Chapter Two: His demonic attitude

2960 Words
Sariwa pa sa mga alaala ko ang tagpong iyon kung saan nagkalamat ang relasyon ng magulang ko. Dahil sa pagiging respetado ni papa sa mga babae ay doon na rin nagsimula ang kalbaryo sa pagsasama nila ni mama. Sa mga taon na lumipas lalong lumalala at naging impyerno na ang bahay namin dahil ang nagpapaingay na lamang dito ang kanilang sigawan,sumbatan at mga tunog ng mga malulutong na sampal. Kaya't buti na lamang binilhan nila ako ng PSP, at doon ko na lang tinuon ang buo kong atensyon. Wala naman akong gana mag-aral dahil pumapangit ang araw ko sa tuwing pumapasok ako kasi maraming papansin na babae sa eskwelahan. Kaya mas pinili kong ikulong ang sarili ko sa kwarto ko at maglaro na lang buong araw. Wala namang nagawa si papa dahil iyon ang gusto ko. Ang gusto ko ang masusunod. At nasanay na rin ako sa sistema sa bahay na lagi kong naririnig ang bangayan nilang mag-asawa. Namanhid na ng tuluyan ang teynga ko. "Baby Dylan..." Napatigil ako sa paglalaro nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Awtomatiko namang napakunot noo ako sa tinuran nito. "Ma, Don't call me baby. Hindi na ako sanggol puwede ba? I'm twelve years old for pete sake,” iritableng wika ko sa kanya at pinagpatuloy ko ulit ang paglalaro. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito at naramdaman ko na lamang ang pagtabi nito sa akin. "O, bakit porket twelve years old ka na, di na kita pwedeng tawagin na ganon? Baby pa rin naman kita ah. You're my only baby boy," mapang-asar pa na saad ni mama na ikinasingkit ng mata ko. "What do you need ma? Spill it,” walang ganang tanong ko habang naka-focus pa rin ang tingin ko sa screen na nilalaro ko. "Baby, tingin ka naman kay mama mo, oh----" "Ma, I'm playing. Kung magdadrama ka na naman sa’kin tungkol sa pagtatalo niyo ni papa, pagod na akong makinig. Matanda na kayo at alam niyo na ang gagawin diyan," pagpuputol ko sa sasabihin niya na animo'y wala na akong pakialam. Naramdaman ko naman ang pagkalungkot ng mukha nito kahit ‘di ako nag-atubiling tapunan ito ng tingin. Alam na alam ko na kasi ang kailangan nito. Kailangan naman niya ng atensyon ko na pawang pinagdadamot ko na sa kanyang ibigay iyon. "Anak, Patawad kung hinayaan kong maging ganito ang sitwasyon natin ngayon. Patawad anak kung masasaktan man kita sa mga susunod kong desisyon na gagawin. Basta't tandaan mo mahal na mahal kita ha?" Garalgal ang boses nito ngunit lahat ng binigkas niyang salita ay malinaw sa pandinig ko. Bago pa man tumuon ang tingin ko sa kanya ay mabilis na itong tumayo at lumabas na sa kwarto ko. Hindi ko mawari kung bakit lumalayo na ang loob ko sa kanya. At narinig ko na lamang ang pag-uumpisa na naman ng ingay sa kabilang kwarto. "Pagod na pagod na ako sa ganito Danilo! Ayaw ko na!" sigaw ni mama at halata na nawawalan na ito ng boses dahil sa labis na pag-iyak. "Ano? Hihiwalayan mo na ako?! Sasama ka na ba sa lalaki mo?! Ipagpapalit mo na kami ng anak mo sa pera ha, Brianna!" sagot naman ni papa na halos mayanig na ang buong bahay dahil dumadagundong ang malalim na boses nito. "Hihiwalayan kita hindi dahil sa sasama ako sa lalaking pinagbibintangan mo na wala namang ginawang kasalanan----" "Kakampihan mo ba talaga ang lalaking iyon? Siya na nga ang sumisira sa pamilya natin! Kunsabagay kating kati ka na pala kaya hindi ka na makapaghintay na ipakamot ‘yan sa kanya!" malakas na bulyaw ni papa. Hindi