Cinderella and her brother

1215 Words
> Pagka-uwi namin ng bahay, bumungad sa amin ang napaka-raming servants at knights. May dumating bang Reyna dito at ganito nalang karami ang mga bantay nya. Fiancee, huh? Well. Bahala sila sa buhay nila basta ako aakyat kaagad sa kwarto. Kailangan kong ilabas yung kinain ko ng mabilis.  Dideretso na sana ako sa kwarto nang bigla akong hawakan ni Lace, hindi ko alam na damay parin ako sa gulong ito.  "Dito ka lang sa tabi ko." Napa-glare nalang ako sa kanya kasi pati ako dinadamay nya sa problema nito.  "Lace! Alam mo bang na-miss kita? Bakit kasi kailangan sa loob ng isang linggo dapat isang beses lang akong pwedeng bumisita dito?"  Pinapanood ko lang sila, sige lang maglandian kayo.  "Kahit kailan ay hindi ako nanabik sayo kaya tandaan mo ang lugar mo." Malamig namang tugon ni Lace. Ibang-iba ang tono ng pananalita nya kumpara kanina. Hindi kaya magkagalit silang dalawa? Nag-rolled eyes ako sabay tingin sa ibang parte ng sala. Again, wala akong pake sa kanila.  "H'wag ka naman ganyan sa aking anak."  Nagulat ako nang may matandang babae ang lumapit sa kanila. Aba, dala pala nya yung tatay nya ah.  "Marquess Leighnour, what are you doing here?"  Marquess? Wait, may mga titles sa panahong ito? Nasa sinaunang panahon ba ako? Di ko gets. "I want to give you my greetings, but it really broke my heart when I saw you treated my daughter like an ordinary girl. I can't believe you treat her like that." Habang nag-dadrama yung tatay nung fiancee ni Lace may pa hawak-hawak pa sya sa ulo nya akala mo totoo talaga.  "I'm sorry about that. Do you want to have a sit? Or you two prefer to stand up until you finally decided to leave?"  Hindi ko alam pero natatawa ako sa hirit ni Lace e, halatang ayaw nya sa dalawa.  Ni-dodge naman nung matanda yung tanong ni Lace saka sya lumapit sa akin. Medyo hindi ko gusto ang paglapit nya sa akin ah. "Miss Acrasia, how have you been? My son wants to meet you again, you two became childhood friends before, remember? But now he's all grown up and not all that, he is also good at his academics!"  Are he trying to brag his son to me? Pasensya na pero wala akong pake, okay?  "Hmm, sure why not--" Pagkasagot ko nun bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan.  Teka, saan nanggagaling yun? Pagkatingin ko kay Lace naka-glare na sya sa akin. As in deadly talaga. Sa tingin ko hindi sya pabor sa sinagot ko. Malay ko ba kung sino yung anak na sinasabi nya di ba? Um-oo nalang ako para hindi na humaba pa yung usapan. Kanina pa ako nababanyo dito ano ba. "Really?! That's great! I'll tell him you want to meet him."  Huh? Akala ko ba yung anak mo ang may gustong makita ako? Bakit parang iba yata ang narinig ko.  "Ehem. So, anong pakay nyo dito?"  Grabe yung boses ni Lace, napaka-bossy talaga nya. "My dear, hindi mo ba nabalitaan?" Sabi nung babae. "Ang alin?"  "Kumakalat na ang mga Level E sa buong bayan. Kalahati sa probinsya ng Chasour ang naging libingan na at kalahati ay mga naglipana nang mga Level E. Kailan mo nang madaliin ang paghahanda sa sakripis--" Nanlaki ang mata ko nang makita ko kung gaano kalakas ang pagsampal ni Lace sa babaeng nasa tabi nya. "Young Master!" "Duke!"  Nagulat kaming lahat sa ginawa nya.  Pero nangamba ako sa narinig ko galing sa babae. Kung itinuloy nya ang sinabi nya siguro ang maririnig ko ay Sakripisyo at ang tanging kakaiba lang naman sa bahay na 'to ay ako. Subalit napapa-isip ako kung anong klasing nilalang ang mga Level E na tinutukoy nya. "How dare you to make a fuss in front of my sister. Have you really forgotten your position here? Get out..."  