Chapter 9 Napatili ako ng biglang sumulpot sa unahan ko ang isang nakakatakot na nilalang. Puno ng putik ang buong katawan at amoy imbornal. Jusme! Kaderder masyado. "Ngay! Ngrabe siya! Ngako to si ngo ngo. Ngemember me?" Sabay kaway niya sa akin. Langya! Tinakot pa ako. Eh sino bang di matakot no kung nag space out ka dahil sa kakatawa sa bangayan kanina doon sa tindahan tapos bigla bigla na lang may taong putik na parang kabute na sumulpot na lang bigla. Ewan ko lang kung di ka magtatakbo. "Ngongo! Bakit puro putik katawan mo? Hinabol ka ba ng tikbalang? Ni r**e ka ba? Bakit ganyan ang ayos mo?" Nag alala kong tanong sa kanya. Di ko kasi maintindihan kasi nakakaawa talaga porma niya ngayon. Mukha siyang balot na ewan. "Wag nga ngang ngo ngey(OA) ! Ngag ngun(sun) bathing ngako ngasi

