Bagong kasabwat

1752 Words
*I Choose* Part18 Alex* POV Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon. Nahihiya ako kay Liam sobra. Naririnig ko itong natataranta at naglalakad lakad. Lumapit ito saken. Nakatingin ako sa mga Paa nya. "Alex? You ok?" Tanong nito. Hindi ako makasagot at hindi makagalaw. Hindi ko alam kung titingala ba ko. "Hey. Pwede kang tumingin." Sabi nito. "Ha?! Anong titingin." Sabi ko habang nakatingin sa mga Paa nya. "I mean. Pwede ka nang tumingin saken. Naka towel na ko." Sabi nito. Dahan dahan akong tumingala. Inaabot ni Liam ang kanang kamay nya saken. Hinawakan ko ito at itinayo nya ko. Tumingin ako sa Sandals ko at sira ang Takong nito. "Hm, may extra ka bang Sandals?" Sabi ni Liam. Tumingin ako agad sa kanya at tumango. Napaka Gwapo nito. Napakalakas ng s*x Appeal. Nakikita ko pa ang pagtulo ng tubig mula sa Basang Buhok nito. Pumapatak ang tubig sa Dibdib ni Liam at pababa sa Abs nya. "Alex?" Sabi ni Liam. Tumingin ako agad sa mukha nya. At umatras. Tumalikod ako. "Uhm, magpapalit lang ako ng Sandals. Bye!" Sabi ko at dali daling lumabas sa Kwarto nya. Pumasok ako sa Kwarto namin ni Phillipe na kaharap lang ng Kwarto ni Liam. NiLock ko ang Pinto at tumakbo sa Kama. Tumalon ako dito padapa. Ningudngod ko ang Mukha ko sa Unan. Sobrang hiyang hiya ako. "Grrrr! Kainis!!!" Hiyaw ko habang nakangudngod ang Mukha ko sa unan. Tumayo ako at lumapit sa Salamin. Namumula ang mga Pisngi ko. (Oh no! Baka napansin ni Liam na nag blush Ako.) Kinuha ko ang Pulbos sa harap ko at dinampian ang Pisngi ko. *knock knock "Alex? Ready ka na ba?" Sabi ni Liam. Nasa labas sya ng Kwarto namin ni Phillipe. "Oo! Antayin mo ko sa Sala. Mag aayos lang ako ng konti." Sabi ko. "Okay sige." Sabi nya. Nagpalit agad ako ng Sandals at dali dali nang naglakad palabas dito sa Kwarto. Bumaba ako at nandito sa Sala si Liam. Napaka gwapo nito. Naka pantalong maong at naka Polo na Puti na mahaba ang manggas. Bagay sa kanya yung Buhok nya na medyo Kulot. Lumingon ito saken at ngumiti. Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksyon ko. Kaya. Tumingin nalang ako sa ibaba. "Hey, it's ok. Aksidente lang yon. Tyaka bakit ba kase nandun ka sa Pinto ko." Sabi nito. "Uhm, kakatok sana ko. Akala ko tapos kana. Tapos namali ako ng hakbang. Natanggal yung Takong ng sandals ko." Pagpapaliwanag ko. "Hmm, ok. Alex. Look at me." Sabi nito. Nakatingin parin ako sa ibaba at nakita ang pares ng Paa nya papalapit saken. Nasa harap ko si Liam. Napaka bango nito. Mukhang popormahan nya si Alicia sa lagay nyang to. Hindi ko naman maiwasang malungkot pero Mahal ko si Phillipe. "Alex? Kalimutan na natin yung nangyare kanina. Ok?." Sabi nito. Habang nakayuko ako ay tumango ako. "Tara na." Aya nito. Tumingala ako sa kanya at nakangiti ito saken. Ngumiti din ako at nagsimula na kaming lumabas dito sa Bahay. Inalalayan ako ni Liam na sumakay sa Kotse. May driver kame. Yung pinsan to ni Mang Raffy. Si Mang Lando. Mabait din ito kaso naiilang ako kase nga Kamukha ko si Iya na ako naman talaga si Iya pero kilala nila ko bilang si Alex. Habang nasa byahe ay iniisip ko si Phillipe. Siguro e nakasakay na sya sa Eroplano na pinangalan nya saken. Si Liam. Ramdam kong pinagmamasdan ako nito. Hindi ko ito nililingon kase nahihiya ako. Tahimik lang kame sa Buong Byahe namin papunta kay Alicia. Makalipas ang ilang minuto. Nandito na kame sa Ospital. Inalalayan ako ni Liam na bumaba at nagpaalam si Mang Lando na tatambay sya sa Park. Pumasok kame ni Liam sa Ospital at sumakay sa Elevator. Pinagmamasdan pa din ako nito. Deretso lang ang tingin ko at ayokong humarap sa kanya. Pag hinto ng Elevator. Bumukas ito at inalalayan ako ni Liam. Napaka gentlemen nito parehong pareho sila ng Kuya nya. Naglakad kame papunta sa Kwarto ni Alicia at ng pagbukas ko ng Pinto. Nandito si Tita Flora o Tita Lyana sa totoong pangalan nya. "Oh, Alex." Sabi ni Tita at lumapit ito saken. Niyakap nya ko at tumingala ito kay Liam. Nakangiti si Tita samen at bumalik na ito sa Tabi ni Alicia. "Ate!" Sabi ni Alicia at nakabukas ang mga Kamay at Braso nito. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. "Excited na kong makasama ka. Sana palabasin kana ng Doctor." Sabi ko. "Oo nga Ate. Gusto na kita makasama. Maka bonding. Miss na miss ko na yung lagi nating ginagawa." Sabi nito. Tinignan ko si Alicia sa mukha at masaya ang reaksyon nito. Masayang masaya ako at hindi na ito namumutla. Lumabas ang pagkapula ng Labi nito. "Nakakamiss yon. Naglilinisan tayo ng Kuko sa isa't isa. Tapos namamasyal tayo sa Mall." Sabi ko. Tumango ito at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan ko ito sa Noo at nakatingin ako kay Tita. Nakangiti ito samen. Bumitaw si Alicia at lumingon sa nasa Likuran ko. "Hi Liam. Kamusta." Sabi nito. "Okay naman, namiss kita." Sabi ni Liam. Umatras ako at lumapit si Liam kay Alicia. Hinawakan ang mga Kamay ng Kapatid ko. Nagtitinginan sila sa isa't isa. Ako. Hindi ko alam kung Masaya ba ko o Nasasaktan ako sa nakikita ko. Pero biglang pumasok si Phillipe sa isip ko. Tumingin ako kay Tita at nakatitig ito saken. Nag aalala ang reaksyon nito. Mukhang alam nya kung anong nangyayare saken o kung anong namamagitan samen ni Liam. Pumasok sa isip ko. Nung magising ako sa Aksidente bago ako i hypnotize ni Tita ay binanggit ko ang Tungkol kay Liam at Phillipe. "Alex? Tara muna sa labas at iwan natin tong dalawa na to. Nagkalat ang mga Langgam sa Lapag." Sabi ni Tita. Nagtawanan kame nila Liam at Alicia. Tumango ako kay Tita at lumabas kame ng Kwarto. Naglakad lakad kame. "Ang hirap ng sitwasyon mo Hija. Hindi alam ni Liam na Ikaw eh." Sabi nito. "Hindi Tita. Hindi pa ko ready ipaalam sa kanya." Sabi ko. Tumango ito. "Magiging ok din ang Lahat." Sabi ni Tita. Niyakap ko ito at niyakap din nya ko. Sobrang pasasalamat ko sa Tao na to dahil kung hindi sa kanya e baka wala na ko sa Mundong ito. Makalipas ang ilang minuto. Bumalik na kame ni Tita sa Kwarto ni Alicia. Nagtatawanan sila ni Liam. Mukhang masayang masaya sila sa Topic nila. Lumapit ako sa Kaliwa ni Alicia at umupo sa tabi nya. Tumingin ito saken at sumandal sa Balikat ko. "Ate, gusto ko ng lumabas dito." Sabi nito. "Mamaya kakausapin ko ang Doctor mo. Tatanungin ko kung pwede ka na bang lumabas." Sabi ko. Tumango ito at yumakap saken. Tumingin ako kay Liam at nakatitig ito saken. Nakangiti. Ngumiti din ako. Makalipas ang ilang Oras. Umorder si Liam ng Pagkain. Pagdating ay kumain kame. Inalalayan ko si Alicia habang kumakain ito. Nakita kong bumabalik na sa dati ang katawan nito. Tumataba si Alicia at magandang balita yon. Napakabilis ng epekto ng pagkakatanggal sa tumor nya. Pagkatapos kumain ay nagpaalam