Halos lumuwa naman ang mata nito sa gulat. "A..nong..sa..bi..mo¬?" Hirap na hirap na pagsasalita nito. Napataas naman ako ng kilay sa naging reaksyon nito, like the f**k. Para namang bago na to sa kanya. "I said, kiss me." Sigaw ko dito, ngunit di pa rin nagbago ang itsura nito at mukha pa ring tanga na nakatitig sa akin. "Hoy, bingi ka ba?! Hindi mo ba---" "No way, hindi ako papayag no. Asa ka naman." Mataray na sagot nito, at lumayo pa ito sa akin. Tangina. "Wow ha, ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo." Inis na sigaw ko dito, at agad na hinila papalapit sa akin, sa kakapiglas nito. Natumba ito papaupo sa kandungan ko. "Ay shit." Tili nito, at aalis na sana agad ngunit agad kong pinulopot ang kamay ko sa beywang nito at hinapit ito ng mahigpit. Wala ka ng ligtas sa akin ngayon. Napasigaw naman ito, at pinagsusuntok pa ang dibdib ko. "Bitawan mo ko Dylan, ano ba." Pagsisigaw nito, ngunit tinignan ko lang ito ng diretso sa mata. "Do it or I'll f**k you?" Seryosong tanong ko dito, napahinto naman ito at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Seryoso ka ba talaga? Nakaka--" "I'm Dead serious. Ayaw mo talaga?" Sisimulan ko na sanang halikan ang leeg nito, "Okay okay, fine. I'll kiss you." Sigaw nito ngunit agad namang yumuko. "Hoy, wag ka ngang umasta ikaw pa ang nandidiri eh---" Napatigil ako ng bigla ako nitong hinalikan. Napangisi nalang ako, at ginantihan ito agad ng halik. Halata ko naman ang pagkagulat nito dahil bigla itong napatigil at aalisin na sana, ngunit lalo kong nilaliman ang paghalik dito. Nakipaglaro ako sa dila nito, at nilunod ko siya sa matinding paghalik ko sa bawat sulok ng labi niya. "Hmm" Munting ungol nito, nang kinagat ko ang ibabang labi nito. Naulinigan kong pinulopot niya na rin ang kamay niya sa leeg ko, at nagpatuloy ang pag eespadahan ng mga dila namin. Di ko namalayan, naglakbay ang kamay ko sa makinis na binti nito. Napatigil naman ito ng maramdaman yun, ngunit mas hinalikan ko naman ito ng mapusok kaya hindi nalang nito pinansin pa ang pagtaas ng kamay ko, sa kaibaturan nito. f**k. Ang kinis talaga ng bruhang to. "Shet" Napatigil naman ako, nang nakagat niya ang labi ko. "Ay sorry." Mahinang sambit nito at kinagat pa niya ang labi niya, di ko nalang pinansin at hinila ko nalang ito para halikan ulit nang bigla namang kumakalabog ang pintuan. "Diyos ko. Anong ginagawa niyo?" Dahil sa matinding gulat ni bruha, natumba ito at ang mukha nito, hindi mo maipinta. Parang nabuhusan ng malamig na tubig.
**
"Manang ano eh ah eh ano" Hindi mo na alam kung ano ba ang sasabihin ni panget dahil utal utal na ito sa pagsasalita at nanginginig na namumutla pa ito. Napailing nalang ang matandang hukluban at napacross sign pa ito, at dali daling tumakbo pabalik sa kwarto nito. "Manang!" Sigaw naman ni panget, ngunit narinig nalang namin ang malakas na pagsara ng pintuan. Bigla naman akong nilingon ng bruha, at masama ang tingin niyang pinukol sa akin. Nagkibit balikat naman ako, at nakipaglabanan sa matalim na titig nito. "Ano? Lalaban ka?" Sigaw ko dito ngunit di nalang ako nito kinibo at nagdabog na lumabas ng kwarto ko. Tangina. Napasinghap naman ako sa tinuran nito. Kapal ng mukha. Napasabunot nalang ako sa ulo ko sa inis, at agad na napahiga sa kama. Napahawak naman ako sa labi ko, f**k damn shet. Magaling palang humalik ang bruhang yun. (obviously dylan slut nga diba?) Damnit. Napahinto naman ako sa paghawak sa lips ko, at agad tumakbo sa banyo para mag mumog. Damn, nakakasuka ang mga babaeng malalandi. Pagkatapos kong linisin ang bunganga ko, napatingin ako sa lalaking nasa harapan ng salamin. Marami na pala talaga akong naranasan na masalimuot sa kamay ng mga babae. Hindi ko na hahayaan pang masaktan at maloko nila ulit ako. Hindi na ako ang dating Dylan Rivas, na gumagalang sa mga babaeng sa una lang pala magaling pero kapag nagsawa na sila, makikita at malalaman mo na kung ano at sino talaga sila. Tangina.
