*I Choose*
Part19
Alex*
POV
Dahan dahan akong umatras.
Tumingin ako sa ibaba na baka may maapakan ako na Dahon na malutong at baka makagawa ng ingay.
Umatras pa ko ng umatras.
Tumakbo ako pabalik kila Liam at Mang Lando.
Inaayos nila ang Gulong.
"Liam. Mang Lando. Pakibilisan. Please." Natatarantang sabi ko.
Tumingala si Liam saken at nag aalala ang reaksyon nito.
Tumayo sya at hinawakan ako sa magkabilang Pisngi.
"Alex? Bakit. May masakit ba sayo." Sabi nito.
Ramdam ko ang mainit na Luha ko.
Pinunasan ni Liam ang Pisngi ko gamit ang mga Hinlalaki nya sa Kamay.
"T"tara na." Sabi ko.
"Okay ok. Relax ah? Malapit na to. Dito ka lang sa Likod ko." Sabi ni Liam.
Tumango ako.
Salamat at natapos na agad.
Lumingon ako sa paligid.
Mukhang wala sila Daisy at Lyn.
Sumakay agad kame ni Liam at Mang Lando sa Kotse.
Pinaandar nya ito agad.
Niyakap ako ni Liam.
"Alex. What's wrong. Just tell me." Sabi ni Liam.
"Nakita ko sa dulo banda dun sa sira sirang Bahay sila Lyn tyaka si Daisy." Sabi ko.
"Sinong Daisy?" Tanong ni Liam.
"Y'yung kasamahan ko sa Trabaho kay Phillipe. Sa Opisina. Magkasama sila ni Lyn. Nandito si Lyn." Sabi ko.
Tinignan ako ni Liam sa mga Mata.
Nag aalala ito at niyakap ako.
"s**t. Bilisan mo Mang Lando." Sabi ni Liam.
Nakayakap ako dito at umiiyak.
Natatakot ako.
Hindi ko na maintindihan kung ano pang iisipin ko sa nangyayare ngayon.
Paano na si Philippe. Paano yung Plano nya kung sinabi ni Lyn sa Tatay ni Jane na magkasama kame ni Liam sa Sariling pamamahay ni Philippe.
"Relax ka lang Alex. Tatawagan ko ulit si Dad. Kanina sabi nya saken Hindi naman lumabas ng Bansa si Lyn. Eto na yon. Mahuhuli na natin sila." Sabi ni Liam.
Tumango ako at pumikit.
Magkayakap kame ni Liam hanggang sa makarating kame sa Bahay.
Nasa Likuran lang ng Mansion na to ang Sira sirang Bahay kung nasan sila Lyn at Daisy.
Bakit nandito sila at anong pakay ni Daisy.
Naguguluhan na ko.
"Alex? Alex. Look at me. Please. Alex?" Sabi ni Liam.
Umiiyak lang ako at nakatingin sa mga Kamay ko.
Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa pagtawag nya saken.
Nanlalabo ang paningin ko.
"A'alex? Alex!---
****
Liam*
POV
Binuhat ko si Alex palabas dito sa Kotse.
Dali dali along pumasok sa Bahay at pumunta sa Hagdan.
Umakyat ako buhat si Alex at dinala ko ito sa Kwarto nila ni Kuya.
"Pakibukas." Utos ko sa isang kasambahay ni Kuya.
Pagbukas ng Pinto derediretso ako sa Kama at dahan dahang iniHiga si Alex.
Mukhang sinumpong ito ng Panic Attack.
(Bakit ganon. Meron ding Panic Attack si Iya. Pareho sila ng reaksyon. Parehong pareho sila na tumitingin sa Kamay nila. Bihira lang sa Tao na may Panic Attack ang Ganon. Rare yun ganung reaksyon.)
Nag utos ako sa isang Kasambahay ni Kuya na handaan ako ng maligamgam na Tubig at Maliit na Twalya.
Lumabas na ang Babae at tumingin ako kay Alex.
Sobrang nag aalala ako.
Hinawakan ko ito sa Pisngi.
May Luha ito.
Nakakunot ang Kilay nya na parang natatakot ito.
"Alex?" Sabi ko.
Sinusubukan ko kung sasagot sya o magigising sya.
Napapabuntong hininga ako.
Sobra akong nag aalala.
Hindi ko gusto na nakikita syang ganito.
Nasasaktan ako.
Yumuko ako't naiyak.
Ayoko makita ng ganito si Alex.
Naa alala ko si Iya. Ganito sya pag nagkakatampuhan kame. Sinusumpong sya ng Panic Attack.
Nagulat ako at biglang hinawakan ni Alex ang Kanang kamay ko na nakahawak sa Balikat nya.
