*I Choose*
Part14
Alex*
POV
Sobrang saya ko ng makita ang Kapatid kong si Alicia.
Lumapit ito saken at Niyakap ako.
Nasa likuran ko ang mga Nurse at Doctor.
Sabi ng Doctor ay malakas si Alicia.
Bihira daw sa Pasyente na galing lang sa Operasyon ang nagigising agad kaya nagpapasalamat ako't matibay ang Kapatid ko.
Nakayanan nya ito.
Sabi ni Phillipe ay simula ng Umalis kame ay pinaasikaso nya ang gaganaping Operasyon kay Alicia.
Nakakatuwa lang at napakalaking Surpresa nito saken.
"Salamat Phillipe." Sabi ko at Niyakap si Phillipe.
Hinalikan ko ito sa Labi.
Nakangiti kaming pareho.
Tinignan ko ang Kapatid ko at umiiyak ito sa Tuwa.
Niyakap ko ito ng mahigpit.
Sabi ng Doctor ay dahan dahan lang dapat ang Kilos ni Alicia dahil sariwa pa ang Sugat nya sa Ulo.
Sabi din ng Doctor ay dito muna si Alicia.
Kailangan pang i monitor ang Ulo nya.
I su Sure nila na talagang magaling na ito at wala nang Sakit na mararamdaman pa.
Nagpaalam ang Doctor at ang mga Nurse labas sila at kameng Apat(4) nila Phillipe, Liam, Alicia at Ako ang nandito sa Kwarto.
Inalalayan ko si Alicia sa Kama.
Umupo kame at magkayakap.
Nakatingin ako kay Phillipe at Liam.
Nakangiti sila saken.
Makalipas ang ilang minuto.
Pinahiga ko na si Alicia at umupo ako sa Tabi nya.
"Ang ganda naman ng Kapatid ko." Sabi ko.
"Thank you Ate. Excited na kong lumabas dito. Gusto na kita makasama." Sabi nito.
"Uhm. Alicia. Sakin na kayo titira ng Ate mo. Mas maganda kung magkakasama tayo." Sabi ni Phillipe.
Hindi ko pwedeng sabihin kay Alicia ang dahilan kung bakit kame sasama kay Phillipe.
Ayokong mag alala ito.
"Ah, sige Kuya Phillipe okay lang. Sino nga pala Yang katabi mo." Sabi ni Alicia.
Lumingon ako.
Kasama nga pala namin si Liam.
"Alicia. Si Liam to Kapatid ko." Sabi ni Phillipe.
"Liam. Si Alicia. Kapatid ni Alex." Dugtong ni Phillipe at tumingin ito kay Liam.
"Hi Alicia." Sabi ni Liam.
"Hello Kuya Liam." Sagot ni Alicia.
"Hmm, wag ka na mag Kuya saken. Liam nalang." Sabi ni Liam.
Tumingin ako kay Alicia at namumula ang Pisngi nito.
"O'okay po. L'Liam." Nahihiyang sabi nito.
"Wag ka nang mag Po. ? ilan taon kana ba?" Sabi ni Liam.
"23" Sagot ni Alicia.
"Talaga? Hmm." Sabi ni Liam.
Kinikilig naman akong nakikinig sa kanilang dalawa.
Tumayo ako at lumapit kay Phillipe.
Tumabi ako dito.
Busy na nakikipagusap si Alicia kay Liam.
Hindi manlang napansin ng Kapatid ko na umalis ako sa Tabi nya.
Pinagmamasdan ko si Alicia at namumula ang Pisngi nito.
Tumayo si Liam sa tabi ng Kuya nya at lumapit kay Alicia.
Naguusap sila tungkol sa pinagdaanan ni Alicia sa Operasyon.
"Baby. Iwan muna natin sila." Sabi ni Phillipe.
Tumango ako at tumayo na kameng dalawa.
Nagpaalam kame kina Liam at Alicia na lalabas muna kame.
Paglabas ng Kwarto.
Naglakad kame ni Phillipe.
May Park sa Ospital na ito at dun kame papunta.
