*I Choose*
Part20
Alex*
POV
Napaka-sama ng pakiramdam ko.
Unti unti ng gumigising ang Diwa ko.
Naririnig ko si Liam na para bang may Kausap.
Idinilat ko ang mga Mata ko.
Nakita ko ito sa Tabi ko at may Hawak na cellphone.
Tinignan ko ang cellphone nya at nakita kong si Phillipe ito.
Bumangon ako agad at kinuha ang cellphone nya.
"P'phillipe? Phillipe. Nagpuputol putol ka. Si Lyn! Nandito si Lyn! Kasama nya si Daisy! Phillipe!" Sigaw ko.
Nagtataka ang reaksyon ni Phillipe sa screen ng cellphone na to.
"Kanina pa nga ko nagsasalita. Hindi sumasagot si Kuya. Nagpuputol." Sabi ni Liam.
"Nako, paano na to. Anong gagawin natin." Sabi ko.
Tuluyan nang nawala ang Signal namin kay Phillipe.
Nag End Call ito at inabot ko kay Liam ang cellphone nya.
"Alex. Ipapahuli na natin sila. Tumawag ako ng Police." Sabi nito.
Tumango ako at umupo sa Kama.
Iniisip ko na sana ay matapos na ito.
Tumabi si Liam saken.
"Alex. May nunal ka din pala sa Palad.pareho kayo ni Iya." Sabi nito.
Tumitig ako agad kay Liam at seryoso ang reaksyon nito habang nakatingin saken.
"Uhm. Talaga? May nunal din si Iya sa ganito." Sabi ko habang pinapakita sa kanya ang Palad ko.
Hindi ito sumagot. Nakatitig lang si Liam sa Mukha ko.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko sya kakausapin o iibahin ko nalang ba ang usapan.
*knock knock knock!
May kumakatok sa Pinto at dali daling tumayo si Liam para pagbuksan ito.
"Kuya. May mga Pulis po sa baba." Sabi ng isa sa kasambahay ni Phillipe.
"Ok sige. Magbibihis lang ako." Sagot ni Liam.
Kakaiba ang tingin ng babae samen.
(Nako. Wag naman sanang mag isip ng Pangit samen to. Baka makarating kay Phillipe at pag awayan namin to.)
Tumango ang babae kay Liam at bumaba na ito.
Lumingon si Liam saken.
"Magbibihis lang ako. Magpahinga ka lang dian." Sabi ni Liam at lumabas ito.
Sinara ang Pinto at nag iisa nalang ako dito sa Kwarto namin ni Phillipe.
Tumayo ako agad at nag ayos.
Kailangan kong marinig kung ano mang paguusapan ng mga Pulis at ni Liam.
Dali dali akong lumabas dito sa Kwarto at naglakad papunta sa hagdan. Bumaba.
Nandito sila Liam at ang mga Pulis sa Sala.
"Bali ikinulong muna namin sila Sir. Yung isang babae matapang pa nga. Tatawagan daw nya Lawyer nya e wala naman kaso samen karapatan nya yon." Sabi ng Matangkad na Pulis.
"Ok. Pupunta ako dun. Kakausapin ko sila." Sabi ni Liam.
Lumapit ako agad at hinawakan si Liam sa Kaliwang Kamay nito.
"Liam. Sasama ako." Sabi ko.
Tumingin ito pababa saken.
"Alex, wag na. Please. Ako nalang." Sabi nito.
Nagmakaawa ako kay Liam na isama ako pero umaayaw ito.
"Bakit ba ayaw mokong isama! May kinakatakot ka ba na baka malaman ko!" Sigaw ko.
Umatras ako dito at mukhang galit ito.
Biglang pumasok sa isip ko.
Nung kami pa at Ako si Iya ay minsan na naming pinag awayan si Lyn.
Hindi lang yata minsan. Madalas.
Nahuli ko silang naghahalikan nun.
Nakayakap si Lyn sa kanya at hinahalikan sya.
Nakita ako ni Liam nun at tumakbo ako agad palayo sa sakit na nararamdaman ko.
Hinabol nya ko at pinaliwanag ang sarili nya.
Sabi nya ay si Lyn ang biglang yumakap sa Kanya at hinalikan sya.
Inayos namin ang relasyon namin nun kaya lang.
Naulit pa at naulit yon.
Pinapakisamahan ako ni Lyn hindi dahil gusto nya kong maging Kaibigan kundi gusto nyang Mapalapit kay Liam.
Ngayon.