**
"Paano mapainlove ang isang palaka" at agad ko itong clinick. Tangina. Bakit puro palaka naman ang laman nito kamukhang kamukha talaga to ng bruha walang pinangkaiba, walang kwentang google. Yeah. i'm f*****g searching kung anong pwedeng gawin para lalong mahulog sa bitag ko ang bruha. Wala naman na akong maisip na paraan, alangan naman na humingi pa ako ng opinyon sa mga gunggong puro palpak naman ang mga pinagsasabi nila. Shet. "How to make a girl fall inlove with you..." pagbabasa ko sa tnype ko, ngunit di ko pa ito inienter dahil napapaisip ako kung talagang may magagawa ito sa mga plano ko. Pero tangina, hayaan mo na nga. Agad ko itong clinick, at napukaw ang atensyon ko sa sagot ng google sa mga tanong ko. What the hell. Napakunot noo ako, sa mga nakikita ko at halos masuka suka akong tinitignan ito. Ngunit dahil masasabi ngang ang mga babaeng madali lang makuha sa ganitong bagay agad ko itong sinave. At maghahanda na ako sa mga pagbabagong mangyayare. Agad kong kinuha ang cellphone ko, "Hey, humanda kayo, may gagawin tayo." seryosong sambit ko sa mga gagong nasa kabilang linya at hindi ko na ito hinintay pang nagsalita. "Get ready b***h, sinisigurado ko ang lalo mong paghulog sa mga palad ko." I said with an evil smile, na kinakatakutan ng lahat. I'm f*****g Dylan Rivas, the perfect damn great heartbreaker. Umaga palang nagsimula na ako sa paglalaro, i mean nilutuan ko lang naman ng masarap na pagkain si panget. coz damn google said, "girls will fall inlove with you if early in the morning, you can show to her how important/special she is. (damn ang aarte talaga ng mga babae daming alam) So here I am, cooking damn special dish for her. Naiinis ako sa ginagawa ko but kailangan kong gawin para matapos na ito. "Damn perfect." Sigaw ko ng makita kong maayos na ang lahat ng hinanda kong pagkain. Napapunas naman ako sa noo ko, geeze. Ang aga aga tumutulo na ang pawis ko. What the. Agad naman akong dumiretso sa kwarto ng bruha at hinintay na magbukas ito. Nang marinig ko na itong magbubukas, agad na akong naghanda. "Good morning Babae ko." Halos masuka naman ako. The heck. coz damn google said (Girl's fall inlove with you if you greet her "good morning" with a sweet voice, coz she thinks that she is the good thing for you." The f**k. (Puro kalokohan ang alam ng mga babae) "Sir?!" Napasalubong naman ang kilay ko sa matandang bumungad sakin. Tangina naman. Kahit kailan talaga. "Asan si---" "Tulog pa po siya eh. Ang aga niyo naman pong gumising an--" Wala na akong panahon pang marinig ang mga walang kwenta niyang pinagsasabi at agad akong pumasok sa kwarto ni panget at pinalabas ito. "Wag mong gagalawin ang pagkain diyan ha." sigaw ko dito, at agad sinarhan ng pinto. Pumunta naman ako agad sa kamang kinaroroonan ng bruha. Napatawa ako sa itsura nito. Tulo laway pa itong natutulog. Shet. Kahit tulog, pangit talaga ang pagmumukha nito nakakasuka. Nilapitan ko ito, at agad na umupo sa kama niya. Hinawakan ko ang pisngi nito, at pinisil. "Panget mo talaga. Wala ka ng ikakapanget." gigil na sambit ko dito. Ngunit wala naman itong naging reaction. Tangina. Tulog mantika talaga ang isang to. Napangisi ako ng makita kong may pentelpen sa lamesa, tsk humanda yang panget mong mukha. Napatawa ako sa kawalan, sa binabalak kong laro.
