Ang pangyayaring iyon ang naging sanhi para maging malapit si Lucas at ang mga kapatid ko. Ginawa niyang linggo-linggo ang pagdalaw at sa tuwina ay may pasalubong kaya naman halos sambahin na siya ng mga kapatid kong kay-daling utuin. Kahit si Romeo na ilag sa ibang tao at aabutin ng ilang pagkikita muna bago mo maka-close ay naging malapit na sa damuho. Kay bilis niyang nakuha ang loob ng bawat isa sa pamilya ko, oo, maging ang inay ko. Ikaw ba naman ang palaging uwian ng mamahaling alahas, at kukutin na mamahalin? At kilala ko si inay, materyalosa siya noon pa at madaling nasisilaw sa pera. Dumalas ang bonding nila–namin, at dahil apat na buwan na ang 'ipinagbubuntis' ko, kinailangan ko na ring bumili ng pekeng tiyan na angkop sa laki dapat ng tiyan ko at itinatago ito sa ilalim ng mal

