CHAPTER 7

1275 Words
Maganda na sana ang gising ko pero nasira ‘yon pagkababa ko sa dining area. Akala ko mukha nila mom at dad ang makikita kong masasaya. Pero kabaliktaran ang bumungad sakin. Agad napakunot ang noo ko sa naabutan ko.  Busy si mom sa Ipad niya at seryosong-seryoso sa binabasa niya. At, nakakunot pa ang noo. Habang si daddy ay nakapatong ang noo sa dalawang kamay na nasa ibabaw ng lamesa at nakayuko. Normal naman sila tingnan pero minsan kasi ngiti at tawa ang naabutan ko pagkagising pero ngayon mukha atang may problema sila. “Good morning mom.” Bati ko kay mom saka hinagkan ang pisngi niya, but hindi siya tumugon at busy pa rin sa ginagawa niya. Kaya tumungo nalang ako kay dad. “Hi dad.” Masigla kong pagbati ulit saka siya hinagkan sa pisngi pero tiningnan niya lang ako at ngumiti ng pilit.  Now, I know something is going on. Hindi naman siguro ‘to bagong issue, right? Umupo nalang ako sa upuan ko dahan-dahang kumuha ng kanin at egg. i don’t know why but I feel na heavy and aura naming tatlo ngayon. Again, instead of asking them I just started eating kasi baka makaistorbo lang ako sa iniisip nila. Nag-umpisa na rin kumain si dad, while mom is massaging her forehead. Isang minuto pa lang ang nakakalipas pero hindi ko talaga maatim ang katahimikan nila. I can’t stand this kaya binaba ko na ang kutsara at tinidor na hawak ko. Tiningnan ko sila ng mabuti at iniisip kung ano ang sasabihin ko. “Mom, what’s the problem?” nag-aalala kong tanong. “Hon, stop that.” Mariin na pagsuway ni dad kay mom kasi hindi pa rin siya tapos sa pagtingin sa kung ano man ang meron sa Ipad niya at hindi narinig ang tanong ko. “Hon.” Ulit ni dad kasi hindi talaga nakikinig si mommy. Kaya hinawakan ko nalang ang kamay niya. Napatingin naman siya sakin at mukhang nagulat pa ng makita ako. “What? Yes anak?”  “Mom, I’m asking what’s the problem? Ang tahimik niyo kasi.” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya at tiningnan sila ng mabuti ni dad. But instead of answering me, binigay niya sakin ang Ipad niya at doon ko nakita kung ano ang binabasa ni mommy. It’s an article about me and…BRENZ LIAN ROSALES! At ang title ng article ang nagpasabog ng utak ko. DATING: Donald Tuazon’s daughter MEL PONCE TUAZON and heir of Santiago Corporation.  Like what!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!?????????? Nagtataka na ako ng sobra kung bakit may article tungkol samin kaya in-scroll ko pa para makita ko ang buong article. And, guess what? May picture naming dalawa. Saan naman nila pinagawa ‘to? Tinitigan ko ng mabuti ang picture at agad akong napasinghap ng maalala ang kung ano ang nasa picture. Ito ‘yong kahapon. ‘Yong nagkabanggaan kaming dalawa. Teka, paano nila nakuha ‘to?  Haaays talagang kumuha pa talaga sila ng magandang angle kung saan nakatagilid si Brenz at nakaharap ako sa camera habang hawak ni Brenz ang isang libro. Kung titingnan mo ang libro parang galing ‘yon sakin at kinuha niya para siya ang magdala. You know ‘yong mga nakikita nating video sa mga drama. Kakaiba talaga. “Now Meliea, explain to us.” Maawtoridad na sabi ni dad sakin. Agad naman akong napatayo dahil sa tono ng boses ni daddy. He’s like accusing me. “Dad, mom.” Mahina kong tawag sa kanila dahil ngayon nafeel ko nag alit at nagtatampo sila sakin. “That’s not true. We’re not in a relationship. Kahapon ko nga lang din siya nakilala kasi nagtransfer siya sa school ko. At yan…” sabay turo ko sa Ipad kung nasaan ang picture naming dalawa. “Nagkabanggaan lang kami diyan. Hindi ko nga alam bakit nila naisip na may relasyon kami.” Seryoso kong pagpapaliwanag sa kanila. “Fine, just sit down. We’ll talk about it.” Mahinahon na tugon ni dad sakin. Kaya agad na rin akong umupo. “We were just shock, we’re sorry anak.” Paghingi ng tawag ni mommy at hinawakan ang kamay ko’t hinaplos ito. “We’re sorry. We were overreacting. Masyado kasing komplikado ang pamilya nila and we don’t want you to be involve in that family personally, especially emotionally.” Seryosong sabi ni daddy sakin.  Yeah, it’s true. I know that political family plus a business family is a complicated set-up. Pero hindi naman talaga kami. “I’m sorry too. Nabigla lang din ako kasi masyado ngang mahangin ang taong ‘yan akala mo kung sino. Then suddenly naging ganyan.” Paghingi ko rin ng tawad sa kanila habang nakayuko. I was overreacting too. “Huwag kang mag-alala anak kami ng bahala sa issue na ‘yan. Just focus on your studies. That’s the least we can do for you.” Malungkot na sabi ni mommy.  Alam kong sinisisi niya ang sarili niya kasi kung hindi sila mga artista, hindi sana ako nasasabak sa ganitong buhay artista din. But that’s not true, I’m always happy and grateful kasi sila ang mga magulang ko. Magsasalita pa sana ako pero bigla rin nagsalita si daddy at sinabing tama na muna ang usapin namin. Sila na raw ang bahala doon at huwag ko na raw iyon alalahanin. Pero kahit anong gawin ko, naiisip at nag-aalala pa rin ako. Paano sa school? Baka pati doon ay kumalat na rin ang article na ‘yon. Saka si Trina, siguradong hindi ako tatantanan nun. Sana naman hindi pa ito kumakalat sa school. Pagkarating ko sa labas ng school ay napansin ko ang mga nagkalat ng reporters at cameraman. Kaya agad akong napahinto at nag-isip ng kung anong dapat kung gawin ng hindi nila ako napapansin. Pero kung sa likod ako ng school dadaan ay siguradong mala-late na ako. Haaaaays. “Kasalanan ‘to ng Rosales na ‘yon e!” sigaw ko sa loob ng kotse at saka yumuko. Napatingin ulit ako sa oras at napabuntong-hininga. I need to get inside nab aka malate ako. After a minute, napagdesisyonan ko na pumasok nalang at siniguradong lock lahat ng pinto ng kotse. Kailangan dire-diretso lang ako sa pagmamaneho. Hindi dapat ako huminto kundi mahaharangan nila ako. Saka isa pa, tinted naman ang kotse ko I’m sure hindi nila ako makikita. Kaagad ko ng pinaandar ang kotse ko at hindi nalang pinansin ang ibang reporter na nadadaanan ko. It’s now or never.  Masaya na sana ako dahil malapit na akong makapasok sa loob pero bigla nalang dumumog ang mga reporters sa kotse ko. Takot naman ako na baka may masaktan kaya dinahan-dahan ko lang ang pagmamaneho at ng masigurado kong nakalagpas na ako ay binilisan ko na ng konti ang sasakyan at dumiretso sa parking lot ng school. Akala ko ay nakaligtas na ako sa mga reporters. Pero hindi pa pala. Dahil ng makapasok na ako sa corridor ng school ay napansin ko na ang pagkukumpulan ng iilang estudyante habang nakatingin sakin. Ang iba naman ay naririnig ko pa na pinag-uusapan kami ni Brenz. Ang iilang babae ay masasama ang tingin sakin at alam ko na kung bakit. Pakiramdam nila ay kinuha ko sa kanila si Brenz. Tsk. Isaksak ko pa ‘yon sa baga nila e.  But, nang marinig kong may tumawag sakin mula sa likod ko. I know, hindi magiging maganda ang araw ko ngayon. I’ll curse this day. I swear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD