CHAPTER 10

1894 Words
“Ha? Ah…” bigla naman akong napaisip sa tanong niya.  Gusto ko nga ba ang Brenz na ‘yon? Kaya ba ayoko siyang pag-usapan naming kanina. Pero kahapon pa lang naman kami nagkakilala… isa pa, ayaw ko ng ugali niya. Masyado siyang mahangin at pa-cool para sakin. Kaya lang… may kasalanan rin naman ako sa kaniya. Dahil sakin nasama pa siya sa article na ‘yon. Alam ko naman na dahil ‘yon sakin. Pero parang wala naman din siyang pakealam doon. Parang okay lang sa kaniya. Bigla ko naman naalala ‘yong nangyari kaninang umaga. Parang mas nag-aalala pa nga siya doon sa nawala niyang bracelet. Siguro playboy din ang lalaking ‘yon sa kanila kasi parang sanay na sanay na siyang malink sa ibang babae e. Tinitigan ko naman si Trina habang tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung may gusto ba ako sa mokong na ‘yon. “May gusto ka ba sa kaniya, Mel?” ulit ni Trina habang nakatingin ng diretso sa mata ko. Alinlangan ko naman binuka ang bibig ko saka umiling habang nakatitig sa mga mata ni Trina.  “No… wala akong gusto sa kaniya.” Mahina ngunit confident ko pa rin na sagot sa kaniya saka ako umayos ng upo.  Parang nag-contradict ata ang mga sinabi ko sa kilos ko ngayon. E sa nabigla ako sa tanong niya. “Are you sure?” nagdududang tanong ni Trina habang pinasisingkit pa ang matang nakatingin sakin kaya sa nabigla ako sa tanong niya. “Are you sure?” nagdududang tanong ni Trina habang pinasisingkit pa ang matang nakatingin sakin kaya para tuloy siyang nakapikit ngayon. May pagka-chinita si Trina dahil mana siya sa mommy niya na nakakatandang kapatid ni mommy. At katulad din ni mommy ay artista din ang mommy ni Trina. Tumingin naman ako sa kaniya at tumango ng mabilis. Parang aso kung makatango ako doon ah. “Oo naman. Ano ka ba…hindi mo ba nakita na magkaaway kami ng lalaking ‘yon. Isa pa, masyado siyang mahangin at mayabang para magustuhan ko. Ano siya sineswerte? Bakit ko naman siya magugustuha, di ba? Hindi ko pa nga kilala ‘yong tao e. Imagination mo lang ‘yan kaya nasabi mo na may gusto ako sa kaniya. Gutom lang ‘yan, nasaan na ba kasi si Vinson?” pangungumbinsi ko sa kaniya habang patawa-tawa pa. “Wala naman akong sinabi---“ “Hey girls!” kaagad naman akong napahinga ng maluwag ng marinig ang boses ni Vinson.  Ngayon lang ako nagpapasalamat ng sobra sa kaniya.  “Babe.” Tawag ni Trina kay Vinson na papalapit na samin habang nakahawak sa bag niyang may mga damit at sapatos.  Nakasunod naman sa kaniya ang ibang kateam niya. Tumayo agad si Trina at sinalubong si Vinson. May pakiss-kiss pa ‘to si Vinson sa forehead ni Trina kaya sabay na naghiyawan ang mga ka-team niya na papunta na rin sa parking area pagkatapos makig-fist bump kay Vinson.  Napapansin ko rin na wala ng ibang estudyante ang nakatambay sa paligid. Kung sa bagay sobrang dilim na rin. Mabuti nalang maraming lights dito sa loob ng school kaya okay lang. Habang sa kabilang building ng school na kalinya lang ng parking lot ng school ay makikita mo ang ibang estudyante na papauwi na rin. Square kasi ang shape ng buong school. Pagkapasok mo sa loob ng school, sasalubong sa’yo ang malaking field na sa gitna mismo ng school makikita. Along the way, may mga puno naman na nakapalibot. Sa kaliwa makikita ang Clinic ng School at katabi ng clinic ang pinakamalaking building dito sa school. Doon kasi ang building ng mga Educ. Students, Engineering students, medical courses, laboratory nila, criminology students, at iba pa. Sa kanan