**
"Hmm good morning." Kusot kusot ang mata nitong sambit, ngunit halos mabilaukan naman ako sa itsura nito. "Hoy ayos ka lang?" Nagtatakang tanong naman nito sakin, ngunit ngitian ko lang ito ng ubod na tamis na siguradong ikakalaglag ng panty niya. Coz damn google said (Girls fall inlove when you show them you're perfect killer smile) Tsk. (sadyang ang babae madali lang makuha basta gwapo tapos nginitian naku. laglag na lahat) "Baliw ka na---" Napatigil ito ng pagsalita ng bigla akong tumayo at inalay ang upuan sa kanya. "Umupo ka na at kumain." Sambit ko sa kanya, nag aalinlangan naman itong umupo. Tangina. Ihampas ko sa mukha niya tong upuan eh. "Hoy ano bang--" "Bawal bang maging sweet sa girlfriend ko?" Pagpuputol ko naman sa sasabihin nito, ngunit dadada pa ito,"Sige, magsalita ka pa. Makikita mo." Pagbabanta ko dito, kaya napabulong nalang ito pero damn rinig na rinig ko naman, "Daming alam ng mokong na to." Tsk, napasinghap nalang ako at bumalik sa upuan ko. "Wow, bakit mukha atang maraming nakahain dito? Sino nagluto ikaw ba manang?" Parang batang turan nito, "Ako nagluto niyan." Sigaw ko dito, "Ikaw?! weh? Ang dami dami neto ha. Pero baka may lason to, kaya wag nalang tayo kumain manang---" "Tanga ka ba? Nakikita mo bang kumakain din ako? Alangan namang lalagyan ko yan ng lason, kung ikakamatay ko rin. Tangina. Utak mo nga nasaan?!" f**k. Sorry google. Hindi ko kayang hindi maging harsh sa tangang babaeng na to. Nakakagigil. "Teka nga, bakit ikaw ba kasi ang kausap ko? Sabat ka ng sabat diyan. Si manang naman ang tinatanong ko. Epal ka." The fxck. Napahawak naman ako ng mahigpit sa tinidor at kutsarang hawak ko. Tangina. "Manang, bakit hindi mo ba kayo nagsasalita? Ano pong problema? May sakit po ba kayo?" Nagtatakang tanong ni panget. Shet naman. Agad ko namang tinignan ng nagbabanta ang matanda, kaya napailing nalang ito. "Wala wala---" "Alam ko pong meron ano po yun?" Pangungulit naman ni panget, at tumayo pa ito para lapitan si tanda. Napatayo naman ako dahil di ko na mapigilan ang pagtawa ko, "HAHAHAHAHA" hindi pa ako nakakalabas sa pintuan ng biglang naramdaman ang pagsakal nito sa leeg ko. "Ikaw gago ka." Sigaw nito, at pinagsusuntok pa ako. Nahuli ko naman ang mga kamay nito, "Stop it b***h" sambit ko dito, ngunit nakatingin lang naman ito sa akin at napalitan ang galit nitong mukha. "May lagnat ka?" Mahinahong tanong nito, di ko nalang kinibo. At binitawan ko nalang ang kamay nito. "Pwede na sa horror story yang mukha mo." Pangising sambit ko, ngunit agad naman akong hinila nito pabalik. "Hoy ano bang---" "Uminom ka na ng gamot." Sambit nito. I smiled, isa na sa sign sa google ang nakuha ko. "Kapag concern siya sayo, sigurado may nararamdaman na yun para sayo" Now, makukuha ko na talaga ang puso mo b***h. Wawasakin at dudurugin ko yun katulad sa nangyare sa mukha mo.
**
Prente akong nakasandal sa kotse ko. Habang inip na inip na hinihintay si panget. Tangina. Kanina pa yun ah. Ano pa bang katangahan ang ginagawa ng bruhang yun? f**k. Sinasayang niya talaga oras ko. Kung hindi lang sana sa letseng sinabi ng google na yun, hindi ko gagawin to. Sabi ba naman, kailangan daw ihatid ang babae sa pupuntahan nito, lalong lalo na sa pagpasok sa school. Dapat sabay daw kayong pumasok para maramdaman niya na secured mo siya. Wtf. Daming alam ng mga babae, puro kalokohan. Hays. Paprinsesa ang dating, mga witch naman ang tunay na dating. Urgh. Gigil na gigil na talaga ako sa bakulaw na yun. Napatingin ako ng marahas sa relo ko, damn. Di na ko nakapagpigil pa kaya agad ko na itong pinuntahan. Saktong sakto pagbukas ko ng pinto, ito naman ang paglabas niya. Halos tumalsik naman ang kaluluwa ko ng makita ko ang itsura neto, what the. Tao pa ba to? “Sorry napatagal, nag ayos kasi.” Sambit niya. Like srsly? Napasalubong naman ang kilay ko sa tinuran nito. Mukha ba tong nag ayos? f**k. Ang gulo gulo ng buhok, parang ginahasa ng adik sa kanto. Tapos ang damit pa nito sobrang haba, parang dinaig pa yung mga damit ng madre. Napapailing nalang ako habang pataas pababa kong pinagmamasdan ang kabuuan nito. “Hindi to tao.” Napabulong ako sa kawalan. “Anong sabi mo?!” Singhal naman nito agad sakin, at nakuha pang tignan ako ng masama f**k. Kapal talaga ng mukha ng bruhang to. “Sabi ko, mukha kang hayop.” Walang emosyong sambit ko naman sa kanya at napangisi naman ako sa naging reaction nito. Lalo kasi itong pumanget kaya wala na akong panahon pa para pakinggan ito kaya agad ko itong tinalikuran at nagtungo sa kotse ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang bigla na naman itong sumigaw. “Hoy, wala ka talagang karespe-respeto ano?!” Napataas naman ang kilay ko sa tinuran niya. “Matagal na kong walang respeto sa katulad mong babae.” Sambit ko naman dito. Kaya lalo itong pumanget. “Ibang klase ka talaga---“ Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito, dahil naririndi na ko. “Damn, ano ba? Sasabay ka ba o hindi? Tangina. Sinasayang mo lang oras ko.” Gigil na gigil na sambit ko dito. Urgh, sinasagad na ko ng bruhang to. “May sinabi ba kasi akong sasabay ako sayo? Wala naman diba? Ikaw lang yung nagpresinta tapos gaganyan ka---“ “Damn shut up. Alam mo ba kung gaano ako katagal dito na naghintay? Tangina. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang pinaghihintay---Putangina. “Bakit sinabi ko ba kasing maghintay ka edi sana nauna kana. Letse.” Pagtataray naman nito. Napakuyom naman ang kamao ko. Geeze. Chill Dylan, chill. Siya muna panalo ngayon, nasa sayo naman ang huling halakhak so damn relax.. Napabuntong hininga nalang ako sa inis at gigil sa palakang nasa harap ko ngayon. Tangina, sarap patayin tong hayop na to. Urgh. Dahan dahan akong naglakad patungo sa direksyon niya, napakunot noo naman ito dahil sa hindi ko pag alis ng titig ko sa mga mata niya. “Anong titingin tingin mo diyan anong----“ Napatigil ito sa pagsasalita, nang makita niyang binuksan ko ang pinto ng passenger seat. “Sakay na.” Maikling sambit ko, habang sinisenyasan na siyang pumasok sa loob. Napalaki naman ang mata nito. Kaya napasalubong ang kilay ko . Damn. “Ano? Aarte ka pa ba?” f**k. Putangina kasing google, dapat daw magpakagentleman ka. Para daw makuha mo ang simpatya ng babae. Heck. Sa mga babaeng malalandi naman, isang kindat mo lang kuha mo na simpatya nila eh, damn di lang simpatya kundi virginity pa. Kalokohan. “Hindi ako sasakay, magcocommute nalang ako.” Pag aarte pa nito, tangina. Sinusubukan talaga ako ng babaeng to. Ayaw ko ng magsalita pa ng marami, kaya agad ko itong nilapitan at biglang binuhat. Damn. Nagsisigaw naman ito, ngunit wala akong pakealam. Pinasok ko ito sa sasakyan at marahas na sinarado ang pinto. Agad na rin akong pumasok sa driver seat, at pinaandar ng mabilis ang sasakyan. Hindi ko na pinakinggan pa ang paghihiyaw nito, at patuloy lang ako sa pagmamaneho. Maya maya, napagod na din ata to sa kakasigaw