Pag-gising ko sa umaga nag-taka ako dahil ang dilim pa rin. Umupo muna ako at umuyab, napansin ko ang malaking kurtina sa may kabila ko.
"Hindi naman kaya natatakpan ang araw ng kurtinang ito?"
Hindi kasi ako sanay sa ganitong sitwasyon kaya gumising din ako ng maaga. Inayos ko yung kurtina saka sumagana sa akin yung sikat ng araw. Nakakasilaw pero naramdaman ko kung gaano kainit ang araw na'to, ang sarap sa pakiramdam.
Nandito parin ako sa bahay na ito, kagabi lang nalaman ko na isasakripisyo ako pero hindi ko alam kung kanino ako isasakripisyo.
"Dapat pala tinanong ko?"
Pero kahit kanino man ako isakripisyo, hindi ako papayag! Mabubuhay ako at payapa ang magiging buhay ko.
Inilagay ko ang aking kamay sa bandang may baba ko sabay isip ng malalim, "Kung ganon dapat din akong makatakas dito? Tulad ng nakita kong imahe ni 'Acrasia' pero napaka-malas naman nya kasi nadakip sya ng mga sindikato." Naglakad ako sa silid at nakita ko ang repleksyon ko sa salamin.
Nakita ko rin ang pulang mga mata ni 'Acrasia' nakaka-stand out nga ang kulay ng mga mata ni 'Acrasia'. Sandali nga lang, kung nandito ako sa katawan na ito ibig sabihin nasa katawan ko si Acrasia hindi ba? Ano kaya ang kalagayan nya?
Sa pagkakatanda ko nasagasahan ako pero hindi ko alam kung namatay ang katawan na yon o hindi. Sana hindi sya namatay, "Kasi ako, kailangan ko nanaman tumakas upang mabuhay."
Kung tatakas ako, dapat tiyakin ko ang dadalhin kong pera. Unang-una yun sa lahat.
"Alam ko na! Kahapon may nakita akong mala-ginto na mga bagay sa labas. Siguradong mamahalin ang mga yun."
Nakita ko yung cabinet ni Acrasia kaya lumapit ako dito atsaka binuksan, pagbukas ko ang daming alahas ang nakalagay sa loob. Literal na kumislap yung mga mata ko. "Uwaha-" ang yaman talaga nila, hindi na ako mamomoblema sa pera nito. Kumuha ako ng isang kwintas at kinagat, "Ginto naman 'to di ba?" Hindi naman siguro ito peke kasi mayaman sila.
Naghanap ako ng purse kung saan ko pwedeng ilagay yung mga alahas. "Sorry Acrasia pero tawag ito ng pangangailangan. Sa ganitong sitwasyon dapat maging smart ako." Nang makakita ako ng lalagyan na pwede kong paglagyan sa mga alahas na nakita ko, inilagay ko lahat doon. Tapos tumingin narin ako sa iba pang lalagyan kung saan nakakita naman ako ng kumikinang na dyamante.
"Oh my god-is this for real?" Sandali, masyadong maliit yung nakita kong lalagyan. Wala na bang iba dito? Baka merong bag dito o kaya naman plastic.
Naghanap ako sa buong kwarto pero wala akong makitang paglalagyan ko.
"Tingin nga ako sa labas. Tahimik pa yung buong bahay kaya siguro natutulog pa yung mga yun." Bulong ko sa sarili ko pagkatapos ay itinali ko sa hita ko yung lalagyan kasi walang bulsa itong suot ko. Paglabas ko ng kwarto, malinis yung pasilyo. Walang tao ang makikita sa lugar at dahilan upang kumalma ako ng konti, kukuha lang ako ng plastic tapos babalik sa kwarto saka na lalayas dito.
Ang galing ng plano ko, hindi nila ako mapapansin kasi magaling ako sa pagtakas. Kahit na hindi ko nagawang makatakas sa tita ko noon kasi pulubi sila e. Wala akong maibebenta sa bahay na 'yon, dito marami akong mabebenta, baka nga mabenta ko rin yung lalaking yun e.
Dumiretso ako sa kusina kasi doon naman madalas nakikita yung mga plastic, saka nakapunta narin ako dito kagabi kaya alam ko na pagpunta dito sa kusina. Tumapat ako sa mga cabinet sa may bandang ilalim pero pag-bukas ko ng cabinet, nakakasilaw na liwanag ang nakita ko.
"Oh my god, wha-?"
Puro gintong baso ang aking nakita sa ilalim, napa-upo ako sa may sahig. Naramdaman kong naglalaway din ako. Hindi ako mukhang pera pero parang ganon narin ako ngayon, sino ba naman ang hindi mamamangha kapag may nakita kang gintong tea-cup. Ni-try kong kumuha ng isa at pinag-kakagat ko, hindi ko alam kung anong lasa ng ginto pero ang sarap kumagat ng ginto.
"Siguro magdadala narin ako ng isang tea-cup." Ngumiti ako ng masama, nakakita ako ng plastic sa may tabi, buti nalang. Ipinasok ko doon yung tea-cup na dinaklot ko sabay dahan-dahan na isinara yung cabinet.
