Araw ng sabado ay abala ang lahat ng tao sa aming bahay. Si Aling Dina ay abala sa pagluluto ng masasarap na putahe na alam naman na niyang lutuin kahit walang direktiba ko. Ang mga kapatid kong lalaki ay pinagsuot ko nang maayos-ayos na damit, at ako naman ay dinadamitan ang dalawang kapatid na babae bago bihisan ang sarili. "Ate, bakit kami nagsusuot ng maganda?" Takang tanong ni Mila, nakakunot-noong nakatingin sa suot na barbie t-shirt at paldang maong. Nakangiti kong tinapos ang pagsusuot ng sandals sa paa niya at naupo sa sofa. "May darating kasi tayong bisita, bebe," mula sa kaniya ay bumaling naman ako kay Catherine na nauna ko nang bihisan ng kulay pula namang dress. Inabot ko ang pisngi ng bunso namin. "Babatiin niyo siya at magpapakabait, ha?" Paglalambing ko sa kanila bago