na ako nagulat nang madinig kong nakatanggap na naman ito ng malutong na sampal mula kay mama. Halos mapudpod na ang button ng PSP controller ko sa sobrang pagdiin ko dito. "Wag mong sisihin ang ibang tao! Dahil ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito! Ikaw lang ang dapat sisihin! Dahil sa pagiging makitid ng utak mo!" pasinghal na sagot naman ni mama. "Ako pa ang may kasalanan?! Ako pa ba ang dapat sisihin sa kalandian mo? Ako pa ang may mali? Wow! Oh sige umalis ka! Lumayas ka sa pamamahay ko! ‘Wag kang umasa na makikita mo pa kami ng anak mo Briana! Simula ngayon, burado ka na sa buhay namin! Magsama kayo ng lalaki mo!" walang kasing lakas na litanya naman ni papa kasabay ng malakas na pagsara naman ng pintuan. Kusang napatigil ang mga kamay ko sa paglalaro at dinala ako ng mga paa ko patungo kay mama na nagmamadaling lumabas ng bahay na bitbit ang lahat ng gamit nito. "Ma...." Napahinto naman ito sa paglalakad. At masigla itong humarap sa akin na tila hindi ko batid ang namumugto nitong mga mata. "Baby---" "Are you leaving? Totoo ba ang sinabi ni papa na sasama ka sa ibang lalaki----" Hindi na nito pinatapos ang sasabihin ko nang mabilis itong lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "No baby. Hinding hindi ko kayo ipagpapalit sa kahit na ano. Lalo ka na, anak kita. Walang makakatumbas sa’yo,” malambing na ani niya habang humihikbi ito sa balikat ko. "Then bakit ka aalis? Bakit mo ako iiwan?" Awtomatiko naman itong napabitaw sa pagyakap sa akin. At tinignan ako ng may matinding lungkot sa kanyang mga mata. "Kasi kailangan. At ito ang alam kong tama anak." Napatawa naman ako nang mapait sa sagot nito. At walang alinlangan na tinulak siya palayo sa akin. "Alam mong tama? Tama kasi makakalaya ka ng mapuntahan ang lalaki mo! Tama kasi magagawa mo nang sumama sa lalaking may pera! ‘Yon ang kailangan mo, pera! Nakakaya mong iwan kami ng pamilya mo dahil sa pera----" Isang malutong at malakas na sampal ang pinatikim nito sa akin. Ngunit wala akong naramdaman na kahit anong sakit. "Huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan dahil wala kang alam!" nanginginig na saad niya. At walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa mga mata nito. Ngunit pinanatili ko ang tuwid na tindig ko at binigyan siya nang malamig na tingin. "Dati, ‘di ko maintindihan kung bakit ang init ng dugo ko sa mga babae. Pero ngayon, alam ko na." Natatawang turan ko. "Anak, patawad. ‘Di ko sinasadya. Nagdilim lang------" "Kasi ang kaisa-isang babaeng naturingan kong ina, wala pa lang kwenta,” walang emosyon na dugtong ko. Pilit naman itong lumalapit sa akin ngunit marahas kong winawaksi ang mga kamay nito na kahit dulo ng daliri niya ay hindi makakadikit sa balat ko. "Anak, patawad. Mahal na mahal kita." "Brianna?" Napadako naman ang tingin ko sa lalaking nagsalita. Prente itong nakasandal sa kanyang magarang sasakyan. Base sa postura nito, isa itong lalaking may marangyang buhay. Sa isang tingin ko lang at kilatis ko sa kanya ay kaya nitong bilhin ang lahat ng gusto nito. Lalo na ang mga madadaling babae. Katulad ng aking ina. "Naghihintay na pala ang lalaki mo sa labas. Hindi mo agad sinabi. Sana kanina pa kita pinaalis. Mukhang sabik na sabik na kayo sa isa't isa,” nakapangising ani ko. "Anak…” "Huwag mo akong tawaging anak, nasusuka akong pakinggan. Umalis ka na!" pagtataboy ko sa kanya at matalim pa ang bawat titig na pinupukol ko