“MELIEA!” rinig kong tawag ni Trina sakin.
And, I was about to look behind me pero nabigla ako ng may humawak sa wrist ko at hinatak ako palayo sa corridor. Hindi naman ako makapagpanlaban kasi sobrang lakas ng hawak niya sakin. Marami naman ang mga estudyanteng napapatingin samin kaya napayuko nalang ako dahil nahihiya ako.
“Totoo nga ata ang article na inilabas kasi magkasama sila.” Sabi noong isang babae sa katabi niya.
“Mukha nga girl. Well, bagay naman pala sila.” Tili naman noong isang babae.
Kaya agad akong napatingin sa kamay na nakahawak sa wrist ko patungo sa mukha niya. Pero nakatalikod kasi siya sakin kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero mula dito sa likod niya, napansin ko na sobrang tangkad nang lalaking ‘to mga nasa 5’10 siguro. I think papasa siya sa varsity ng basketball team sa tangkad niya. Masyado din broad ang shoulders niya and sakto lang din ang masculine niya. Alam niyo ‘yong matatangkad na medyo payat sa malayo pero sa lapitan ang ganda pala ng hubog ng katawan. Wow ha, sino kaya ‘to?
Napahinto naman ako sa mga iniisip ko ng huminto siya sa isang hallway na wala masyadong dumadaan kasi patungo ‘to sa rooftop at walang mga pumupunta dito masyado. Ngunit mas nabigla ako ng tinulak ako ng lalaki sa pader kaya napadaing ako sa sakit. Gag* tong lalaking ‘to ah. Hinahatak hatak niya ako dito tapos itutulak niya rin ako. Kaya itinaas ko agad ang mukha ko para makita ang walang modong lalaking ‘to.
Ready na sana akong pagsabihan siya pero napahinto rin sa ere ang sasabihin ko ng makita ko ang lalaking humila sakin. Agad kong naalala ang usapan nang dalawang babae kanina at ang tinginan ng mga estudyante samin. Kaya naman pala. Matiim siyang nakatingin sakin at alam kong galit siya. Mukhang alam na niya ang about sa article.
“Ano ka ba, bakit mo ko hinila dito?” galit kong tanong sa kanya saka siya tinulak ng malakas. Hindi man siya gaanong natinag pero atleast nakawala ako sa lapit ng katawan naming. Hindi ako kumportable.
“Ang sakit mo makahila.” Away ko sa kanya habang pinaningkitan ko siya ng tingin at hinahaplos ko ang wrist ko. Agad naman siyang tumagilid sandali at may binulong sa sarili.
“Anong pinagsasabi mo diyan? Baliw ka ba? Hinihila-hila mo ko dito tapos sarili mo lang kakausapin mo. Ano bang kailangan mo, ha?!” singhal ko sa kanya at masama pa rin siyang tiningnan.
Humarap naman siya sakin at tiningnan ako na parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko sa kaniya. Hindi naman ako nagpatalo at tiningnan din siya ng masama.
“Don’t be childish, will you?” irita niyang sabi sakin. Ako pa ngayon ang childish? Huh.
“Ano? Ako pa ngayon? Eh gago ka pala talaga e. Kung wala ka ng ibang sasabihin, aalis na ako dahil late na ako ngayon sa klase ko.” Irita ko ring sabi sakanya saka tumalikod sa kaniya.
Pero hindi pa naman ako nakakadalawang hakbang, hinila niya na naman ang kamay ko ng malakas. Kaya nabunggo ko ang dibdib niya ng hindi sinasadya. Dahan-dahan naman akong napatingin sa kaniya. Romantic na sana kaya lang bigla niya akong tinulak at humakbang siya paatras. Aba, siya pa ngayon ang maarte.
“Ano ba kasi ang kailangan mo? Tungkol ba ‘to doon sa article? Huwag kang mag-alala dahil ginagawan na ng paraan nila mommy ‘yon.” Naiinis ko nang sabi sa kanya. Alam ko naman ‘yon ang pakay niya.
“I don’t care about that article.” Walang emosyon niyang sabi sakin. Kaya agad akong napanganga sa sinabi niya.
“E hindi naman pala. Wala rin akong pake kung wala kang pake. E bakit mo pa ako hinila dito?” sigaw ko sa kaniya. Naiirita na talaga ako sa kanya, tsk.
“Give me my bracelet.”
Tinitigan ko naman siya ng mabuti. Anong bracelet?
“Anong bracelet?” nagtataka kong tanong sa kanya. Tiningnan naman niya ako sa iritableng paraan.
“My bracelet. Ikaw ang nakapulot noon at nilagay mo sa bag mo.” Ang lakas naman ng loob niyang akusahan ako.
“Inaakusahan mo ba ako? Wala nga sakin ‘yon. At, paano mo nasabing nasa akin nga ang bracelet mo?” galit kong tanong sa kaniya. Naiirita na talaga ako. Late na ako sa klase ko ngayon.
Kinuha naman niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya. He just type something tapos iniharap niya sakin ‘yong phone niya na may nagp-play na video. Ito ‘yong kahapon noong nagkabanggan kami. Malapit samin ang CCTV at clear siya kaya kita ko ang pagpulot ko sa isang silver bracelet na nasa ibabaw ng gamit ko at inilagay ito sa bag ko.
“Now you see the evidence.”
Napatingin naman ako sa dala kong bag at ibang bag ‘to. Kaya hindi ko nadala ang bracelet niya.
“Talagang pumunta ka pa sa security office ng school para sa lang sa bracelet na ‘yan ha.” Natatawa kong panunuya sa kanya.
“It’s not just a bracelet. It’s more important than your life.” Seryoso na naman niyang sabi sakin. Aba nakakatatlo na sakin ‘tong lalaking ‘to ah.
“The, I’m sorry Mr.Rosales kasi ibang bag ang dala ko ngayon at wala dito ang bracelet mo.” Maldita kong sabi sa kanya habang naka-cross ang mga kamay sa may dibdib ko.
“Are you serious?”
“Yes, I am. But don’t worry I’ll bring it tomorrow.” Paninigurado ko sa kanya para matapos ang usapan na ito dahil sobrang late na talaga ako.
Umayos naman siya ng tayo at tiningnan ako ng mabuti before nodding his head.
“Fine. But, make sure that you’ll bring it tomorrow kundi…"
“Kundi ano?” panghahamon ko din sa kanya.
“You’ll regret it.” Mariin niyang sabi saka ako nilagpasan at nauna ng naglakad paalis.
“Nyenyenyenyenye…”panunuya ko ulit sa kanya pero hindi na siya tumingin pa kaya napapadyak nalang ako at nagsimula ng maglakad.
Malapit na ako sa classroom ng makita kong papasok na siya sa loob ng room. Ngayon ko lang napansin na wala pala siyang dalang bag. Siguro kanina pa siya dumating at hinanap lang ako. Agad naman akong napangiti sa naiisip ko ngayon.
Hooy Mel, huwag kang humanga diyan ha. Bastos ‘yan. Walang modo at galang sa mga babae. Ang hangin pa kaya NO NO.
Nang makapasok na ako sa classroom naming at babati’t magso-sorry na sana sa prof ko ngayon ng biglang nangantyaw ang mga blockmates ko. Kaya agad akong napatingin sa kanilang lahat. Nakita kong nakatingin sila sa akin at sa katabi ko. Doon ko lang napansin na nasa tabi ko lang pala si Brenz. Haaays nakalimutan ko na magkasunod pala kami.
“Ayieeeee.” Kantyaw ulit nilang lahat.
“Stop now.” Pagpapahinto ni Sir John sa kanila. Prof naming sa isang major subject. Tiningnan niya lang kami ni Brenz at ngumiti. Mabait naman si Sir e kaya lang kinakabahan pa rin ako baka mapagalitan ako.
“Have a seat now, the both of you.” Sabi niya lang at tinuro pa ang mga upuan naming.
Agad na rin akong umupo habang nakayuko lang at hindi tinitingnan ang mga kaklase ko at lalo na ang pinsan ko. Nasa likod naman umupo agad si Brenz. Haaays malas talaga ang araw na ‘to. Baka anong isipin nila ngayo tungkol samin.
Kasalan mo talaga lahat ‘to Brenz Rosales!