Halatang naiinis na si Lace sa kanila, sobrang pinagtataasan nya na ng boses yung babae.  "Get out of my house this instant or do you want to see bloodshed in this house?"  Hindi nila malabanan si Lace o kaya mapagsalitaan man lang ng masama. Madaling lumayo ang dalawa pagkatapos ay nag-bow at umalis na. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kasi alam ko na ako yung tinutukoy nila.  I want to confront Lace about it but even my mouth was shut tightly because of the fear inside me.  Nakatayo lang ako saka nakatingin kay Lace, napansin ko kung gaano kagalit yung isa. Pati paghinga nya ay pabagsak, lubha syang naapektuhan doon? Ako nga hindi na kumikibo kasi wala akong ideya kung anong klasing nilalang ang mga Level E na tinutukoy nila pero base sa mga reaksyon ni Lace. Sa tingin ko yung mga nilalang na yon ay lubhang nakakatakot.  Tumingin bigla si Lace sa akin tapos umalis rin sya kaagad. Sinundan sya ni Renen at parehas silang pumasok sa kwarto.  Well, wala syang sinabi na kung ano. Sa tingin ko tinatago nya yon sa akin pero sadyang madaldal lang talaga yung fiancee nya kaya nabigla rin sya.  Pag-kapasok ko sa kwarto dumiretso ako sa may higaan, di ko na ramdam yung tyan ko dahil sa nangyari kanina. Nararamdaman ko ngayon ay pagka-antok.  "Ano kayang mangyayari sa akin kapag ni-sakripisyo ako? Ma-re-reincarnate kaya ako o papasok nanaman sa ibang katawan pero ako parin sa mundong 'yon?"  Naniniwala ako sa Parallel Universe kasi eto nga nangyari na sa akin pero nangangamba ako na baka may side-effect 'to sakin kasi ginugulo ko ang balanse ng Parallel Universe. Hindi ko naman kasi kasalanan kung bakit ako nandito.  Ah basta, ang mahalaga ngayon ay dapat maiwasan ko ang pagsasakripisyo sakin ng mga tao. Nandyan pa naman yung mga kayamaners ko kaya walang problema, I mean. Ang tanging problema ko lang naman ay ang pagtakas kasi ang higpit ng seguridad nila lalo na sa akin.  Habang nag-iisip ako ng malalim biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Kaya pinagbuksan ko iyon, tumambad sa akin ang mukha ni Renen. Yung Loyal butler ni Lace. "Bakit po?"  "Po?" Ay pucha! Nakalimutan ko na kahit anong tanda nya sa akin basta mataas ang antas ko sa kanya, sya dapat ang gumalang sa akin. "Ibig kong sabihin, err, bakit?" "Ipinapatawag ka ni Young Master Lace sa kanyang opisina."  Ha? Pero mag-gagabi na ha? Okay sundin na natin baka ano pa magawa sakin nun pag di ako pumunta e. At ayun nga, napadpad ako sa opisina ni Lace. Pagpasok ko doon, nakita ko si Lace na natutulog sa may kama. Ay wow, may kama yung opisina nya. Sosyalin. Lumapit ako sa kanya pero parang ang lalim na ng tulog nya. "Joke ba 'to?"  Bakit ako dinala ni Renen dito kung natutulog naman itong isa.  "Lay down."  "Ay putik na yan! Gising ka pala!"  Napatingin ako sa kay Lace tapos binuksan nya ang mga mata nya sabay frown sa akin. "Didn't you heard me? I said Lay down. This instant."  Napakati ako ng ulo, seryoso ba sya? Pero okay. Baka pagbuntungan nya ako ng galit. Kaya hindi na ako nag matigas pa at humiga sa tabi nya.  "I'm so tired of other people for telling me what to do."  Napa-blink ako ng ilang beses. MMK?  "They want me to throw you either. You, who's my only family left to me."  I see, so yun pala yung pino-poblema nya. Ayos din sya ah. Sabagay hindi pa talaga ako nakaranas ng may totoong pamilya.  Huminga ako ng malalim. "Don't worry. Hindi ako maaapektuhan sa sinasabi ng iba. Tanging ang mga salita mo lang ang pakikinggan ko."  Pagkatapos ay yinakap ko sya ng mahigpit tulad ng isang tunay na magkapatid. Ang swerte ni Acrasia kahit baliw ang kapatid nya pinapahalagaan parin sya nito.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD