Chapter 10 Di ko na lang pinansin ang gaga, kasi pati ako naloloka na sa kabaliwan niya. Langya. Inisip na niya agad na may super powers siya? Sarap talagang ingudngod sa inidoro yung feslak niya para matauhan siya sa kashungaan niya. Pasalampak akong humiga sa kama at pinakalma ang inis ko. Kalaunay di ko namalayan na nakatulog na pala ako. "Hoy bata, bakit umiiyak ka?" Tanong ko sa batang humihikbi sa may batuhan malapit sa dagat. Di niya ako pinansin at patuloy pa rin siya sa paghikbi. "Hoy! Bingi ka ba? Di mo ba ako naririnig?" Sunod sunod kong tanong. Kapagkuway lumingon siya sa akin sabay punas ng mga luha niya. "Im lost. Can you bring me home?" Tanong niya sa akin. Napakunot noo ako. "Waah! Alien ka ba? Bakit ganyan ka magsalita?" Eh kasi naman eh, ngayon lang ako nakarinig ng