rito. Napayuko naman ito at tumalikod na at nagsimula nang humakbang palabas ng gate. "Pagkalabas na pagkalabas mo diyan sa pintong yan. Lumabas ka na rin sa mundo ko. Wala na akong ina. Hindi na kita kilala. At maglalaho ka kahit sa alaala ko." Tuloy tuloy naman ito sa paglalakad na tila hindi niya narinig ang mga sinabi ko. Agad namang siyang sinalubong ng lalaking mas pinili niyang labanan kay sa amin. Sumakay siya sa magarang sasakyan at mabilis siyang nawala sa paningin ko. Hindi ko inaasahan na manghihina ang tuhod ko at unti-unti akong napaupo. Kinapa ko ang aking pisngi, at nabasa ang kamay ko. Umiiyak ako. Unang beses na tumulo ang luha ko sa isang babae. Sa isang babae na akala ko hindi ako magagawang saktan. Ngunit dahil sa nagawa niya, nagkaroon ako ng maraming rason para mas kamuhian pa ang lahi niya. Simula nang nawala ang babaeng ‘yon, nagbago ng tuluyan ang aking ama. Nasaksihan ko ang araw-araw nitong pagkabalisa at pagkalunod sa alak. Ngunit ako, wala lang ito sa akin. Bagkos lalo akong naging malaya sa gusto kong gawin. "Dylan! Wala ka na bang ginawa riyan, kundi maglaro?! Hindi ka man lang ba naapektuhan sa pagkawala ng mama mo ha!" malakas na bulyaw nito sa akin habang nakatayo ito sa nakabukas kong pinto. Halata sa mata nito ang matinding pagkalasing. "Bakit naman ako magpapaapekto sa babaeng iyon? Ano naman kung nawala siya? Buti nga iyon, wala na akong ina na walang kwenta---" Napatigil ako sa paglalaro nang may bigla siyang binato sa screen ng nilalaro ko na naging dahilan ng pagkabasag nito. Nanggagalaiti ko namang binalibag kung saan ang hawak kong PS4 Controller. At mabilis na tumayo at tinapunan siya ng nanlilisik na tingin. "What the hell! Kung miserable ka dahil iniwan ka ni mama then magdusa ka mag-isa! Huwag mo akong idadamay kasi wala akong pakealam!" halos lumabas na ang ugat ko sa leeg sa matinding pagsigaw. Nanginginig na din ako sa matinding gigil at poot na namamayani sa akin. Mabilis naman itong pumunta sa direksyon ko at sinalubong ako nito ng isang malakas na suntok sa mukha at sa sikmura. Hindi na ako nakailag pa dahil sa wala na itong hinto sa pagsuntok sa kahit anong parte ng katawan ko. "Wag mong pagsalitaan ng ganyan ang mama mo! Dapat nga hanapin mo siya at magmakaawa ka na balikan tayo! Kunsabagay ano naman ang aasahan ko sa’yo? Wala ka namang silbi! Dapat ikaw na lang ang umalis! Hindi ang mama mo!" singhal nito. At walang ano- ano'y inundayan ako nito ng sunod-sunod na malalakas na suntok, tadyak, at sipa na naging dahilan ng pagkatumba at pagkahiga ko sa sahig at doon siya nabigyan ng pagkakataon upang ulanan ako nito ng pa ulit- ulit na mga suntok. At lahat ng iyon ay hindi ko naiwasan. Sinalo ng katawan ko ang lahat ng pananakit nito. "Then go kill me! Para walang matira sa’yo! Nakakapagod na ring mabuhay kung magiging magulang ko lang ang tulad niyo!" hiyaw ko. Nanghihina na ako ngunit hindi man lang ako nasaktan sa bawat suntok nito. Talagang namanhid na ako ng tuluyan. Awtomatiko itong napatigil nang marinig nito ang sigaw ko. Para itong nabuhusan ng malamig na tubig at biglang natauhan. At mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo nito sa akin. Parang wala ito sa ulirat na pinagmamasdan ang duguan kong mukha. At napahilamos pa ito sa kanyang sarili bago mabilis na tumakbo palabas ng kwarto ko. Napailing na lamang ako at unti-unti akong bumangon. Wala akong naramdamang kirot man lang o hapdi sa mga galos at pasang natamo ko. Wala na akong maramdaman. Naging bato na ng tuluyan ang puso ko. Nang makatayo ako, dumako agad ang tingin ko sa basag na screen at doon ko namataan ang madilim na reflection ng isang batang lalaki. "Nakakaawa ka,” natatawang bulong ko sa kawalan. Nakita ko ang mga sugat na nasa aking mukha. Napakalalim na mga sugat ngunit wala nang mas lalalim pa sa sugat na dinadanas ko ngayon. Hindi na ako papayag na makulong pa sa mundong ito. Nagtungo ako sa banyo at nag-ayos ng sarili. Agad kong sinuot ang itim kong jacket at nagdiretso ako agad sa terrace at tumalon pababa papunta sa parking lot. At mabilis akong naglakad palabas ng gate. Maya’t maya pa ay may biglang dumating na isang lalaking nakamotor at hinagis nito sa akin ang isang helmet na maagap ko namang nasalo. "Kanina ka pa namin hinihintay, Head,” bungad nito sa akin. At agad din siyang bumaba sa motor na sinasakyan niya. "Sinabi ko bang hintayin niyo ako?" walang gana kong tanong sa kanya habang sinusuot ang helmet na binigay nito. "Anong nangyare sa mukha mo, Head? May tumambang ba sa’yo? Anong grupo at tatawag na akong back up---" "Wala ka bang utak? Sa tingin mo ba gano’n ako kahina para lang matalo ako ng mga pipitsugin na kalaban natin. Wala silang panama sa akin. Kahit wala pa kayo sa tabi ko. Kayang kaya ko sila. Hindi ko kailangan ng back up niyo,” iritableng saad ko sa kanya. Napataas naman ang kamay nito hudyat ng pagsuko niya. Wala rin naman itong laban sa akin. Agad akong sumakay sa motor na nakalaan para lang sa’kin at pinaharurot ito ng mabilis. Isa akong lider sa isang gang. Ito na ang naging direksyon ng buhay ko buhat ng nagkandaletse-letse ang sitwasyon ng pamilyang mayroon ako. Pagkarating ko sa kampo. Sumalubong agad sa akin ang isang babaeng nakauniporme. Base sa itsura nito matagal na itong naghihintay sa akin. Kusa akong napatingin sa relo pasado ala-una na pala ng madaling araw. Napahanga naman ako sa tiyaga nito sa paghihintay. Kunsabagay, may oras talaga ang babaeng tulad niya pagdating sa kalandian. "Dylan. Sa wakas naubutan din kita,” natutuwang sambit niya at akmang yayakap ito sa akin nang bigla akong lumayo na pawang may nakakahawa itong sakit. "Wala akong panahon sa babaeng tulad mo. Umuwi ka na,” walang emosyong ani ko. At parang hangin lang ito na nilagpasan ko. Ngunit napatigil ako sa paghakbang nang hawakan nito ang braso ko. "Alisin mo ang madumi mong kamay sa akin,” maowtoridad na utos ko sa kanya ngunit imbis na bitawan nito mas lalo pa itong kumapit sa akin at humarang pa ito sa daraanan ko. Napakunot noo na lang ako sa inaakto nito. "Dylan sobrang tagal kitang hinintay. Bigyan mo naman ako ng kahit kaunting panahon para makausap ka,” pagsusumamo nito at kitang kita sa mukha niya ang pagmamakaawa. Natawa naman ako sa inaasta nito. Napakawalang delikadisa na klase ng babae. Marahas ko namang winaksi ang kamay niyang nakakapit sa braso ko. "Sino ka ba para paglaanan ko ng panahon ko o kahit isang segundo ng oras ko? Wala ka namang kwenta,” mapang-insultong turan ko sa kanya. At tinapunan ko pa ito nang masamang tingin na magpapaunawa sa kanya na nandidiri ako sa ginagawa nito. Awtomatiko namang humikbi ito sa harapan ko na parang bata na inagawan ng candy. Napailing na lamang ako sa kahihiyan ng babaeng ito. Sa bata kong edad, hindi ko mawari kung bakit habulin ako ng mga mabababang babae. Wala silang ginawa kundi pestehin ang araw