Pag-tayo ko, kaagad akong kumaripas ng takbo pabalik ng kwarto ko. Medyo nakakahingal 'tong ginagawa ko pero at least sulit kasi nakakuha ako ng gintong tea-cup. Pinagdadampot ko na ang mga dyamanteng nakita ko sa drawer ni Acrasia. Noong nadampot ko na lahat, itinali ko sa kabilang hita yung plastic. Bago ako lumabas ng kwarto nakita ko nanaman ang itsura ko sa salamin.
"Nakaka-pukaw ng pansin 'tong matang ito. Paano ko kaya tatakpan ito?" Napansin ko rin yung suot ko, mala-gown pala. Hindi ko napansin kanina kasi sobrang nagmamadali akong dumaklot ng kung anu-ano.
Pero hindi ko naman matatakpan yung mata ko e, siguro yuyuko nalang ako kapag nasa labas na ako para hindi makita ng ibang tao.
Paglabas ko ng kwarto, nakakapagtaka kasi wala talaga akong makitang katulong sa pasilyo. Anong oras na kaya pero ayos na rin yun kasi mas magiging convenient kung wala sila. Natatandaan ko pa kung saan yung palabas dito, buti nalang hindi ako makakalimutin.
Naglalakad ako sa mahabang daanan, halos dim light yung ilaw sa hallway, yung parang pang horror movies. Dahil ba hindi nasisinagan ng araw yung parte ng bahay na 'to? Saka kita ko pa na nakabukas yung ilaw ng chandellier.
Malapit na ako sa labas ng may makita naman akong gintong korte ng rose. Nasilaw nanaman ako, ba't ba puro ginto ang naririto? Ugh, nilapitan ko ito.
"Ang ganda naman..." Ano ba naman 'to, nakatali na yung plastik sa binti ko e. San ko kaya itatago 'to? Teka kukunin ko ba ito o hindi? Ang ganda kasi e, sigina nga-idagdag ko narin sa koleksyon ko.
Dinampot ko yung gold na rose at kinagat. Para makasiguradong ginto yung hawak ko, pagkatapos ay isinuksok ko nalang sa may loob ng bra ko.
"Pucha, tumutusok. Pero titiisin ko hanggang sa makalabas ako dito." Cheer-up ko sa aking sarili.
Nakikita ko na ang liwanag palabas, sa wakas!
Masaya akong naglalakad palabas pero hindi ko inaasahan yung nakita ko paglabas ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakatingin lahat sa akin yung mga katulong at pati mga butler ng mansyong ito. Napa-jawdrop ako tapos kasing laki na ng planggana yung mga mata ko sa sobrang gulat.
"What's wrong, everyone?"
Mula sa kinatatayuan ko, nakita ko yung lalaking yon na nakatalikod sa akin.
"Young Lady, what are doing here? Are you here to watch the ceremony?"
Ceremony? Anong ceremony ito? Hindi ako na-inform.
Kung ganon nandito silang lahat para sa isang seremonya? Tsk, ang ganda ng timing ko ah. Kaya pala walang katao-tao sa loob kasi nasa labas lahat sila!
Tumingin naman bigla yung lalaki sa akin ng blanko. Dapat ba akong mag-sabi ng 'Hi' ? Nag-away kami kagabi e.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kinakabahan din ako pero pag tumayo lang ako dito-mahahalata nya na may binabalak ako. Tumakbo ako papunta sa mga katulong at nakipila narin, nakakainis kasi ang bigat ng dalawang hita ko isama mo pa yung tumutusok sa tiyan ko.
"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong naman nung lalaki sa akin.
"Mag-eexcercise...Kasama nila?" Sagot ko.
"Huh?"
Tumingin ako sa kabila ko at tinanong yung isang katulong.
"Anong ginagawa nyo dito?" Pabulong kong wika.
"Ha? erm, kami po ay nagkakaroon ngayon ng combat training."
Napanlakihan ko sya ng mata, "Ha? C-combat?!"
Dito palang kahina-hinala na ang kinikilos ko, putik. Aba'y malay ko bang combat training yung ginagawa nila. Dahan-dahan kong tinignan yung lalaki saka nalang ngumiti ng peke.
"Ahahaha... K-kinukumusta ko lang sila."
Pero kahit nakangiti ako sa kanya, blanko parin yung tingin nya sa akin kaya medyo kinabahan ako. Lapitan ko kaya? Hm, sige lapitan ko nalang kasi feeling ko naman close na close sila ni Acrasia e. Lalapit na sana ako sa lalaki ngunit paghakbang ko sa may hagdanan biglang kumalas yung plastik sa hita ko.
Uwahh-!
Pagbagsak ng plastik, nakita nilang nabasag yung gintong tea-cup.
Natulala ako dun sa gintong tea-cup ko.
"Eh?" Napalunok din ako ng malalim. Ang ganda ng timing nito, dito pa sa maraming tao.
Pagtingin ko ulit sa lalaki, naka-glare na sya sa akin.
Uwaahh! Nakakatakot yung tingin nya. Please wag mo akong patayin dahil lang sa mamahaling tea-cup!