Mahigpit ang hawak ko sa beywang ng bruha, at napalaki naman ang mga mata ng mga gago ng makita nila kami. "Now, this girl is f*****g mine." Sambit ko sa kanila, at napawoah naman ang mga ungas. Marahas ko namang pinisil ang beywang ng palaka ng hindi ito magsalita, "Hmm, Mula ngayon pag aari na ako ni Dylan Rivas. Mahal na Mahal ko talaga tong halimaw na to este tong gwapo na to hihi." Tangina. Para pa tong linta na yumapos sakin. Napahalakhak naman ang mga gunggong kaya agad ko silang tinapunan ng masamang tingin kaya napatahimik ito. f**k. "Hoy, hindi ganyan ang sinabi ko na dapat mong sabihin ha?" Inis na bulong ko dito, ngunit gumanti lang ito ng nakakakilabot na ngiti. Shet. Mukha talagang bakulaw ang bruhang to. Dahil sa gigil, marahas kong binitawan ang beywang nito at iniwanan siya. Sinalubong naman ako ng mga gago, at agad akong tumabi sa kanila. "Boss, mukhang hawak mo talaga si panget sa leeg ha?" Tawa tawang sambit ni daniel, himala ata walang mga dalang babae ang mga hayop na ito. "syempre si boss pa. Magaling yan eh." sabat naman ni zach, at sinindihan pa ako ng sigarilyo, kinuha ko naman iyon at hinithit. "Boss, ang dami mo pang ginagawa, hindi mo nalang pinatikim sa kanya ang mga ginagawa mo. Edi sigurado laglag yan sayo." Binuga ko naman ang usok nang marinig ko ang sinambit ng ungas na to. "Gusto kong pahirapan muna siya sa mga kamay ko, ang mga babaeng katulad niya na walang kwenta dapat hindi pinapalagpas." Walang emosyon na sambit ko at tinignan ang babaeng sinisigurado ko na iilang araw nalang ang nalalabi sa kanya. Hindi naman sila kumibo at napalagok nalang ito sa alak. Naramdaman siguro nila ang takot sa pwede kong gawin sa bruhang to. Sigurado awang awa sila sa pwedeng mangyare sa malandi na yan, but the hell I care. She's my f*****g victim now. I'll make sure that she will cry like hell and her heart will be broken like damn heck. "Boss dumadamoves si dexter sa babae mo." Napasalubong naman ang kilay ko ng nakita ko ang bruha na nakikipaglandian. Tsk, di na talaga normal yan sa mga babaeng katulad niya. Napatayo nalang ako, at kinuha ang alak. At agad na naglakad papunta sa private room. It's not my f*****g damn business.
**
"Talaga."¬ "Oo pareho pala tayo nakakatawa talaga shet." Kanina pa ko nakamasid sa kanila, sige lang sila sa kakatawa na parang wala ng bukas. Tangina. Mga takas ba to sa mental. Agad akong lumapit sa kanila, ngunit di siguro napansin ang pagdating ko dahil nagpatuloy lang ito sa paghalakhakan at nag aapiran pa sila. Parang mga bata. "Hoy." Sigaw ko kay panget, hindi naman niya ito pinansin kaya napakuyom ako sa kamay ko. Tangina, mga babae talaga. Basta BUSY sa kalandian, hindi mo maiistorbo. Napatigil naman ng kakatawa tong ugok na ito ng sa wakas napansin ang masamang titig ko. "Baki---" Hindi ko pinatapos pa ang sasabihin ng bruha at marahas ko itong hinarap sa akin, "Kapag kinakausap kita na babae ko, dapat tumingin ka sakin. Wag kang bastos." Madiing sambit ko at mas nilapit pa siya sakin, napalunok naman ito at dahan dahang napatango. Tsk, agad ko tong binitawan at agad na umalis. Di na ako nag atubili pang magpaalam sa mga gunggong. "Sige aalis na ko dexter ha?" Narinig kong sambit pa ng bruha, tangina. at naramdaman ko ang pagsunod niya sakin. "Ano bang nangyare sayo? Bak--" "Pwede ba? Ilugar mo yang kalandian mo, pati ba naman dito ibubulgar mo yang pangangati mo. Nakakasuka ka, wala kang---" Napahinto ako ng bigla ako nitong sampalin. What the f**k. Gigil na gigil naman akong hinawakan ang kamay nito ng mahigpit.
**
"Sino ka para gawin yun ha?" Galit na galit na sigaw ko dito, agad ko namang napansin na naglabasan ang mga gunggong at pinalibutan pa kami. "Wag na wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan, kung sa tingin mo lahat ng babaeng nakapaligid sayo mga malalandi ibahin mo ko. Meron naman akong hiya sa sarili ko." Maluha luhang sagot naman ng bruha, at agad inalis ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Tumakbo naman ito at hindi na ako hinintay pang magsalita. Tangina. "Boss, anong nang---" "Wag kang tanga." Sigaw ko sa gagong magsisimula ng magtanong ng katangahan. "Boss naman" Napakamot pa ito sa ulo, tsk. Di ko nalang pinansin at agad akong umangkas sa motorsiklo ko at pinaandar ito. "Boss hindi ba hahabulin si thalia?" Nagpantig naman ang teynga ko sa narinig ko mula kay Dexter, sinamaan ko ito ng tingin bago suutin ang helmet ko. Agad ko itong pinaandar at umalis. "f**k this damn girl." Napahinto ako ng makita ko ang bruha na naglalakad at halatang nakayuko pa ito, sigurado ngumangawa na naman ito. Ngunit ang mas napansin ko ng may kasalubong itong mga mukhang adik ata sa kanto. "Kapag gabi talaga, maraming gumagalang pangit haha" Narinig kong sigaw ng isa sa mga adik. (tangina akala mo naman mukha siyang tao) Mukhang di naman narinig ni panget ang sinabi nito dahil wala itong naging reaction at nagtuloy lang ito ng lakad. Tsk. "Okay lang na pangit pre, mukha namang may laman" Napakunot noo naman ako sa sigaw ng isa. Tangina.
**
Inalis ko ang helmet ko, at agad na bumaba sa motor ko. Ngunit di pa ako lumalapit sa kanila, pumunta lang ako sa may poste at pagmamasdan lang ang mangyayare. "Hoy halimaw." Sigaw naman ng isang adik kay panget at hinawakan pa nito ang balikat nito kaya biglang natauhan ang bruha. "Tulala ka ata? Iniwan ka ba ng syota mo? Ay oo nga pala, kung ako din pala. May syotang katulad mo na napakasagwa ng itsura sigurado iiwanan kita." Pang aasar pa ng gago, "Oo nga pre, kahit ako rin. Tignan mo nga itsura niya nakakatakot" Sabat naman ng isa. Tsk, makapagsalita naman tong mga hayop na to. Agad namang tinabig ni bruha ang kamay nito, lakas talaga ng loob nito. "Sino ba kayo? Pwede ba? Wala akong panahon sa inyo." Masungit na sigaw nito at nilagpasan sila. Napatawa naman ang mga hayop, "Aba ang taray mo naman, ang pangit mo na nga eh." Sigaw nito, at agad hinila ng marahas si panget. "Uy wag ka ngang umasta na ang ganda ganda mo, eh ang pangit pangit mo nga. Pasalamat ka pagtitiyagaan ka namin." Bulyaw naman ng isa at pinagtulungan nilang paghuhubarin si bruha. Sigaw naman ng sigaw si panget, at nagpupumiglas. Tangina. Nagtatapang tapangan pa kasi. "Kahit anong sigaw mo dito panget walang makakarinig sayo." At tumawa pa ng malakas na parang demonyo ang mga hayop. Tangina. "Parang awa niyo na, bitawan niyo ako." Nagmamakaawang sambit ni panget, at umiiyak na ito. Ngunit patuloy pa rin ang mga hayop sa pagpunit ng damit nito at nagsimula na silang pinaghalikhalikan ang leeg ng bruha, "Hmm mukhang masasarapan tayo dito" Narinig ko pang sambit ng hayop tangina, lalapitan ko na sana ito ngunit napaisip ako. Hindi na ako mahihirapan pa sa pagganti sa babaeng to. Siguradong sira na ang buhay nito. Tatalikuran ko na sana ito ngunit napahinto ako sa pagsigaw nito ng pangalan ko, "Dylan Rivas...."