naman makikita ang gym na pinagigitnaan ng garden at parking area. Sa likod naman ng dalawang building makikita ang swimming pool ng school, at ‘yong tennis and badminton field na tinambayan ko kahapon. Habang ang teachers and staffs building, at syempre ang building ng course namin kasama ang tourism at ibang course ang nasa harapan ng malaking field. Sa building naming may iisang canteen lang. Pero doon sa building ng medical courses ang may cafeteria kaya mas maraming pumupunta doon. “Oh, sasama ka ba samin ngayon ‘couz?” naputol naman lahat ng mga iniisip ko ng magsalita si Trina na ngayon ay nasa harap ko na at nakangiti ng sobra.  Mabuti nalang nakalimutan na niya ‘yong pangungulit niya sakin. Kapag nandiyan talaga si Vinson nagiging maharot itong babaeng ‘to. Siya nga pala, engineering student naman si Vinson. Ang galing nga niya kasi napagsasabay niya pa ang pagva-varsity niya at pag-aaral.  Aminin niyo, sobrang hirap ng engineering. “Hindi na muna…marami pa kasi akong mga tatapusin.” Sagot ko sa kaniya saka kinuha ang tote bag ko na nasa bench at sinabit ito sa balikat ko. “Sure ka ba diyan Mel? Jobee kami ngayon ni Tri.” Natakam naman ako dahil sa sinabi niya.  Fave ko kasi ang Jollibee pero marami pa talaga akong gagawin. Isa pa, para naman masolo nila ang isa’t isa. Ayoko munang maging third wheel ngayon. Nginitian ko naman si Trina, “Yes, sure ako. May dinner rin ako with mom and dad mamaya kaya kayo nalang muna. Tinatamad akong maging third wheel ngayon AHAHAHHA.” Napatawa naman silang dalawa sa sinabi.  “Mag-boyfriend kana kasi. Marami akong kakilala diyan.” Nakangiting sabi ni Vinson sakin. “Gagi, ayoko sa mga nirereto mo. Once is enough ulol.” Nagtawanan naman kami at nag-usap sandal saka na sila nagpaalam sakin at nagpasalamat si Tri kasi daw sinamahan ko siya. Okay lang naman sakin ‘yon. Nang umandar na ang kotse nila ay saka ako naglakad papunta sa kotse ko na nasa dulo naka-park. Medyo malayo pa nilakad ko papunta doon. May ilan pa namang sasakyan ang nakapark dito at sobrang liwanag naman kaya kahit natatakot ako ay oks lang. Alam ko rin nagmamadali na rin ‘yong dalawa kaya hindi ko na sila inistorbo. Nang matanaw ko na ang sasakyan ko, napansin ko ang isang bulto na nakatayo malapit sa driver’s seat. Medyo madilim na sa part kung saan ko na-park ang kotse ko kaya hindi ko makita ang mukha… pero base sa tindig niya ay mukhang lalaki siya. Hinanda ko naman ang pepper spray ko. Palagi ko ‘tong dala para incase diba…hindi na kasi safe ang paligid ngayon. Napahigpit rin ang hawak ko sa phone ko ng nasa sobrang lapit ko na at ni-ready ang flashlight nito. Kaagad kong tinutok ang flashlight ng phone ko ng apat na hakbang nalang ang pagitan namin noong bultong nakita ko. Napasigaw naman ako ng konti at napahawak sa dibdib ko ng makita ko ang mukha ng lalaking nasa harap ko ngayon at seryosong nakatingin sakin habang nakapamulsa pa. “Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Alam mo bang nakakatakot ka kanina.” Galit kong sigaw sa kaniya.  