*I Choose*
Part17
Alex*
POV
Nagiging malinaw na saken ang lahat ngayon pero.
Napapaisip ako kung anong Plano ni Bella.
Sino ang Pumatay sa kanya pati dun sa Lalaki na nakasama ni Jane sa Hotel Room nya.
Anong koneksyon ni Lyn sa Tatay ni Jane.
May alam kaya si Jane tungkol kay Lyn at sa Daddy nya.
"Phillipe.Liam. Anong gagawin natin?" Tanong ko.
"Hm, mas maganda kung babalik ako sa Palawan Kuya. Nag aalala ako kay Dad. Baka mapano sya." Sabi ni Liam.
"Hindi. Ako mismo ang babalik dun. Dito kayo ni Alex sa Bahay. Ako na bahala. Kunwari tutulungan ko si Daddy sa mga Kaso ni Bella pero mag i imbistiga ako. Kakausapin ko si Jane." Sabi ni Phillipe.
"Teka, Phillipe. Sigurado ka ba?" Tanong ko.
Tumango ito.
"Don't worry baby. Ako bahala. Tyaka mukhang kakampi naman natin si Jane. Mag iingat akong mabuti. Kunwari lang din na Hiwalay na tayo. Papakiusapan ko si Jane na magpanggap kame sa Harap ng Daddy nya. Sasabihan ko din si Dad tyaka si Ninong ng tungkol sa Plano ko." Sabi nito at nakatingin saken.
Lumapit ako kay Phillipe at niyakap ito ng mahigpit.
Niyakap din nya ko at hinalikan sa Ulo.
Ramdam ko namang nakatitig si Liam samen.
Bumitaw ako at hinawakan ako ni Phillipe sa magkabilang Pisngi.
Hinalikan ako nito sa Labi at niyakap ko sya sa Bewang nya.
"Mag aayos na ko ng Gamit. Dito ka lang ah. Wag kang lalayo kay Liam. Isipin mo ko lagi. Pag may pagkakataon Tatawagan kita. Okay?" Sabi ni Phillipe at hinalikan ako sa noo.
"Oo. Mag iingat ka ah. Isipin mo din ako lagi. Mahal na mahal kita Phillipe." Sabi ko.
"Mahal na mahal din kita Alex." Sabi nya at niyakap ako ulit.
"Liam. Wag mong papabayaan si Alex. Mag iingat kayo pag lalabas kayo ng Bahay." Sabi ni Phillipe at nakatingin ito kay Liam.
"Yes Kuya. Ako bahala kay Alex. Don't worry I'll protect her." Sabi ni Liam.
Bumitaw si Phillipe saken at lumapit ito kay Liam.
Niyakap ang kapatid nya.
Naglakad kameng tatlo papunta sa Kainan para mag Agahan.
Pagkatapos kumain ay umakyat kameng tatlo.
Pumasok kame sa Kwarto ni Phillipe.
Tinulungan ko itong mag ayos ng Gamit.
Si Liam nakikipag usap sa Cellphone nya.
Kausap nya ang Daddy nila.
Sinabi nitong uuwi ang Kuya nya.
Pagkatapos mag Ayos ng gamit ni Phillipe ay tinawagan nito ang Driver nyang si Mang Raffy.
Isinakay nito ang Maleta ni Phillipe at nagusap sila na kailangan nyang bumalik sa Palawan.
Nag paalam si Phillipe saken at bago ito sumakay ng kotse ay niyakap ko ito.
Binuhat ako ni Phillipe at hinalikan sa Labi.
Naiiyak ako sa nangyayare.
"Baby please don't cry. Stop crying. Please." Mahinahon na sabi nito habang pinupunasan ng daliri nya ang Luha ko.
"Hindi ko maiwasan e." Sabi ko.
Niyakap ako ni Phillipe.
Pumikit ako at nagdasal na sana matapos na ang lahat.
Ibinaba ako nito at iniwanan ako ng matatamis na Salita.
Hinalikan ko sya sa Labi at sumakay na ito sa Kotse.
Umatras ako at inalalayan ni Liam.
Umiiyak ako habang nakatingin sa Kotse na sinasakyan ni Phillipe.
Umandar ito at binuksan ni Phillipe ang bintana para silipin ako.
Kumaway ako dito at ngumiti ito saken.
(Wag ka sanang akitin ni Jane.) Hiling ko.
Pinagmamasdan ko ito hanggang sa makalabas na sa malaking Gate.
Nawala na sa paningin ko at isinara ng Guard ang Gate.
Napahahulgol ako.
Sobrang nahihirapan ang damdamin ko.
"Alex. Let's go inside. Mamaya punta tayo kay Alicia." Mahinahon na sabi ni Liam.
Nasa likuran ko ito at hinihimas ang likod ko.
Tumango ako at naglakad kame papasok dito sa Bahay.
Pumunta kame sa Sala at pinaupo ako ni Liam sa Sofa.
Nagpakuha ito ng Tubig inumin sa isang kasambahay.
Pagdating ay inabot ni Liam saken ang Baso.
Ininom ko ito at dahan dahang inilapag sa mesa.
"Liam. Nag aalala ako sa Kuya mo." Sabi ko.
"Alex. Wag ka mag alala. Alam ni Kuya kung ano ginagawa nya. Mag pray lang tayo na sana masingil na natin yung mga Taong pumatay kay Bella." Sabi nito.
Oo nga pala at hindi pa alam ni Liam ang tungkol sa pagkatao ko.
"Sana nga mahanap na natin ang may Gawa non kay Bella." Sabi ko at tumingala kay Liam.
Nakatayo ito sa harap ko.
"Relax ka lang. Pahinga ka muna. Mayamaya ligo tayo tapos punta na tayo kay Alicia." Sabi nito.
Tumango ako at yumuko.
Hindi ko gusto ang pwesto namin ngayon.
Sa likuran nya sa malayung banda ay nakatingin ang mga Kasambahay.
Mukhang pangit ang pagkakakita nila samin.
Napansin agad ni Liam ang pagkairita ko at umupo ito sa Kanan ko.
Malayo ito.
Hindi sya pwedeng dumikit saken at mas lalong pangit sa Paningin ng mga nakakakita samin.
Lalo't alam nila na may Relasyon kame ni Phillipe.
Sumandal ako at pumikit.
Iniisip ko si Phillipe.
Nasa bulsa ko ang cellphone ko at kinuha ito.
Nagtext ako kay Phillipe.
/Mag iingat ka sa byahe. I love you.---Sabi ko.
/I love you too. Pahinga ka lang dian ah. Pumunta kayo mamaya kay Alicia.---Reply nya.
/❤️--- Reply ko.
/?--- Reply nya.
Nangiti naman ako at tumingin kay Liam.
Mukhang kanina pa nya ko pinagmamasdan.
Ngumiti ito at ngumiti din ako sa kanya.
Makalipas ang ilang minuto.
Tumayo ako at nagpaalam kay Liam na maliligo na.
"Sige, go na. Ligo na tayo. Magtetext lang ako kay Dad. Matagal naman kayo matapos mga Babae sa pag aayos e." Nakatawang sabi nito.
"E pagkatapos maligo nag me Make up kame. Ganun talaga. Pero may mga babae naman na hindi na kailangan ng Make up.ako kase nag me Maka up lang pag aalis." Sabi
ko.
"Hindi mo naman kailangan ng Make up e. Maganda kana." Sabi nito.
"Ay, Ewan ko sayo." Sagot ko.
Tumatawa ito at naglakad na ko't pumunta sa hagdan paakyat papunta sa Kwarto namin ni Phillipe.
Pag pasok.
NiLock ko ang Pinto at kumuha ng Twalya tyaka pumasok sa CR.
Namimiss ko tuloy si Phillipe.
Kagabe lang e sabay kaming nag half bath.
Sinabit ko ang Twalya at pumasok na sa Cubicle.
Nagsimula na kong maligo.
***
Phillipe*
POV
Mabigat sa loob ko at malalayo ako kay Iya.
This time hindi ko na sya papakawalan pa.
Nakakalungkot lang at may mga Tao na gusto kameng paghiwalayin.
Sana lang ay matanggap ni Liam sa sarili nya ang Katotohanan tungkol sa Pagkatao ni Alex.
Nag aalala din ako at bakit ganito ang nararanasan ni Iya.
May mga Tao din na gustong saktan ang Mahal ko.
Hindi ako papayag.
Kailangan ko ng gumawa ng Aksyon.
Alam kong may kinalaman ang Tatay ni Jane sa mga nangyayare ngayon.
Sila ni Lyn ang huling nakapaligid kay Bella.
Napapaisip tuloy ako kung ano bang nalaman ni Bella sa kanila at pinatahimik nila.
Ano din ang pakay ni Lyn kay Iya.
Bakit sya nakasunod sa Mahal ko.
Bakit nya gustong saktan o patayin si Iya.
Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.
"Boss? Ano po ba kaseng nangyayare?" Tanong ni Raffy.
"May nakarating saken na mga Litrato. Galing sa cellphone ni Bella. Si Lyn yung barkada ni Liam tyaka tatay ni Jane magkausap e. Picture lang yon. Si Bella yung nag picture sa kanila. Sila lang huling nakasama ni Bella bago namatay sa palagay ko." Sabi ko.
"Nako Boss. May something talaga dun sa Lyn. Iba mga tingin nya kay Ma'am Alex e. Hmm. Sabagay. Nakapagtataka din kase magkamukha si Ma'am Alex tyaka Ma'am Iya." Sabi nito.
"Oo nga e. Kahit ako nung una nagtataka din." Sabi ko.
"Nga pala Boss. May sasabihin ako." Sabi nito.
Mukhang seryoso ito sa pananalita nya.
"Ano yon." Sabi ko.
"Pagdating natin kahapon. Bago tayo pumunta sa Mansion mo kasama si Ma'am Alex eh parang may nakasunod saten. Ewan lang boss kung nakasunod yon o baka kapareha lang ng direksyon natin kase bigla din nawala." Sabi nito.
"Nawala agad? Saan banda nung humiwalay yon ng daan." Sabi ko.
"Pagpasok natin sa Gate ng Mansion mo." Sabi ni Raffy.
"E hindi naman sya basta basta makakapasok sa Gate naten.At kung dederetso sya e bawal sya dun. Private Property ko yun ah." Sabi ko.
"Kaya nga Boss. Dumeretso sya. Nagpunta sya sa kalapit Bahay. Dun sa gilid ng Bakuran ng Mansion mo." Sabi nito.
Sa gilid.
Ang alam ko abandonadong Lugar yon.
Wala ng nakatira dun at binili ko ang Lupa na yon.
Sa Akin na yon.
Bakit may pupunta don e Pagmamay ari ko yon.
Sa tagal ng naka tengga nun e ngayon lang may nag iinteres sa Lupa na yon.
****
Alex*
POV
Pagkatapos maligo ay nagpatuyo ako ng Buhok at nag hanap na ng masusuot.
Nakita ko ang Dress ko na Kulay Pink.
Ito na ang susuotin ko.
Pagkabihis ay nag Make up ako.
Nag ayos ng Buhok at tinitigan mabuti ang Sarili ko sa Salamin.
Mukha akong mahinhin sa itsura ko.
Nilagay ko na sa maliit na SlimBag ang makeup at cellphone ko tyaka lumapit sa Pinto at binuksan ito.
Lumabas ako at napansin na nakabukas ng Konti ang Pinto ng Kwarto ni Liam.
Iniisip ko na baka naligo na sya.
Baka nga tapos na sya.
Naalala ko, noon e mga ilang minuto lang kung maligo si Liam.
Dahan dahan akong lumapit dito at sumilip.
Hindi ko inaasahang makikita ko si Liam.
Nakahubad ito.
Walang kahit na ano sa Katawan at kitang kita ko ang ibaba nya.
Seryoso itong nakikipag usap sa Cellphone at lumapit pa ko para makinig kung sino man ang kausap nya.
At
Aksidenteng natalisod ako sa Takong ng sandals ko.
Natanggal ito.
Nasubsob ako papasok sa Kwarto ni Liam.