"Wag mo ko iiwan. Wag ka aalis. Dito ka lang. Please." Sabi nito habang nakapikit.
(Ano to. Ganitong ganito si Iya. Madalas nyang sabihin yon pag may Panic Attacks sya. Pati Boses nila parehong pareho.)
Hinatak ako nito hawak nya ang nasa harapan ng Polo ko at napayakap ako sa kanya.
Natanggal ang butones ng Polo ko.
Niyakap ko ng mahigpit si Alex.
Mayamaya pa'y dumating na ang Babae bitbit ang maliit na palanggana umupo ako ng maayos at inilapag nya ito sa ibaba.
"Salamat." Sabi ko.
Ngumiti ito at naglakad na palabas ng Kwartong ito.
Tinanggal ko na ang Damit ko at pawis na pawis Ako.
Hindi ko pwedeng buksan ang Electric fan at malalamigan si Alex pag pinunasan ko sya.
Inasikaso ko si Alex.
Binanlawan ko ang Twalya at idinampi sa Mukha ni Alex.
Sa leeg. Sa dibdib. Sa Braso.
Napaka liwanag dito sa Kwarto ni Kuya.
Hindi ko inaasahan na pati sa Nunal e pareho sila ni Iya.
May Nunal si Alex sa Kanang Kamay.
Nasa Palad ito.
Saktong sakto yung Pwesto ng Nunal sa kung san din naka Pwesto ang Nunal ni Iya.
Sa Kanan yun.
Sa palad.
Bakit ganon.
Gumagalaw ito at inayos ko ang Pwesto nya sa pagkakahiga.
Kinumutan ko si Alex at pinagmamasdan.
Napaka ganda nito.
Kamukhang kamukha nya si Iya.
Ang First Love ko. First Kiss.
Hinawi ko ang Buhok ni Alex na nakakalat sa Pisngi nya.
Napaka kinis nito at mapula ang Labi.
Kita kong kalmado na ito at natutulog.
Tumayo ako at kinuha ang cellphone ko sa Bulsa.
Tinawagan ko si Daddy.
'Dad. Nandito si Lyn. May kasama sya. Daisy daw pangalan. Tauhan yata ni Kuya yon sa Opisina.' Sabi ko.
'Nako, wag muna kayong lalabas dian ni Alex. Mahirap na. Mukhang kasabwat yon. Ano naman kaya issue non o ka anu ano kaya ni Lyn yon.' Sabi ni Daddy.
Kinuwento ko kay Daddy ang nangyare samen bago makauwi.
Mukhang may suma sabotahe samen.
'Feeling ko alam ni Lyn na magkasama kame ni Alex dito sa bahay ni Kuya.' Sabi ko.
'Sa tingin ko din. Basta wag muna kayong lumabas. Tyaka bakit nandian sila sa Lupain ng Kuya mo? Binili ng Kuya mo ang Lupa na yon. Hindi na nga lang nya naasikaso at lagi may Meeting Kuya mo. Ireport nyo yan para mapalayas sila dian. Ipahuli mo na din kung kina kailangan. Mas maganda mahawakan natin sila. This is it!.' Sabi ni Daddy.
'Yes Dad. Tatawag na ko ng Police para mapahuli sila. Trespassing yung ginawa nila. Baka nga matagal na silang nag i Stay don.' Sabi ko.
'Oo. Baka nga dian pa tumira yung mga Ahas na Yan.' Sabi ni Daddy.
Mukhang gigil ito.
Nagpaalam ito at nakita daw nyang papalapit sa kanya ang tatay ni Jane.
Ibinaba ko ang Cellphone ko nag search at nag dial ng panibago.
Nag dial ako ng Tawag sa Police Station dito sa Lugar na to.
Buti at madali lang mag Search ngayon at madali kong nahanap ang # ng Police Station dito.
****
Phillipe*
POV
Bakit ganito nararamdaman ko.
Feeling ko may nangyaring masama kay Iya.
Pumikit ako't nagdasal.
Sana ligtas sila ni Liam.
"Boss. Eto po gumana na internet naten kahit naka byahe tayo." Sabi ni Raffy.
"Ok. Salamat." Sabi ko.
Binuksan ko ang cellphone ko at nag handa ng Video Call kay Iya.
Hindi ito sumasagot.
"Baby. Come on." Sabi ko.
Wala pa din.
Si Liam naman ang tinawagan ko.
Naka offline ito.
Nag aalala tuloy ako.
Sinubukan kong tawagan Ulit si Iya.
Sumagot ito at nakita ko
Si Liam.
Naka Hubad at hinihingal.
Nawawala wala at nagpuputol putol ang sinasabi nito.
Pinakita nya si Iya na nakahiga.
Nakapikit at para bang Basa ang Mukha nito.
Nakabalot ng Kumot.