SINAMAAN ko ng tingin, lahat ng mga babaeng nakatingin sa 'kin ngayon. Tangina, napapamura na lang ako sa ngalay sa kakahawak ko sa malaking banner.
May hawak-hawak akong banner ngayon para i-welcome ang lolo kong siraulo.
Ayaw ko sanang gawin to, natatanga pa ako sa nakalagay sa banner, "WELCOME BACK LOLO, I MISS YOU!" Parang sira 'di ba? Kung hindi lang dahil nagpumilit siya hindi ko gagawin 'to. Tangina.
Ewan ko kung anong ugaling meron si Lolo. Parang takas 'ata 'to sa mental eh.
"Hi Dylan, may hinihintay ka ba?"
Lalong uminit ang ulo sa tangang nagtanong. Wala akong panahon sa mga babaeng walang utak kaya dinedma ko na lang. Pero dahil malandi ang babaeng 'to, patuloy pa rin siya kakadada sa harapan ko kahit nagmumukha na siyang tanga. Tangina, mga babae talaga. Mga matatabil ang dila, mga ugaling taong kalye.
"Ang sweet mo namang apo, nakakakilig ka." At tumili pa siya na parang naputulan ng tinggel. f**k!
Wala talagang kapaguran sa pagsasalita kaya naririndi na ko.
"Titigil ka ba sa katangahang ginagawa mo o gusto mong ihampas ko sa 'yo 'tong banner na hawak ko? Tangina, nangangalay na nga 'ko. Salita ka pa ng salita riyan. Ang baho pa ng hininga mo. Lumayas layas ka nga! Habang 'di pa nandidilim ang paningin ko!" sigaw ko sa babaeng may malaking bunganga at nagkatinginan naman ang lahat.
"Anon--" H
indi ko na pinasalita pa ang babaeng ito, at agad kong sininghalan.
"Kapag hindi ka pa umalis, hindi mo ako mapipigilan na maihampas ko sa 'yo 'to, kaya bibilangan kita...is----"
Hindi pa ako nakakabilang, nawala na agad sa paningin ko ang may matabil na dila. Tsk, mga babae talagang kulang sa pansin.
"My grandson!"
Napatingin naman na ako sa malakas na sumigaw. Tsk, nakakahiya talaga ang ginagawa niya.
"Mas namiss kita apo," sigaw niya pa at pasayaw sayaw pa itong lumalapit sa 'kin. Napailing na lang ako. "Bakit ako binigyan ng ganitong klaseng lolo?"
AGAD akong niyakap ng mahigpit ni Lolo, napasinghap naman ako sa paraan ng pagyakap nito sapagkat pawang ang sabik na sabik ito sa pagyakap sa akin. Wala pa namang limang taon bago kami huling nagkita.
"Ang laki mo na talaga Dylannito, dati totoy ka lang eh."
Napatingin naman ako sa paligid at sakto nga nakatingin ang lahat.
"Lo, nasasakal na ko." At agad naman siyang napabitaw.
"Aba. Talagang suplado ka ng bata ka," nakapangising sambit niya at pinadala niya sa 'kin ang mga gamit niya.
Habang naglalakad kami, walang kasawaan ang pagkukuwento niya. Pabalik balik naman ang pinagsasabi nito. Kaya kinuha ko na lang ang earphone ko, at nakinig ng music. Kung ano-ano lang naman ang pinagsasabi niya at tungkol lang naman ito sa babae.
Napatigil ako sa paglalakad nang bigla niya akong kalabitin at agad ko namang tinanggal ang earphone ko.
"Ano--"
"Kanina pa ko salita nang salita 'di ka man lang nakikinig! Sabi ko tulungan mo 'yong babae, 'yon oh. Napakabigat ng dalahin niya. Kawawa naman," sabi ni lolo na ikinakunot ng noo ko at tinuro niya ang isang babaeng hirap na hirap nga sa pagbubuhat. Tangina, pake ko ro'n.
"Lo, nakikita mo ba may dinadala rin ako. Ano namang pake k----"
"Bitawan mo 'yan at tulungan mo 'yong babae. Dapat ang mga lalaki gentleman, kaya bilisan mo na. Hihintayin kita," seryosong sambit niya at agad naman akong umangal.
"But Lo, nagpapaawa la---"
"Gagawin mo o hindi?" maawtoridad niyang tanong sa 'kin at tiningnan naman niya ako na alam ko na ang ibig sabihin. Tangina, sabi ko nga kung saan ako nagmana. N
Napalingon naman ako nang matalim sa babaeng paawa na halata naman nagpapanggap para lang may tumulong sa kaniya. Tangina, mga galawan ng mga babaeng malalandi.
Agad kong binitawan ang hawak-hawak kong maleta, at nilapitan ang babaeng artista.
"Tabi!" sigaw ko naman sa kaniya na ikinagulat niya kunwari. Tangina, mga pakulo. Marahas kong inagaw ang maleta niya.
"Sa'n ka ba maglalandi este pupunta?" walang emosyong tanong ko at hindi ako nag-atubiling tingnan siya.
"Sundan mo 'ko," malanding sagot naman niya na ikinainit lalo ng ulo ko. See? 'Di nga ako nagkamali. Basta mga babae, maraming paraan para makipaglandian.
Nang malayo na kami sa mga mata ni Lolo, agad kong binitawan ang maleta ng babaeng 'to at tinalikuran siya.
Ngunit bago pa ako makaalis ay agad nitong hinawakan ang braso ko kung kaya't agad ko itong tiningnan nang napakasama na tatagos sa kaibaturan niya.
"Bibitawan mo ang kamay ko o gusto mong may mangyari sa'yo na hindi mo magugustuhan?" madiin na saad ko sa kaniya.
Napangisi naman ang babae at gumuhit sa labi nito ang sarkastikong ngiti na talagang nagpakulo lalo ng dugo ko.
"Ikaw si Dylan Rivas 'di ba? Certified womanizer? Ang lalaking nagpaparusa sa mga babaeng katulad---"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad kong winaksi ang kamay nito na nakahawak sa braso ko.
"Ako nga. Ako ang lalaking nagpaparusa sa mga babaeng katulad mo na walang ibang alam kun'di ang lumandi at gumawa ng maraming paraan para lang makapagpapansin sa lalaki! At puwede ba huwag na huwag mong hahawakan ang kamay ko? Nakakadiri ka at ayaw kong mahawa sa sakit mo na kakatihan wala ng ibang gamot kun'di ang magpakamot sa kalalakihan!" malakas na bulyaw ko sa kaniya at wala na akong pakialam kung nasa amin ang atensyon ng lahat.
Gumuhit na lamang ang demonyong ngiti sa labi ko nang makita kong tumulo ang luha nito sa kaniyang mga mata. Nakakatawang klase ng babae.
Agad naman akong umalis at iniwan ito na nakatulala at balisa sa nangyaring pagpapahiya at pang-iinsulto ko sa kaniya at nang makarating ako sa parkng lot, sumalubong agad sa akin si Lolo at malawak pa ang ngiti nito.
"Ganyan nga apo ko, dapat marunong kang tumulong sa babae."
Napangisi na lamang ako sa sinambit niya. Kung alam niya lang ang naganap, hindi ito ang magiging reaksyon niya. Agad naman akong pumasok sa loob ng sasakyan at sumunod naman ito agad kung kaya't agad kong pinaandar ang sasakyan.
"Sa'n tayo pupunta Lo?" tanong ko naman sa kaniya.
Agad naman siyang napaisip. Para talaga siyang bata. Ganito ba talaga 'pag tumatanda.
"Gusto kong kumain, kaya sa restaurant muna tayo pupunta," masayang sagot niya sa 'kin at patawa tawa pa na animo'y paslit na sabik kumain ng fried chicken sa sikat na fast food chain. Tangina, may sayad talaga 'tong matandang 'to.
Agad ko namang minaneho ng mabilis ang sasakyan at napahawak naman ito sa upuan niya.
"Ano ba dylannito. Puwede ba magdahan-dahan ka lang. Oo! Handa na akong mamatay pero gusto ko namang mamatay na buo at kumpleto pa ang katawan ko! Hindi iyong gutay-gutay ang bangkay ko dahil sa aksidente!" sigaw niya.
Halos mapatawa naman ako sa sinasambit nito ngunit pinigilan ko at mas lalo ko na lamang binilisan ang pagmaneho.
"Mas mabilis tayong makakarating," pangisi ko namang sabi kay Lolo.
"Hindi restaurant ang mapupuntahan natin kun'di ang langit!" bulyaw ni Lolo sa akin at patuloy na rin ito sa kakasigaw pero 'di ko na lang ito pinansin sapagkat nakaramdam ako ng kakaiba, may isang kotse na nakasunod sa amin kanina pa. At pawang iba ang naging kutob ko rito.
Kaya mas lalo kong binilisan ang pagmaneho, napapasigaw naman lalo ng malakas si lolo.Tangina, napatingin naman ako sa side mirror at nakita ko ang nasa loob ng kotse. Sht ito ang babaeng mapagpanggap. "Dylannito! may babae!"
Napalingon ako sa harapan sa malakas na pagsigaw ni lolo. At napatapak agad ako sa prino nang may nakita akong babaeng papatawid. f**k!
Dali-daling bumaba si Lolo at tiningnan ang kalagayan ng babaeng muntik ko ng masagasaan.
Napahawak naman ako sa lakas ng t***k ng puso ko. Ayaw ko naman makapatay ng mga babaeng malalandi.. Napansin ko namang napatayo na ang babaeng tatanga tanga, at hula ko, humihingi ng dispensa si Lolo dahil payuko yuko ito.
Hindi ko naman mapansin ang mukha ng babae dahil gulo-gulo ang buhok nito at nakaharang pa sa mukha niya. Hell, parang familiar ito. Mabilis naman akong napailing-iling, hindi naman siguro.
Dahil sa matagal pang diskwestyunan nila, naiinip na ko kaya agad akong bumusina ng sunod-sunod.
Napatigil naman ako nang biglang may malakas na kumatok sa bintana ko, at binuksan ko naman ito agad.
"Hindi ka ba marunong bumaba? 'Yong Lolo mo pa talaga na matanda na 'yong---"
Napatigil naman siya sa pagsasalita nang makita ako. Napangisi naman ako, sabi ko na nga ba. 'Di talaga ako nagkakamali. Ito na ang babaeng paghihigantihan ko na ngayon.
"Ah Ikaw pala! kaya naman pala hindi ka bumaba kasi wala ka ngang pakialam."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ng babaeng pangit na 'to.
Dahil bakas sa tono ng boses nito ang makahulugan nitong ibig sabihin. Nagtatapang-tapangan na ito.
Magsasalita na sana ako ngunit, "Dylannito hindi ka ba bababa riyan para humingi ng tawad sa babaeng muntik mo ng masagasaan?" Agad na sabat ni Lolo.
"Dylannito?" gulat naman na reaction ni pangit.
Napaikot naman ang mata ko, at pa-cool lang akong sumandal sa upuan ng kotse ko.
"Oo, Dylannito Rivas Jr, ang tunay niyang pangalan bakit?" Nagtataka naman na sambit ni Lolo, at agad namang napatawa ang pangit na babae.
Para matapos na agad kong pinaandar ang kotse, "Hoy pangit, mukhang wala namang nangyari sa'yo kaya puwede ba 'wag mong aksayahin ang panahon namin?! Tsk, tanga ka talaga. Dahil sa katangahan mo, nadadamay kami. Kaya please, tumabi tabi ka?!" sigaw ko sa kaniya.
"Lets go Lo," sambit ko naman kay lolo at kitang kita ko ang gulat sa mata niya.
"Walang gustong may masagasaan kung hindi reckless ang driver at hindi mo ba alam naka- red light ibig sabihin dapat huminto ka pero nagtuloy-tuloy ka pa rin so sa tingin mo sino ang tanga sa atin?!" sumbat agad niya. Tangina, napahawak naman ako ng mahigpit sa manibela, susupalpalin ko na sana ang babaeng 'to. Nang biglang sumigaw ng malakas si Lolo.
"Bumaba ka at humingi ng tawad sa babaeng 'to.''
Wala akong nagawa kun'di bumaba sa kotse ko, at malakas kong binagsak ang pinto. Habang nakatitig ako sa babaeng ngingiti-ngiti ngayon na parang aso na ikinagigil ko.
"Now, learn to say sorry," pawang pa-utos na ani ni Lolo.
Napapamura na lamang ako sa isip sapagkat para akong batang paslit dito na tinuturuan ng magulang ng magandang asal. Tangina.
Ginulo ko naman ang buhok ko at sinamaan ng tingin ang babaeng dinidilatan pa ko, shet. Mukha siyang halimaw.
"Dylann---"
"Look, I'm sorry," mabilis na sambit ko at napasinghap ako sa nakakasukang sinaad ko. This girl is really f*****g s**t.
"Sincere ba 'yan? Parang hindi naman," maarteng sambit niya at napasmirk pa ang bruha. Damn.
Napakuyom naman ang palad ko. "Oo nga apo, dapat kapag magsorry ka galing sa puso," pagsasang-ayon naman ni Lolo.
Gigil na gigil na talaga ako. "Anong gusto mo?! Lumuhod pa ako? Tangina. Bakit ba ako magsosorry sa tangang kagaya mo? Ikaw naman may kasalanan niyan, kung----"
"Dylannito, ano ba! Huwag mo ngang pagsalitaan ang babae ng ganiyan. Galangin mo nga. May pinag-aralan ka, kaya mahiya ka nga sa sarili mo!" galit na galit na sigaw sa 'kin ni lolo.
"Lo, it--"
Tangina lagi nal ang akong hindi pinapatapos," Hayaan niyo po, ganiyan naman po 'yan eh. Walang puso pagdating sa mga babae. Kaya wala po siyang k'wentang tao."
What the, sumusobra na talaga ang babaeng 'to. Susugudin ko na sana siya nang biglang sumigaw si Lolo, "Alam mo ang mangyayari 'pag hindi ka humingi ng tawad sa kaniya." The heck.
Tsk, I found myself hawak-hawak ang kamay ng babaeng number one na ngayon sa listahan ko, "I'm really sorry," mahinahon kong sambit sa kanya habang nakatitig ng matalim sa kaniya 'yong tipong nararamdaman nitong nilalagutan ko siya ng hininga sa isip ko.