Nakaakbay si Phillipe saken at panay halik sa Ulo ko habang naglalakad kame.
Pagdating sa labas ng Ospital.
Naglakad pa kame hanggang sa marating namin ang Park.
May mga Bata na naglalaro dito.
May upuan sa Gilid at pumunta kame dun.
Pagka Upo.
"Phillipe. Salamat sobra. Hindi ko alam kung paano kita babayaran sa tulong mo." Sabi ko.
"Alex. Wala kang babayaran. Okay? Matagal ko ng Plano to. Nahihiya lang ako tyaka nag aalala na baka isipin mo pinangungunahan kita. Mahal kita Alex. Matagal na. Hindi ko lang masabi sayo kase nahihiya ako." Sabi nito.
"Mahal din kita Phillipe. Salamat. Pinapangako ko sayo na hinding hindi ako mawawala sa Tabi mo." Sabi ko.
Ngumiti ito at hinalikan ako sa Labi.
Niyakap ko sya.
Naghahalikan kame ni Phillipe.
Tumigil din kami kase nandito nga pala kame sa Park at may mga Bata pa na naglalaro.
Nagtawanan kame kase nahuli namin ang isang Batang babae na nakatingin samen.
Tumayo kame agad at naglakad lakad nalang.
Makalipas ang ilang minuto.
Bumalik kame sa Kwarto ni Alicia.
Pagpasok namen ay busy pa rin silang naguusap ni Liam.
Hindi manlang nila kame pinansin.
Umupo kame ni Phillipe at nagpadeliver ito ng makakain.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating ang order ni Phillipe na pagkain.
Inalalayan ni Liam si Alicia na maupo.
Nakakatuwa silang panoorin.
Inayos ni Phillipe ang pagkain at tumulong si Liam.
Nakatingin ang kapatid ko kay Liam.
Pinagmamasdan nya ito.
Hindi manlang ako tinitignan ng Kapatid ko.
Para bang nakalimutan na nya ko.
Nangingiti nalang ako habang pinagmamasdan ang Kapatid ko.
Lumapit na si Liam kay Alicia at inayos ang Bed table nito.
Pinatong ni Liam ang pagkain ni Alicia at inumin nito.
Umupo si Liam sa Tabi ni Alicia at nagsimula na silang kumain.
Nakatingin din si Phillipe sa kanila.
Nangingiti din ito.
"Kinikilig ka no." Biro ko dito.
"Shh." Huni nito saken.
Niyakap ako at kinagat sa Tenga.
Tumatawa naman ako.
Bumitaw ito at nagsimula na kaming kumain.
Habang kumakain ay nagteText si Phillipe.
Katext nya ang Daddy nya at may Bagong Balita kaming natanggap.
May natagpuan nanaman na Patay sa Dagat.
Yung lalaki na nakita namin ni Phillipe na kasama ni Jane sa Kwarto nya.
Natagpuan nilang nakadapa sa Dagat at Puro saksak ang Likod.
Kagaya ng nangyare kay Bella.
"Sila Eunice ba nandun pa?" Tanong ko kay Phillipe.
Nagbubulungan lang kame.
Ayokong malaman ni Alicia ang tungkol dito at sa nangyare saken sa Beach sa Palawan.
Ayokong mag alala ang Kapatid ko.
"Wala na. Umalis na sila ngayon lang." Bulong ni Phillipe.
"Okay." Sabi ko.
Nagpatuloy kame sa pagkain at nakikipagtext parin si Phillipe sa Daddy nya.
Lagi na daw magkasama ang Daddy nya at si Mr.Wong.
Mukhang pinaghihinalaan nila ang Daddy ni Jane at pati si Jane.
Pero nahihirapan sila.
Ayaw nila magbintang dahil wala naman silang Ebidensya.
At bakit nga naman papatayin ng Daddy ni Jane sila Bella at ang Lalaking ginamit nya nung Gabi.
Napakalabo kung iisipin.
Pagkatapos kumain ay nagtulong kame sa pag aayos ng pinagkainan.
Nagpaalam ako kay Phillipe na uuwi ako sa Apartment.
Tutulungan daw nya ko sa pag iimpake ng mga Gamit namin magkapatid.
"Alicia. Uuwi ako. Aayusin ko na mga Gamit natin ah. Magpahinga ka lang dito." Sabi ko at niyakap ang Kapatid ko.
"Okay Ate. Ingat kayo sa Byahe." Sabi nito at yumakap saken.
"Osha. Aalis na kame." Sabi ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap dito.
Tumayo ako at nag presinta si Liam na maiwan dito.
Gusto pa nyang makasama si Alicia.
"Okay sige. Ikaw na muna bahala sa Kapatid ko ah." Sabi ko.
"Oo. Hehe don't worry." Nakatawang sabi ni Liam.
Nagpaalam din si Phillipe sa kanilang dalawa at umakbay na ito saken.
Lumabas kame ng Kwarto.
Naglakad palabas sa Ospital at sumakay sa Kotse.
Sa Apartment ko ang Byahe namin.
Makalipas ang ilang minuto ng Byahe.
Nandito na kame sa Apartment Building.
Bumaba kame ni Phillipe sa Kotse at nakaalalay ito saken.
Umakyat kame sa hagdan at narating ang pangatlong Floor.
Naglakad kame papunta sa Pinto ng Apartment ko.
Nasa labas si Tita Flora at binati kame.
"Ang gwapo talaga ng Boss mo Alex ah." Tita Flora.
"Oo nga po e. Kaya hindi ko maiwasang hindi tignan. Pogi no Tita?." Nakatawang sabi ko.
"Kami na po Tita." Dugtong ko.
"Halata naman eh Hija. Hay nako. Simula ng tumira ka dito tuwing susunduin ka nya e iba yung tingin nya sayo.Noon pa man e Ramdam kong may Gusto sayo tong si Pogi." Sabi ni Tita Flora.
Kinikilig si Tita Flora at pumasok na sa Apartment nya.
Tumingala ako kay Phillipe at nakangiti ito saken.
Binuksan ko ang Pinto ng Apartment ko at pumasok kame.
Nag ikot ikot si Phillipe sa Sala at pumasok ako sa Kwarto para ilabas ang mga Bag na mamalaki at Maleta para ilagay ang mga Damit namin ni Alicia.
Pumasok si Phillipe sa Kwarto ko at tumulong itong magTupi ng Damit.
Sa ilang Sulok ng Kabinet.
May mga Dress na nakaTupi dito.
Inilagay ko na ito sa Maleta.
Binalik ko ang Tingin ko sa Madilim na parte ng Kabinet ko.
May nakaagaw pansin saken.
May mahabang Tali at makinang ito.
Hinawakan ko ito at hinatak.
Kwintas ito at
May Bato ito.
Sa Gitna ay may makinang na Dyamante.
Kulay Purple.
Bakit ganon.
Kamukha nito ang Kwintas sa Panaginip ko.
"P'phillipe? May dala kabang Picture ni Iya. Yung Picture na nandun sa Kwarto natin sa Palawan." Sabi ko habang nakatalikod dito.
"Uhm, yup nasa Kotse. Why?" Sabi nito.
"Gusto kong makita yun Ngayon." Sabi ko.
"As in Baby? Seriously?" Sabi nito.
"Please Phillipe." Sabi ko.
Naglakad ito palabas at naluha ako habang tinitignan ang Kwintas na ito.
Mayamaya pa'y dali daling Lumapit si Phillipe saken.
Inabot ang Litrato ni iya na sinasakal sya.
Pumunta ako sa Liwanag.
Ito yung Kwintas ni Iya.
Magkamukhang magkamukha ito.
Pero bakit ganun.
Hindi ko maintindihan.
"Alex. What the hell. Bakit nasayo yan! Ang alam ko kasama yan na inilibing kay Iya. Suot suot ni iya yan! Kitang kita ko yun hanggang isara yung kabaong. Baby. What's going on!" Sabi ni Phillipe.
(Jusko. May pumasok sa isip ko.)
"Phillipe. Ako si Iya." Sabi ko.