Bago tuluyang umuwi kinabukasan ay huminto kami sa bilhan ng mga pasalubong, at ni hindi niya ako hinayaang bumili o gumastos. Bumili siya ng halos isa bawat produktong makikita, para eka sa pamilya ko. Halos hindi magkandaugaga si Mang Tonyo, siya at ako sa pagdadala at halos mapuno ang likuran ng mga pasulubong na binili niya para sa amin, sa kaniya at sa nanay niyang bruha, at pati na rin mga gulay at kung ano-ano pang mga bagay. Sabik naman akong namili ng mga t-shirt, sumbrero, bonnet, bracelet, kwintas, pandikit sa ref, at maging mga gawang kahoy na bagay. At siniguro ko na bawat isa sa mga kapatid ko ay meron. Syempre, hindi ko rin naman nakalimutan si Aling Dina at Olga. Maging sila ay binilhan ko ng ilang pasalubong para sa pamilya nila. Habang lulan ng sasakyan pauwi ay si