Malinaw na saken ang lahat.
Galit nga pala si Lyn saken dahil may gusto sya kay Liam.
"Alex? What the hell are you talking about. Wala akong tinatago. Gusto ko lang makausap si Lyn ng Kami lang. Gusto ko syang pigain kung may kinalaman sya sa nangyare kay Bella." Sabi ni Liam.
"Gusto kong sumama Liam. Kahit hindi na ko humarap kay Lyn. Please lang." Sabi ko.
Napabuntong hininga ito at nakatitig saken.
"Okay okay. Sige. Sa Clear Window ka. Sa kabilang kwarto yun nung kung san ko kakausapin si Lyn. Dun ka makinig. Panoorin mo kame. Wala naman kase akong tinatago." Sabi ni Liam.
Nakaramdam ako ng konting Kirot dahil sa pambibintang ko dito.
"Sorry Liam." Sabi ko.
Tumango ito at lumapit saken.
Niyakap ako.
"It's ok. Alam ko pinagdadaanan mo ngayon. Wag mo kong pag isipan ng Masama. Kakampi mo ko." Sabi nito.
Tumango ako habang yakap sya.
Inalalayan ako nito at lumabas kame ng Bahay.
Sumakay sa Kotse at nakasunod kame sa Kotse ng Pulis.
Makalipas ang ilang minuto.
Nakarating kame dito sa Police Station.
Inalalayan ako ni Liam na bumaba ng Kotse at pumasok kame dito sa Station.
Itinuro ng isang Pulis kung saan kame dadaan at papasok.
Pinapasok ako ni Liam sa isang Kwarto.
Kasama ko ang Tatlong Pulis.
May bintana dito at Salamin na malinaw ito.
Sa Kabila ay nandoon si Lyn.
Nakaupo at nakasimangot.
Nakita ko si Liam pumasok ito at nataranta si Lyn.
Sinalubong nya si Liam at pilit niyayakap kahit naka posas sya pero tinataboy sya ni Liam.
May pinindot na Button ang isang Pulis.
Ngayon.
Naririnig na namin sila Liam at Lyn.
"Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Australia ka." Sabi ni Liam.
"Liam. Hindi kita maiwan e. Namimiss kita." Sabi ni Lyn.
"Namimiss? Bakit nandon kayo sa Likuran ng Mansion ni Kuya. Alam mo bang kay Kuya ang Lupa na yon." Liam.
"H'hindi ko alam. Ang sabi ni Tito Ji--- Ah ano. Bali ako nakaisip nun tapos ayun sinundan kita." Lyn.
"Pinutol mo pa talaga sasabihin mo no? Hanggang kelan mo pagtatakpan si Jim ha. Anong koneksyon nyo sa isa't isa ha! Nakarating samen ni Kuya yung Kuha sa cellphone ni Bella. Naguusap kayo ni Jim. Para San!" Sigaw ni Liam.
Umiiyak si Lyn at umiiling iling.
"Pinatay nyo si Bella?! Napaka walang hiya mo Lyn! Tinuring kang kapatid ni Bella tapos titirahin mo sya ng Patalikod! Wala kang Puso!" Dugtong ni Liam.
Umiiling iling parin si Lyn.
Mukhang ayaw nyang magsalita.
Ayaw nyang sumuko.
"Ano? Hindi ka magsasalita. Walang magagawa yang iyak mo saken. Sa tingin mo ba tutulungan ka ni Jim na makalabas dito? Hindi ka makakaalis basta basta kahit tumawag ka pa ng Magaling na Abogado! May Ebidensya kame na kayo lang ang naka Paligid ni Bella bago sya mamatay! Nasa Autopsy nya yon! Gabi pinatay si Bella! Kwento mo pa samen e hindi mo Alam kung anong Oras lumabas at kesyo nakatulog ka! Yun pala! Ikaw yung pumatay kay Bella!." Sigaw ni Liam.
"Oo! Ako pumatay kay Bella! Marami na syang nalalaman kaya nagawa ko yon! Nagseselos Ako kay Bella, Liam! Nakikita ko yung mga tingin nya Sayo! Ako na madalas mong kadikit hindi mo ko pinapansin!" Iyak ni Lyn.
Eto na at lumalabas na sa Bibig ni Lyn ang pagkagusto nya kay Liam.
