>
>
Ang lakas nang tunog ng bell nila parang sa mga old school. Uso pa pala yung mga ganyang bell ano? Pero ayos din 'to kasi uuwi na lahat. Actually, hindi ako pumasok ng classroom ko kasi unang-una hindi ko alam kung saan yun at pangalawa, "I don't need to study!"
Ang kailangan ko ay maka-survive sa era na ito kundi masasayang lang yung pagkuha ko sa mga gintong kasangkapan at alahas doon sa bahay nila Lace.
Naglakad ako papunta sa front gate pero nanlaki yung mga mata ko nang makakita akong nakahelerang mga magagarbong sasakyan. Sa may bandang likuran ko naman, nakikita ko yung mga estudyante isa-isang sumasakay ng kanilang kanya-kanyang sasakyan. Napalunok ako ng malalim sa aking nakikita, grabe naman.
Sumilip ako sa likod ng mga sasakyan, wala akong maaninag na naglalakad.
"So, ibig sabihin lahat ng mga nag-aaral dito di-kotse?" Napangiwi nalang ako sa sobrang inis. Edi sila na, basta maglalakad nalang ako at nang makalayas na ako sa lugar na yon. Paunti-unti akong naglakad sa may gilid. Di naman ako pansin ng iba kaya maiiwasan ko yung panganib na sa tingin ko mangyayari. Tinakpan ko yung mukha ko gamit ang aking kamay, sana naman walang makakilala sa akin dito.
Ligtas naman akong nakarating sa may gate subalit pinigilan ako ng gwardiya nang makita nya akong naglalakad palabas.
"Sandali!" sabi nito sabay hawak sa braso ko. Napa-ngisi ako dahil sa inis, ba't hindi nalang nya ako hayaan. Nakakainis talaga!
"P-po?" medyo kinakabahan kong sagot sa kanya. Hindi ako pwedeng tumingin sa kanya kasi baka makilala nya ako. Mas magiging komplikado ang lahat kapag nagkataon.
"Bakit po kayo naglalakad, Miss?" Mapang-usisa nitong tanong. Hindi ba pwedeng nag-iistroll lang ako? Saka ano namang masama kung maglalakad ako? Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kailangan nasa sasakyan, kaya hindi kayo healthy kasi di kayo nag-eexcercise e.
"A-ah, aabangan ko kasi yung kotse sa labas. Ahehehe." Tawa ko nalang.
"Pero mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng school without premises. Kaya kung maari Miss bumalik ka na sa loob at baka naghihintay ang iyong sundo sa loob."
"Haa? Anong klaseng iskwelahan 'to, pati naman sa paglabas kailangan may sundo? Ano ako? 7 years old kid?!" Medyo pagalit kong bulong.
"Miss. Wag ka nang makulit."
Napapikit ako sa inis at sa muling pagbukas ng aking mga mata pwersahan kong hinila yung braso ko saka ako kumaripas ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero at least makakalayo na sa kanila.
"Teka sandali!" Pumipito sya sa akin pero as if naman na titigil ako sa pagtakbo kahit pumito ka pa jan kuya hindi ako hihinto para sayo.
Medyo malayo-layo narin natakbo ko pero hindi parin ako tumigil, hindi kasi ako sigurado kung hinahabol pa ako o hindi subalit laking gulat ko nang makita ko si Lace na nakatayo sa may malapit na poste. Napatigil ako sa pagtakbo pero natapilok naman ako sabay napadapa.
"Ugh--"
"Where are you intend to go? D'ya think I'll let you escape that easily?"
Hala, bakit sya nandito? Hindi ba busy sya or something? Hindi lang yon, alam nyang tumatakas ako?
"Young Master Lace! Oh, thank goodness naabutan nyo po sya!" That voice!
Biglang hinawakan ni Lace yung tiyan ko at binitbit nya ako ng walang kahirap-hirap.
"So, you still intend to escape after all? Paano kung makuha ka nanaman ng mga sindikato? Anong gagawin mo? Can you even protect your life kung ganyan ka kahina? Para kang bug na isang ihip lang ng hangin liliparin kaagad." Sermon ni Lace sa akin.
"Okay na yon kaysa naman maging sakripisyo sa kung ano! At sarili ko pang pamilya gagawa nun sakin, hindi naman po masakit." Medyo nagtatampo kong wika.
"Ha? Isasakripisyo? Ano bang sinasabi mo?" Aba magkakaila kapa, nakita ko na yun! Kaya nga binalak na lumayas din ng totoong Acrasia di ba?
"Kung ganon ang tumatakas ay ang kapatid mo po ah? Buti nalang talaga nasabi ko kaagad."
Hindi ko sya kapatid!
"Salamat, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak nya. Hindi pa sya nakainom ng gamot kaya sinasapak nanaman sya sa utak." Wow, salamat ha. Nasabihan pa ngang baliw.
"Walang anuman po. Basta po ikaw. Young Master--I mean, head master."
Pagkatapos ng chit-chat nila naglakad si Lace papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin pero wala rin akong magagawa kundi sumama sa kanya kasi hanggang ngayon buhat nya parin ako.
"Wag ka na ulit mag-babalak umalis. Kung ano man ang iniisip mo, hindi totoo yan. Hinding-hindi kita isasakripisyo kahit kanino."
Hindi ko inaasahang maririnig ko yun sa kanya. Totoo ba ang narinig ko? Baka naman nagsisinungaling lang sya para tumigil ako sa pagbabalak na tumakas? Pero parang totoo kasi, malay mo di ba?
"Saka, sino ba namang kuya ang gugustuhin na mapahamak ang kapatid nya? Kahit medyo sakit ka sa ulo mahal pa rin kita. Kaya tumigil ka na kakatakas kundi ikakadena nalang kita sa kwarto mo."
Wow talaga, gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi mo! sobra!
Napansin ko na tila dumadami ang tao na nasa daan, teka san nya ba ako dinala? Ang daming tao, hindi kaya 'to palengke?
Huminto sya sa tapat ng isang cake store. Dahan-dahan naman nya akong binaba sa pagkabitbit nya sa akin pagkatapos ay pumasok sya sa loob. Sumunod naman ako kasi gusto ko rin kumain ng cake, kila tita kasi pag kumakain sila ng cake sila-sila lang.
Pagbukas palang ng pinto nang cake store napatingin silang lahat sa amin--Customer at Employees. Parang natigil yung oras dahil sa amin, lahat hindi gumagalaw at tila na-shock sa presensya naming dalawa kaya lumapit ako kay Lace para magtanong.
"Uh, bakit nararamdaman kong center of attaction tayo dito?" Bulong ko sa kanya. Medyo nahihiya ako sa nangyayari sa amin. Subalit sa halip na sagutin ako ni Lace, nanakot pa ang sira-ulo.
"Anong tinitingin-tingin nyo dyan? Hindi nyo ba kami pagsisilbihan o gusto nyong maubos ang pasensya ko at ipapatay ko kayong lahat sa aking mga knights?"
W-what the hell?!
Pagkasabi ni Lace sa mga salitang yun, biglang nagsitayuan ang mga customer ng tindahan. Lahat sila hindi magkanda ugaga sa paglabas ng shop tapos yung mga employees natataranta na sila. May lumapit sa aming naka-maid dress at napilitan itong pagsilbihan kami. Saludo ako sa katapangan mo, Sis!
Pinaupo kami sa gitna, tapos ang daming inilabas na mga desserts at pastries. Hindi ko maawari kung sino ang may kaarawan e.
"Sya nga pala Acrasia, napapansin kong hindi mo na ako tinatawag sa pangalan na lagi mong itinatawag sa akin."
Ha? Tinatawag ko sayo? Ano naman itatawag ko sayo, jerk. Oo nga no? Ano ba tawag ni Acrasia sa kanya?
"Maganda syang tawaging Cockalorum o kaya snollygoster...pero pwede naman syang pumili sa dalawa."
"Huh?" Ang akala ko nasa utak ko lang yun pero pagdinig ko sa parang lumagapak sa pwesto nya napatingin ako sa kanya nang medyo kinakaban, hindi pala medyo--parang hinahabol yung puso ko ng kabayo dahil sa glare na ginagawa nya sa akin.
"A-ahh-ahahaha! Wala--"
Bigla nyang ibinagsak ang kamay nya sa may mesa. Lahat kami sa loob ng shop kinabahan, napansin ko kasi maging yung nakatayo nalang sa gilid nagulat pa.
Nako, napaka bilis naman magbago ng mood ang lalaking 'to. Ano ba, sabihin mo nga sa akin kung nireregla kang hayop ka!
"Sa tingin mo ba hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga salitang 'yon?"
Hala, isip Acrasia. Pag nagpatuloy ang ganito baka lapain nya ako dito--Nako, feeling ko talaga mahihimatay na ako dito dahil sa takot sa kanya. Ano ba tawag ni Acrasia sa hinayupak na'to.
"Young Master! Lace---" Pero habang tumatagal yung conversation namin parang mas umiinit yung pwet ko sa upuan dahil sa takot.
Hindi ba nya gusto ang tawag ko sa kanya? Uh, baka hindi ganon yung tawag ni Acrasia sa kanya kaya ganyang yung reaksyon.
"Joke lang, Kuya! Kuya Lace? Mahal kong matapang at mabait na kuya Lace!" Putik parang masusuka ako sa mga pinagsasabi ko ngayong mga oras na'to.
Pero nagbago yung reaksyon nya nung sinabi ko yun. Parang naging kalmado sya kumpara sa pagiging nakakatakot nya kanina.
Sa tingin ko yun yung tawag sa kanya? Ulitin ko kaya with matching pa-cuteness.
"Mahal kong Kuya Lace!" Sabi ko sabay ngiti sa kanya na medyo pilit.
"Tigilan mo nga yan, di ka ba nahihiya sa ginagawa mo?"
What the heck!? Sa tingin mo sino ba ang dahilan kung bakit ko ginagawa 'to? Sayo! Sayo! Ugh.
Pero napansin ko syang umilag ng tingin sa akin habang takip yung bibig at ilong nito. Aba'y hindi naman ako umutot ah.
"Wag mong ipapakita sa iba yan. Dapat sa akin lang maliwanag ba?" Nang muli syang tumigin sa akin napansin kong medyo nag kukulay pula sya.
Hindi ko rin maintindihan kung anong ibig nyang sabihin pero sige. Di ko naman talaga ipapakita yan sa iba, ano ba! Nakakahiya kaya, sayo lang ako walang hiya.
Nakatingin ako sa may cake, ang dami neto. Kahit naman sabik ako sa cake hindi ko iisipin na mauubos ko lahat ito.
"Ba't ayaw mong galawin ang nakahapag sa harapan mo? Wag mong sabihin na hindi mo type yan?" Okay, ayan nanaman sya e. Binibigyan nya talaga ako ng dahilan para kamuihan sya e.
Kumuha ako ng tinidor at ayun kinain nalang yung mga cake kahit napipilitan ako. Isang oras din kaming nandito, at pucha pagkatapos nang isang oras na yon hindi ko pa ubos 'tong cake na ito. Hindi lang yon, hindi ko talaga sya nakitang kumuha ulit ng cake. Sa tingin ko nga pinaglaruan nya lang yung cake sa platito nya e!
Nasusuka na ako, di ko na kaya. Pero pinagmamasdan nya parin ako, balak nya ba akong gawing baboy?!
"Pfft. Ibang klase ka talaga. Ang laki ng pinagbago mo." Tapos ayun bigla nya akong pinagtawanan. Sya talaga may sayad dito hindi ako. "Tama na yan." nagulat nalang ako nang i-pat nya yung ulo ko.
Tumingin ako sa ibang direksyon dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.
"Young Master."
Nakita ko yung julalay nya na nandyan, lumapit sa amin.
"What is it?" Tanong naman nitong isa.
"Your Fiancee has arrived at the mansion."
Nagulat ako nang marinig ko yung bulungan nila. May fiancee pala sya?!