"Kasalanan ng pangit na 'yan Lo---"
"I said shut up!" bulyaw ni Lolo sa 'kin kaya napasabunot na lang ako sa ulo ko. Tangina.
"Whether you like it or not, dito siya titira at---"
"But Lo--"
"I'm damn serious Dylan. Dapat makinig ka sa 'kin, naintindihan mo?!"
Nakakabingi ang lakas ng boses ni Lolo. Kaya napilitan na lang akong tumango.
"Alam mo naman ang gagawin ko, once na hindi mo sinunod ang utos ko. Kaya dapat makinig ka. From now on, Thalia Taylor is your boss."
Madiin pa ang pagkakasabi ni Lolo sa bawat salita niya kaya I'm doomed. Napakagat na lang ako sa labi ko at napatango.
"As if I have a choice."