Napakunot noo ako ng maramdaman ko nanamang sinapo nito ang noo ko, “What the hell is your problem?” Singhal ko na dito, kanina pa to ha. Halos mabadtrip na ako sa ginagawa niya. “May sakit kaba at ang bait mo ngayon?” Nakataas namang kilay na sambit nito. Tsk. Di ko nalang ito pinansin at sinalpak sa teynga ko ang earphone. Wala akong panahon makinig pa sa mga walang kwenta niyang sasabihin. Napalibot nalang ako ng tingin nang buong paligid na naman ang nakamasid sa akin, urgh. Di ko na talaga maintindihan kung bakit lahat sila nakatingin sa akin. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Napahinto nalang ako ng biglang tumawa si panget. Kaya agad akong napalingon ng masama sa kanya. “Hoy, anong tinatawa tawa mo diyan mukha kang tanga.” Nagulat naman ito ngunit agad din nakabawi at tinapunan