ko. Lagi silang nagpapapansin at lahat ginagawa nila para makuha ang kahit katiting na atensyon ko. Para silang hayok na hayok sa simpleng tingin ko. Ngunit ang sinusukli ko sa mga kalandian nila ay pambabastos at pagpapakita ng walang respeto. "Dylan bakit may mga pasa ka sa mukha? May nanakit ba sa’yo?" Nag-aalalang tanong niya at napatigil pa ito sa pag-iyak. "Anong paki-alam mo? Ano ka ba? I mean ano ba kita? Isa ka lamang hamak na babae na parang aso na buntot nang buntot sa akin. Kaya wag kang umasta na---What the heck!" Awtomatiko akong napatigil sa pagsasalita nang akmang hahawakan nito ang mukha ko kaya't marahas ko siyang tinulak papalayo sa akin kaya't nawalan ito ng balanse at napasalampak ito sa lupa. "Hindi ka ba marunong makaintindi o sadyang wala ka lang utak? Kinaiinisan ko talaga ang babaeng tulad mo na imbis pag-aaral ang inaatupag. Kalandian ang mas pinapairal. Isa kang malaking kahihiyan sa magulang mo,” singhal ko sa kanya. Wala na akong pakialam sa mga ginagamit kong salita dahil ganito dapat tratuhin ang mga babaeng tulad niya na mangmang at walang ibang alam kundi lumandi. "Pagbilang ko ng tatlo at kapag hindi ka pa nakatayo riyan at hindi ka pa nawala sa paningin ko. May kalalagyan ang malanding babaeng kagaya mo,” kalmadong turan ko pa at pinitik pitik ko pa ang daliri ko sa ere. Halos humalakhak naman ako sa tuwa dahil hindi na ito magkamayaw sa pagtayo at kitang kita ko ang hirap nito. Well, she deserves it. Iyan ang napapala ng kaharotan niya. "Isa…” Inihakbang ko pa ang mga paa ko papalapit sa kanya. Halos manginig naman ang tuhod niya sa takot dahil sa paraan ng pagtitig ko,alam na nito ang magiging kahihinatnan niya. "Dalawa..." Lalo pa akong lumapit sa direksyon niya at tawang tawa na ako sa kanyang itsura. Namumula na ito at lalo itong pumangit sa paningin ko dahil hindi ko na mawari kung napapaihi na ba ito sa sobrang nerbyos. ''Tat---" Bago ko pa matapos ang pagbibilang, mabilis itong tumayo at kumaripas ng takbo paalis. Kusa namang gumuhit sa labi ko ang sarkastiko kong ngiti. "Head, alam ko na kung nasaan ang pinapahanap mo." Napangisi naman ako sa salubong ni Lucas sa akin, isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. Ito na ang pagsisimula ng paghihiganti ko. Mabilis naman akong tumango sa kanya at nagtungo kami agad sa sasakyan at nagdiretso sa lugar kung saan namataan ko ang isang pamilya. Rinig na rinig ko ang malakas nilang tawanan. Napakasaya nga naman nila. Napatingin ako sa isang babaeng sumira ng buhay ko, nakakatuwa nga naman. Masiglang-masigla ito at pawang walang naiwan na pamilya. "Head, handa na ang lahat." Napalipat bigla ang tingin ko kay Lucas at tinapunan ito ng makahulugang tingin. "Siguraduhin mo lang na walang matitira sa kanila,” malalim na saad ko. At naramdaman ko naman na may nakatitig sa akin. Kaya't napalingon ako sa direksyon na yon at doon nagsalubong ang tinginan namin ng isang batang babae. Nagtataka ang mga tingin nito sa akin at pawang kinikilatis ako nito. Binigyan ko naman siya ng malademonyong ngiti na alam kong ikatatakot niya. At hindi nga ako nagkamali dahil mabilis itong tumakbo sa isang lalaki na pawang ‘di maglalayo sa edad ko. Mabilis ko namang binaba ang bintana ng kotse ko bago pa ako maituro nito. "See you in Hell, Mama." Pangising turan ko. At mabilis akong umalis sa lugar na yon na alam kong mabubura ngayong gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD