*I Choose*
Part15
Alex*
POV
Hindi ko alam kung ano itong sinasabi ko.
Pero alam kong Ako si Iya Wong.
Ako si Iya.
Si Liam ang una kong nakilala sa Kanilang magkapatid.
Nagkakilala kame ni Liam sa Palawan mismo.
Nasa Edad Labing Isa(11) ako at si Liam labing apat(14).
Magkalaro kame ni Liam at Makalipas ang ilan pang Taon ay nagsabi sya saken na Mahal nya ko.
May nararamdaman din ako kay Liam kaya umamin ako sa Kanya na Mahal ko din sya.
Nagsabi kame sa mga Daddy namin ng tungkol sa Relasyon namin at masaya sila.
Suportado nila Kame sa Relasyon namin.
Gusto nila ang namamagitan samen ni Liam hanggang sa dumating ang Araw na umuwi si Phillipe o Kuya Phillipe sa Beach.
Nagsagawa ng Party ang Daddy nila Liam at Phillipe sa Palawan.
Pa Welcome Party para kay Phillipe.
17 years old na ko nun at nasa 20 years old na si Liam nun.
3 years ang Tanda ni Phillipe kay Liam kaya nasa 23 na sya nun.
Hindi ko pa sya nakikita ng Personal nun.
Sa Litrato ko lang sya nakikita.
Sa Manila sya halos Lumaki.
Dun sya nag aral.
Nang makita ko ito ay namangha Ako.
Napaka gandang Lalaki ni Phillipe at Napaka Bait kaya humanga ako dito.
Ganun din naman si Liam pero kakaiba ang mga Tingin ni Phillipe saken kaya nagka interest ako.
Nagsimula ang Party at makalipas ang ilang Oras.
Naglakad lakad ako nun at.
Nakita kong naghahalikan si Phillipe at ang kababata nitong si Jane.
Umatras ako nun para hindi sila maistorbo.
Kaya lang.
May naapakan akong bagay na gumawa ng ingay at lumingon agad si Phillipe saken.
Masama ang tingin ni Jane at humingi ako ng pasensya sa nagawa kong pag istorbo sa kanila.
Umatras ako't naglakad palayo sa kanila.
Nasalubong ko si Liam at inaya nito ako na maglakad sa Buhangin.
Nasa isip ko yung panahon na yon.
Naghahalikan kame ni Liam sa tabi ng dagat.
Nagpapalitan ng matatamis na Salita.
Pumasok din sa isip ko.
Na nakipag talik ako kay Phillipe.
Pareho kaming lulong sa Alak.
Akala ko si Liam ang kasiping ko pero pag gising ko ng Umaga.
Si Phillipe yon.
Binabanggit ni Phillipe ang pangalan ko nun kaya Alam nyang Ako ang kasiping nya.
Yun ang First time ko.
Yun ang mali ko.
Niloko ko si Liam at nilihim ko yon.
Sinabi din ni Phillipe saken na Mahal nya ko.
Kaya hirap akong pumili sa kanila.
Patago ang Relasyon namin ni Phillipe at si Liam ang kasa kasama ko sa Public. Sa Party. Sa Family Reunion at sa pag Attend sa mga Okasyon ng mga Kaibigan namin.
Makalipas ang ilang buwan nun ay hindi na kinaya ng Konsensya ko.
Plano naming magpakasal ni Liam pero nahihirapan ako.
Kaya. Nakipag hiwalay ako kay Phillipe.
Galit na galit ito at hindi kinaya ang Desisyon ko.
Madalas akong sundan ni Phillipe sa mga pinupuntahan ko at pinipilit na sumama sa Kanya.
Ipinilit ko sa kanya nun na Ayaw ko na.
Gusto ko ng makipag hiwalay.
Pero.
Pina kidnap ako ni Phillipe dahil Mahal daw nya ko at ayaw nya akong Mawala sa Kanya.
Sa isang Lugar.
Itinali at kinulong nila Ako.
Mga bastos ang mga Tauhan ni Phillipe at balak nila akong
Rape-in.
Kumuha ako ng Tyempo at tinanggal ang pagkakatali saken.
Ng matanggal ay nagkakaripas ako ng Takbo at binaril ako ng isa sa mga Lalaking yon.
Kahit masakit.
Sinubukan kong Tumakbo kahit hirap ako dahil sa tama ng Bala sa Kaliwang Hita ko.
Dali dali akong nagtago sa Likod ng Asul na Drum.
Hingal na hingal.
Pagod na pagod.
Umiiyak.
At Takot na takot.
Dahan dahan kong kinalma ang Sarili ko na wag Gumawa ng kahit na anong ingay dahil maririnig nya Ako.
*mga yapak
Natatakot ako Sobra.
Ramdam kong papalapit ito saken.
Itinakip ko ang mga Kamay ko sa Bibig ko.
Ayokong gumawa ng ingay.
"Lumabas kana! Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. Akin ka lang."
Hindi ako gumagalaw sa Pwesto ko.
Hanggang sa.
"Tamana Phillipe."
Isa pang Boses ng Lalaki.
Si Liam yon.
Nag aaway sila nun.
Nagkasundo sila dahil magkapatid sila at Mahal ni Phillipe si Liam.
Nangako si Phillipe na Hindi nya ko sasaktan kaya lumabas ako.
Nakita nilang Dalawa na dumudugo ang Hita ko.
Galit na galit si Phillipe at kinausap nya ang mga Tao nya.
Pinatay nya ang mga yon dahil sa ginawa nila saken.
Humingi ng tawad si Phillipe at hahayaan na daw kami na maging Maligaya ni Liam.
Kaya lang ay nagpaparamdam pa rin sya nun.
Sinasabi nya pa rin na Mahal nya ko at naiintindihan ko sya kaya lang ay paano si Liam.
Mahal ko din si Liam.
Pinupuntahan ako ni Phillipe sa Condo.
May nararamdaman din Ako sa kanya kaya pumapayag ako sa Gusto nya.
Nasa Manila ako nun dahil nag aaral ako.
Madalas kong kasama si Phillipe at nasa Palawan si Liam nun.
Hirap na hirap na ang Puso ko ng panahon na yon.
Mayaman ang Pamilya ko kaya.
Nag Hire ako ng babae para maging Double ko.
Pinapalitan namin ang Mukha nun kamukha ko at pinakopya ang Kwintas ko.
Palatandaan saken ni Liam ang Kwintas na ito.
Nagbakasyon ako sa ibang Bansa ng Panahon na yon.
Pag uwi ko dito sa Pinas.
Naaksidente Ako.
Si Alicia ang tumulong saken.
"Baby? What are you talking about?." Nag aalang tanong ni Phillipe.
"H'hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam Phillipe. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Nagka amnesia ako Phillipe. Hindi ako yung nasa Picture na to." Sabi ko habang umiiyak.
Umupo ako sa Kama at napahagulgol sa Nalaman ko tungkol sa pagkatao ko.
Bakit Hindi sinabi ni Alicia ang tungkol dito.
Hindi ko maintindihan.
May isa pang Babae na tumulong saken.
Si Tita Flora.
Tumayo ako at naglakad palabas ng Apartment ko.
Nakasunod si Phillipe saken.
Nakatayo ako sa Pinto ng Apartment ni Tita Flora.
Kumatok ako at agad namang lumabas ito.
"Alex? Bakit." Sabi nito.
"Tita Flora. Iya ang pangalan ko." Sabi ko.
Mukhang hindi ito nagulat sa sinabi ko.
"Hmm, maganda at bumalik na ang alaala mo." Sabi nito.
Nasa likuran ko si Phillipe at nakahawak ito sa Bewang ko.
"Dyan tayo sa apartment mo mag usap." Sabi ni Tita Flora.
Tumango ako at pumasok sa apartment ko.
Umupo kame ni Phillipe sa Sofa at nakatayo si Tita Flora.
"Hindi Flora ang pangalan ko Iya. Lyana ang totoong pangalan ko. Pamangkin ko si Alicia. Bali namatay sa Aksidente ang mga Magulang nya.
Nang gumising kana sa Aksidente. May isinaksak ako sayo. Nag hi hypnotize ako.
Sinabi ko sayo ang Tungkol sa Magkapatid kayo ni Alicia at ang pagtrato sa inyo ng mga Magulang nyo.
Pag hihiwalay nila at pagsama sa mga kanya kanyang Relasyon. Yun yung itinatak ko sa isip mo.
Umiiyak ka nun Hija.
Nagmamakaawa ka saken na tulungan kita kaya. Yun ang tulong na ginawa ko. Inayos ko din ang Birth certificate mo. Pinalitan ko ang Pangalan mo pati Birthday mo.
Ginawa ko yon para Protektahan ka." Mahinahon na paliwanag ni Tita Flora o Lyana.
Naiintindihan ko ito.
"Pero, bakit po? Para saan po Tita. Hindi ko maintindihan." Sabi ko.
Hinahalikan ako ni Phillipe sa Ulo habang nakikinig ito.
"May masamang loob na gusto kang patayin hija.
Takot na takot ka nun. Hindi ko kayang makita ka na naghihirap kaya hinipnotismo kita.
Yung Aksidente mo. Hindi basta Aksidente yon.
Sabi mo saken habang naghihingalo ka. May Babae na nakatayo sa Labas ng Kotse mo.
Pinagmamasdan ka at parang inaantay kang mamatay. Humihingi ka ng tulong sa Kanya pero nakangiti sya sayo." Sabi ni Lyana.
"Yung kay Alicia. Kayo po. Paano ako nakaalis sa Sasakyan nun." Sabi ko.
"Nag pi Picnic kame ni Alicia sa Malapit na lugar na yon. Rinig na rinig namin ang Malakas na pag bangga ng Kotse mo sa Malaking puno.
Nakita namen ang Sasakyan na papaalis at Lumapit ako agad sayo.
Naramdaman kong tumitibok pa ang Pulso mo at tumawag ako ng Tulong. Inaalalayan ka ni Alicia nun na gumising ka lang." Sabi nito at nakahawak sa Kamay ko.
"P'pero paano na to Tita. Hindi ko po maalala yung tungkol dun. Paano na." Sabi ko.
Lumapit si Tita at hinawakan ako sa Kamay.
Tumingin ako sa mga Mata nito at nag aalala ito.
"Sana ay kaya kong bumasa ng isip ng Tao hija. Pero may binigay ka saken na Painting. Pina drawing ko sayo ang Itsura ng Babae na nakita mo. Itinago ko yung sa Loob ng Pitong Taon. Ayoko ipakita sayo at sinusumpong ka ng Panic Attack." Sabi nito.
Mukhang kailangan kong tatagan ang Loob ko.
Kailangan kong linawin ang lahat lahat sa Pagkatao ko.
"Tita. Gusto ko po makita." Sabi ko.
Tumango ito at naglakad palabas.
"Baby." Sabi ni Phillipe.
Tumingin ako dito at may Luha ang mga Mata nito.
Hinawakan ako ni Phillipe sa magkabilang Pisngi.
Hinalikan ako sa Noo.
Tinitigan ako at hindi ko mapigilang maiyak.
Hindi ko maintindihan ang nangyayare.
Iniisip kong maigi kung Sino ang Puno't Dulo nito.
Bakit nila ako gustong patayin.
Bakit.
Pagbukas ng Pinto.
Dali daling lumapit si Tita samen at inabot ang malaking Papel.
Drawing ito ng isang Babae.
Kulot ang Buhok at naka Hood ito.
Tinitigan ni Phillipe ang Drawing.
Pamilyar ang Babaeng ito samen.
"P'phillipe." Bulong ko at tinignan ito.
Gulat ang reaksyon nito.
"Si Lyn to." Sabi ni Phillipe.