"At anong nalaman ni Bella! Sabihin mo!! Tyaka ilang beses ko nang sinabi sayo. Lyn, hindi ako interesado sayo. Hindi mo naman pwedeng ipilit yung Sarili mo Saken. Hindi naman pwedeng gustuhin kita Agad! Si Iya lang ang Mahal ko. Grabe, Lyn. Mas lalo akong malalayo sayo at Pinatay mo si Bella. Hinding hindi kita mapapatawad. Ngayon. Sabihin mo saken. Anong nalaman ni Bella o tatawagan ko Magulang mo para sila mismo magtanong Sayo kung bakit mo pinatay yung Pinsan mo." Sabi ni Liam.
Tumingala si Lyn kay Liam at umiiyak ito.
Mukhang nagdadalawang isip pa kung magsasalita ba sya o hindi.
Naalala kong Takot nga pala ito sa Tatay nya.
"S'si Tito Jim. Gusto nya ipapatay yung mga dumidikit kay Phillipe para si Jane ang pakasalan ni Phillipe pagdating ng panahon. Kaso, narinig kame ni Bella nung gabi na yon. Yun yung sikreto namin. Pero, wala na saken yon. Ikaw ang importante. Ayoko nang gawin ulit yon. Ayokong saktan si Alex kagaya ng ginawa ko kay Iya----" sabi ni Lyn.
"Ano kamo? Kay Iya. Bakit! Anong ginawa mo kay Iya!" Sigaw ni Liam.
"Pinatay ko si Iya. Pero pinagsisisihan ko yon Liam." Lyn.
Lumapit si Liam kay Lyn at sinampal ito ng Malakas.
Sinakal nya si Lyn.
"Demonyo ka!! Mga Hayop kayo!!" Sigaw ni Liam.
Naluha ako sa pag amin ni Lyn kay Liam.
Totoo ngang gusto nya kong mawala.
Pumasok ang mga Pulis at inawat si Liam.
"Patawarin mo ko Liam. Mahal na mahal kita kaya nakipag sabwatan ako kay Tito Jim. Nagseselos Ako kay Iya! Pero hindi lang yon. May isang Iya pa kaming nahanap. Sa Condo nya mismo. Si Tito Jim ang Pumatay don. Dalawa yung Iya nung panahon na yon." Iyak ni Lyn.
"Hayop ka!!! Baliw kana!!" Sigaw ni Liam at inaawat sya ng mga Pulis.
"Hindi ako Baliw! Dalawa sila na Iya! Dalawa na silang Patay tapos ngayon may Alex Pa!!" Sigaw ni Lyn.
Galit na galit si Liam at pumapalag ito sa pagkakahawak sa kanya ng mga Pulis.
Gusto nyang saktan si Lyn.
Naiiyak ako at nakikitang humahagulgol si Liam.
Pagod na ito sa pag palag at napaupo ito.
Pumikit ako at naririnig ko si Liam na umiiyak.
Napakasakit.
"Hayop kayo. Pinatay nyo ang iya ko. Mga hayop kayo." Iyak ni Liam.
"Sino yung Daisy ha! Sino! Sino sya!" Dugtong ni Liam at tumingin ito kay Lyn.
"Sya yung matagal ng Tauhan ng Kuya mo. Matagal na syang may Gusto kay Phillipe. Pero si Alex ang pinagkaka interesan ng Kuya mo. Inaya sya ni Tito Jim na makisama samen at mag Spy kay Alex at Phillipe. Naghihinala si Tito Jim kay Alex. Nung pinatay nya si Iya na nasa Condo. Tinignan nya maigi yung Kwintas ni Iya na suot suot nya sa Condo. Alam ni Tito Jim kung Peke o Hindi ang Dyamante. Sabi nya Peke yung Suot ni Iya na nasa Condo. Yung Iya na binangga ko. Pinagmasdan ko yun. May Kwintas din syang suot. Alam ko patay na sya nun nung iniwan ko sya." Pagpapaliwanag ni Lyn.
Tumayo si Liam.
"Ano yon. Hologram. Dalawang iya pinatay nyo! Magka ibang Araw pa! Tapos si Alex idadamay nyo!" Sigaw ni Liam.
"Hindi ko alam Liam. Pero sabi ni Tito Jim. May Nunal si Iya sa Kanang Palad. Walang nunal yung iya na nasa Condo. Nung nasa Palawan tayo. Nag shake hands sila ni Alex. Nakita ni Tito Jim na may Nunal si Alex sa kung saan din ang nunal ni Iya. Kaya hinala ni Tito Jim. Nag hire si Iya ng Double.
At si Alex ang totoong Iya." Sabi ni Lyn.