Pero ang totoo ay guminhawa ang pakiramdam ko ng makita ko siya. Akala ko talaga kong sino e. baka multo, di ba? Uso pa naman sa mga horror movies na ‘yong setting nila ay sa parking lot. Isa pa, diba kanina pa siya pumasok dito sa parking area. Akala ko nakauwi na ‘to. Wait, hinintay niya ba ako? Eewww ahahahahhahah. “Akala ko talaga multo.” Masamang tingin ko naman siyang tiningnan kahit alam kong hindi naman niya masyadong makikita ‘yon kasi medyo madilim dito sa kinatatayuan naming. “Do I look like a ghost to you?” mayabang niyang tanong sakin. “Yes, englishero na ghost.” Matapang at nang-iinis ko na sabi sa kaniya. “Gusto kaayo nako mahimong ghost kong ikaw akong hadlukon. (Okay lang sakin maging ghost kung ikaw naman ang tatakutin ko.)” Ha? Ano daw? Bisaya ba ginamit niyang language doon? “What? Pwede ba magtagalog ka para maintindihan kita.” Naiinis kong sabi sa kaniya. “Ganahan kaayo ko makita imong nawong na nahadlok…kay gwapa kaayo ka bisag unsaon. (Gusto ko talagang makita ang mukha mong natatakot…kasi maganda ka pa rin kahit anong mangyari.)” Nakangisi niyang sabi. Nangtritrip ata ‘tong lalaking ‘to e. “Kung mangtitrip ka lang, pwede umalis ka diyan sa daan ko at kailangan ko ng umuwi.” Sinunod naman niya ang sinabi ko at tumabi nga siya.  Nang ma-unlock ko na ang sasakyan, kaagad kong binuksan ang pintuan sa driver’s seat. Pero napatigil ako ng hawakan niya ang wrist ko at pinigilan akong pumasok. “Sasama ako sayo.” Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya. Sasama siya…sa bahay namin? “I mean…sasabay ako sayo. Susundan ko ang sasakyan mo pauwi para kunin ang bracelet ko.” Dugtong pa niya. Ahh okay…’yong bracelet pala ang kailangan niya. Sobrang importante siguro nun para sa kaniya at talagang sasabay pa siya sakin. “Fine. Pero sa labas ka lang ha…hintayin mo ako sa labas ng bahay namin at kukunin ko ang bracelet mo sa loob. Baka andun sila mama…baka ano pang isipin nila.” Pagpayag ko. Binitiwan niya agad ang wrist ko at agad siyang umalis. Aba, wala man lang response doon sa sinabi ko? Ako na nga ‘tong inabala niya. Bastos talaga, uugghh! Napansin ko naman na pumasok nasiya sa kotse na nakapark sa harap mismo ng sasakyan ko. Kaya agad na rin akong pumasok sa sasakyan ko at in-start ito. Nakasunod naman siya sakin ng pinaandar ko na ang sasakyan ko. Nang makarating na kami sa malapit sa bahay ay nakita kong nagpark siya sa gilid ng daan habang papasok na rin ako sa loob ng bahay naming. Dali-dali akong umakyat at napansin na wala pa sila mommy…napahinga naman ako ng maluwag at hindi sila magkikita ni Brenz.  Bumati sakin ang mga katulong na nadadaanan ko at ganoon din ako sa kanila. Nang makaakyat na ako sa taas ay kaagad kong hinanap ang bag ko na nalagyan ko ng bracelet niya. Nang mahalungkat ko na ito ay nahanap ko agad ang bracelet. Tinitigan ko ito at nakita at naka-engrave na letters na nasa loob ng dragon shape na pendant nito…LD. Sino naman ‘to si LD? Girlfriend niya? Kaya ba hinanap niya ‘to? Matamlay naman akong bumaba at lumabas ng bahay. Nakita ko pang napatingin sakin si Manong Renard, ang guard dito sa bahay, ng buksan ko ang gate kaya nginitian ko naman siya. Malapit na ako sa sasakyan ni Brenz ng dahan-dahan bumukas ang bintana sa driver’s seat.  Pinatong niya ang braso niya doon at tumingin lang sakin ng walang kaemo-emosyon. “Heto na bracelet mo.” Walang gana kong sabi sa kaniya saka inabot ang silver bracelet niya sa kaniya. Inabot naman niya ito pero may nakita akong konting pagtataka sa mga mata niya. Nagtaka ako kung para saan ‘yon. Pero kinuha na rin niya ang bracelet sa kamay ko at agad na sinarado ang bintana. Nabigla naman ako sa ginawa niya at mas lumaki pa ang mata ko ng bigla niyang pinaharurot ang kotse niya’t umalis. Gago talaga, hindi man lang nagpasalamat. Mawala sana ulit ‘yang bracelet mo, tsk. “Sino ‘yon, anak?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD