Koneksyon

1270 Words
*I Choose* Part16 Alex* POV Tama si Phillipe. Si Lyn nga ang nasa drawing ko. Pero bakit. Bakit Hindi ako tinulungan ni Lyn ng panahong iyon. Naalala ko nung nasa Beach ako kasama sila. Iba ang mga Tingin ni Lyn sakin at may pagtataka. Pansin ko din na Tahimik sya masyado. "Phillipe. Bakit kaya hindi ako tinulungan ni Lyn." Sabi ko. "Hindi ko alam baby. Pero aalamin natin Okay? Simula ngayon wala muna tayong pagsasabihan ng Tungkol sa Ikaw si Iya." Sabi ni Phillipe. "Oo, mas maganda kung pag aralan nyo muna yung Kilos ng mga nasa Paligid nyo. Lalo kana Iya. Mahirap na. Mas maganda na umarte kayo na Ikaw si Alex." Sabi ni Tita Lyana. Tumango kame ni Phillipe at nagpaalam na si Tita na babalik na sya sa Apartment nya. Nakakatuwa lang at sinabi nya agad saken ang lahat lahat. Kaya pala ganun nalang ang pag aalala nya kay Alicia ay dahil kadugo nya. Nagsimula na kami ni Phillipe sa pag eempake. Tumawag din sya ng mga Boy para sa kukuha ng mga Gamit namin ni Alicia dito sa Bahay. Pagkatapos mag lagay ng mga Damit sa Bag at Maleta ay inaya na ako ni Phillipe na sumakay sa Kotse nya. Ang mga Tauhan na nya ang Bahala sa iba pang Gamit namin ni Alicia. Pagsakay sa Kotse. "Phillipe. Paano natin makakausap o maku kumpronta si Lyn? Papunta sya sa ibang Bansa diba?" Sabi ko. "Tatanungin ko si Eunice. Baka sakali lang naman na may napansin sya kay Lyn." Sabi nito. "Si Eunice ba mapagkakatiwalaan natin? Kase diba. Close sila ni Lyn. Pano kaya yon." Sabi ko. "Hmm, kilala ko si Eunice matagal na. Hindi masama Ugali nun. Tyaka harap harapan yun kung magagalit o makikipag away. Parang si Jane yun. Pareho sila ng Ugali kaya hindi sila magkasundo." Sabi nito. Sumandal ako sa balikat ni Phillipe at hinalikan ako nito sa Noo. Makalipas ang isang Oras. Nakarating na kame ni Phillipe sa Bahay nya. Gulat na gulat naman ang mga Kasambahay nya dahil may mga Bitbit kaming Bag at Maleta. Inutusan ni Phillipe ang Tatlong Kasambahay nya na tumulong samen at iakyat sa Kwarto ni Phillipe ang mga Gamit ko at ang Kay Alicia ay sa isa pang Kwarto. Umupo ako sa Sofa at tinabihan ako ni Phillipe. Alam nitong sobrang nag aalala ako sa nangyare. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit nagawa ni Lyn yon saken. Wala akong matandaan na may ginawa akong masama sa kanya. Iniisip kong maigi. Close na close kame. Malambing din sya saken non. Wala talaga akong maalala na Sinaktan ko sya o Inaway manlang. "Baby. Please. Wag ka mag isip isip ng kung anu ano. Makakasama yan sayo. Lalo sa Memory mo diba?" Sabi ni Phillipe. "Nag aalala kase ko. Wala akong matandaan na Inaway ko si Lyn. Bakit sya ganun saken. Bakit hindi nya ko tinulungan." Sabi ko. Niyakap ako ni Phillipe. Inaya Ako na umakyat at Pumunta sa Kwarto namin. (Namin. As in Kwarto namin.) Para bang Live in kame nito. Naglakad kame at umakyat. Pumunta kame sa Kwarto at pinahiga ako ni Phillipe. Minamasahe nito ang Ulo ko at nakaka relax ito. Dinalaw ako ng Antok. Makalipas ang ilang oras. Ginising ako ni Phillipe na kakain na kame ng Dinner. NagText na daw sya kay Liam pero. Gusto daw sabayan ni Liam si Alicia na kumain ng Dinner. Inalalayan ako ni Phillipe at naglakad kame palabas sa Kwarto. Bumaba kame at pumunta sa Kainan. Umupo kame at kumain. Habang kumakain ay binanggit ni Phillipe saken na nakausap nya si Eunice habang tulog Ako. "Sabi ni Eunice. Parang weird daw si Lyn. Napansin daw nya yung mga Tingin sayo pero hinayaan nalang nya. Iniisip daw nya kase kamukha mo daw si Iya. Hindi alam ni Eunice ikaw nga si Iya." Sabi ni Phillipe. Pumasok sa isip ko. Si Eunice ang laging kaharutan ko non. Pag nagkakatampuhan kame ni Liam si Eunice ang nagaayos ng Relasyon namin. Pero sa ngayon ay ayoko munang ipaalam sa kanya na Ako ang Kaibigan nyang si Iya. "Sana lumabas na agad ang katotohanan." Sabi ko. "Malalaman din natin kung Sino ang Puno't Dulo nito. Basta pray lang tayo ah. Wag ka lalayo saken. Dapat lagi tayong magkasama." Sabi nito at hinalikan ako sa Noo. Tumango ako at kumain na ulit kame. Pagkatapos kumain tumayo kame ni Phillipe at naglakad papunta sa Sala. Umupo ako at tinawagan nito si Liam. Pauwi na si Liam. Kasabay na ni Liam si Mang Raffy. Nandito lang kame ni Phillipe at nanonood ng T.V. Nag aantay kay Liam. Makalipas ang ilang minuto. Dumating na si Liam at masayang masaya ito. Nagkwento ito tungkol sa mga Topic nila ni Alicia kanina. Hindi ko naman maiwasang maluha. Ang Lalaking ito ang muntik ko ng mapangasawa. Ang Lalaking ito ang First Love ko. First Kiss. "Tapos ayun excited na sya na umuwi dito. Syempre excited na din Ako. Makaka bonding ko sya. As in dito mismo sa Bahay mo Kuya." Nakatawang sabi ni Liam. Tumingin ito saken at nawala ang ngiti sa Mukha nya. "Alex? You okay? Inaway ka ba ni Kuya." Nag aalalang tanong nito. "Hindi. Masaya lang ako kase magkasundo kayo ng Kapatid ko." Sabi ko. "Oh. Hehe. Alam mo. Ang lambing ng Kapatid mo. Magkapatid nga kayo. Ano kaya magiging reaksyon nya pag sinabi ko sa kanya na gusto ko syang Ligawan." Sabi ni Liam. Hinawakan ako ni Phillipe sa Likuran. Senyas na sumagot ako agad. Natulala kase ko. "Uhm. Matutuwa si Alicia. Mas maganda yun. Magkapatid sa Makapatid. Ang Sweet lang." Sabi ko habang nakangiti. Mukhang masaya si Liam at nagpaalam ito na aakyat na sa Kwarto nya. Tumingin ako kay Phillipe at humingi Ako ng pasensya. "It's ok baby. Naiintindihan naman kita. Ang importante e Ako ang kadikit mo. Tyaka Mahal na mahal kita. Tandaan mo yan ah?" Sabi nito. "Salamat. Mahal na mahal din kita Phillipe." Sabi ko at hinalikan ko ito sa Labi. Inaya nya kong umakyat na. Pagpasok sa Kwarto. Nag aya ako na mag Halfbath at sumama ito. Pagpasok sa CR ay naghubad kame tapos ay sinabunan ang isa't isa. Sabay din kaming nag Toothbrush. Pagkatapos ay nagbihis pantulog kame at humiga na. Nagtext ako kay Alicia. /Good night Alicia.---Sabi ko. /Good night Ate. Nagtext si Tita Lyana saken. Secret pa muna natin ito. Wag ka magalala hindi ko ipapaalam kay Liam. Ikaw ang bahala sa Lahat Ate. Lagi akong nakasuporta sayo. Mahal na mahal kita Ate.---Reply ni Alicia. Naiyak ako sa tuwa. Kahit hindi kame magkadugo ay Mahal na mahal ko din sya. Nagreply ako at sinabing Mahal na mahal sya tyaka nakasuporta din ako sa kanya. Nagpasalamat din ako dahil sa Tulong nya saken. Pagkababa ng cellphone ay niyakap ko si Phillipe. Hinahalik halikan ako nito sa Noo hanggang sa makatulog Ako. Kinabukasan. Pag gising sa Umaga ay wala sa Tabi ko si Phillipe. Bumangon ako at naglakad palabas ng Kwarto. Naririnig ko si Phillipe at Liam. Nasa baba sila. Nag uusap. Bumaba ako at nakita silang may Hawak na Tablet. Lumingon sila agad saken. "Bakit?" Sabi ko. "Baby. You need to see this." Sabi ni Phillipe. Lumapit ako at inabot nito ang Tablet. Screenshots ito galing sa isang Android phone. Base sa Screenshot ay Nakatayo si Lyn at may kausap ito. Kausap nya ang Daddy ni Jane. "Picture lang? Wala bang video?" Sabi ko. "Wala. Puro Picture lang yan." Sabi ni Liam. Inilipat ko pa ito. Mukhang seryoso sila sa paguusap nila. Hanggang sa wala na. Yun lang ang laman nito. "Sino ang kumuha ng Litrato sa kanila?" Tanong ko. "Si Bella..." Sabi ni Phillipe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD