Cinderella at the Eupheus Royal Academy

1537 Words
  Nakatingin sya sa akin ng masama. Hindi naman ako makagalaw dito sa kinatatayuan ko dahil sa takot. Nakita ko naman syang naglalakad papunta sa akin, lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kanyang paglapit.  Please don't kill me, please don't kill me, please don't kill me. Paulit-ulit kong dalangin sa utak ko. Napansin ko na tinignan nya muli yung tea-cup na nabasag kanina pagkatapos ay tumingin sya ulit sa akin.  "Acrasia--"  "P-po?"  Bigla nyang hinawakan ang magkalaang braso ko, ito na yun! Babaliin nya na ang braso ko, tapos cha-chop-chapin, tapos itatapon!  "What the hell are you doing with those things, silly?"  "H-ha?"  Nagulat nalang ako nang yakapin nya ako ng mahigpit, "I'm happy to see you here early in the morning. Pero may trabaho pa ako kaya doon ka muna sa loob. May pag-uusapan tayo mamaya." Ano naman ang uusapan namin? Pero sumunod nalang ako sa gusto nya kasi baka magsalita sya tungkol sa tea-cup na nabasag ko.  "Okay." Masunurin kong tugon. Paalis na ako nang bigla nya akong pigilan, "Teka... Hindi mo ba dadalhin ang mga nahulog mo?" Dagdag pa nito. Napangiwi ako sa kanya.  "S-syempre dadalhin ko." Pinulot ko yung mga nahulog ko kanina, "San mo ba balak dalhin ang mga yan, pati ang mamahalin kong tea-cup ay hinakot mo?"  Tumingin ako sa kanya at ngumiti kasama na ng nerbyos ko.  "W-wala naman, gusto ko lang silang ipasyal--" "Ha?"  Binilisan ko nalang ang pag-pupulot ko ng mga dyamante at pati yung nabasag kong tea-cup ay pinulot ko na din kasi ginto parin yun e. Pwede ko pang ibenta.  Nang matapos na ako ay dali-dali akong pumasok sa loob. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating ako sa sala. Binunot ko kagad yung tumutusok na golden rose sa tyan ko pati yung nakasabit na purse sa may hita ko tinanggal ko narin.  "Hindi ko pwedeng bitbitin 'to kung hindi pa ako makakaalis dito."  Tumingin ako sa paligid para maghanap ng pwedeng pagtaguan sa mga escape treasure ko, Pero wala akong mahanap na eksaktong lugar pa sa mga babies ko kundi ang inuupuan ko ngayon. Tinanggal ko yung unan sa sofa at sa ilalim nun ay pinaglalagay ko yung mga kayamanan ko. Tinignan ko ulit ang mga yon bago ko takpan, "Wag kayong mag-alala. Hindi ko kayo iiwan pag umalis ako dito." iyon nalang ang huling mensahe ko.  Sakto namang may biglang lumabas na maid sa kung saan. Medyo nagulat ako sa kanya pero buti nalang natakpan ko na yung mga kayaman ko ng maayos.  "Young Lady, Handa na po ang agahan. Ipinag-utos ni Lord Lace na mauna na po kayo sa pagkain."  Ngayon ko lang napagtanto na sya pala yung Lace na narinig ko nun sa babae. Nako, kawawa naman talaga yung babae kasi pinagmamalaki pa nya sa mga sindikato na ililigtas sya ng mokong na yon pero iniwan lang sya sa ere. Ano na kaya ang nangyari sa kanya?  Pumunta ako sa may kusina, At ayun, nakahapag na kaagad yung mga pagkain. Parang lagi nalang may fiesta dito, halos kami lang namang dalawa ang kumakain tapos nakatingin lang yung mga katulong at butler. Medyo nararamdaman ko yung nararamdaman nila sa tuwing kumakain yung mga amo nila tapos sila yung kakain ng tira-tira, pero okay lang yun dito kasi kahit may tira, marami silang choices. Minsan nga hindi naman nagagalaw yata pagkain dito e.  Umupo ako sa upuan, kumuha ng kutsara saka tinidor. "Ang laki naman ng litsong ito." Napalunok ako ng malalim, hindi pa ako naka-kain ng ganito sa buong buhay ko.  Kumuha ako ng konting laman galing sa litson, isusubo ko nalang yun ha. Pero napansin ko yung maid na nakadungaw sa akin tapos nakabukas din yung bibig. Medyo nahiya ako sa kanya, ba't di nya sabihing gutom din sya di ba.  "Ah, kung gusto mo... Samahan mo nalang kaya ako sa pagkain?" Nakangisi kong ani.  "Pero, pero hindi po pwede. Magagalit po si--" "Ano ka ba, wala naman sya dito saka ako lang 'to. Ayos lang sa akin, samahan mo na ako habang wala pa sya."  Laking tuwa ko naman dahil ang bilis kumbinsihin nung katulong, umupo kaagad sya. Sa tingin ko gutom na gutom talaga sya.  "Kumuha ka na dyan ng kahit ano."  Kahit hindi ako yung nagpapasweldo sayo at ang bumili nyan, feel free; I-susubo ko na talaga sana nang bigla nalang lumitaw si Lace galing sa entrance ng kusina. Nahulog tuloy yung litson sa plato ko ulit.  "Acrasia?... Bakit may kasama kang maid na kumakain?" Sobrang nerbyos naman ng katulong at napatayo kaagad sya saka lumuhod sa harap nung isa. What the heck? Anong klase trato ginagawa nya sa mga katulong dito? "Patawarin nyo po ako sa kalapastanganang ginawa ko, My Lord. Hindi ko po sinasadya--" Tumingin si Lace ng masama sa babae, "Ayoko nang makita ang mukha mo dito ulit." sa pagbabantang yon, nakaramdam din ako ng takot katulad ng takot na nararamdaman ng babae. Tumakbo ito palabas, samantalang nanginginig naman ang buong katawan ko habang nakikita ko si Lace na palapit sa akin.  Paparusahan nya ba ako dahil lang sa pag-papakain ng isang katulong? Aba matindi! "Bakit ka sinasamahan ng isang katulong? Hindi ba ayaw mo sa kanila?"  Naguluhan ako sa kanya nang marinig ko yon sa kanya. Ayaw ni Acrasia sa mga katulong? Di ko masyadong gets. Bakit naman? "Ah- Pero nagbago na yung isip ko. Hehe..." Mas lalo nya pa akong pinaghinalaan kaya medyo inilag ko yung tingin ko sa kanya. Pinag-papawisan din ako ng malamig dahil sa ginagawa nyang pag-titig sa akin.  Ano ba? Kung may sasabihin ka pang iba sabihin mo na! "Talaga? Hindi ba takot ka sa kanila dahil noon, isa sa mga katulong ang nagbalak na lasunin ka. Hindi lang 'yon, yung matagal nang katulong ay binalak kang kidnapin kaya isinumpa mo sila noon. Tapos ngayon sasabihin mong nagbago na ang isip mo ng ganong kadali?" Paliwanag nya sa akin.  Hala, hindi ko naman alam na ganyan ang sinapit ni Acrasia sa mundong ito. Saka lumaki akong katulong kaya naaawa ako sa kanila, magkaiba kasi kami kaya hindi ako natatakot sa mga katulong e. Ngunit kung nagsasabi nga sya ng totoo, sa tingin ko kailangan kong mag-ingat pag-dating sa mga katulong.  Umupo si Lace sa harap ko, nanatili akong tahimik at pinagmamasdan nalang ang litson na nasa plato ko. Dapat talaga kasi hindi ako padalos-dalos sa mga pinag-gagawa ko sa mundong ito. Paano kung malaman nila na hindi ako ang tunay na Acrasia? Baka patayin nila ako, saka sa pusto palang nang lalaking 'to feeling ko magagawa nya talaga yun ng walang kahirap-hirap.  "Pero kung sa tingin mo talaga ay ayos ka lang. Hahayaan kita sa gusto mo. Kumain ka na dyan. Kung ahas lang yang pakain na nasa harapan mo, kanina ka pa natuklaw."  Grabe, ganda kasi ng timing mo e. Kakain na talaga ako kung di ka lang dumating.  "Sya nga pala, may sasabihin ako sayo." "...?"  Sa-wakas na nguya ko narin ang makunat na litson sa aking bibig, hm-ang sarap naman talaga! "Sa lunes ay mag-uumpisa na ang klase mo." Napa-frown ako sa kanya.  Nag-aaral pala ako? Pero para saan pa kung isasakripisyo naman ako sa kung ano. Useless din, o baka naman gusto nyang iparanas yun sakin bago ako mamatay?  "Tandaan mo ang babala ko sayo noon, maliwanag ba?"  Napa-isip tuloy ako kung ano yung babala nya noon. Uhm, hindi ko ba pwedeng sabihin sa kanya na ako si Acrasia pero hindi ako si Acrasia? Argh! Natatakot ako na baka pag nalaman nyang isa akong impostor baka paagahin nya ang pagpunta ko sa langit.  Wala pa akong balak lumipad papunta doon! Saka, secured na future ko gamit ang mga escape treasures ko.  Sige, ganito nalang ang gawin mo Acrasia, dalhin mo ang mga kayamanan mo sa eskwelang sinasabi nya tapos tumakas ka nalang din. Hay nako, ang talino ko talaga kahit kailan. At least sa naisip kong 'yon mas mapapadali ang pag-alis ko sa bahay na'to.  --- Nakatingin nalang ako sa may bakod ng eskwelahan.  "Wow. Wow naman talaga."  Hindi talaga ako namamangha sa nakikita ko, sarcastic yan! Paano naman kasi, sobrang taas ng bakod. Imposibleng makapag-over the wall ako sa lagay na 'to!  Nasa skwelahan ako, medyo kakaiba yung mga estudyante dito pero hindi talaga doon nakatuon ang pansin ko kanina pa. Nakaka-dismaya kasi nasayang lang ang katalinuhan kong ginamit para sa imposibleng plano. "Ang sakit ng utak ko sa nakikita ko, pucha."  Napahawak nalang ako sa ulo ko at napakagad ng labi. So, sabihin mo nga Acrasia... Paano ka tatakas sa mataas na bakod na yan? Hindi ka naman nakakalipad di ba?  Pero may naisip nanaman akong magandang ideya.  "Tama! Ba't di nalang ako dumaan sa mismong gate? Sigurado akong may naglalakad naman pauwi sa mga estudyante dito di ba? Sasabay nalang din ako sa kanila."  Wala talagang makakatalo sa katalinuhan mayroon ka Acrasia! Magaling.  "Pero paano kung harangan ako ng mga butler ng lalaking 'yon? Nag-iistand out itsura ko kaya siguradong madali nila akong makikilala." Mag-isa kong kinakausap ang sarili ko pero ayos na rin 'to kaysa kimkimin ko sa loob ko.  "Maya mo na yan problemahin. Sasabayan ko nalang ang mga estudyante." Tumango ako dahil sa wakas naisip ko na ang alternative na plan ko. Ngunit pagharap ko sa aking likuran, nagulat ako nang may makita akong lalaki na nakasandal sa pader. Chill lang sya doon, teka may hinihintay ba ito?  Napatingin ako sa paligid pero wala namang ibang tao bukod sa akin at sa kanya.  Okay, mag-papatay malisya nalang ako. Kunwari hindi ko sya nakita.  Dadaanan ko na sana sya nang bigla nalang mag-salita yung lalaki. "Tatakas ka sa Eupheus Manor? Gusto mo bang tulungan kita?"  That guy suddenly offered me a suspicious helping hand. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD