Halos tumumba ako nang marinig ang sinabi ni Romeo, ngunit may pares naman ng mga kamay ang sumapo sa akin. Umikot ang paningin ko, tila nabingi ako at may kuliglig na narinig sa tenga, hindi kaagad na nakakilos at nakapagsalita. "–ria. Noeria!" Unti-unti akong napabalik sa huwisyo dahil sa pagtawag ni Lucas sa pangalan ko, dahil sa mariin niyang pag-alog sa akin. Tila nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakatitig ako sa kaniya, bago bumaling sa iba ko pang kapatid. "Let's find her, Romeo. Juan, stay with your brother and sister, hawakan mo sila at huwag pababayaan, ha? Mang Tonyo, please take them to the car at huwag ninyong iwawalay sa paningin ninyo." "Oo naman, sir, maasahan ninyo ako." Mabilis namang pagsang-ayon ng driver namin at kahit na gusto ko na ring maiyak nang