**
"Ganyan na ba kayo kababoy? Pati pangit pinagsasamantalahan niyo?" Napatigil naman sila ng marinig nila akong magsalita. "Dylan?---" "Hoy sino ka ba?" Maangas namang tanong ng hayop at tinulak pa si panget papunta sa likuran niya. "Wag ka ngang mangialam dito, kung ayaw mong masaktan." Pagbabanta ng isa. Ngunit napailing nalang ako sa kayabangan nila, at nakapamulsa pa akong papalapit sa kanila. "Paano kung gusto kong mangialam? May magagawa ba kayo?" Walang emosyong sagot ko sa kanila, "Aba ang yabang naman ng isang to, hoy. Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo ah." Galit na sigaw ng hayop at agad na sinugod ako. Nakahanda naman ako, at nang susuntukin niya na ako, agad kong nahawakan ang kamao nito, "Sa lahat ng babae, babae ko pa ang nakanti niyo. Mga hayop kayo." At agad ko itong sinuntok sa sikmura nito, napatumba naman ito. Di pa ako nakuntento, inambahan ko pa ito ng sunod sunod na suntok sa mukha. "Dylan.." Napatigil ako, nang biglang sumigaw si panget. Hawak hawak na pala ito ng isa pang hayop at nakatutok pa sa leeg nito ang kutsilyo. Tangina. "Girlfriend mo pala tong mukhang halimaw na to, ibang klase ka ah. Pinatulan mo ang ganitong babae. Siguro masarap to." Nakangising sambit ng aso, at hinalikan pa ang leeg ni panget. Hindi naman makaalpas ang bruha, "Masarap talaga yan. Tikman mo muna." Napasigaw naman ng malakas si panget, at pinagmumura pa ko. Napangisi naman ako. "Talaga okay yan ang sabi mo eh ang---" "Pagkatapos ipuputok ko to sa ulo mo." At agad kong tinutok sa kanya ang baril. Napalaki naman ang mata nito, at agad tumakbo. Tsk, napatingin naman ako sa babaeng iiyak iyak na naman at nakayakap na naman ito sa sarili. Talagang punit na ang mahabang damit nito, "Tumayo ka na diyan." Sigaw ko dito, ngunit hindi niya ako pinakinggan at patuloy lang ito sa paghikbi. Tangina. Nilapitan ko nalang ito, at dahang dahang tinayo. "Yan kasi ang napapala mo." Inis na sambit ko dito, ngunit di naman ito kumibo. Napasinghap nalang ako, hinubad ko agad ang jacket ko at pinatong ito sa katawan niya. Nagtataka naman itong napatingin sakin, ngunit sinamaan ko nalang ng tingin. "Halika na, umuwi na tayo." Sambit ko sa kanya, at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito.