si Tita na uuwi na sya. May mga aayusin pa daw sya sa Bahay nya. Kame nalang tatlo nila Liam at Alicia ang nandito sa Kwarto. Nagku kwentuhan kame ng tungkol sa mga ginagawa ni Liam sa Palawan. Masayang masaya akong nakikita si Alicia na nakangiti. Napapatawa ni Liam ang kapatid ko. Ito ang pinaka importante para saken. Makalipas ang ilang oras. Kailangan ng magpahinga ni Alicia. Mamayang Gabi na ulit ang gising nya. Kinausap ko ang Doctor ni Alicia at kailangan pa nyang mag stay dahil Hindi pa magaling ang sugat nya at naiintindihan ko yon. Pinaliwanag ko kay Alicia ang napag usapan namin ng Doctor nya. "Okay Ate. Naiintindihan ko. Mas magandang pagalingin ko muna tong Tahi ko sa Ulo para walang problema. Tyaka para pag labas ko dito e magba bonding na tayo agad." Sabi nito. "Basta tiis tiis muna tayo ah. Simula ngayon Araw araw ka namin dadalawin ni Liam. Hmm. Mukhang gusto mo yon?" Panunukso ko dito. Tumawa ito at niyakap ako. Niyakap ko din sya at tinignan sa mga Mata. "Hay nako Ate." Nahihiyang sabi nito. Tumawa ako at narinig ko din si Liam na natawa sa biruan namin ng Kapatid ko. Nagpaalam na kame ni Liam kay Alicia. Humiga na ito at pumikit. Nakatulog din to agad at dahan dahan kameng lumabas ni Liam at ng dalawang Nurse. Naglakad kame ni Liam at sumakay sa Elevator. Pagbukas dali dali kaming naglakad palabas dito sa Ospital. Tinawagan nya si Mang Lando at nakasalubong namin ito. Naglakad kame papunta sa Parking Lot at sumakay. Habang nasa byahe ay nakangiti ako. Excited na ko sa paglabas ni Alicia sa Ospital. Makalipas ang ilang minuto. Malapit na kame sa Mansion ni Phillipe ng Pumutok ng malakas ang Gulong ng sasakyan namin. Naalog kame dito sa Loob at napakapit ako kay Liam. "Mang Lando? What's going on." Tanong ni Liam. "Boss. Pumutok yung gulong naten. Ngayon lang nangyare to." Sagot ni Mang Lando. Ako. Takot na takot na nangyare ngayon. Para kasing putok ng Baril ang narinig ko. Lumabas si Mang Lando at tinignan ang gilid ng Kotse. Mukhang sira ang isang Gulong ng sasakyan namin. Nakatagilid kame ni Liam ng upo. Binuksan nito ang pinto ng sasakyan at inalalayan ako. Malapit na kame sa Mansion at bakit ba ngayon pa Pumutok ang gulong nito. Lumingon ako sa paligid at walang Tao dito kundi kameng Tatlo lang nila Liam at Mang Lando. Nagtulong sila sa pagpapalit ng Gulong. Ako. Naglakad lakad. May mga Puno na matataas dito. Nakangiti ako habang tinitignan ang mga ibon. Nawala ang ngiti sa Mukha ko ng makita ko Si Daisy. Nasa malayong Banda sya. Malinaw na malinaw saken na sya yon. Kahit balot na balot ang Katawan nya at naka Sumbrero ay alam Kong sya yon. Nakatayo sya sa Gilid at parang pinagmamasdan Ako. Ng mapansin nyang nakatingin Ako sa kanya ay dali dali itong naglakad palayo. Napakalayo nya at kahit tumakbo ako e Hindi ko sya maaabutan. "Anong ginagawa nya dito? Malayo ang inuuwian nya mula dito, pero bakit nandito sya." Nasabi ko. Sinubukan ko maglakad ng mabilis. Nagtatago ako sa likod ng Puno. Lumilingon sya at parang tinitignan kung sumunod ba ko sa kanya o may sumusunod ba sa kanya. Tumakbo ito at naglakad pa ko. Nagtago ulit ako sa Puno. Sa isang sira sira na Malaking Bahay ay pumasok ito. Hindi ko na gustong mag Stay pa dito dahil Hindi ko nagustuhan ang Nakita ko. Sinalubong ni Lyn si Daisy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD