CHAPTER 9

1154 Words
“Ano nga ang nangyari? Couz’? HOY!” sigaw sakin ni Trina habang ako ang naiirita at naririndi sa boses niya ngayon ay tinatakpan ang tenga ko. Talagang kanina pa siya tanong ng tanong tungkol sa article at sa nangyari kaninang umaga. Ngayon, ay nandito kami sa labas ng gym ng school at hinihintay si Vinson matapos ang practice nila sa basketball team ng school. Kasali kasi siya sa varsity ng school at kagaya nga ng maagarang paghahanda naming sa debate para sa Annual School Competition…maaga rin nagsimula sa pagpa-practice ang ilang varsity team ng school. Nagpa-practice din sa loob ang volleyball team. Talagang pinaghahandaan ng school ang competition this year.  Kung sa bagay, kailangan nga naman protektahan ng school ang 1st place na slot namin. Kung mananalo kami this year, ibig sabihin pangatlong panalo na ‘to ng school namin…at napakalaking achievement na iyon sa buong history ng Annual School Competition. Kaya dapat lang pag-igihan ng lahat ang pagpa-practice. Kami kaya? Mananalo rin kaya kami? Last year kasi 2nd place lang ang school namin pagdating sa debate. “HOY! NAKIKINIG KA BA?” Sigaw mismo ni Trina sa harap ng tenga kaya sa sobrang gulat ko ay nasampal ko ang mukha niya palayo. “Gaga, ang sakit nun ah.” Reklamo niya habang hinihimas ang pisngi niya na nasampal ko. Agad naman akong napatayo at nilapitan siya na napatayo rin sa nagawa ko. “Couz’ sorry huhu…’di ko sinasadya.” Hingi ko ng tawad habang chini-check ang pisngi niya. Medyo namumula ‘yon kaya sigurado akong napalakas talaga ang sampal ko. “Halika, open pa naman siguro ang clinic this hour. Baka magkapasa ka pa diyan.” Natataranta ko ng sabi sa kanya habang kinukuha ang bag naming dalawa. Kaagad ko na rin siyang hinila pero hindi siya umimik sa kinatatayuan niya at seryosong nakatingin sakin. “Ay naku, ‘wag mo na akong tingnan ng ganiyan. Mamaya ka na magalit sakin.” Natataranta ko ng sabi sa kanya habang pilit siyang hinihila. Naku, umandar naman pagkatopak ng babaeng ‘to. Hindi ko naman talaga sinasadya ‘yong pagkasampal ko sa kaniya. Siya rin kasi e, bakit sa tenga ko pa sisigaw? “AHAHAHAHAHAHAH” Kaagad napasingkit ang mata kong nakatingin sa kaniya ng bigla nalang siyang napaupo at tumawa ng tumawa.  Nakahawak pa ang kaliwang kamay niya sa tiyan at pinapalo ng kanang kamay niya ang binti niya habang mas lumalakas ang tawa niya kaya napapatingin sa amin ang ibang estudyante na nasa malapit at tumatambay pa rin dito sa loob ng school. Kaagad akong ngumiti sa kanilang lahat at saka ko sila tinalikuran at tiningnan si Trina na malapit ng humiga sa lupa sa kakatawa. Tinopak na talaga ‘tong babaeng ‘to. Alalang-alala pa ako at na-guilty tapos ito at tinatawanan niya lang ako. Seryoso ba siya? “Hoy. Tumayo ka nga diyan…pinagtitinginan na tayo dito.” Mahinang sabi ko sa kaniya habang tinatadyakan ng mahina ang paa niya para tumayo na siya. Nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin at agad siyang lumipat doon sa bench na inuupuan namin kanina. Hindi pa rin siya natapos sa kakatawa niya pero mas humina na kumpara noong una. Huminahon na rin matapos ang ilang segundo habang matalim pa rin ang tingin ko sa kaniya. Pinagtritripan niya lang pala ako kanina. “Ano? Tapos ka na?” naiinis kong tanong sa kaniya habang naka-cross pa ang mga kamay sa harap ng dibdib.  Hindi naman talaga ako naiinis e, ang totoo nga niyan ay masaya ako kasi hindi naman pala siya nasaktan. Pero mag-iinarte muna ako para makabawi. AHAHAHAHHA. Natahimik naman siya sa sinabi ko at agad na bumaling sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nakapuppy eyes. Parang aso talaga, e. “Sorry na…natawa lang talaga ako kasi ang seryoso ng mukha mo tapos natataranta ka pa AHAHHAHAH.” Ay ang galing, siya lang ang humihingi ng tawad na tumatawa.  Matalim ko ulit siyang tiningnan kaya napaayos siya kaagad. “Ang OA mo kasi, e.” naiinis kong sagot sa kaniya, pero hindi talaga ako naiinis ah. Konti lang. “Ako ba talaga ang OA?” Nang-iinis niyang tanong. “Ewan ko sayo.” Sabi ko at tinalikuran siya. Pinilit naman niya akong ipaharap sa kaniya pero ako naman nagmamatigas ngayon. Ganito lang talaga kami dalawa ng pinsan ko kaya masanay na kayo. Marami pa siyang mga sinasabi tungkol sa kung anu-ano para lang magkabati kaming dalawa. Sige lang, tingnan natin kung sino mas magaling umarte BWAHAHHAHAH. “Ako na nga ‘tong nasampal at nasaktan, tapos… tapos…” kunwari naiiyak niyang sabi sakin habang nakatalikod pa rin ako sa kaniya. Tumahimik naman siya sandal at saka sumigaw. “OY BRENZ! BRENZ ROSALES! BRENZ LIAN SANTIAGO ROSALES!” Sigaw ni Trina kaya agad akong napatingin sa kaniya at tiningnan naman ang tinitingnan niya.  Kaya kaagad kong nakita si Brenz na naglalakad papunta sa parking area ng school. Magkatapat lang kasi ang gym at parking area ng school. Huminto siya dahil sa sigaw ni Trina at napatingin sa gawi namin. “BRE---“ Naputol kaagad ang dapat niyang sabihin ng tinakpan ko ang bibig niya at tiningnan siya ng masama. Agad akong bumaling kay Brenz at nginitian siya ng pilit. Wala naman siyang ibang ginawa at agad ng dumiretso sa parking lot. Bastos talaga, hindi man lang ngumiti kahit pilit na ngiti lang. Binawi ko naman ang kamay ko na nakatakip sa bibig ni Trina. Tinitigan ko siya ng seryoso. Nginitian niya naman ako na parang wala lang nangyari. “Ahh si Brenz lang pala ha.” Sabi niya habang may ngiting nakakairita para sakin. Ano na naman ba iniisip ng babaeng ‘to? “Alam mo…napaka-judgemental mo. Nasaan na ba ‘yang boyfriend mo? Malapit na mag-6:30 pm oh.” Pag-iiba ko sa usapan.  Masyado kasing maraming tanong ng babaeng ‘to. Akala ko pa naman ay nakalusot na ako doon sa pag-iimbestiga niya kuno sa akin. “Sus, iniiba mo lang ang usapan e. Aminin mo na kasi…” parang baliw na ngiti niya sakin habang kinukurot pa ang tagiliran ko. “Aminin na ano?” tanong ko sa kaniya habang may kinakalikot sa phone ko. Kinuha naman niya ang phone ko sakin. “’Couz, akin na ‘yan.” Bawi ko sa phone ko na tinatago niya sa likod niya. “Nagmamaang-maangan ka pa kasi e.” natatawa niyang sabi habang pilit pa rin tinatago ang phone ko habang pilit ko naman hinahabol ang mabilis niyang kamay. “Ano ba kasing sinasabi mo?” “Aminin mo muna sakin ang totoo…”pabitin pa talaga siya e. Bakit hindi niya nalang itanong agad sakin? “May gusto ka ba kay Brenz?” diretsang tanong niya sakin na nagpatigil sa paghahabol ko sa kamay niya. “Ha? Ah…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD