Napatigil ako sa paglalakad ng matanaw ng mata ko ang tatlong babaeng nakaupo sa gilid at mukhang may kinakain. Itlog ata yun, idk. Kaya agad ko itong nilapitan, ngunit nagtago naman ako sa punong malapit sa kanila. “Pagtyagaan niyo na to ha. Balot lang talaga kaya ko hehe.” Nahihiyang sambit ng palaka at napakamot pa sa ulo niya. Kutohin talaga to. “Okay lang mommy, masarap kaya. Diba princess?” Natutuwang sambit ni daniella, at napatingin pa sa batang musmusin na halatang gutom na gutom na. “Oo…Masarap talaga. Ito kaya favorite ko.’’ Masayang tugon naman nong bata, princess pala pangalan. “Pero, bat niyo ko sinundan ate? Paano yung asawa niyo dun? Naiwan yun mag isa. Kawawa naman siya dun ate.” Narinig kong dagdag pa nong princess. “Eh? Hayaan mo yung satanas na yun don. Magpakasasa yun