kaya naramdaman kong nanahimik na ito. Kaya napatingin naman ako sa kanya, napakunot noo ako ng makita kong ngiting ngite ito habang nagtetext. f**k. Mukha siyang tanga. “Hoy, naabno ka na ba?” Sambit ko dito, ngunit di naman ito nagsalita. At patuloy lang ito sa pag ngite na parang nababaliw na. “Hoy. Para kang tanga diyan, pwede ba umayos ka?!” Hindi na naman ako nito pinansin, dahil nakafocus lang ito sa putanginang cellphone nito at patawa tawa pa talaga. Damn. Napahawak naman ako ng mahigpit sa manibela. “Hoy nakikinig ka ba? O sadyang bingi ka lang talaga?!” Sigaw ko na dito, ngunit wala pa rin itong pakialam at patuloy pa rin sa kabaliwan na ginagawa niya. “HOY!!!” Bulyaw ko, pero wala pa rin nangyare kaya di na ako nakapagtimpi pa kaya bigla kong tinigil ang sasakyan. At ayun, natauhan ang bruha dahil nauntog ito sa harapan. Galit na galit naman itong napatingin sa akin, habang hinahaplos nito ang noo niya. “Ano bang problema mo ha?!” Nakakabinging sigaw nito, bullshit. “Tangina kanina pa ko salita ng salita dito, pero di mo ako pinapakinggan. Sino ka para gawin yan ha?” Mas malakas naman na pagsigaw ko dito, kaya halos mapatakip ito sa teynga nito. Agad agad ko namang inagaw ang phone nito. “Sht ano ba ibigay mo nga sakin yan---“ “Sino ba tong tanginang katext mo ha?!” Sigaw ko dito. Ngunit patuloy naman ito sa pag agaw sa phone kaya tinaas ko ito at nilayo. “Ano bang pake mo ha?----- “May pake ako, kasi girlfriend kita.” Di ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko. Damn pero totoo naman diba? Geez. “Girlfriend? Uy excuse me, di mo ko girlfriend. At di kita boyfriend. Inshort, walang tayo. Kaya pwede ba? Wag ka ng mangial---“ “Malandi ka talaga.” Madiin kong sabi sa kanya pagkatapos kong mabasa ang mga kalandian niya sa ka-gang ko. Sino pa ba? Edi si Dexter. f**k. “Anong malandi? Ang kapal mo naman, nagsasabi lang yan ng mga jokes niya. Kaya natatawa ako. Ay teka, bat naman ako nagpapaliwanag sayo. Ibalik mo na nga sakin yan!” Sigaw nito. Lalong uminit ang dugo ko, kaya walang ano ano’y binuksan ko ang bintana at biglang tinapon ang bulok niyang cellphone. Napanganga naman itong napatingin sakin. “Now, dead. “ Walang emosyong sambit ko. At agad pinaandar ng mabilis ang sasakyan.
**
Tulad ng inaasahan, nagwawala ito at nagsisigaw. Tangina. Wala naman akong panahon makinig, kaya binuksan ko ang radio at pinalakas ang volume nito. Napatigil naman ako ng mapansin kong umiiyak na ang bruha, tangina. Kaya bigla kong tinigil ang sasakyan at pinatay ang radio. “Hoy Anong prob---“ “Wala ka talagang pakiramdam no? Wala kang puso.” Maiyak iyak na sambit nito. Napahawak nalang ako sa batok ko sa sinambit nito. “Lahat ng tao, may puso. Maliban sayo, di ka kasi tao.” Napatingin naman ito ng masama sakin, kaya napacross arms ako. “Oh cmon chill...” “Ganyan ka eh, wala kang pakiramdam sa nararamdaman ng ibang tao. Sarili mo lang iniisip mo. Sarili mo lang ang tingin mong tama. Sarili mo lang ang mahalaga. Masyado kang manhid eh. Di mo maunawaan na kailangan mo rin ang ibang tao. Oo alam ko, maraming babae ang nananakit sayo. Pero sana naman, tumatak sa isip mo na hindi pa huli ang lahat. May mga tao pa rin diyang magmamahal sayo, tatanggap sayo at higit sa lahat di ka sasaktan----“ “Manahimik ka na.” Goddamn. Sawang sawa na ko sa mga salitang binibigkas niya. “Yes, mananahimik na talaga ako. Hawak mo na ko sa leeg diba? Ikaw na masusunod sa lahat. Ikaw na ang laging tama. Ikaw na ang magaling. Ikaw na.” Pilit ngiting sambit nito habang pinupunas ang luhang pumapatak sa mata niya. “Sabihin mo na kung ano pang gusto mong gawin ko, nakuha mo na lahat ng gusto mo sakin diba? Ngayon, pahihirapan moko fine. Sige lang, gawin mo na lahat---“ “Baba.” Maikling sambit ko ngunit nanginginig ako sa galit. Tangina. “Panalo ka na, handa na ako magpakaalipin sayo. Gagawin ko na lahat ng gusto mo. Magsaya ka na--- “I said, out!” Galit na galit na sigaw ko, at napailing nalang ito at napangisi. “I hate you Dylan, so much.” Huling sinabi nito, bago ito bumaba.