**
"Dylan ano ba ibaba mo na ko." Malakas na pagsigaw nito, dahil di ko nga mahanap ang pake ko kaya mas binilisan ko nalang ang lakad papunta sa kwarto ko habang buhat buhat ito patiwarik, "Pwede ba wag kang mag ingay, ilaglag kita eh" Sigaw ko ngunit di pa rin ito tumigil sa kakasigaw. Tangina talaga. Sinipa ko naman ng marahas ang pintuan ng kwarto ko, at dali daling pinasok ko ang bruha sa Cr. At iningatang ibaba ito. f**k. "Bakit mo ako dinala dito?" Malakas na sigaw nito, shet. Napakunot noo naman ako sa inaasta nito. "Maligo ka, linisin mo yang sarili mo." Sigaw ko dito at sinarhan ito ng pinto. Narinig ko naman itong sumigaw, ngunit di ko nalang pinansin at napahiga nalang ako sa kama. Damn, marami talagang problemang dala tong bruha na to. Kakambal na siguro nito ang kamalasan sht. Napadilat ang mata ko ng marinig kong nagbukas ang pintuan. "Wahhhhhhhhhhhhhhhhh¬h" Napatigil ako ng makita ko si bruha na nakatapis lang, halos mabingi naman ako sa pagsigaw nito. "Tumalikod ka!" Malakas pang pagsigaw nito, napangisi ako sa naging reaction nito dahil di niya malaman kung anong tatakpan niya. Tsk, parang may matatakpan naman. Feelingerang palaka talaga. Imbis na tumalikod ako, inasar ko pa ito. Mas lalo ko pa itong tinitigan na lumalampas na sa nakatapis sa kanya. "Nahihiya ka pa hanggang ngayon? Nahawakan at---" Di niya na ko pinatapos pa at pinagsisigawan at pinagmumura lang ako nito. Natatawa naman ako sa itsura nito, takip na takip siya sa buong katawan niyang habang bumabalik sa cr. Dahil natutuwa ako sa pang aasar sa kanya, agad akong tumayo at binuksan ang pintuan ng banyo ko. Tamang tama hindi pa niya ito nalalock, pagkabukas na pagkabukas ko. Iba ang sumalubong sakin, kundi ang kamao niya sa mukha ko. Tangina. "What the f**k bitch." Sigaw ko dito, agad naman itong napahalakhak na parang tanga at tinuturo pa ako. "Bagay lang yan sayo manyak!" Sigaw nito at sinarhan ako ng marahas ng pinto. Damn.
"Aray ano ba." Galit na bulyaw ko naman sa tatanga tangang nagpapahid sa ilong ko ng ice. Shet Sino pa ba. "Ikaw kasi eh puro kamanyakan pinapairal mo di ko---" "Hoy, kapal naman ng mukha mo. Tignan mo nga. Kung may katawan ka? Ang taas din nga naman ng pangarap mo ha." Inis kong sabat dito, "Sabi ko nga, kaya nga ginagamot na kita diba?" Pabalang naman na sagot nito, tangina. Namaga na agad ang ilong ko, dahil sa malakas na pagsuntok ng bruhang to. Paksyet. "Ako na nga ang nagligtas sayo kanina, ito pa igaganti mo sakin. Ayos ka rin no?" Gigil na sigaw ko dito at agad tinabig ang kamay niya sa panggagamot niya sakin. Mga babae talaga, walang utang na loob. Mga paimportante. Shet. "Sorry na nga diba?" Naiinis pang sambit nito, sinamaan ko naman ito ng tingin. "I'm really sorry. Alam ko na malaki talaga naitulong mo sa akin kanina. Kaya humihingi ako ng sorry at thank you na rin dahil sa ginawa mo." Nakayukong sambit nito at kinagat kagat pa nito ang kuko niya. Dugyot talagang babae. "Anong sabi mo? Di ko narinig?" Sambit ko naman dito, "Sabi ko sorry." Ulit nito. Ngunit di ko pinakinggan at inulit ko pa ang tanong ko, "Di ko talaga marinig eh, What the f**k did you say?" "I said, sorry. Im sorry. Sorry. Sorry." At inuulit ulit pa nito ngunit di naman tumitingin ng diretso sa mata ko. "Repeat what you've said. And said it directly to my eyes." Seryosong sambit ko dito, napakamot naman ito sa ulo at tumingin nga sa mata ko mukha pa itong naluluha. "Sorry na." Napangisi naman ako sa itsura nito, "Okay, tatanggapin ko ang sorry mo..." "Thank y--" Di ko naman pinatapos ang sasabihin nito, "Sa isang kondisyon." Napalaki naman ang mata nito, "May kondisyon pa?" Di makapaniwalang sambit nito. Nginisian ko lang ito, at tinitigan ng diretso sa mata. "Kiss me..."